PAHIMOD 12 FLASHBACK

1772 Words
Mabilis lumipas ang araw hanggang sa naging buwan at taon. Kahit anong gawin ni Sahastra ay hindi niya napaalis ang bagong pamilya ng kanyang ama. At siya lagi ang pinag-mumukhang masama binabaliktad ng mag-ina, at tuluyan na rin nalason yung isip ng ama. Naging magulo ang tahimik na rin tahanan ng Gregorio simula dito tumira yung bagong pamilya ni Andrew. Halos araw-araw nagtatalo at nagpaparinig ang magkapatid sa ama. Hindi sana papatulan ni Sahastra ngunit sumusobra na ito. Kung ano anong masasakit na salita ang natatanggap niya mula sa mag-ina. At sa huli, laging siya ang mali at may kasalanan. Kahit malinaw namang si Santana ang unang may ginawa, siya itong pinapagalitan ng kanyang ama. Ang mag-ina na ang reyna-reynahan sa mansion, may mga katulong na rin silang inalis. At nagsimula na ang kalbaryo ng buhay ni Sahastra, ginagawa siyang katulong kapag hindi sumusunod ay sinasaktan ng physical. Kahit mag sumbong ito sa ama niya’y wala itong pakialam. Laging sagot sa kanya ay kailangan niyang matuto ng gawaing bahay. “Sahastra! Wala na bang mas tatagal yan, nagugutom na ako!!” Sigaw ni Ambrosia dahil kanina pa silang mag-ina naghihintay ng almusal. Padabog na pumasok si Sahastra sa dining room at nilapag ang niluto nitong almusal ng mag-ina. Nagsalubong ang dalawang kilay ni Ambrosia nang makita kung anong niluto na ulam. “Bakit ganito? Nasa mansyon tayo tapos dried fish ang ipapaulam mo sa amin?!” Muling sigaw nito sabay palo sa mesa. “Wow, tumira lang kayo dito masyado ng demanding. Hindi ba yan ang lagi niyong inuulam? Nakatapak lang kayong mag-ina dito sa mansyon mayaman na kung makaasta!” Naiinis na sagot ng dalaga, gumagayak na sana siya ngayon papuntang ng opisina. Lalo siyang pinag-Initan ng mag-ina nang malamang hindi si Andrew ang magiging bagong CEO ng kumpanyang naiwan ng ina. Dapat daw ang asawa yung magmamanage hindi si Sahastra. Nang mabasa nito ang last will ng ina niya ay doon ipinagtapat na nahuli nito mismong meron babae si Andrew. Pinapili niya ito at ang querida yung pinili, ilan taon ng may lamat yung relasyon nila bilang mag-asawa. Nabanggit niya rin sa liham na kahit ganun ang ginawa ni Andrew ay ‘wag niyang pabayaan. Itrato niya pa rin ito bilang isang ama, dahil kahit anong mangyari ay siya ang bunga ng pagmamahal nila noon. “Mayaman kayo, dapat lang na masarap ang ihanda mong ulam para sa amin!! Magluto ka ulit!” Sumingkit ang mata ni Sahatra dahil palala nang palala yung ugali ng ginang. “Una sa lahat hindi ko trabahong pagsilbihan kayong mag-ina. Pangalawa, ang perang pinagpaguran ko ay hindi para sa inyo. Pangatlo, sampid lang kayo sa pamamahay ko! Pang apat, matuto kayong dalawa na lumugar dahil kahit pinakasalan ka na ng aking ama. Para sa akin, isa ka pa rin querida ang babaeng sumisira ng pamilya!” Matapang na pang iinsulto ni Sahastra, dumilim ang mukha ng ginang. Sasampalin sana siya nito pero agad niyang nahawakan ang kamay ni Ambrosia. Ngunit hindi siya nakaligtas sa kamay ni Santana, malakas ang ginawang pag-sampal nito. “How dare you!! Wala kang karapatan na insultihin ang akin ina!!” Galit na galit niyang sigaw kay Sahastra. Bumawi naman ang dalaga sa ginang, mas malakas na sampal yung ginawa niya. Halos muling napaupo ito, umiyak si Ambrosia dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi niya akalaing siya ang sasampalin ng dalaga, halos humapdi yung kanyang pisngi sa lakas ng sampal ni Sahastra. “Alam niyo pala ang salitang KARAPATAN, pero hindi alam kung paano lumugar! Karapatan kong mag-reklamo dahil pamamahay namin ‘to! Anak ako, pangalawa lang kayong pamilya! Pag-aari ito ng aking ina, wala kayong karapatan para umastang donya dito! Mas wala kayong karapatang mag-reklamo kung anong nakahain sa mesa na pagkain! Matuto kayong igalang ang hapagkainan!!” Pagkasabi niya iyon ay lumabas na siya ng dining room. Nagtungo siya sa kanyang silid para mag-ayos ng sarili. “Ayos ka lang ba mom? Humanda yan sakin!” Tanong ni Santana habang tinitignan ang pisngi ng kanyang ina. “Anong akala niya magpapatalo ako!!” Malamig niya na sabi bago tumingin ka Royce, tumango naman ang ginoo dahil alam na niya kung anong dapat gawin. Habang nasa harap ng salamin si Sahastra, may kumatok sa pinto pagbukas ay ang bagong utusan ng mag-ina. “Anong kailangan mo?” Tanong niya dito, pero hindi sumagot nagulat si Sahastra nang may tatlong katulong na pumasok at marahas siyang hinila palabas ng kanyang silid. “Teka, anong gagawin niyo sa akin! Bitawan niyo ako!!” Sigaw niya habang nagpupumiglas, pero tila walang narinig ang tatlong katulong. “Ano ba bitawan niyo ako!!” Mas lalo pa niyang nilakasan ang kanyang boses. Walang pag-iingat ang ginawang paghila sa kanya ng mga katulong. Habang nakasunod sa butler nilang akala niya’y kakampi, pero mukhang pumanig na rin sa mag-ina. Pagbaba nila sa hagdan muli siyang hinila papunta sa bodega, nanlaki ang mga mata niya dahil mukhang may gagawin na naman silang masama. “Let me go! I said let me go!!” Muling sigaw niya at buong pwersang nagpumiglas, nakawala ito ngunit agad siyang nahawakan sa braso ni Royce. At walang pag-aalinlangang malakas na sinampal. Natigilan si Sahastra dahil sa ginawa ng ginoo, ang lalaking pinagkatiwalaan at inaasahang kakampi niya’y nagawa siyang saktan. “You!! How dare you Royce! Wala kang karapatan na saktan ako!” Galit na galit niyang sigaw sa ginoo, habang nanlilisik ang mga mata nitong nakatingin kay Royce. Hindi sumagot ang ginoo, lalong humigpit yung pagkakahawak niya sa braso ng dalaga bago ito hinila papasok sa loob ng bodega. “Pagsisisihan mo ito Royce!! Mawawalan ka ng trabaho!!” Muling sigaw ni Sahastra, ngunit hindi man lang natakot ang ginoo. Lumapit ang dalawang katulong sa kanya, at tinaliaan yung magkabila nitong kamay. Kahit anong gawin niya’y mas malakas sila sa kanya. Maya-maya pa ay pumasok na si Santana, meron itong hawak na latigo habang seryosong nakatingin sa kapatid. “Anong gagawin mo sakin?! Ang kapal talaga ng mukha niyong mag–Aaaahhhh!!” Hindi natapos ni Sahastra ang sasabihin nang hinampas sa hita niya yung hawak na latigo. Hindi pa nakuntento si Santana, ilang beses siyang hinampas sa iba pang parte ng kanyang katawan. Wala siyang ibang ginawa kundi sumigaw at mvrahin si Santana. “Hayop ka!! Magbaba–Aarraayyy!!” Muling sigaw ni Sahastra, dahil tila hinahati na naman ang kanyang katawan. Nanghihina ang mga tuhod nito, dahil kahit sa hita ay hinahampas ng latigo ni Santana. “Huwag kang matapang, kahit ikaw ang unang anak ni dad wala ka pa rin karapatan magsalita at saktan kaming mag-ina. Deserved mo ito, dahil isa kang masamang anak dapat dinidisiplina ang isang kagaya mo! Bilang isang mabait na kapatid, ako ng bahala sayo!!” Sagot nito sabay tawa ng malakas, maging ang mga kasambahay ay nakikitawa na rin. “Hindi kita titigilan hanggat wala akong naririnig na nagmamakaawa ka. Matapang ka ‘di ba? Dito natin masusubukan kung gaano ka katapang!” Dagdag nitong sabi habang nakatingin ng seryoso kay Sahastra. “Kahit anong gawin mo sa akin, hinding-hindi ako magmamakaawa sayo!! Kahit an–Ahhhhh!!” Hindi niya natapos ang sasabihin dahil dalawang magkasunod siyang nilatigo ni Santana. Napaluhod ito pero pilit niyang tumatayo, galit siyang nakatingin kay Santana. Kahit anong mangyari ay hindi siya magmamakaawa, PRIDE na lang ang pinanghahawakan niya. Wala siyang ibang kakampi kundi sarili, oras man na bawian ito ng buhay walang ibang sisihin kundi ang bagong pamilya ng kanyang ama. Nang muli siyang makatayo ay tumingin pa ito kay Santana at ngumiti. “Kahit mamatay ako ngayon, wala kang maririnig na pagmamakaawa ko!” Matigas niyang sabi, hahampasin pa sana ulit siya ngunit pinigilan ni Royce meron itong ibinulong sa dalaga. Galit itong tumingin kay Sahastra, na nanatili namang nakangiti sa kanya. “Dalhin niyo na yan sa kwarto niya at tawagan ang family doctor nila. Kailangan niyang magamot para may lakas pa siya sa mga susunod pang pagpapahirap ko.” Malamig nitong sabi bago tuluyang lumabas ng bodega. “Disgusting bîtch!” Mahina na sabi ni Sahastra, matalim ang mga mata niyang tumingin kay Royce. “Ipagpatuloy mo lang yan Royce, balang araw meron kang kalalagyan!” Malamig niyang sabi bago tuluyang magdilim ang kanyang paningin. “Dalhin niyo na yan sa kanyang silid, hindi niya kailangan ng doktor. Tawagin niyo ang dalawang katulong na kumakampi sa kanya para sila mismo yung gumamot.” Utos nito sa tatlong kasambahay, agad naman silang sumunod dahil kung hindi ay siguradong makakatikim sila kay Royce at Santana. Kinalas na nila ang pagkakatali sa magkabilang kamay ni Sahastra at tahimik na inakay palabas ng bodega. Habang hila-hila nila si Sahastra ay tumutulo ang dugo nito sa sahig. Ang isang katulong ay nagtungo sa kusina para tawagin yung kasamahan niyang dalawa. “Kayong dalawa, puntahan ninyo si Madam Sahastra para gamutin!” Mataray niyang utos. “Ano na namang ginawa ninyo, hindi ba kayo naawa? Siya ang nagpapasahod sa atin pero sinasaktan niyo! Wala kayong utang na loob!” Galit na sagot ng isang kasambahay. “Tsk, sipsip lang kayong dalawa! Obligasyon niyang magpasahod dahil nagtatrabaho tayo dito, walang libre!” Sagot niya bago talikuran ang dalawang katulong. “Ipagpatuloy niyong kampihan siya, siguradong mawawalan kayo ng trabaho! Matoto kayong kumilala ng bagong pagsisilbihan, dahil balang araw lalayas na yang kinakampihan niyo!!” Dagdag pa nitong sabi bago tuluyang lumabas ng kusina, napailing ang dalawa dahil halatang walang alam yung tatlo nilang kasamahan. Pagpasok nila sa kwarto ni Sahastra, nagulat silang dalawa dahil mas masahol na ito kaysa noong unang ginawa sa dalaga. “Kailangan ng doktor, tumawag ka.” Utos ng ginang habang tinitignan ang mga sugat ni Sahastra, nakadapa ito sa kama nanginginig yung kanyang kamay na inaalis ang damit ng dalaga. “Jusko, tumawag ka sa family doctor nila.” Utos ng ginang dahil malalim ang ibang sugat ni Sahastra, lalabas na sana yung kasama nito ngunit humarang si Royce. “Anong ginagawa mo Royce, oras na merong nangyari kay Ms Sahastra malalagot ka!” Sigaw ng ginang, ngunit hindi pa rin ito umalis sa pinto. “Wala ang family doctor nasa ibang bansa, kaya kayong dalawa yung malalagot kapag meron nangyari sa kanya.” Nakangisi nitong sagot bago isara ang pinto, nataranta ang ginang dahil walang ibang pinagkakatiwalaan si Donya Charlotte kundi si Royce. Sinimulan na nilang linisin ang sugat ng dalaga, umiiyak silang dalawa sa awang nararamdaman para kay Sahastra. Hindi nila alam kung hanggang kailan magtitiis ang dalaga. Hindi niya pwedeng iwan ang bahay na pag-aari ng kanyang ina. Kaya naiintindihan nila kung bakit ito patuloy na lumalaban, dahil meron siyang karapatan. To be continued
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD