PAHIMOD 6

1701 Words
Agad nagbago ang ekspresyon ng mukha ni Wildker dahil sa sinabi ng bunsong kapatid. Hindi naman nakaramdam ng takot ang dalawa, nanatili silang sitting pretty. “Anong sinabi mo?” Malamig na tanong ni Wildker, bago umupo sa bakanteng sofa. “Ikaw mukhang tae-tae. Ano itong meryenda na binigay mo sa amin? Parang tae ang itsura, sabi ni Taruray ikaw daw ang nag-bake nito! Hindi na nga masarap, mukha pang tae.” Pagrereklamo ni Windley Celt Giordano ang bunso niyang kapatid, pinakakvpal sa kanilang tatlo dahil nagpatayo ito ng groceries store sa isang baryo. Kapag chicks ang uutang pwede kapag may edad na walang utang. “Watch your mouth Wildley, baka mamaya maging best baker of the year yan. Nagagalit ka Hayes?” Tanong ng panganay sa kanilang magkakapatid. Si Wilder Rylo Giordano, ang CEO ng Giordano Corporation. Kilala ito bilang isang malamig at istriktong CEO, mailap sa tao at hindi basta-basta nakikipag-usap. Dahil kahit walang tulong ng ibang businessman ay talagang malakas ang Giordano Corporation. “Best baker of the year my àss!! By the, balita ko meron kang chicks ang bilis mo namang makahanap. Ayaw mo bang ikasal sa hot moma’s na gusto ni Uncle?” Natatawa na pang-aasar ni Wildley sa kanyang kapatid, bago nagsalin sa baso ng red wine. “Puro ka reklamo Celt, wala ka namang matinong ginawa! Sabi ni Fronda, yung pinatayo mong groceries hindi na nabubuksan dahil nag-resign na ang mga empleyado mo! Wala ka bang vtak? Kung wala kang magawa sa pera, sa importanteng bagay mo iwaldas.” Sermon niya mahina namang tumawa si Rylo, bago tumingin ng nakakaasar sa bunso nilang kapatid. “Sabi kasi sayo pakasalan mo si Taruray total bagay kayong dalawa.” Gatong nito sabay tawa ng malakas dahil siguradong mapipikon na naman si Celt. “Ayoko nga! Kumbaga sa matandang manok, makunat na yung kapag pinakuluan! Hindi naman ako gaya ni Hayes na pumapatol sa matatanda! Pass kay Taruray, matandang dalaga amoy lupa na!” Todo reklamo niya, umigting naman ang panga ng dalaga na nasa pinto. Meron itong dalang pagkain ng tatlong magkakapatid. Dahil sa pagkainis niya kay Celt, “Kainin muna yan Buck, tignan natin kung sinong walang pagkain! Amoy lupa pala hah!!” Malamig niyang sabi bago ibigay yung pagkain na para kay Celt. Kumatok sa pinto si Buck bago pinihit ang doorknob pabukas. Seryoso yung mukha ni Taruray na pumasok, mahigpit ang hawak niya food tray. Ngiting-ngiti naman si Celt, lalong nakaramdam ng inis ang dalaga. “Mukhang blooming ka ngayon Taruray, sinong nakapagpatîbok ng puso mo?” May halong pang-aasar na sabi ni Hylo. “Wala Sir, ito na ang pagkain niyo!” Sagot niya bago ngumiti ng pilit, padabog na nilagay sa mesa ang food tray. “Bakit dalawa lang?” Tanong ni Wildker, kukunin na sana ni Celt ang isa pero agad na kinuha ng dalaga at ibinigay kay Wildker. “Para sa inyo yan ni Sir Hylos.” Nakangiti niyang sagot, sumingkit naman ang mata ng binata. “Nasaan ang pagkain ko? Ako ang bagong dating, bakit si Hayes yung meron pagkain?!” Singhal na tanong ni Celt. “Bla-bla-bla!” Tanging sagot ni Taruray bago ibinalik ang atensyon kay Wildker. “Boss Wild, may invitation na dumating isang birthday party sa Bejerano Residence.” Seryoso nitong sabi, napataas naman ang isang kilay ni Wildker. “Ha avuto il coraggio di invitare dopo avermi tradito; ha ancora un volto da mostrarmi?” ‘He had the nerve to invite me after betraying me; does he still have a face to show me?’ Natatawa na sabi ni Wildker, tumawa naman ang dalawa nitong kapatid. Nanatili namang tahimik at nakayuko si Taruray, matagal na siyang naninilbihan sa pamilya Giordano pero hanggang ngayon ay hindi pa rin niya mabasa sa kanilang mga mata kung anong plano at susunod nilang kilos. Alam niyang pinagkakatiwalaan siya at protektado ng magkakapatid, ngunit hindi habang buhay ay ligtas at nasa maayos siyang kalagayan. "Who would have admitted to what he did? Of course, he must remain innocent and respectable in the eyes of those he is about to betray. Come ho già detto, non fidatevi ciecamente di loro. Non avete altri alleati oltre a voi stessi." 'As I have said before, do not blindly trust them. You have no other allies than yourself.' Seryoso na sabi ni Wilder, bago tumingin kay Celt dahil kinuha nito ang kanyang pagkain. Binatukan niya ang kapatid dahil napaka masiba nitong kumain. Hindi nakatiis si Taruray dahil sariwa pa rin sa kanyang isipan ang sinabi ng binata kanina. Lumakad siya palapit kay Celt, kinuha niya ang plato at tinapon sa basurahan yung naiwan pang pagkain. “Hindi ka dapat kumukuha ng pagkain ng iba, maraming pagkain sa ibaba kung nagugutom ka!” Malamig nitong sabi, padabog na tumayo si Celt, dahil mas matangkad ang binata sa kanya at tumingala ito. Nagkatinginan naman ang dalawa at umayos sa kanilang kinauupuan. “Emozionante e interessante." ‘Kapana-panabik at kawili-wili’ Sabay nilang sabi habang nakatuon ang atensyon sa dalawang leon. “Ang gaspang talaga ng ugali mo Taruray, no wonder bakit hanggang ngayon wala ka pang asawa!” Nakangisi na sabi ni Celt, napataas naman ng kilay ang dalaga, hindi niya aatrasan ito. “Ano naman, atleast hindi ako umiiyak na parang bata kapag natatalo. Ikaw nga wala pang naging girlfriend, siguro bakla ka noh?” Pang-aasar niyang pabalik sa binata, agad namang naging seryoso ang mukha ni Celt. “Ano hindi ka makapagsalita, bakla!” “Tomboy!” “Bakla!” “Tomboy!” “Bakl-” Hindi natapos ni Taruray ang kanyang sasabihin dahil bigla siyang kinabig at hinalikan sa labi ng binata. Nanlaki ang kanyang mga mata sa gulat, hindi siya makagalaw at para bang hinihigop ni Celt yung lakas niya. Nagulat naman ang dalawa sa kanilang nasaksihan, hindi nila akalaing gagawin iyon ni Celt. Mas nagulat sila sa susunod na pangyayari, tinulak ni Taruray ang kanilang kapatid at malakas na sinuntok sa mukha. Napaupo ulit aa upuan ni Celt, para siyang nabunutan ng isang ngipin sa lakas nang pagkakasuntok sa kanya. “Manyàk!!” Galit na galit niyang sigaw na umuusok na yung ilong nito. Tumawa lang ang binata, tila hindi iniinda yung sakit ng pagkakasuntok sa kanya. “Nice, nice Taruray sawakas nakatikim din yang si Celt.” Tuwang-tuwa na sabi ni Wildker, sabay tapik sa balikat ng dalaga. “Dahil dyan, ikaw ang dadalo sa party. Sasamahan ka ni Buck bumili ng isusuot mo. May aasikasuhin pa ako, mas mahalaga ito kaysa dyan.” Dagdag nitong sabi, dahilan para lalong uminit ang bungo ni Taruray. “What?! Ako na naman!!” Reklamo niya, dahil halos lahat ng party na dapat pupuntahan ni Wildker ay siya ang pumupunta. Nakikipag-plastikan siya sa mga negosyanteng hindi naman niya kilala. “Sino ba dapat, kaya mo na yan Taruray. Nasaan si Sahastra, may pag-uusapan pa kaming dalawa?” Tanong nito, muntik na niyang makalimutan masyado siyang nag-enjoy sa bangayan ng dalawa. “Nasa kwarto mo nagpapahinga, mukhang wala pa siyang maayos na tulog. At kanina ka pa hinihintay ni dok sa opisina mo.” Sagot nito, tumingin si Wildker sa nakakatanda niyang kapatid tumango lang ito. “Huwag ng mainit ang ulo Fronda, meron ka ng first kiss.” Pang-aasar nito bago tuluyang lumabas ng living room dito sa ikalawang palapag. Paglabas niya’y naging seryoso na ang kanyang mukha. Mabilis na nagbago ang kanyang ekspresyon. Una itong lumakad, tahimik lang na nakasunod sa kanya si Buck. “Anong nangyari?” Tanong niya habang nakasakay sila ng elevator. “Pagdating namin sa bahay nila, nakaimpake na lahat ng gamit ni Ms Gregorio mukhang nasa plano na talaga ang lahat. Sabi ng butler nila ay nasa maleta na lahat ng gamit ni Ms Gregorio. Isa lamang maliit na maleta ang binigay sakin.” Balita niya sa kanyang Boss, tumango naman si Wildker. “Alamin mo lahat tungkol kay Sahastra, at ireport mo sakin.” Utos nito, nag-bow naman si Buck hindi na siya sumunod pa patungong opisina ng binata. Pagbukas niya sa pinto ng kanyang opisina, agad na tumayo ang family doctor nila. “How is she?” Agad nito na tanong bago umupo sa sofa. “Meron akong binigay sa kanyang cream para sa bagong peklat at pasa nito sa katawan. Tinatanong ko siya kung anong nangyari, pero hindi ito sumagot. Nakita ko sa kanyang likod, matagal na ang mga malalim nitong sugat. Wala sa matinong pag-iisip ang gumawa nito. Meron din akong ibinigay na dapat bilhin, paunang lunas. Kung kaya pang mag-light ang peklat nito okay. Pero kung hindi na talaga kaya ang tanging solusyon lang, Laser Therapy kailangan dito ang mahabang pasensya. Kung gusto niyang bumalik sa dati ang balat nito.” Seryosong paliwanag nito, meron na siyang naging pasyente gaya ng dalaga. Pero mas malala ito, dahil bata palang si Sahastra ay nakatikim na ito ang pagmamaltrato. Huminga ng malalim ang doktor hindi niya alam kung paano sasabihin na huwag magagalit si Wildker. “At isa pa Mr. Giordano, kulang sa nutrisyon si Ms Sahastra. Ito ang kailangang bilhin na vitamin, kailangan niyang kumain ng masustansyang pagkain.” Dagdag pa nitong sabi, umigting ang panga ni Wildker. Hindi niya akalaing mas hangal pa ang kaluluwa ni Mr Gregorio kaysa sa mga pinapatày nila. Matapos ipaliwanag sa kanya ang lahat ay umalis na rin yung family doctor nila. Nagtungo siya sa ikatlong palapag kung saan ang kanilang mga silid. Seryoso ang mukha niyang nakatingin sa dalagang mahimbing na natutulog sa kanya kama. Marami itong katanungan na bumabagabag sa kanyang isipan. Lalo na ngayon, meron silang magiging kasinduan magiging asawa niya ito ng isang taon. Kaya pala ang gaan nito nung binuhat niya, kung kumilas ito ay parang walang sakit. Nagawa pa nitong makipag-inuman sa mga kaibigan niya. Pinapahanap niya ang dalaga kay Buck, dahil paggising niya’y wala na ito at meron bakas ng dvgo sa kumbre kama. Nagawa niyang isuko sa kanya ang iniingatan nito. Na dapat ay wala siyang pakialam, pero iba si Sahastra sa lahat ng babaeng naikama niya. “Anong mga lihim mo Sahastra? At anong mga binabalak mong gawin, habang nandito ka sa piling ko?” Seryoso nitong tanong bago hinaplos ang mukha ng dalaga. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD