—Angela’s POV—
Pinili ko na lang tumahimik dahil mukhang ayaw na nitong magtanong pa ako tungkol sa Agnes na iyon at sinabi nito.
Pero…. Hindi pa rin ako mapakali dahil sa reaksyon nito sakin.
“Sino si Agnes?” tanong ko kay Rain ng makasakay kami sa sasakyan nito.
Tinitigan muna ako nito bago sumagot. “Pwede ba, tigilan mo na ang pagkukunwari mo.” Mahina pero mahihimigan ang galit sa boses nito.
Pagkukunwari?
Tumingin ito kay Sunny bago nito pinastart yung sasakyan nito. Ano nanaman bang nagawa ko para mabadtrip siya? Tsk.
Nang makarating kami sa bahay nito ay wala pa rin kaming imikan, kinuha nito sakin si Sunny at pumasok na nang bahay, sumunod naman ako pero ng akmang susunod din ako pataas ay pinigilan ako nito.
“Dito ka lang, may pag-uusapan pa tayo.”
Wala na akong nagawa dahil sobrang seryoso nito, mas seryoso pa siya ngayon kesa dati. Tiningnan ko naman si Sunny na nakatingin sakin, tulad ko, mababakas sa mukha niya ang pagtataka.
“Ang moody talaga ng Ulan na yon!” >_____“Umupo ka.” Utos nito. Tss. Hilig mang-utos, ako naman itong sunod. Umupo ito sa katapat ng kinauupuan ko.
“Dalawang buwan ka na lang dito.” Panimula nito.
“Oh.Em.Gi! Talaga?!” *u*
“Ang mga magulang mo lang naman ang gusting manatili ka dito.”
“H-ha?”
“Kung pwede nga lang kahit ngayon din mawala ka na sa landas namin, pero alam kong hindi papayag si Mr. Bretaña.”
“Ano? Sila ang may gustong mangatulong ako dito?! P-pero… bakit?!”
“Hindi mo pa rin ba mahalata? Gusto ka nilang mapalapit sakin, umaasa silang magugustuhan ko ang isang katulad mo.” Diretso at seryosong pahayag nito. Hindi man lamang niya naisip ang mararamdaman ko. Para bang sinasabi nito na ako na ang pinakanakakasuklam na babaeng nakilala niya.
Bakit sobrang sakit marinig ng mga ito sa kanya? Bakit ba sobrang baba ng tingin niya sakin?
“Bakit ganyan ka? Bakit sobrang sama mo sakin? Kapatid ako ni Ate Selena! Kapatid ako ng asawa mo! Pero bakit ganito ang turing mo sakin?!”
“Tama na, pwede ba, tigilan mo na nga yang pagpapanggap mo. Tayo na lang namang dalawa, diba? Nasusuka na ako sa pagkukunwari mo.”
“Hindi kita maintindihan, ano bang sinasabi mo?!” Hindi ko maiwasang maglakas ng boses. Naguguluha na ako.
“Wow, best actress, Angela!” tumawa ito. Nagulat ako ng tabigin niya yung flower vase sa lamesang nasa pagitan namin. “Huwag mo nga akong patawanin! Amnesia?! Sinong niloko mo! Bakit ba ginagawa mo pa ito. Nagagalit ka? Kanino? Samin ng Ate mo? Kulang pa ba ang pagpatay mo sa kanya?!” lumapit ito sakin at hinawakan ang magkabilang balikat ko ng mahigpit. “Ano? Sabihin mo! Gusto mong maghiganti?! Para saan?!”
Napatungo ako, kasabay non ang masaganang pagtula ng luha ko. Hindi ko maintindihan, bakit ako umiiyak? Dahil ba sa higpit ng pagkakahawak nito at sa sakit na hatid niyon o dahil sa mga sinasabi nitong hindi ko maintindihan.
Tiningnan ko ito… bakit ako umiiyak kung wala akong maintindihan? O dahil ba sa galit sa mga mata nito… sa mga mata nitong sakin nakatingin.
B-bakit ganito niya ako tingnan? Bakit ba galit na galit siya sakin? Gustong gusto ko siyang tanungin pero ayaw magsalita ng bibig ko. Natatakot ako sa mga isasagot niya.
Unti-unting lumuwag ang pagkakahawak nito sakin, akala ko aalis na siya pero hindi niya ganawa yon. Sa halip naramdaman ko ang pagyakap nito sakin.
“Bakit ba ginagawa mo ito sakin? Bakit ba bumalik ka pa dito? Bakit kailangang lumapit ka ulit sakin, hindi mo ba naisip na sinasaktan mo si Angelo? Ganyan ka na ba kawalang puso? Ha, Angela?”
Pinakawalan na ako nito at iniwan.
Hindi ko alam kung anong nangyari. Pero bakit nga ba wala akong alam? May binanggit itong Amnesia, nagka amnesia ako? Pero bakit natatandaan ko pa rin naman ang mga magulang ko, ang mga kaibigan ko, si Vanessa.
Natigilan ako. si Vanessa! Kaibigan ko na siya simula bata pa kami!
Agad kong kinuha yung phone ko at tinatwagan ito.
“Oh? Aba, gabi na tumatawag ka pang bruha ka! Bukas na lang tay—”
“Sino ako?”
“Pfft—Bwhahahahahaha! Nagjojoke ka ba? Bruhang ito, pwede ba ginising mo ako para lang itanong kung sino ka? Masasapak kita eh.”
“S-si Rain, may mga sinabi siyang hindi ko maintindihan.”
“H-ha? Anong sinabi niya?” biglang naging seryoso ang boses nito. Kung ganon may alam nga siya.
“M-may nakita kaming babae kanina… Agnes, Agnes yung pangalan niya, tapos tinanong ko si Rain kung sino siya tapos bigla siyang nagalit at pinagpbintangan akong nakukunwari. May mga binanggit din itong hindi ko maintindihan… Amnesia… paghihiganti… at… si Ate, ang sabi niya ako ang pumatay sa Ate ko? Vanessa, ano bang sinasbai niya?” napahagulguol na ako. “Hindi ko maintindihan, wala akong maintindihan… ano bang nangyayari… Van… Van, tulungan mo ako. Natatakot na ako.”
“K-kumalma ka, susunduin kita ngayon dyan.” Binabaan na ako nito.