PAHIMOD 9

1559 Words
Napabalikwas naman ng bangon si Sahastra, ito ang pinakamahaba niyang tulog. Pagtingin niya sa may sofa ay halos napatalon siya sa gulat. Nang makita si Wildker, seryoso itong nakatingin sa kanya at nakapang tulog na ito “Akala ko hindi ka na magigising, magpahanda ako ng dinner mo. Nandito na rin ang mga gamit na ibinigay ng iyong ama.” Seryosong sabi ni Wildker, habang nakatingin sa kanya. Tumango lamang ito, pinagmasdan ang likod ng binata na papalabas ng kwarto. Agad siyang bumaba ng kama para tignan ang maleta, nagtataka bakit halos isang maliit lang na maleta marami itong gamit sa mansyon. Pagbukas niya’y halos mga lumang damit ang nasa loob, nang makita yung jewelry box ay kinuha agad nito at tingnan. Bigla siyang kinabahan dahil hindi niya makita ang kwintas at bracelet na bigay ng kanyang ina. Binuhos niya sa sahig ang laman ng jewelry box dahil baka nadaganan lang, pero wala pati laman ng nasa maleta ay inilabas niya. Nanghihina siyang napaupo sa sahig, hindi niya alam kung anong nararamdaman o gagawin. Importante iyon sa kanya, wala na siyang ibang alaala sa kanyang ina kundi yun na lamang. Nagulat naman si Wildker sa kanyang nadatnan pero hindi niya pinahalata, nanatiling seryoso ang mukha niya habang hawak yung food tray. “What are you doing, Ms Sahastra?” Malamig na tanong niya sa dalaga dahilan para magulat ito. Agad niyang inayos ang kanyang mga gamit, bago bumalik sa kama at doon umupo. “Wala na ba akong ibang gamit? Yan lang ba yung binigay nila?” Sunod-sunod niya na tanong. “Yan lang ang ibinigay kay Buck, bakit meron bang kulang?” Pabalik na tanong niya bago iniabot kay Sahastra yung pagkain. Kinuha naman agad ng dalaga dahil nagugutom na rin siya. “Kumain ka muna, kung meron kulang sumama ka sa akin bukas para kunin sa bahay niyo. Dahil meron akong ipapapirma na agreement sa iyong ama, tungkol ito sayo hindi na siya pwedeng makialam pa sa’yong desisyon dahil ikaw ang ginawang pambayad sa kanyang utang. At syempre gaya ng request mo, wala na siyang magiging habol sa naiwang mana sayo ng iyong ina.” Paliwanag niya dito, tahimik naman si Sahastra hindi siya pwedeng magtiwala sa lalaking nasa kanyang harap. Dahil ang pinag-uusapan dito ay yaman ng kanyang ina. Sarili niya ngang ama nagawa siyang talikuran ito pa kayang si Wildker. Siguradong pagkatapos ng isang taon, magiging strangers na ulit silang dalawa. Hindi kilala at kung kinakailangan ay ayaw na niyang mag-krus ulit ang kanilang landas. “Kapag naging okay na lahat, pupunta dito ang aking Attorney para ayusin kung anong dapat mapasayo. Total hawak mo ang last will ng iyong ina. Pwede yang maging katibayan.” Dagdag pa nitong sabi, uminom muna ng tubig si Sahastra bago nagsalita. “Yes hawak ko yung last will ng aking ina, at wala siyang nabanggit na merong ari-arian ang magaling kong ama.” Seryoso niyang sagot, kaya sobrang sama ng kanyang loob nagawa pa nitong mambabae habang hirap na hirap sa pagtatrabaho ang ina niya. “Okay, magpahinga ka na ulit. Bukas maaga tayong aalis. Dito ka muna sa aking silid, habang inaayos pa ang iyong magiging kwarto, pansamantala. Bukas kailangan din natin mag-usap, tungkol sa pagpapanggap mo bilang asawa ko.” Tumayo na si Wildker sa kanyang kinauupuan, kinuha ang pinagkainan ng dalaga bago tuluyang lumabas ng kwarto. Napabuntong-hininga naman si Sahastra, ito ang unang pagkakataon na tahimik ang kanyang buhay. Dahil noong nasa mansyon ito ng Gregorio, impyerno ang kanyang buhay kahit meron silang kasambahay wala ibang inuutusan yung mag-ina kundi siya. Wala naman pakialam ang ama niya, hindi man lang siya nito ipagtanggol. Talagang tuluyan na siyang tinalikuran para sa bago nitong pamilya. Mapakla siyang na natawa ng mahina, lahat ng sakripisyo ng kanyang ina para sa ama niya’y hindi deserve ng ginoo. Alam niya kung paano mahirapan ang kanyang ina, kaya lumaki siyang mature. Hindi siya nagrereklamo kapag laging busy at halos late na umuwi ang ina niya. Dahil lagi nitong sinasabi, ayaw niyang mahirapan siya pagdating ng panahon. Sa sobrang sipag ng kanyang ina, nagkaroon ito ng sakit na naging komplikasyon. *FLASHBACK* Mahigpit niyang hawak ang kamay ng kanyang ina, sunod-sunod na umaagos sa pisngi yung luha niya. Kitang-kita niya kung paano mahirapan ang ina, at ni isang beses ay hindi nagtangkang dumalaw sa ospital ang ama niya. “Anak, hindi ko na kaya nanghihina na ang aking katawan. Patawarin mo ako, dahil ang dami kong pagkukulang bilang isang ina.” Mahina niyang sabi pero sapat na para marinig ni Sahastra. “Lumaban ka mom, ‘wag mo akong iiwan please, paano na ako? Huwag kang magsalita ng ganyan, kaya mo pa malakas ka mom kaya alam kong lumalaban ka.” Umiiyak na sagot ni Sahastra, hindi pa siya handang mawala ang kanyang ina. Umiling ang ginang kaya lalong naiyak si Sahastra, alam niyang mahina na ang yung katawan nito at lumalaban pa. Araw-araw niya nakikitang nahihirapan ang ina. Araw-araw din na sinubok ang kanyang katatagan, ayaw niyang maging mahina sa harap ng ina pero ngayon hindi na nito kayang itago pa. “Maging matapang ka Sahastra, ipaglaban mo kung anong karapat dapat sayo. Ipangako mo sa akin na kahit anong mangyari, ‘wag mong pababayaan ang iyong ama. Hindi ko siya mapapatawad sa kanyang ginawa, pero ‘di ko rin masisisi kung bakit niya nagawa iyon. Marami akong pagkukulang bilang asawa, hindi ko yun pinagsisihan dahil para iyon sayo Sahastra. Nagpapasalamat ako dahil may anak akong kagaya mo, mahal na mahal kita anak ko.” Agad na pinunasan ni Sahastra ang luha ng kanyang ina, habang sunod-sunod na tumatango. “Nag-away po ba kayo ni dad, kaya ba hindi siya pumunta dito ngayon?” Tanong niya sa ina, maraming katanungan sa kanyang isipan. Kahit noong okay pa ang ina ay napapansin niyang nagkakalabuan ang magulang niya. May araw na halos isang linggong hindi umuuwi ang ama niya, kung uuwi man ay lagi naman itong lumalabas. Ngumiti ang kanyang ina, pero wala itong sinabi. Ayaw niyang lalong masaktan si Sahastra, umiling siya bago dahan-dahan na pumikit. Lalong kinabahan ang dalaga, agad niyang pinindot ang red button para magtawag ng nurse. “Mom..” Tawag niya napatayo na ito sa kanyang kinauupuan, inaalog ang balikat ng ina pero hindi na ito gumagalaw. “Mom, wake-up please mom!” Humagulgol na siya ng iyak, sakto namang pumasok ang tatlong nurse at doctor. Agad nilang inasikaso ang kanyang ina, lahat ginawa na pero talagang bumitaw na ito. Tumingin ang doctor sa kanya at umiling, lalong napahagulgol sa iyak si Sahastra lumapit ito sa ina at mahigpit na niyakap. Wala siyang bukambibig kundi ang tawagin ang kanyang ina, nagmamakaawa na bumalik ito at huwag siyang iwanan. Nang mapagod na siyang umiyak, tulalang umupo ito sa sofa sobrang bigat ng kanyang dibdib. Nanginginig ang mga kamay niya habang nagtatype sa kanyang cellphone. Nag-message siya sa kanyang lola, pinaalam niyang namaalam na ang ina. Umiyak na naman siya, ito ang unang pagkakataon na nag pakita ng emosyon. Hindi niya kayang itago kung anong nararamdaman dahil ina nito ang pinag-uusapan. Habang inaalis ng nurse ang dextrose ng kanyang ina, nakatitig lamang siya doon. Nang kumutan na nila ito ay napayuko siya, nag-uunahan na naman ang luha niyang umagos sa kanyang pisngi. “It’s really hurts mom, bakit iniwan muna ako. Hindi ko kayang tanggapin ang pagkawala mo, sana kumapit.” Tinakpan niya ang kanyang bibig para hindi makalikha ng ingay. “Malapit na graduation ko mom, sinong kasama kong aakyat sa stage? Sinong magsusuot ng mga award ko? Lahat ng iyon mom para sayo, dahil nakikita ko kung paano ka mahirapan maibigay lang ang pangangailangan ko. Paraan saan pa ang lahat ng ito?” Halos pabulong niyang sabi, nadatnan siyang umiiyak ng iba nilang kamag-anak. Walang ibang maririnig sa room ng ina niya kundi iyakan. Halos alalayan nila yung kanyang lola, hindi matanggap ng ginang na mas nauna pang nawala ang anak niya. “Anak ko!! Gumising ka, ‘wag mong iwanan ang anak mo. Kawawa si Sahastra, ang apo ko…” Sigaw nito habang umiiyak, inalalayan nila itong lumabas muna ng room dahil baka atakihin ito sa puso at high blood. “Be strong Sahastra, nandito lang kami.” Malungkot na sabi ng kanyang tiyuhin, dalawang beses niyang tinapik ang balikat nito. Tanging tango lang yung isinagot niya, dahil sa tuwing bubuka ang kanyang bibig ay lalo siyang nanghihina at nasasaktan. Dinala na ng isang nurse ang bangkay ng kanyang ina sa morgue. “Nasaan ang iyong ama Sahastra?” Tanong ng isa niyang tiyahin, nagkibit-balikat siya dahil wala itong alam kung saan nagpunta ang ama. “My gosh!! Patay na ang iyong ina nandoon pa rin siya sa kabit niya!” Hindi na mapigilan ng tiyahin niya ang galit na nararamdaman. Nagulat naman si Sahastra sa kanyang nalaman. “Ka-kabit?” Nauutal at salubong ang kilay niyang tanong. “Oo, hindi pa ba sinasabi sayo ng iyong ina? Merong babae ang hinayupak mong ama! Matagal na kayong niloloko, mas matanda ka lang ng dalawang taon sa anak nila! Meron kang kapatid sa labas!” Paliwanag ng kanyang tiyahin, halos napaupo ulit sa sofa si Sahastra sa kanyang nalaman. Nanginginig ang kamay niya sa galit at puot na nararamdaman para sa kanyang ama. “Nasaan siya?” Malamig at seryoso niya na tanong, nagkatinginan ang magkakapatid. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD