PAHIMOD 8

1719 Words
Pagpasok ni Wildker sa dark room ay agad niyang kinuha ang baseball bat. Nakatingin siya ng seryoso sa lalaking nakasabit, tinali ang dalawang kamay nito at paa. Ganun din si Agapito, nakatingin siya sa binata na kapapasok lang ng dark room. “Boss.” Tawag sa kanya ng mga tauhan niyang nakabantay kay Agapito, nagulat naman ang ginoo ngayon lang nito nakita si Wildker. Ang buong akala niya’y si Taruray yung pinuno ng organization dahil ito lagi niyang kausap. “Magbabayad na ba ang lalaking yan?” Malamig niya na tanong umiling si Buck, napangisi naman siya dahil matigas talaga ang mukha ng ginoo. Lalong nakaramdam ng takot si Agapito, parang kanila lang ang tapang at yabang nitong magsalita. Pinagmvmura ang mga tauhan ni Wildker, pero ngayon tila umurong yung kanyang buntot at itlog sa sobrang takot at kabang nararamdaman. “Maawa ka Mr. Giordano, magbabayad na ako!” Nagmamakaawa niyang sabi, halos makaihi na ito sa takot na nararamdaman. “Hindi kita marinig, Agapito ano ang sinasabi mo?” Malamig nitong tanong na kunwaring hindi niya narinig ang sinabi kanina. “Maawa ka sa akin, magbabayad na ako pangako..” Mas malakas ang boses niyang pagmamakaawa, mahina namang tumawa si Wildker bago hinampas yung hawak niyang baseball bat sa hita ni Agapito. Napasigaw ito sa sakit, halos maluha ramdam niyang tila nabali ang kanyang boto sa hita, humiwalay sa bandang tuhod nito. “Aarrgghh!!!” Muli niyang sigaw dahil hindi na kaya ang sakit. Hindi pa nakuntento si Willdker, isang malakas pang muli na hampas ang kanyang ginawa. Umaalingawngaw sa buong silid ang malakas na pagsigaw ng ginoo. Hindi pa na-satisfied si Wildker, dahil kung saan-saan niya ipinahanap sa kanyang tauhan ang ginoo. “Maawa? Noong umutang ka sa aking ama, grabe ang pagmamakaawa mo tapos ngayong sisingilin kita wala kang ginawa kundi taguan ako? Anong akala mo makakaligtas ka sa aking mga kamay? Kahit saan ka magtago Agapito, mahahanap at mahahanap kitang hayòp ka!!” Galit niyang sigaw sa ginoo bago tinignan ang dalawang tauhan niya. “Pahirapan yan hangga’t hindi ko sinasabing tumigil kayo!!” Malamig niya na utos, bago itinapon ang baseball bat nitong hawak at umupo. Nagpupumiglas si Agapito wala siyang pakialam kahit sumakit ang pulsuhan nito. Hindi niya akalaing ganito ang kanyang sasapitin sa kamay ng anak ni Mr Giordano, akala niya’y panakot at tsismis lang yung naririnig tungkol sa mga anak ng dating kaibigan. “Huwag, maawa kayo magbabayad na ako pangako!!” Muling sigaw niyang pagmamakaawa, pero walang awang nararamdaman si Wildker. Inubos na ng ginoo ang kanyang pasensya at wala siyang pakialam kung anong nararamdaman niya. Hawak ng tatlong lalaki ang latigo, salitan nila itong hinahampas sa likod ni Agapito na walang ibang ginawa kundi sumigaw at magmakaawa. Para namang musika sa pandinig ni Wildker, nasisiyahan siya kapag may naririnig na sumisigaw sa sakit at nagmamakaawa. Lalong-lalo na ang pagsisisi, nakapikit siya habang nakasandal sa upuan. Wala naman tigil ang kanyang mga tauhan sa pagpapahirap kay Agapito, halos mamaos na ito kasisigaw parang batang humihingi ng tulong. Tumayo siya at lumakad palapit sa ginoo, “Ano kaya pa ba Agapito? Kung ang aking ama ay madaling pakiusapan, ibahin mo ako! Utang is utang na kailangang bayaran!” Malamig niyang sabi habang seryosong nakatingin kay Agapito. “Hayop kayong mga anak niya!” Halos pabulong niya na sagot, pero mariin ang bawat pagkakabigkas ng kanyang sasabihin. Tumawa nanatili namang seryoso si Wildker. Akala niya’y naubos na ang tapang ni Agapito pero mukhang nagkamali siya. “Putulin ninyo ang lahat ng daliri niya.” Utos niya sa kanyang tauhan, lalo namang nakaramdam ng takot si Agapito. “Wag maawa ka! Maawa kayo sa akin, ‘wag niyong putulin ang mga daliri ko!” Muli niyang pagmamakaawa, mga bingi ang tauhan ni Wildker. Una nilang kinalas ang dalawang kamay ni Agapito na nakatali, hinila siya palapit sa binuhay na machine ni Wildker, isa itng electric bone saw cutter. “No, no please! Wag…” Sigaw ng ginoo habang nagpupumiglas, pilit siyang kumakawala. Napapalunok naman ng mga sariling laway ang ibang tauhan ni Wildker na nanonood sa gagawin nito. Hinila niya ang isang kamay ng ginoo, at walang pag-aalinlangan na pinadaan ito machine. Isang malakas na sigaw at may kasamang iyak ang umalingawngaw sa loob ng dark room. Sumirit ang dugo mula sa mga daliri ni Agapito, lalo siyang nanghina hanggang sa mawalan ng malay. Mahinang natawa si Wildker, dahil limang daliri palang ang nawawala ay mukhang sumuko na. Nagsisimula palang siyang mag-enjoy pero napornada na agad. “Itali na ulit yan, kapag nagising pwede niyong ituloy ang pagputol sa kabilang kamay niya.” Malamig niyang utos, muling hinila ng mga lalaki si Agapito pabalik sa pwesto nito kanina at itinali. Lumapit si Buck dahil meron itong importanteng sasabihin. Kanina pa siyang kumukuha ng magandang timing, mahirap na dahil mainit ang bungo ni Wildker. “Boss, nagbayad na ang asawa ni Agapito. Anong plano mo?” Bulong nito kay Wildker, napatingin naman ito sa kanya nagtataka dahil bakit tinatanong pa kung anong plano. “Patayin pa rin siya, ihatid niyo ang mga daliri ni Agapito at sabihing ihanda na yung kabaong nito.” Malamig niyang sagot kay Buck, sunod-sunod naman itong tumango. Ayaw niya sa lahat ay tinatakbuhan ang responsibility mga umutang sa kanila. Maliit man o malaki, utang is utang. “At Boss, dumating na ang mga damit ni Ms Sahastra.” Muling balita nito, tumango ulit siya mukhang mabilis kumilos ang kanyang mga tauhan ngayon. “Sabihin kay Taruray, utusan ang ibang katulong na ayusin sa closet room lahat ng pinamili kong gamit ni Sahastra.” Utos nito habang naglalakad palabas ng dark room. “Kamusta pala si Donya Giordano? Patuloy pa rin ba ang kanyang kahibangan?” Tukoy nito sa kanilang lola, na walang ibang bukambibig kundi mag-asawa na siya. Ang nakatatanda nitong kapatid, hindi man lang sinasabihan. “Hindi pa rin ito tumitigil na pinapahanap ang babaeng nagligtas sa kanya noon. Halos lahat ng nasa restaurant noon na babae ay isa-isa ng hinahanap. Oras na mahanap daw ay ipapakilala niya sayo.” Seryosong paliwanag ni Buck, wala namang naging reaksyon ang binata sa kanyang nalaman. Hindi siya interesado sa babaeng sinasabi ni Buck, kahit pa iniligtas nito ang buhay ng kanyang lola. “Bakit niya pa hinahanap, alam naman niyang maraming mapagsamantalang tao ngayon. Hindi niya rin masabi kung anong mukha niya, laging sinasabi babae paano mahahanap. Sa sobrang dami ng babae that time.” Umiiling na sabi ni Wildker, dahil ilang taon na ang lumipas pero hindi pa rin tumitigil sa paghahanap. Pineperahan na lamang ang lola niya ng mga taong mapagsamantala. Hinayaan na lang niya para hindi magtanim ng galit si Donya Giordano. “Meron siyang nabanggit sa akin isang beses, pero hindi ito sigurado. Hindi kasi malinaw ang pandinig niya that time, tinawag ng sasa yung babaeng tumulong sa kanya. Kaya lahat ng babaeng nagngangalang Sasa ay pinatawag niya noon, pero wala parin nangyari.” Muling paliwanag ni Buck, natawa na lamang si Wildker. “Matanda na siya at may mga bagay na ding nakakalimutan. Sa paghahanap ng babaeng yun naubos ang kanyang panahon!” Malamig niyang sabi, tumingin siya kay Buck. Kahit anong pakiusap niya sa kanyang lola ay matigas pa rin yung ulo, kaya wala siyang pagpipilian kundi hayaan kung anong gusto nito. “Wag kang tumigil sa pagmamanman, gaya ng dati kapag kahina-hinalang tao ay patayín mo na!” Dagdag nitong sabi bago tuluyang pumasok sa kanyang silid. Tiningnan niya si Sahastra na mahimbing pa rin ang tulog. Napako ang tingin niya sa braso ng dalaga, kaya pala naka-jacket ito kanina dahil meron itong mga pasa at mga peklat na galing sa pagmamaltrato. Maingat niya itong hinaplos dahil baka mamaya ay magising si Sahastra. Marami siyang gustong itanong sa dalaga. Pero wala siyang karapatan dahil kontrata lang ang meron silang dalawa. Agad siyang lumayo nang may kumatok sa pinto, pagbukas ay si Taruray. “Boss, nakahanda na po ang dinner niyo sa second floor. Hinihintay ka na rin ng dalawang kvpal mong kapatid.” Malamig niyang sabi. Mahinang natawa si Wildker dahil simula na naman ang kalbaryo ng buhay ni Taruray. Lalo na’t nandito si Wildley, aso’t pusa silang dalawa kahit maliit na bagay ay talagang pinag-aawayan nila. “Susunod ako, sumabay ka na rin sa amin.” Sagot nito bago nagtungo sa banyo para maligo saglit dahil natalsikan siya kanina ng dugo ni Agapito. Nang matapos siyang maligo ay nagtungo na ito ng second floor, pagpasok niya’y nag-babangayan na naman sina Celt at Taruray. “Hindi mo ako madadaan sa ganyan Celt, marami ka pang kakainin na kanin!” Pang-aasar ni Taruray. “Malamang tanders na kayo ni Rylo, sabi niya sakin noong nag-aaral pa kayo ng elementary tumae ka raw sa upuan mo.” Hindi naman nagpapatalo na pang-aasar ng binata. “Hindi ako yun parang si Rylo yung tumae that time, ikaw nga nung hinatid kita sa school mo nakalimutan mong magsuot ng brief tapos tulo uhog pa kapag umiiyak.” Napapailing na lamang si Wildker habang sumasandok ng kanyang kanin, tahimik naman ang panganay nilang kapatid na dinadawit pa ng dalawa. “Tumahimik na kayong dalawa dyan, baka nakakalimutan ninyong kasama natin yung nakatae sa upuan niya.” Suway ni Wildker na may kasamang pang-aasa. “Basta si Celt mukhang tae, walang ibang bukambibig kundi TAE.” Malamig namang sabi ni Rylo bago tinignan ang bunsong kapatid. “Nga pala Taruray, bukas sumama ka sakin sa mall para bumili ng isusuot mo sa party. Ipapaayos ko kay Buck lahat ng taong sisingilin mo, kailangan na natin ng pondo dahil magbibigay na naman ako ng tulong sa bahay ampunan.” Pagpapaalala ni Wildker, lalo na si Don Bejerano hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nagbabayad ng kanyang utang. Malaki ang tiwala niya kay Taruray, dahil simula bata palang ay magkakasama na sila. Pinagkakatiwalaan din ng kanyang ama ang parents ni Taruray. “Walang problema Boss, ako na ang bahala sa mga hindi pa nakapagbayad. Meron silang kalalagyan.” Sagot nito, dahil kabilin-bilinan ng kanyang ama na gawin niya ang dapat trabahong ibinibigay sa kanya. “Anong plano mo sa babaeng nandito?” Seryoso na tanong ni Rylo sa nakababatang kapatid. Aware siyang mahilig sa babae si Wildker pero hindi niya ito inuuwi at mukhang protektado pa nito. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD