PAHIMOD 11 FLASHBACK

1600 Words
Halos isang linggo na nakakulong sa kwarto si Sahastra, wala siyang kinakausap at laging gustong mapag-isa. But this time, nakapagpasya na siyang pumasok ulit sa paaralan. Bago siya tuluyang lumabas ng kanyang kwarto, tumingin muna ito sa paligid. Ayaw niyang makita ang ama, dahil simula noong namatay yung kanyang ina ay araw-araw na itong nandito. Habang pababa ng hagdan ay nakarinig siya ng tawanan mula sa living room. Kinuyom niya ang kanyang palad, sigurado siyang babae ng ama at anak nito yung naririnig na nagtatawanan. “Sino kayo, anong ginagawa niyo dito sa bahay namin?” Pagkukunwaring hindi niya kilala ang dalawa, napatingin naman sa kanya ang mag-ina. Napataas ng kilay si Santana nang makilala kung sinong babae ang nasa kanilang harapan na mag-ina. “Siya yung babaeng pumunta sa unit natin! Sinampal niya ako at pinagsalitaan ng masasakit!” Pagsisinungaling ni Santana, at umastang natatakot. Hindi naman maipinta ang mukha ng dalaga dahil sa pagbibintang sa kanya. “Wa-wait! Ako sinampal ka, kailan? Wala akong ginagawang masama sayo, wag kang magsinungaling.” Sagot niya dito, galit na lumapit sa kanya si Ambrosia at sinampal siya. “Hindi marunong magsinungaling ang anak ko!” Galit na sigaw sa kanya ng ginang. Nanginginig ang kamay niyang nakahawak sa kanyang pisnging sinampal ng ginang. “Talaga po? Ngayon pa lang nagsisinungaling na siya, never kong sinampal ang anak mo. Pumunta ako that time sa unit niyo para sabihin namatay ang aking ina. Para kahit papaano ay malaman ng daddy ko, at umuwi siya. Hindi ko alam kung anong sinasabi niyang sinaktan at pinagsalitaan ng masasakit na salita.” Mahinahon niyang paliwanag, pero ang ginang ay talagang plano nitong mag-eskandalo. “I hope you acquire all the details before overreacting. I was not raised to be a cruel person!” Dagdag nito sabi, sakto namang pumasok ang kanyang ama dala yung gamit ng mag-ina. Kaya ang ginawa ni Ambrosia ay nag-sisigaw ito at umarteng umiiyak, nagulat si Sahastra sa ginawa ng ginang. “Ganyan ka ba makitungo sa bago mong pamilya? Dahil ba mahirap lang kami, akala ko mabait kang bata dahil yun ang sabi ng iyong ama. Bakit ganyan ka magsalita sa amin? Ano bang ginawa namin sa’yo?” Umiiyak niyang sigaw habang si Sahastra ay naguguluhan sa nangyayari. “Anong nangyayari?” Seryoso na tanong ng kanyang ama mula sa likod niya. Ngayon lang napagtanto ni Sahastra ang ginawa ng ginang. Pinagmumukha siyang masama sa mga mata ng ama. Hindi niya mapigilang matawa, dahilan para muling mapatingin sa kanya ang mag-ina. “Really? Anong drama yan, gagawin niyo pa akong masama ngayon?” Tanong niya, lalo namang kumunot ang noo ng kanyang ama. “Sahastra, ano na namang ginawa mo?” Tanong niya sa dalaga. “Anong ginagawa nila dito dad? Bakit sila nandito, anong sinasabi nila bagong pamilya?” Sunod-sunod niyang tanong sa ama. “Dito na sila titira sa bahay, kasal na kami ng Auntie Ambrosia mo. Sana itrato mo silang bagong pamilya.” Kalmadong sagot ng kanyang ama, hindi naman makapaniwala si Sahastra sa kanyang nalaman. “No! Hindi sila titira dito!” Matigas niya na sagot. “Sahastra, please tanggapin mo nalang–” “I said NO! Wala ka na ba talagang pakialam sa nararamdaman ko? Lalo na si mommy, my god Dad! Halos isang linggo pa lang siyang patay, pero inuwi muna agad itong babae mo dito sa bahay! Akala mo ba ganun kadaling tanggapin na nambabae ka. Ilang taon mo akong niloko dad! Nangako ka sakin na hindi mo sasaktan si mommy! Hindi mo kami iiwan, pero noong time kailangan ka naming dalawa, nasaan ka? Hindi mo alam kung gaano kahirap sakin na nakikitang nahihirapan, wala akong karamay dad! Ikaw yung inaasahan ko, pero bakit sobrang tigas ng puso mo pagdating sa amin. Ni minsan ba hindi mo kami minahal ni mommy?” Hindi na niya napigilan ang sarili. Wala siyang pakialam kahit nakikita nilang umiiyak. Akala niya okay ang kanilang pamilya, kumpleto kahit hindi perpekto. Pero noong nalaman niyang may bago ng pamilya ang ama. Minsanang gumuho ang mundo niya, tapos ngayon iuuwi pa ng kanyang ama yung mag-ina. “Ang sakit–sobrang sakit dad dito!” Dito niya sa kanyang puso gamit ang hintuturo nito. “Para muna rin akong pinatay sa ginawa mong panloloko samin ni mommy! Sabihin mong madrama ako, dahil iyon naman ang iyong tingin. Hindi mo kasi alam kung anong nararamdaman ko! Hindi sila titira dito, bahay natin ito walang ibang nandito kundi ako at ikaw! Walang sampid na maninirahan dito! Hindi pa ba kuntento ang babae mo sa biniling condo unit ni mommy?” Lalong naiyak si Sahastra dahil hindi man lang sumagot ang kanyang ama. Para itong walang naririnig, kitang-kita niya kung paano ito mag-care sa bago nitong pamilya. “Kung galit ka sa amin, ‘wag mong idamay si dad. Wala siyang kasalanan, ang iyong ina dapat yung sisihin dahil wala itong oras para sa kanyang pamilya.” Paninisi ni Santana, lalong nakaramdam ng galit ang dalaga. Lalong nadurog ang puso dahil wala man lang naging reaksyon si Andrew. “Huwag mong idamay ang mommy ko dito, dahil walang ibang may kasalanan dito kundi yang ina mo! She is aware that my father had a family, but she continued to have an affair. Kayo pa ang matapang ngayon? If anyone else has ruined a family, they are the ones who want to cause a stir here.” Matapang niyang sumbat kay Santana, ngumisi naman ito na tila nang aasar pa. “Tumigil ka na Sahastra, dahil kahit ano pang sabihin mo ay nangyari na ang dapat hindi. At wala akong pinagsisisihan, walang ibang dapat sisihin dito kundi ang iyong ina.” Matigas na sagot ng kanyang ama, nawalan na ng pag-asa si Sahastra dahil malinaw namang wala na itong pakialam sa kanya. “Lalo mo lang pinapakitang wala kang kwentang ama!” Galit niyang sigaw. Nagulat si Andrew, dahil ngayon lang niya narinig na nagtaas ng boses ang kanyang anak. “Hindi mo naiintindihan ang nararamdaman ko Sahastra, kaya nakikiusap ako sayo. Tanggapin mo sila bilang isang bagong pamilya, wala na akong ibang hihilingin sayo.” May pagmamakaawa nitong sabi, huminga ng malalim ang dalaga bago nagsalita. “Excuse yan ng isang lalaking cheater, hindi marunong makuntento. Huwag mo ng e-justified yang ginawa mong panloloko, dahil kahit ano pang sabihin ko hindi mo rin maintindihan. Wala kang ibang iniisip kundi sarili mo, nagloko ka dahil choice mo yan. Akala mo bang madali lang ang sinasabi muna pagtanggap? Nawalan ako ng ina, ikaw na ama ko meron na palang bagong pamilya. Naging masama ba akong tao para mangyari sakin to? Bakit kailangang masaktan ako ng ganito, madali lang ba para sayong tanggapin na wala na si mommy?” Halos pabulong niya na mga tanong sa ama, nauubos na siya. Hindi niya lubos akalaing darating ang araw na magiging ganito sila. Hindi nag-sisink-in sa kanyang utak lahat ng pangyayari, yung taong inaasahan niyang karamay ay masaya na sa bago nitong pamilya. “Hindi ko naman sinabing tanggapin mo sila ngayon, unti-unti Sahastra wala ng ibang magtutulungan kundi tayo lang. Kaya mo ba akong talikuran?” Pang aamo nito sa anak. “Ikaw, kaya mo ba akong talikuran?” Pabalik niyang tanong, hindi nakapagsalita si Andrew. “Oo syempre kaya mo, bakit nga ba kita tinatanong. Hindi mo nga kayang itanong kung anong nararamdaman ko, kamusta na ba ako? Kaya ko pa ba?” Sarkastikong tanong nito, umiwas ng tingin si Andrew hindi niya kayang salubungin ang mga titig ng kanyang anak. “At hindi sila titira dito, kaya paalisin muna ang mag-ina mo!! Ang kakapal ng mukha niyo!” Muling sigaw niya bago tumakbo paakyat ng hagdan. Nataranta naman ang mag-ina akala nila ay mauuto ni Andrew yung anak nito. “Daddy, I’m sorry dahil sa amin ay nasira ang pamilya mo kami yung dahilan bakit galit na sayo si Ate Sahastra.” Umiiyak na sabi ni Santana bago yumakap sa ama, ang hindi alam ng ginoo ay isa lamang itong pagkukunwari. Lihim na napangiti ang dalaga habang nakayakap sa ama. “Wala kayong kasalanan, huwag niyong intindihin si Sahastra. Ako pa rin ang masusunod dito sa pamamahay na to!” Pagpapatahan niya sa kanyang anak, habang ang mga katulong ay napapailing na lamang. Ang dating tahimik at masayang tahanan ay naging malungkot na. Nakakarinig na sila na pag-aaway, ito ang unang beses nilang marinig na magalit si Sahastra, dahil isang mabait at malambing itong bata. Naawa sila sa kalagayan ng dalaga, alam nilang hindi madaling makalimot sa pagkawala ni Mrs Gregorio, tapos may inuwi pang bagong pamilya ang ama nito. Wala namang ibang ginawa si Sahastra kundi magkulong sa kanyang kwarto. Hinahatiran nalang siya ng pagkain nito, hindi manlang pumunta ang kanyang ama para kausapin. Talagang matigas na ito at walang pakialam sa kanya. Naktayo siya sa may bintana, seryoso at madilim ang kanyang mukha. Nakatingin sa bagong pamilya ng kanyang ama, masaya habang naliligo sa swimming pool. Habang siya, unti-unti ng nauupos, mag-isa nagluluksa sa pagkawala ng kanyang ina. Hindi magawang ngumiti, tila may mga kutsilyo nakatusok sa kanyang puso. Sobrang bigat ng kanyang nararamdaman. Pakiramdam niya’y mamamatay na rin siya, walang gana sa lahat ng bagay. Hindi niya alam kung hanggang kailan siya ganito. Gustuhin man niyang maging matatag, ngunit hindi na nito kaya. “Sana ‘wag mong pagsisihan ang naging desisyon mo dad.” Mahina at malamig niyang sabi bago isara ang kurtina ng binata sa kanyang kwarto. Naririnig niya pa rin ang masasayang tawanan nila, kaya nag-lagay ito ng airphone sa kanyang tenga habang nakahiga sa kama. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD