PAHIMOD 7

1700 Words
Sa bahay naman ng Gregorio, masayang kumakain ng almusal sila Santana. Hindi pa rin sila makapaniwalang mag-ina na nakauwing ligtas si Mr. Gregorio akala ng ginang ay hindi na nila makikitang muli ang asawa. “Dad alam mo bang inaaway ako ni Ate Sahastra, ang sasakit ng mga sinabi niya sa akin. Dapat ako raw ang pambayad total paborito mo akong anak. Wala daw akong kwenta, hindi kita kayang ipagtanggol sa mga dumukot sayo.” Naiiyak niyang kwento, lalo namang nakaramdam ng galit ang ginoo dahil palala ng palala yung ugali ni Sahastra. “Tapos sabi niya, dapat lang daw na pagbayaran mo ang iyong pagkakautang. Hindi daw siya magsasakripisyo para sayo, pinagsabihan pa akong inagaw kita sa kanya. Bakit daw dumating pa kami ni mom sa buhay mo? Sinabi pa niyang bibigyan daw niya ako ng limang milyon at lumayo na kami sayo. Napakasama niya dad.” Paninira niya kay Sahastra para lalong magalit ang ama nila sa kanya. Wala siyang ibang gagawin ngayon kundi palabasing masama ito at siya ang mabuting anak. Dahil sa nalaman ni Gregorio ay halos mayupi na ang tinidor na hawak niya. Sobrang bait dati ng kanyang anak sa nangyari ngayon ay masasabi niyang tuluyan na itong nagbago. Problema niya ngayon paano sasabihin sa kanyang mag-ina ang tungkol sa ginawa ni Sahastra. “Anong nangyari kay Ate Sahastra? Bakit hindi mo siya kasamang umuwi?” Pa-inosente na tanong nito, kahit alam naman niya kung anong totoo. “Ako lang ang pinauwi, hindi ko alam kung anong pinag-usapan nila ni Mr. Wild.” Seryoso na sagot nito, napangiwi namang si Santana dahil pangalan pa lang ng nag-padukot sa ama ay mukhang many4kis na at siguradong pangit ito. “Pero nabanggit niya sa akin, ang ginawang pambayad ni Sahastra ay yung kumpanya. Siguradong ang mga restaurant na lang ang natitirang ari-arian ko.” Dagdag nitong sabi nagkatinginan ang mag-ina, kumpanya pa naman nila yung malaking income. Sumenyas si Santana sa kanyang ina na magsalita ito. Hind pwedeng mawala ang kumpanya sa kanila, dahil pangarap ni Santana na maging isang CEO. Ngunit hindi nagsalita ang ginang, alam niyang na-shock din ito sa nalaman. “What?! Bakit ginawa iyon ni Ate Sahastra, paano nalang tayo? So nasaan na siya ngayon? Paano na ang pagpapakasal niya kay Mr. Bejerano?” Muling tanong niya sa ama, hindi siya makapaniwala na nagawa iyon ni Sahastra ang usapan nila ay walang ibang magiging kabayaran kundi siya mismo. “Siya ang naging kabayaran sa naging porsyento sa aking utang. Hindi ko alam kung ano na ang nangyari sa kanya. Ang pagpapakasal naman niya kay Mr. Bejerano, kakausapin ko siya ako nang bahalang gumawa ng palusot.” Lihim na napangisi si Santana, dahil buong akala nito ay kakawawain ang kanyang kapatid. At mas lalong ayaw niyang maikasal sa anak ni Mr. Bejerano, mukha itong bisugo sa haba ng nguso. Marami lang itong pera kaya may pumapatol pa rin sa kanyang mga babae. “Hayaan muna yung babaeng iyon, ang mahalaga ay nandito na ako. Iyon naman ang mahalaga ‘di ba? Gagawan ko ng paraan ang kumpanya, hindi pwedeng kunin iyon ni Mr. Wíld!” Seryoso na sabi niya, nagkatinginan ang mag-ina. Matamis na ngumiti ang ginang bago nagsalita para hindi sila mahalatang yaman lang nito yung gusto niya. “Darling, alam mo ba gustong-gusto na ni Santana mag-manage na kumpanya. Malapit na rin ang kanyang kaarawan, baka pwedeng iregalo muna yung isa.” May paglalambing sa boses niyang sabi sabay haplos sa kamay ng ginoo. Nanlambot naman agad ang puso nito, dahilan para ikatuwa ng mag-ina. “Sige aasikasuhin ko ang aking regalo sa kanya.” Sagot nitong walang kasiguraduhan dahil lahat ng restaurant na minamanage ni Sahastra ay pag-aari ng yumaong asawa niya. At bilang asawa niya'y meron pa rin itong karapatan, may makukuha pa rin siya sa yaman ng yumaong asawa. “Thank you daddy, you're the best talaga.” Tuwang-tuwa si Santana, halos yakapin na niya ang kanyang ama sa sobrang saya. Tuwang-tuwa rin ang ginang dahil kahit papaano ay hindi na maaapi ni Sahastra yung kanyang anak. Meron na silang panlaban na mag-ina, para lalong mainggit ito sa kanila. “Ang bait mo talaga Darling, hindi ko alam bakit hindi nakuha ni Sahastra yung ugali mong yan. Sobrang thankful kami dahil tinupad mo lahat ng iyong pangako noon. Binigyan mo ng maganda buhay ni Santana, kahit puro panlalait at panghuhusga ang natanggap natin sa parent mo at sa ina ni Sahastra.” Naiiyak na pag-iinarte ng ginang, agad naman siyang niyakap ni Mr. Gregorio. Lumapit naman ang kanilang anak para yakapin silang dalawa, wala ng epal sa pamilya nila. Matutupad na lahat ng pangarap ni Santana, masaya at walang mapanirang tao sa kanilang pamilya. “Ikaw ang nasa aking tabi nung mga panahong kailangan ko ng makakausap at karamay. Dahil ang ina ni Sahastra ay walang ibang nasa isip kundi trabaho. Mas mahalaga ang pera kaysa sa amin ni Sahastra noon, wala siyan time late umuwi ng bahay minsan ay nagtatalo pa kaming dalawa. Sayo ko naramdaman ang tunay na pagmamahal, kaya lahat ng aking pangako ay tutuparin ko.” Nagawa nitong magloko dahil puro business ang inaatupag ng ina ni Sahastra. Kahit anong pag-intindi niya’y lalo siyang nawawalan ng gana kay Selya. Hanggang sa nakilala niya sa isang club ang ina ni Santana. Ito ang pumuna sa pagkukulang ng kanyang asawa, hanggang nabuo si Santana. Itinago niya ito kaya hindi rin nito masisisi si Sahastra kung bakit galit at pangit ang pakikitungo niya sa mag-ina. Habang nagkakasiyahan sa bahay ng Gregorio. Seryoso naman sa Giordano Residence, magkaharap si Taruray at Wildker dahil meron silang pinag-uusapan na dalawa. “Nandito na ang dapat pirmahan ni Gregorio, at kailangan niyang sundin ang kasunduan. Para hindi magkaproblema ang party A, wala siyang habol sa ari-arian na pag-aari ng yumaong nitong asawa. Dahil nasa pangalan palang ng magulang ni Mrs Gregorio ang lahat ng ito. Base sa ginawang pagsisiyasat ni Buck, wala naman palang naging ambag si Mr. Gregorio, nambabae pa ito habang nagpapakahirap ang asawa niyang mag-manage sa kumpanya at iba nilang negosyo. Dahil ayaw niyang mahirapan si Ms Sahastra pagdating ng araw.” Seryosong paliwanag niya kay Wildker na tahimik lang habang nakaupo sa swivel chair nito. “Factory ng mga prutas ang minamanage ni Ms Sahastra at limang restaurant. Lahat ay maayos ang kitaan, hindi siya nagkulang bilang isang Owner. Kada taon ay pinapalitan ang kailangang palitan na gamit. Meron din siya Coffee shop dalawa, malapit sa college school. Sa second floor ay meron itong review area para sa mga students. Kung gusto talaga niyang bayaran ang utang ng kanyang ama ay kayang-kaya. Hindi natin alam kung anong tumatakbo sa utak ng isang tao.” Muling paliwanag nito, lalong nagtataka ang binata. Kung masipag naman pala itong anak, bakit kailangang tratuhin itong para hindi kadugo ni Mr Gregorio. “Ito pa Mr. Wild, wala pang isang taon ay pinakasalan na ni Gregorio ang kanyang querida. At tatlong taon lang na mas matanda si Ms Sahastra, sa anak niya sa labas. At namatay ang ginang nung nasa eighteen years old si Sahastra. Kung meron balak ipakulong ni Ms Sahastra ang kanyang ama, maaari niyang gamitin yung medical records. Kaya ito sinasaktan ay hindi siya nagbibigay ng pera. Habang si Ms Sahastra nagpapakahirap maghanapbuhay. Ang mag-ina ay buhay princesang mababa yung lipad, every month out of town at laging meron bagong luxury bags.” Pagsasummaries ni Taruray sa ginawang report ni Buck, masyado kasing mahaba napapagod na siyang magbasa pwede namang basahin ng binata. “Gumawa ka ng offer para sa ama niya at siguraduhin mong magpipirma ito. Limang milyon para sa panimula niya kasama ang bago niyang pamilya. Gumawa ka ng kasulatan na wala na siyang pakialam at hindi maghahabol sa ari-arian ng kanyang anak. At soon as possible ay gusto kong makausap ang lolo or lola ni Ms Sahastra tungkol dito.” Seryoso niyang paliwanag, sunod-sunod namang tumango si Taruray nagtataka ito bakit tinutulungan niya ang dalaga. Samantalang ang iba nilang kamag-anak ay hindi niya tunutulungan kahit ilang beses na itong magmakaawa. “Boss Wild, bakit kailangan mong makialam sa problema ng pamilya niya? Meron ka bang gusto kay Ms Sahastra?” Nagsalubong naman ang kilay niya dahil sa naging tanong ni Taruray. Siya magkakagusto sa babae? Laruan lang niya ang mga babae, dahil wala siyang balak mag-asawa kahit lagi nangungulit si Donya Giordano na maghanap ito ng magiging asawa. “Wala, hindi ako magkakagusto sa mas matanda sakin! Ginagawa ko ito para kabayaran sa aming kasunduan. Gawin mo nalang hindi yung ang dami pang tanong.” Malamig na sagot niya, napataas lang ng isang kilay si Taruray. Hindi kumbinsido, ngayon lang niya nakitang nagkaroon ito ng interes sa isang babae. “Huwag kang magtiwala, dahil hindi lahat ng tao ay pwede mong pagkatiwalaan. Mahirap kalaban ang puso, at baka kung ano pang kaya mong gawin oras na masaktan ka.” Seryoso niyang sabi bago nag-bow at lumabas na ng opisina ni Wildker. Magkasalubong ang kilay ng binata habang nakatingin sa pinto na halos kasasara lang. Hindi niya alam kung tatawa ba siya or balewalain na lang yung sinabi ni Taruray. “Broken ba yun? Binasted kaya ni Wildley? Or hindi pa maka-move-on sa kissing moment nila kanina?” Mahina niyang tanong, habang umiiling-iling. Bigla nalang kasi humuhugot at bumabanat si Taruray. Tinago niya sa kanyang drawer ang mga nakuhang information ng dalaga. Hindi dapat nito malaman na. Baka kung ano pang isipin ni Sahastra, mabuti na yung wala itong alam. Napatingin siya sa pinto nang may kumatok, si Buck seryoso ang mukha nito. “Boss Wild, nandito na ang lalaking ilang beses kang tinaguan.” Balita nito, napangisi naman siya dahil mahigit twenty milyon ang utang nito. “Dalhin yan sa dark room, susunod ako! At ihanda niyo ang mga gagamitin kong pagpapahirap sa kanya. Sabihan mo ang mga ibang tauhan na magbantay sa labas ng dark room. Huwag nilang hahayaang makalapit si Sahastra!” Malamig niyang bilin, kailangan pa rin nilang mag-ingat lalo na merong ibang tao dito sa kanyang bahay. Pero hindi siya makakaramdam ng awa sa lalaking pahihirapan niya ngayon! Ilang beses siyang tinaguan at pinagmukhang tànga kakahintay ng perang bayad nito. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD