Kabanata 14

590 Words
—Angela’s POV— “Ano bang nangyayari, Van?! Hindi ko siya maintindihan!” bungad ko dito na makarating kami sa bahay nito. “Kung ano-ano sinasabi niya na hindi ko maintindihan! Amnesia? Bakit ako ang sinisisi niya sa pagkamatay ni Ate Selena?!” “Kumalma ka nga lang, Gel.” “Kumalma?! Pagkatapos akong pagbintangan ng Ulan na yon, kumalma?! Naiintindihina mo ba sinasabi ko, Van?! Nasaktana ko sa mga pinagsasasabi niya sakin! Wala siyang karapa—” “Ikaw ang Nanay ni Sunny.” Kulang ang sabihing nagulat para ipaliwanang ang pagkabigla ko. “A-ano?” “Sorry, Gel.” “Nagbibiro ka lang, diba?” Alanganin ko itong tinginan. Kinabahan ako dahil seryoso ang mukha nito pero mababakas din don ang sobrang kalungkutan. Kilala ko ito, bata pa lang magkakilala na kami. Ngayon ko lang nakita ang ganitong reaksyon sa kanya. Sobrang kalungkutan… halo-halo ang emosyon nito ngayon. “I-imposible… pa-paano? Kilala mo ako, Van! Yung mga mata ni Rain, punong-puno siya ng galit sakin. Isa pa, si Sunny…” Hindi ko gustong maniwala sa mga sinasabi nito. Gusto kong paniwalain ang sarili kong gino-goodtime lang ako nito pero hindi ko magawa. Kilala ko siya kaya alam kong hindi niya magagawang gawing biro ang mga bagay na ganito. “Sunny Angelo Buenavista, yon ang tunay niyang pangalan. Anak mo siya, Angela.” “Hindi ko sila kilala!” “Hindi nagsisinungaling si Rain... Apat na taon na rin ang nakakalipas ng maaksidente kayo ng Ate mo. Lasing kayo parehas non… car accident." Natigilan muna ito bago magpatuloy. "P-pero hindi mo kasalanan, alam kong hindi mo kasalanan. Mabait ang Ate mo at mahal na mahal ka niya, walang may kasalanan ng pagkamatay niya… hindi ikaw, huwag na huwag mong sisisihin ang sarili mo. Two months after nung aksedenteng yon bago ka nagising, nagdesisyon silang ilihim sayo ang lahat.” “B-bakit? Bakit kami lasing non? Bakit ako ang sinisisi ni Rain? Hindi ko maintindihan… w-wala akong maalala.” “Dahil nung nagising ka wala ka ng matandaan… si Rain, ang pakamatay ng Ate mo at si Sunny. Apat na taon kang hinintay ng batang yon, Gel. Sa sobrang galit sayo ni Rain, inilayo niya sayo ang anak mo.” “Inilayo? Bakit ilalayo niya ang anak ko sakin?! Ang batang yon! S-si Sunny… a-ang anak ko…” Hindi ko maiwasang maiyak sa tuwing maaalala ko ang pangungulila ni Sunny sa isang Ina, ang takot niyang mawala ako. “Bakit galit sakin si Rain?! Ano nagawa ko sa kanya?! Bakit kailangan niyang idamay ang anak ko?!” “Dahil…” Nagsimulang tumulo ang mga luha nito. Hindi ko maintindihan kung bakit bumakas ang galit dito. “Dahil ano?! Van, pakiusap sabihin mo sakin!” Pagsusumamo ko dito. “D-dahil ayaw mo sa kanya, hindi mo tanggap si Sunny. Nilayasan mo sila ng ipanganak mo si Sunny.” W-what? Alam kong loka-loka ako… kung nakalimot man ako alam ko sa sarili kong kahit na ano pa ang mamngyari at kung magkakaanak nga ako… hindi ko ito pababayaan. “Hindi tanggap? Imposible! Kilala mo ako, Van! Alam mo kung gaano ako kasabik magkaroon ng nakababatang kapatid… lahat ng sinabi mo…. Amnesia… ang galit ni Rain… pagkamatay ni Ate… lahat yon kaya kong tanggapin… kaya kong paniwalaan! Pero ang pag-iwan sa isang bata? Sa isang baby?! Hindi ako yon… kilala mo ako! Indi ako ganon! Hindi ko yon kailan man magagawa!” Bumakas ang sobrang lungkot sa mukha nito bago tumingin sakin at ngumiti ng mapait. “Pero nagawa mo na.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD