PAHIMOD 10: FLASHBACK

1622 Words
Nakatayo si Sahastra sa pinto ng unit kung saan tinatago ng ama niya ang babae nito. Hindi niya akalaing magloloko pa ito, wala na ngang trabaho at sigurado siyang ang ginagamit nitong pambayad sa lahat ay pera ng kanyang ina. Halos sampung minuto siyang nakatayo bago niya pinindot ang doorbell. Maya-maya pa ay bumukas ito, isang dalagang babae ang bumungad sa kanya. Nakangiti, pero nanatili siyang seryoso. “Nandito ba ang iyong ama?” Seryoso niya na tanong dahilan para mawala ang ngiti sa labi ni Santana. Pigil na pigil namang sugurin ni Sahastra ang babaeng nasa kanyang harapan. “Yes, sino ka at anong kailangan mo?” Pabalik niya na tanong, pinagmasdan nito ang dalagang nasa harap. Hindi nagkakalayo ang kanilang edad, at medyo may hawig ito sa kanyang ama lalo na sa mata at kapal ng kilay nito. “Sabihin mong namatay na ang kanyang asawa, habang nandito siya sa kabit niya.” Pagkasabi niya iyon ay tumalikod na siya at lumakad paalis, malalaking hakbang ang kanyang ginawa dahil talagang sasabog na siya sa galit. Nagulat naman si Santana sa nalaman, ang buong akala niya'y sila lang yung pamilya ng kanyang ama. At masaklap pa ay kabit ang ina niya. Umiiyak siyang bumalik sa kusina, nagulat naman ang kanyang ama’t ina. Nagkatinginan silang dalawa dahil masaya pa itong bumukas ng pinto kanina. “Anong nangyari Santana? Bakit ka umiiyak?” Tanong ng kanyang ina, lalo namang nag-inarte ang dalaga para kapani-paniwala yung gagawin niya na kasinungalingan. “Dad, merong pumunta na babae dito galit na galit sinampal niya ako. At sinabi niyang namatay na raw ang asawa mo habang nandito ka sa iyong kabit. Dad, totoo ba? Kabit lang si mama? Hindi lang ba kami ang pamilya mo?” Sunod-sunod niya na tanong sa ama sabay humagulgol sa iyak dahilan para kabahan ang dalawa. Hindi nila sinasabi dahil masasaktan si Santana, galit na tinignan ng ginang ang kanyang kalaguyo. “Do something Andrew, hindi ako papayag na tinatrato ng ganito si Santana! Siguradong ang anak mo yung pumunta dito, anong iyong gagawin ngayon?!” Galit na sigaw ni Ambrosia, napahilot naman ng sintido ang ginoo hindi niya akalaing malalaman ito ng kanyang anak. At masaklap pa ay totoo pala na nagkasakit ang asawa, akala niya’y inarte lang nito para makuha yung kanyang atensyon. “Kailangan kong umuwi.” Paalam niya dahilan para lalong makaramdam ng galit si Ambrosia. “Uunahin mo pa ang patay kaysa magpaliwanag kay Santana?! Hindi na bata ang anak natin Andrew, nasa tamang edad na siya at ilang taon mo kaming itinago!” Singhal nito habang patuloy namang umiiyak si Santana, hindi pa rin makapaniwala na anak siya sa labas. “Meron lang akong aayusin Ambrosia, babalikan ko kayo!” Matigas niyang sagot, hindi naman siya nasindak malakas na ang kanyang loob dahil wala na yung asawa nito. “Mamili ka Andrew, kami ng iyong anak o ang pinalalamayan na asawa mo?” Seryoso nitong tanong, sumingkit ang dalawang mata ni Andrew dahil sa ng querida niya. “Gusto mong pumili ako? Huwag mong pagsisisihan ito Ambrosia, meron akong isang salita pero mukhang wala kang tiwala sa akin! Aalis ako para asikasuhin ang pag-uwi niyong mag-ina sa mansyon!” Malamig niyang paliwanag, bigla namang natauhan si Ambrosia sa kanyang narinig. 
“Akala ko iiwanan muna kami, alam mo namang mahal na mahal kita Andrew. At ayoko rin na mawalan ng ama ang anak natin, nadala lang ako dahil lagi mo kaming tinatago.” Bigla itong naging mabait at umarte na nasasaktan, napabuntong-hininga naman si Andrew bago lumapit sa kanyang mag-ina at niyakap ito. “Hindi ko kayo iiwan alam mo yan Ambrosia, sa inyo ko lang naramdaman ang pagmamahal ng isang pamilya.” Lihim namang napangiti ang ginang dahil nagtagumpay na naman siya sa kanyang pag-iinarte. Wala siyang ibang gagawin ngayon kundi ang maikasal silang dalawa ni Andrew, ito na yung tamang panahon para maging isang legal na asawa. “Ipapaliwanag sayo lahat ng mama mo, maniwala ka Sahastra, kayong dalawa ang pinili ko.” Aniya sa kanyang anak bago ito hinagkan sa noo, tuluyan na siyang umalis sa hotel kung saan sila nakatira. Binili niya iyon para sa kanyang mag-ina, pero ang ginamit nitong pera ay sa asawa pinag-awayan nila iyon kaya hindi siya madalas umuwi ng mansyon. Pagdating ni Andrew sa mansyon, nadatnan niyang maraming sasakyan ang nakaparada sa gilid at harap ng bahay nila. Pagbaba niya sa kanyang kotse, pinagtitinginan siya ng ibang bisita. Ang iba ay kamag-anak ng asawa, masama at matalim yung tingin nila sa kanya. Hindi niya iyon pinansin, dahil sanay na siyang puro pang mamaliit at masasakit na salita ang kanyang natatanggap. Pagpasok niya sa mansyon ay larawan ng kanyang asawa at maraming bulaklak ang bumungad. Biglang tumahimik ang paligid, lahat sa kanya ay nakatingin. “Ang kapal naman ng mukha mong umuwi pa rito!!” Galit na sabi ng kanyang sister-in law, nanatili naman siyang tahimik alam niyang malaki rin ang naging kasalanan sa asawa. “Noong kailangan ka ni mom hindi ko man lang nakitang pinuntahan mo siya. Ngayong malamig na siyang bangkay, magpapakita ka! Dad, wala ka na bang pakialam sa amin? Mas importante na ba ang bago mong pamilya, paano mo nagawa samin ‘to? Buong buhay ni mom nagtatrabaho siya para sa atin, pero bakit nagawa mong maghanap ng iba? Kung hindi pa namatay si mom, wala akong alam na meron ka ng bagong pamilya. Kaya ba lagi kang wala, hi-hindi muna ba ako mahal? Bakit dad, hindi sana namatay si mom kung lagi kang nasa tabi niya.” Sunod-sunod na tanong ni Sahastra sa kanyang ama, humagulgol ito ng iyak dahil sobrang bigat na ng dibdib niya. “Ako lang ba ang may mali? Lalaki ako at may pangangailangan. Hindi ko kasalanan kung mahina na ang kanyang katawan, ilang beses kong sinabi sa iyong ina na magtulungan kaming dalawa. Pero wala siyang tiwala sakin, wala rin akong ibang narinig mula sa angkan niya kundi pang iinsulto. Kaya ‘wag niyo akong sisisihin kung bakit ako naghanap ng iba.” Malamig niyang sagot kay Sahastra, lalong nakaramdam ng galit ang dalaga. “Ikaw pa ang matapang ngayon, dapat lang na hindi siya nag tiwala sayo!! Mabuti nalang talaga dahil baka ubos na ang yaman niya, ibang pamilya yung binubuhay mo! Kahit paano naging wais ang aking kapatid!” Sumbat sa kanya ng isang kapatid ng asawa. “Ang kapal ng mukha mo Dad, kung talagang mahal mo si mom hindi ka maghahanap ng iba! Hindi excuse ang pangangailangan mo bilang isang lalaki! Hindi ka marunong makuntento, kahit wala kang ginagawa dito sa bahay pasarap buhay lang. Lahat ng gusto mo ay binigay ni mom, hindi siya nagkulang bilang asawa mo! Kahit pagod siya ikaw pa rin ang inaalala niya, pinagsisilbihan ka kahit sobrang batugan mo! Mas pinili kong tumahimik dahil ayokong magalit si mom sakin, pero this time hindi na ako tatahimik. I’m so disappointed, yung wala ka ngang silbi dito sa bahay nagawa mo pang mang babae tapos nagkaroon pa kayo ng anak! Halos kasing edad ko lang dad, iniisip mo ba kung anong nararamdaman ko ngayon? Sobrang sakit, galit na galit ako sayo nasabing lalaki ka, pero wala kang kwenta!” Sigaw niya sa kanyang ama, ito ang unang pagkakataong napag-salitaan niya ito ng masasakit. Hindi niya matanggap na merong ibang pamilya ang kanyang ama, ilan taon siyang niloko naniniwala sa mga pangako nito. “Alam mo bang bawat daing ni mom meron siyang nararamdaman, ikaw na asawa wala. Iyon pala nasa ibang bahay ka, sa sobrang pagmamahal sayo ni mom. Binilhan pa ng condo ang kabit at anak mo, ganyan na ba kakapal yang pagmumukha mo dad? Kinamumuhian kita, ang sama-sama mong ama! Lalo na bilang isang asawa!! Alam mo bang ikaw pa rin ang iniisip ni mom noong nagpapaalam na siya sakin. Pero ikaw, walang pakialam ganyan ka ba katigas dad?! Wala ka na bang pagmamahal sa amin kahit konti lang, wala na ba talaga?” Halos pabulong na niyang huling tanong, muntik na itong matumba buti nalang at agad siyang nahawakan ng tiyahin niya. “Itigil mo na ang iyong ka-dramahan Sahastra, kung galit ka sakin dapat ako lang. Huwag mong idadamay ang anak kong si Santana, kapatid mo siya–” “Wala akong kapatid, kahit kailan hindi ko siya ituturing na isang kapatid. Ako lang ang nag-iisang anak niyo ni mom! Wala akong ginagawang masama sa iyong anak. Kilala mo ako Dad, pinalaki niyo akong hindi marunong makipag-away. Meron akong respeto, pero ngayon nakadepende nalang sa tao! Sabihin natin ma-drama ako, wala na ba akong karapatan na isumbat sayo lahat ng hirap ni mom? Kahit isang beses lang dad, sana man lang dumalaw ka sa ospital! Hindi mo man lang iniisip ang nararamdaman niya? Asawa ka niya dapat nandoon ka. Ilang beses kitang tinawagan at nag-message, pero ni isang reply wala akong natanggap. Ilang beses din akong nagsinungaling na pupunta ka, para lang gumaan ang kanyang pakiramdam. Pero sa huli, hindi ka niya kayang hintayin tuluyan na siyang nagpaalam. Wala na ba talagang puwang si mommy dyan sa puso mo? Bakit nandito ka pa? Sana hindi ka nalang pumunta dito!!” Muling sumbat niya sa kanyang ama, wala siyang pakialam sa sasabihin ng mga bisita nila. Hindi na niya kayang tiisin ang sakit na nararamdaman, kailangan niyang ilabas lahat ng bigat sa dibdib niya. Hindi naman makapagsalita si Andrew, napayuko ito at nanatiling tahimik. “I hate you, dad!” Palubong niyang sabi bago tuluyang mawalan ng malay, dahil halos wala pa itong tulog talagang binantayan niya ang kanyang ina. Lalapitan na sana si Andrew sa anak ngunit pinigilan siyang makalapit. Wala itong nagawa kundi tingnan si Sahastra na buhat ng isa nitong pinsan. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD