Dalawang linggo na ang lumipas, nanatili pa rin nasa kama si Sahastra dahil sa kanyang mga sugat. Nalaman nang ama nito kung anong nangyari ngunit siya pa rin itong naging masama dahil sa mali-maling sumbong ng mag-ina. Hindi na nag-aksaya ng panahon si Sahastra na ipagtanggol ang sarili dahil kahit anong paliwanag nito ay siguradong hindi siya paniniwalaan ng ama.
Pagod na siyang ipagtanggol ang sarili, simula noong tumira yung bago nitong pamilya dito sa bahay nila ay nagbago na lahat. Lumabas na ang totoong ugali ng kanyang ama, dati ay mahinahon kung magsalita. Pero ngayon, nagawa na siyang saktan at pagsalitaan ng masasakit. Hindi na rin niya kilala ang sarili, dahil may mga pagkakataong sinusubok ng mag-ina yung kanyang kabaitan.
Nabalitaan niya rin laging nasa casino ang kanyang ama, at pati perang iniwan sa kanya ay nagagalaw na. Kaya lahat ng pwedeng pagkukunan ng pera ni Andrew ay pinahold niya. Hinihintay nito kung merong magiging reaksyon ng ama, mabuti nalang at wala.
Napatingin siya sa pinto nang meron kumatok, pagbukas ay agad sumingkit ang mga mata niya dahil yung pumasok ay walang iba kundi si Santana kasama ang kanilang ama.
“Anong ginagawa niyo rito? Kasasabi ko lang na ayokong makita ang pagmumukha ng demonyong ‘yan!” Tukoy nito kay Santana, ngumuso naman ito pero pa lihim na ngumisi.
“I’m sorry kung dahil sa akin ay pinarusahan ka ni Butler Royce, gusto lang naman niyang itama ang ginawa mong mali. Sana kahit hindi mo kami matanggap bilang isang bagong pamilya respetuhin mo pa rin si mommy, kahit ‘wag na ako.” Pag-iinarte niya kunwaring umiiyak kaya lalong naiirita si Sahastra.
“Anong pinagsasabi mo? Hindi ako nainform sa drama mo, anong ginawa kong mali? Sino ang unang nanakit, tritatro niyo akong katulong sa sarili kong pamamahay. Kagaling mo namang umarte, t4nga lang yung mapapaniwala mo!” Sarkastikong sagot niya habang natatawang nakatingin sa mag-ama.
“Sahastra!” Malamig na tawag sa kanya ng ginoo. Imbis na tumigil ang dalaga ay lalo pa itong naging matapang.
“What, papagalitan mo ako? Kung pumunta kayo ditong mag-ama para sirain ang aking araw, lumabas na kayong dalawa. Gusto kong magpahinga, wala ka na bang perang pag-sugal kaya nandito ka? Wala kang makukuha sakin, bakit hindi ka huminga sa bago mong asawa! Responsibilidad ka na niya ngayon!” May halos pang iinsulto niya sa kanyang ama.
“Pumunta ako dito para humingi ng pera na gagamitin ni Santana, niyaya kasi siya ng kanyan mga kaibigan para mag-out of town.” Lalong nakaramdam ng galit si Sahastra dahil sa kanyang narinig.
“Ang kapal talaga ng pagmumukha, hindi ko na problema yan. Kung gusto niyang sumama bakit hindi siya magtrabaho, ano sa akin iaasa pati pang travel niya? Wow naman rich kid yarn? Ako na nagpapakahirap magtrabaho, hindi man lang makapag-travel dahil nagtitipid ako. Tapos kayo, kung makahinga para may pinatago sa aking pera. Ang laki ng katawan mo, magbanat ka ng buto!” Natatawa niyang sagot, dumilim ang mukha ni Santana dahil bakit kailangan pang magtrabaho kung pwede namang humingi ng pera.
“Bakit ako maghahanap ng trabaho? Ano nalang sasabihin ng mga kaibigan ko? Nasa mayamang pamilya ako, pero nagbabanat ng buto. Prinsesa ako ni dad, ayaw niyang nahihirapan ang kanyang nag-iisang anak.” Tila lalo pang nang aasar na sabi ni Santana.
“Edi magpakabuhay prinsesa ka! That isn't my concern; nothing positive will come from your twisted mindset! Stand up for the wealth you have so your friends don't abandon you!” Nakataas ang isang kilay nitong sagot, lalo kumunot yung noo ni Santana.
“Huwag mo akong englishen dyan, nasa pilipinas tayo!! Ganyan kayong mayayaman, masyadong mataas ang sarili!” Hindi na mapigilan ni Santana.
“Why, hindi mo ba naiintindihan, pinag-aaral ka kasi puro pagpapaganda lang inaatupag mo! Hindi ako mag-aadjust para sayo, If you can't comprehend, just use Google Translate! At ikaw? Mapang-abusong tao? Matuto kang tumayo sa sarili mong mga paa, ‘wag kang umasa sa iba! Mataas ang tingin ko sa aking sarili dahil doon nalang ako kumakapit, lalo na’t nagkaroon ng bagong pamilya ang ama kong puro batugan! Pwede bang lumabas na kayo, nagpapahinga ako!” Galit niyang sagot, padabog namang lumabas ng kwarto si Santana. Naiwan ang ama nito sa loob, salubong ang kilay ni Sahastra na nakatingin sa ginoo.
“Ano lalabas ka po ba?” Malamig na niya tanong. Kung noon ay sabik siyang makita ang ama, ngayon kinasusuklaman na niya.
“Wala kayong makukuha sa akin, ilang milyon na ang nawala dahil sa pagsusugal mo. Tao ako dad, napapagod din hindi habang buhay ay nasa maayos akong lagay. Sana man lang bago ka pumasok sa casino, isipin mo rin na nagpapakahirap akong mag-manage sa kumpanya pati na rin sa ibang negosyong naiwan ni mom!!” Napabuntong hininga si Andrew dahil mukhang wala nga siyang makukuha na pera mula sa dalaga.
“Ganyan ka na ba karamot Sahastra? Ito ang unang beses mag-out of town ni Santan–“
“Hindi ko siya responsibilidad! Kung gusto niya talagang mangibang bansa, edi maghanap siya ng trabaho hindi yung sa akin kayo hihingi! Ako pa ang magmumukhang masama ngayon? Pera ni mommy ang pinag-uusapan dito, anak mo si Santana ikaw ang dapat may responsibilidad sa kanya hindi ako!” Pinal na sagot nito bago tuluyang humiga sa kama at nagtalukbong.
“Kung makahingi ka ng pera, akala mo wala kang ginawang ikinasasama ng aking loob. Anak mo rin ako, pero ang tinatrato mo sakin ay parang isang bank account.Wala ka man lang pakialam sa nararamdaman ko kapag sinasabi mo ang mga masasakit na salita. Bakit lagi mo siyang pinipili? Kailan ba ako magiging tama sa iyong paningin?” Halos pabulong niya na tanong sa kanyang ama, hindi naman sumagot si Andrew para itong walang narinig. Padabog pa niyang isinara ang pinto ng kwarto ni Sahastra.
Nang makita siya ng mag-ina ay agad silang lumapit sa kanya, umaasa na binigyan ito ng pera ni Sahastra.
“Anong sabi niya dad? Bibigyan na ba tayo ng pera?” Nakangiti na tanong ni Santana.
“Hindi, huwag ka muna sumama ngayon. Dahil siguro sa nangyari, kaya masama pa rin ang kanyang loob.” Seryoso na sagot ni Andrew sa kanyang anak, nawala ang ngiti sa labi ni Santana.
“Bakit ba ganyan siya? Ang lupit-lupit niya!” Pag-iinarte nito sabay takbo papunta sa kanyang silid.
“Hays, kausapin mo si Santana ipaliwanag mo!!” Malamig niyang sabi kay Ambrosia bago tuluyang lumabas ng mansyon, pupunta na naman ito sa casino.
Walang nagawa si Ambrosia kundi sundan ang kanyang anak. Pagbukas niya sa pinto, nagkalat ang mga gamit at basag yung salamin.
“Bwisit talaga siya!! Sino ba siya para pagdamutan ako? Ang kapal ng mukha niya, paawa pa! Anong akala niya kakampihan siya ni Dad? Hindi mangyayari yun, ‘wag siyang umasa bwisit na babae!” Galit na galit niyang sigaw, ibinato niya ang ibang mga libro at iba pang mga pwedeng mabasag.
“Alam mo Santana imbes na magwala ka dito, bakit hindi ka gumawa ng paraan para bigyan ka niya ng pera. Hindi naman siya pinaniniwalaan ng iyong ama, at ikaw lang ang kinakampihan nito.” Mahinahon na sabi ng kanyang ina dahilan para tumigil siya sa pagwawala. Napangisi si Santana nang may maisip itong balak na masama.
“Oo nga no, ang galing mo talaga mommy!” Masaya siyang sabi bago tumakbong palabas ng kanyang silid, mahina namang natawa si Ambrosia bago sumunod palabas sa dalaga.
Nagtungo sa ikalawang palapag si Santana, pupunta ito ng kwarto ni Sahastra. Hindi ito kumatok kaya nagulat ang kanyang kapatid sa bigla niyang pagpasok.
“Anong ginagawa mo dito? Wala kang mahihingi na pera sa akin!” Seryoso niyang sabi bago muling ibinalik ang atensyon sa binabasa nitong mga report.
“Talaga? Huwag kang pasisiguro, dahil baka magawa ko na ang dapat hindi.” Sagot nito bago inilabas ang hawak nitong balisong, tumawa ito dahilan para mapatingin ulit si Sahastra sa kanya. Nanlaki ang mga mata nito nang makita kung anong hawak ni Santana.
“Ano, papatayin kita ngayon or bibigyan mo ako ng pera. Wala kang ibang gagawin kundi ibigay lahat ng gusto ko, kung ayaw mong sumunod sa iyong ina. Huwag mo akong subukan ate Sahastra, nakaya kitang latiguhin paano na kayang patayin? Mamili ka, ibibigay mo lahat ng gusto ko at mabubuhay ka, or mamatay ka ngayon araw at siguradong walang hustisya ang iyong pagkakapatay!” Hindi agad nakapagsalita si Sahastra, kung lalaban siya siguradong wala itong laban dahil bawat galaw niya’y sumasakit ang kanyang mga sugat.
Lalo siyang kinabahan nang lumakad palapit sa kanya si Santana. “Huwag kang lalapit!” Pasigaw niyang sabi, pero walang narinig ang dalaga. Nakangiti pa itong naglalakad habang hawak ang balisong.
“Huwag mong inuubos ang pasensya ko Sahastra! Hindi ko gustong napag-uusapan ng aking mga kaibigan! Alam nila kung gaano kayaman si Dad, pero lagi kang sagabal. Patayin na lang kaya kita?” Muling sabi nito paglapit niya sa kama, hindi makapagsalita si Sahastra dahil ang balisong na hawak ng dalaga ay nilalandas sa kanyang mukha papuntang leeg.
“Gusto mo bang masira ang maganda mong mukha?” Tumatawa niya na tanong, sunod-sunod na umiling si Sahastra.
“Wag, bi-bibigyan na kita ng pera at lahat ng gusto mo.” Sagot niya, walang siyang pagpipilian kundi pagbigyan si Santana.
“That’s good, madali ka lang pala na kausap eh! Pinapainit mo pa ang ulo ko!” Mataray nitong sabi, dahil sa takot na nararamdaman ni Sahastra ay nanatili na lamang siyang tahimik. Nagawa siyang saktan nito at halos buhay niya ang nakasalalay, kaya siguradong kaya rin gawin ni Santana ang pagbabanta sa kanya.
“Magkano ba ang kailangan mong pera?” Tanong niya, kung sa akala nila ay mauutakan siya ng mag-ina nagkakamali sila.
“Two hundred thousand ang kailangan ko, kasama na diyan yung budget kong pang dalawang araw. Pero kung mabait kang kapatid hindi mo siguro ako hahayaang mapahiya sa mga kaibigan ko!” Nakangiti niyang sagot, tumango naman si Sahastra.
“Kung ganun bukas ay ibibigay ko na ang kailangan mong pera, magpasalamat ka kay Dad dahil sa kanya manggagaling yung pera.” Tuwang-tuwa naman si Santana sa nalaman.
“Pera naman pala ni Daddy pero bakit pinagdadamutan mo ako. Next time bigyan mo ulit ako pera ni dad yan, dapat lang na makinabang din kami ni mom! Kapag hindi mo ako binigyan, papatayin talaga kita!” Muling pagbabanta nito, tumango naman si Sahastra bilang sagot.
Masayang lumabas ng kwarto ang dalaga, habang si Sahastra ay nakahinga ng maluwag. Ayaw niya sanang galawin ang pera iniwan ng kanyang ina para sa ama ngunit wala na siyang pagpipilian. Total mas mahal na ng ginoo ang bago nitong pamilya, kung magkakaroon man ng problema, meron siyang gagamitin laban kung bakit naubos ito. Meron siyang nilagay na CCTV dito sa kanyang silid, at lahat ng sinabi at kilos ni Santana ay naka-record ito.
Kung nagkataon, pwede rin niyang ipakulong ang dalaga. Pero sa ngayon kailangan niyang mag-ingat, at patuloy na pakisamahan ang bagong pamilya ng ama. Dahil balang araw, mapupunta na sa kanya lahat ng ari-arian ng kanyang ina. At ng makukuha ang ama ni singkong duling, lahat ng magagastos ni Santana ay gagawan niya ito ng record with pirma katibayang hiningi ito ng dalaga.
Don't put me to the test; you encouraged me to fight. One day, sa akin pa rin ang huling halakhak.
To be continued…