SAHASTRA POV
Halos dalawang araw na ako dito, kahit papaano ay maayos naman ang trato sakin ng mga kasambahay. Madalang ko rin makita si Wildker, dahil lagi itong busy. Hindi rin ako pwedeng lumabas, iyon ang utos nito kaya wala akong choice kundi dalawang araw na nasa kwarto.
Pero ngayon ay pinalabas na nila ako, dahil meron kaming pupuntahan ng taong pinagkakatiwalaan niya. Lagi rin itong nag aasikaso sa akin dito.
Seryoso akong nakaupo habang tinitignan ang mga documents na nakalagay sa ibabaw ng mesa. Isa-isa ko itong binabasa mas mabuti na yung sigurado. Ito ang kasunduan na ginawa ni Mr Giordano, at kasulatan na bayad na ang aking ama sa utang nito. Nakalagay din dito wala na itong karapatan at huwag akong guguluhin pa.
“Okay na ba sayo kasunduan niyong dalawa ni Boss Wild?” Tanong sa akin ng tauhan niyang babae. Narinig kong Taruray ang tawag sa kanya, at siya lang yung nag-iisang babae na tauhan nito.
“Walang problema sakin dahil kontrata lang naman ang meron sa aming dalawa. Kung ano man ang personal niyang buhay ay labas na ako doon.” Seryosong sagot ko sa kanya, isang taong lang to pagkatapos ay wala na. Dapat akong dumistansya sa kanya, at hindi pakialaman kung anong buhay meron siya.
“Okay, mabuti at walang problema sayo. Mahirap makipag-deal kay Boss Wildker minsan hindi ko alam kung nasa matino ba siyang pag-iisip.” Nakangiti niyang sabi, tumango naman ako. Maganda siya, pero kapag naging seryoso yung mukha ay nakakatakot.
“Ganito ang mangyayari, bilang asawa ni Boss Wildker palabasin kong na ikaw pa rin ang magmamanage lahat ari-arian na binayad sa kanya. At kung tutol sila, kailangan nilang magbayad ngayong araw ng times three sa kanyang utang.” Paliwanag niya sa akin, tumango naman ako bilang pagsang-ayon dahil siguradong wala namang ibabayad ang magaling kong ama.
“Nabasa mo naman na lahat ng kasunduan niyo ni Boss Wild, at ako na’ng bahala kung paano sila gigipitin. Sumusunod lamang ako sa utos, sana huwag mong masamain ang aking gagawin, kung sakali.” Dagdag nitong sabi.
“No worries, wala na akong pakialam sa kanila lalong-lalo na sa aking ama. Tapos na ang maraming taon na naging sunod-sunuran sa kanila.” Agad kong sagot sa kanya.
“Handa ka na ba? Tayong dalawa ang pupunta sa bahay niyo. Busy si Boss, meron siyang kailangang tapusin ngayon araw.” Tumango naman ako bilang sagot, ito na simula ng pagbabago ng aking buhay. Tapos na ang maliligayang araw nilang tatlo, ilang taon akong nagpakatanga para mabuhay.
Inayos na niya ang mga documents kailangang dalhin. Habang ako naman ay inihahanda ang aking sarili, kung meron mang gagawin ulit sakin si Santana, wala na akong ibang pagpipilian kundi sampahan ito ng kaso.
Pareho kaming napatingin ni Taruray sa may hagdan nang may marinig kaming tawanan. Si Wildker meron itong dalawang kasamang lalaki, lahat sila ay matangkad at medyo magkahawig.
“Nandito na naman sila!” Naiinis na bulong ni Taruray bago binilisan ang pag-aayos.
“Uy Asawa ko nandito ka pala, wala kang lakad?” Nakangisi na tanong ng isang lalaki habang nakatingin kay Taruray.
“Asawa mo?” Mahina ko na tanong sa kanya. Napatingin siya sakin na merong pagtataka.
“Hah, hindi ako pumapatol sa batang sipunin!” May pagkainis niyang sagot. Pagbaba ng tatlong sa hagdan ay lumakad sila palapit samin ni Taruray.
“Uy ikaw ba si sister-inlaw?” Baling niya sakin, hindi ako sumagot feeling close siya! Napatingin ako kay Wildker na nakatingin din pala sakin kaya agad akong umiwas ng tingin.
“Hindi ba kayo umaalis?” Tanong niya, pareho kaming hindi sumagot ni Taruray malay ko ba kung sinong tinatanong.
“Sahastra.” Tawag niya sakin.
“H-hindi pa, meron lang inaayos si Taruray.” Nauutal kong sagot bago tumingin sa kanya, nanatiling seryoso ang kanyang mukha. Nagulat ako nang tumabi siya sa akin, habang yung dalawa ay nasa tabi ni Taruray.
“Kung nagkaroon ng problema tawagan mo ako, here ang number ko.” Aniya sabay abot ng kanyang calling card.
“Taruray, umuwi agad kayo pagkatapos niyong makipag-usap. Sabay-sabay kaming apat na mag-dinner, yung isusuot mo sa party ako na’ng bahala bukas na yung ng gabi. At ipapakilala ko siya sa dalawang tukmol, kahit hindi naman importante.” Seryoso nitong sabi sabay tingin sa dalawang lalaking katabi ni Taruray, wala namang naging reaksyon nanatiling tahimik at nakangisi lamang sila.
“Itong lalaking asawa daw ni Taruray, siya si Wildley Celt ang bunso kong kapatid. Itong isa, patay na patay sa kapatid ni Turay, panganay namin si Wilder Rylo siya ang CEO ng Giordano Corruption.” Napatingin ako sa panganay niyang kapatid. Dati naririnig ko lang siya sa parties na aking napuntahan, pero ngayon ay nasa harap ko na.
“Nice to meet you Mr Wilder.” Magalang kong sabi sa kanya.
“Bakit siya lang? Dapat ako rin Sis.” Reklamo ng bunso nilang kapatid.
“At bakit? Sino ka ba? Isang Giordano na groceries story owner sa isang probinsya pero nalugi. Isa bang karangalang makilala ka?” Malamig na sagot ni Mr Wilder, napakamot naman ng batok si Wildley.
“Bvgok kasi ang utak!” Sabat naman ni Taruray, “tara na ms Sahastra wala kang matututunan sa tatlong yan. Puro sakit sa ulo ang ibinibigay nila.” Aya niya sa akin bago tumayo.
“Ang init naman ng ulo mo asawa ko, gusto mo bang lambingin kita mamayang gabi?” Tanong ni Wildker sa kanya.
“Gusto mo bang makita na si San Pedro?” Sarcastic niyang pabalik na tanong bago tuluyang lumakad. Dali-dali naman akong tumayo sa kinauupuan ko.
“Hep-hep, wala ba akong kiss?” Pigil sa akin ni Wildker, nagtataka akong tiningnan siya. Tumaas ang isa niyang kilay sabay tingin sa dalawa. Wala akong nagawa kundi i-kiss siya sa pisngi.
“Sana all, ang tamis!” May pang aasar na sabi ni Wildley, hindi ko nalang siya pinansin patakbo na akong sumunod kay Taruray. Naghihintay na siya sa loob ng sasakyan, habang naghihintay naman ang driver.
“Let’s go Ms Sahastra,” sumenyas itong umupo ako sa tabi niya. Tahimik lang kaming dalawa habang nasa byahe. Kinakabahan ako sa anong pwedeng mangyari sa mansyon.
“Ms Sahastra, paalisin ko na rin ba sa mansyon ang iyong ama kasama ang bago nitong pamilya?” Basag nito sa katahimikan naming dalawa, pinag-aaralan ko pa kasi ang kanilang galaw. Kailangan kong mag-ingat dahil mga mamamatay tao ang aking kasama sa bahay ni Wildker.
“Sa ibang pagkakataon, ayokong biglain si dad gusto kong unti-untiin ang pagpapahirap sa kanila gaya ng ginawa sa akin ni Santana.” Seryoso kong sagot napatango naman siya.
“Siya ba ang may gawa ng mga sugat mo sa iyong katawan?” Muli niya na tanong, umiwas akong tingin at tumango.
“Nalason ang utak ng aking ama, isa akong masamang anak sa paningin niya. Akala ng mag-ina ay merong ari-arian ang ama ko, hindi nila alam na isa lamang siyang family driver ng magulang ni mommy. Umangat sa buhay dahil napangasawa niya ang aking ina.” Kwento ko sa kanya, at alam siguradong iiwan din siya kapag nalaman ng mag-ina ang katotohanan. Kung mangyayari iyon, sana huwag siyang magsisisi sa kanyang naging desisyon. Ang talikuran at ipambayad ako sa kanyang utang.
“Kailangan nga niyang pagbayaran ang kanyang ginawa, hindi mo dapat pinapalampas yun. Sa panahon ngayon kailangan mong matutong lumaban para hindi ka nila inaapi. Tingnan mo ang nangyari sayo, mabuti at makukuha pa sa gamot ‘yung iba mong sugat.” Umiiling niyang sabi bago umayos sa ng upo. Huminga akong malalim bago muling nagsalita, hindi ko alam kung tama bang magsabi ako sa kanya. Pero mukha namang mapagkakatiwalaan siyang tao.
“Ilang beses na kasi niyang pinagbantaan ang buhay ko, dahil sa kagustuhan kong mabuhay wala akong choice kundi maging sunod-sunuran kay Santana. Wala akong ibang kakampi kundi sarili ko, pero ngayon ay sisimulan kong maningil sa lahat ng kanyang ginawa niya sakin.” Seryoso kong paliwanag ngayon lang ako nag kwento sa ibang tao kung anong problema ko. Ayoko kasing magsabi kay Lola dahil baka kung ano pang mangyari sa kanya, meron siyang sakit at ayokong lumala ito.
Hindi rin ako pwedeng mag-tiwala sa mga kapatid ni mommy, dahil wala silang ibang inaasam kundi ang mana nito. Kaya wala akong ibang pinagkakatiwalaan kundi sarili ko lamang.
“Pwede kitang tulungan, marami akong kilalang pulis.” Aniya habang nakataas ang isa nitong kilay. “Sabihin mo lang sakin huwag kang mahiya. Habang isa kang Giordano protektado ka ni Boss Wildker. Hindi masamang mag-advantage ka kung alam mong nasa tama ang iyong ipinaglalaban. Minsan ka ng inaabuso, dapat lumaban ka na ngayon.” Dagdag pa nitong sabi, napaisip naman ako dahil nakalagay naman sa kontrata namin ay gawin ko kung anong aking gusto.
“Pag-iisipan ko.” Tipid kong sagot, napatingin ako sa labas dahil huminto ang aming sasakyan. Huminga akong malalim nang makitang nasa tapat na kami ng mansyon. Nasa labas si Royce, seryoso ang mukha habang hinihintay na kaming lumabas.
“Mauuna na akong lumabas,” sabi ni Taruray, paglabas niya’y agad siyang sinalubong ni Royce. Bubuksan ko na sana yung pinto ngunit inunahan ako ng driver. Inalalayan niya akong lumabas ng kotse, ramdam kong napatingin sakin si Royce, humanda ka ngayon!
“Isa na siyang Mrs Giordano, meron bang problema? Busy na tao si Mr. Giordano kaya ang kanyang asawa yung pinapunta niya rito.” Malamig na sabi ni Taruray, dahilan para mapaiwas siya ng tingin.
“Madam Taruray napa-” hindi natapos ng aking ama ang kanyang sasabihin nang makita niya ako. Maging si Santana, mababakas sa mukha niya ang pagkagulat.
“Ate Sahastra, paanong nabu-buhay ka?”
To be continued…