PAHIMOD 5

1601 Words
Hindi mapakali si Sahastra, kanina pa siya lakad nang lakad. Tahimik namang nakatingin sa kanya si Taruray, pinagmamasdan niya ang bawat kilos ng dalaga. Nakapantulog lang ito, dahil maputi si Sahastra kitang-kita ang mga pasa sa braso at peklat. “Hindi kaba nahihilo kakalakad? Ang tapang mo kanina, pero ngayon kinakabahan ka na? Kung si Don Giordano pwedeng pakiusapan kahit ilang beses, hindi ganung si Mr. Wild utang is utang dapat ay bayaran!” Seryosong sabi ni Taruray habang nakatingin sa dalaga, makikita sa mga mata niya na aligaga siya. “Kung wala kang maibibigay ngayon na bayad, buhay niyong mag-ama ang kapalit!” Dagdag nitong sabi sa mas seryosong boses, nagulat si Sahastra nang biglang bumukas yung pinto. Hindi niya alam kung saan siya uupo, nagpipigil naman ng tawa si Taruray. “Taruray, nasa airport ang dalawa kong kapatid. Sunduin niyo sila at sabihin ‘wag akong istorbohin ngayon.” Malamig na utos niya bago ibinaling ang atensyon kay Sahastra. Tahimik itong nakaupo sa may sofa, hindi gumagalaw at pati paghinga nito ay pinipigilan niyang makalikha ng ingay. Dahil sinabi ni Taruray kanina sa kanya, ayaw ni Mr. Wild ang maingay lalong umiinit yung ulo nito at baka pahirapan pa silang mag-ama bago patayin. “Ms Gregorio!” Malamig niyang tawag sa dalaga dahilan para lalo itong kabahan. “Ma-magkano ang utang ng aking ama? Kapag ba binayaran ko na ay titigilan muna kami?” Seryoso na tanong niya sa binata, umupo ito sa tapat na upuan ni Sahastra pero agad na tumayo ang dalaga. “Pera lang naman ang kailangan mo ‘di ba? Kaya magkano ang dapat kong bayaran?” Muling tanong niya mahigpit ang hawak sa laylayan ng kanyang damit. Kung gagamitin niya ang pera ng kumpanya siguradong mawawala ito sa kanya. Kapag ibebenta naman niya ang restaurant ng kanyang ina, mawawalan na siya ng ibang pagkakakitaan. “Money? Hindi ko kailangan ng pera dahil marami ako niyan.” Malamig niyang sagot bago tumayo sa kanyang kinauupuan at lumakad papalapit kay Sahastra, napaatras naman ang dalaga hanggang wala na itong maatrasan. Aalis na sana ang dalaga sa kanyang pwesto nang agad siya na-trap ni Wildker gamit ang magkabilang braso. “Sir, pumunta ako dito para makapag-usap ng maayos. Wala akong alam sa utang ng aking ama, kaya nakikiusap sana ako sayo. Unti untiin ko na babayaran ang kanyang utang. Dahil hindi ko pwedeng galawin ang pera ng kumpanya.” Pakiusap niya sa binata, lalo itong lumapit sakanya. Pamilyar ang pabangong gamit nito, hindi lang matandaan kung saan banda at kailan niya naamoy. “You are exactly what I am looking for; I want to play with Mr. Gregorio's daughter. If you want your father to live, my wish is simple to understand. Play with me like fire for a year, and I'll let you and your father go.” Nakangisi nitong sabi, nakatitig sa mga mata ng dalaga. Umiwas ng tingin si Sahastra, hindi niya kayang makipag titigan sa lalaki, para siyang yelong natutunaw at nauubusan ng lakas, nanghihina. “You have nothing better to do than keep me warm in bed and moan my name.” Bulong nito sa tainga ng dalaga sabay singhot sa leeg nito, na tila ba inuubos ang gamit na pabango ni Sahastra. Agad niyang tinulak ang binata palayo sa kanya, natatakot siyang tumingin dito. Dahil sa panghihina ng kanyang tuhod ay halos napaupo siya sa sahig. “Sir, hindi ako isang bayarang babae, lalong wala akong balak makipaglaro sayo.” Sagot niya dito, nasa matinong pag-iisip pa siya. Kung pwede naman niyang bayaran ng paunti-unti ang utang ng kanyang ama ay bakit kailangan pang makipaglaro sa lalaking nasa harap niya. “Alam mo bang ikaw na mismo ang binayad ng iyong ama?” Natatawa niyang sabi habang nakatingin sa dalagang natatakot sa kanya. Ubos na ang naipon nitong lakas ng loob. “Hi-hindi ‘yan magagawa ng aking ama!” Pagtatanggol nito, kahit alam niya sa kanyang sarili na maaari nitong gawin. Pero kahit papaano ay umaasa siyang hindi yun gagawin ng ama niya. Kahit ngayon lang ay maisip niyang anak siya nito, ang pagsasakripisyong ginawa niya para mailigtas ito sa kamay ng taong inutangan. “Really? You are the one who is trying to settle the debt he has to pay to my father. In the end, ikaw ang magiging kabayaran nito hindi ka man lang niya iniisip bilang isang anak. Mas inuna pa nito ang kanyang sarili at ikaw yung magiging sakripisyo.” Tila may pang-aasar na sabi ng binata sa kanya, isang malaking sampal ng katotohanan. “Bakit hindi mo pakinggan ang kanyang sinabi, para maniwala ka!” Dagdag na sabi nito bago kinuha ang voice record na nasa kanyang bulsa. Pakawalan mo ako Mr. Wild, maawa ka sa akin! Wala akong pera, pero may anak ako na babae. Siya nalang ang kukunin mong maging kabayaran sa lahat ng aking utang. Maganda ang anak ko, marunong sa business siya lahat nagmamanage ng negosyo ko. Hindi makapagsalita si Sahastra sa kanyang narinig, ilang beses pang nagmakaawa ang ama niya. Sa huling pagkakataon ay, nagawa siyang ipagkanulo ng sariling ama. Ginawang pambayad sa utang na hindi naman niya alam, lalo na’t saan ginamit ang perang hiniram nito. Si Sahastra ang magiging bayad ng aking utang. Wala na akong pakialam kung anong gagawin mo sa kanya, pakawalan muna ako Mr. Wild naghihintay na sa akin ang mag-ina ko. Lalong nadurog ang puso ni Sahastra sa huli niyang marinig, kahit anong gawin na pagsisikap ay hindi siya magawang mahalin ng ama. Wala na talaga itong naiwang pagmamahal sa kanya, kundi nasa bago na niyang pamilya. Tuluyan na siyang inalis sa buhay nito, hindi namalayan ni Sahastra na umiiyak na pala siya. Agad niyang pinunasan ang kanyang luha at inayos yung sarili. “Ngayon, pumapayag ka na ba sa kagustuhan ko? Isang taon lang, at pwede ka pang makapaghiganti sa iyong ama.” Nakangisi na sabi ni Wildker bago hinila patayo ang dalaga. Matangkad na siya pero mas matangkad pa sa kanya ang binata, nasa tantya niya’y nasa 195 centimeter ‘to dahil nasa 170 centimeter siya. “Meron akong isang hiling.” Seryoso niyang sagot, inilapit ni Sahastra ang kanyang mukha sa tainga ng binata at meron itong ibinulong. Sumingkit naman ang mata ni Wildker dahil sa isang hiling ng dalaga. “Fine, walang problema akong bahala.” Seryoso nitong sagot, bago tinalikuran ang dalaga. “Mag-usap tayo mamaya tungkol sa kontrata!” Malamig nitong sabi bago tuluyang lumabas ng opisina. “Fronda, tawagan mo ang family doktor para tignan kung anong pwedeng gamot sa mga pasa ni Ms Gregorio!” Utos niya dito, sunod-sunod namang tumango ito habang nakatingin ng nakakaloko sa kanyang boss. “Walang ibig sabihin yan!” Malamig nitong sabi bago iwanan si Taruray na nakatayo. “Wala akong sinasabi!” Pahabol nitong sagot bago tumawa ng may halong pang-aasar. “Wala kang day off! Twenty percent ang kaltas sa sahod mo!” May pagbabanta na sabi ni Wildker bago tuluyang pumasok sa interrogation room. “Mr. Wild, anong sabi ng anak ko?” Agad na tanong ng ginoo, isang malamig na tingin lang ang isinagot sa kanya. “Buck, ihatid mo na siya sa kanyang mansyon. Lahat ng importanteng gamit ni Ms Gregorio ay kunin mo.” Malamig nitong utos, kumislap ang mga mata ng ginoo sa kanyang narinig. Alam niyang hindi siya matitiis ng anak, gagawa ito ng paraan para sa kanyang kaligtasan. “Huwag kang maging kampante Gregorio dahil ang magiging kabayaran ng iyong utang ay pati Kumpanya at Restaurant na pag-aari ng ina ni Sahastra. Kung tutuusin ay kulang pa, dahil pati interes ng ilang taon ay kailangan mo rin bayaran. Meron ka bang reklamo o papatayin kita ngayon?” Nanlaki ang mga mata ni Gregorio dahil sa kanyang nalaman. Halos mapaluhod ito dahil buong akala niya’y mapupunta na sa kanya lahat ng pag-aari ng kanyang dating asawa. “At hindi muna makikita ang iyong anak, puputulin na niya lahat ng ugnayan sa inyong tatlo. Gaya ng pagtalikod mo sa kanya ngayon, at kung may plano kayong masama sa buhay niya’y. Ako mismo ang makakalaban niyo, at sisiguraduhin kong paglalamayan kayong tatlo!” Malamig nitong sabi habang walang emosyon ang mga matang nakatingin kay Mr. Gregorio. “Simulan nyo na rin mag hakot ng mga gamit, dahil darating ang araw ay kailangan kayong palayasin sa bahay ni Sahastra. Meron siyang loan at iyon ang magiging kabayaran.” Pagsisinungaling nito para lalong matakot ang ginoo, hindi makapagsalita si Mr. Gregorio umurong yung kanyang dila. Nanginginig ang buong katawan niya, at tila naubos lahat ng kanyang lakas dahil sa nalaman. Marami siyang plano, at ito na yung pagkakataon na mawala si Sahastra. Makukuha na niya ang matagal na inaasam na yaman ng yumaong asawa. Pero tuso pala ang kanyang anak, buong akala nito ay naisahan na niya si Sahastra. “Magkikita ulit tayo, dahil may pag-uusapan pa tayong dalawa.” Tinalikuran na niya ang ginoo, wala namang pag-iingat na hinila ni Buck yung braso ni Gregorio para itayo. “Hindi, hindi ito totoo, ang yaman ko..” Mahina niyang sabi habang nakatulala, tila wala ito sa sarili hindi kinaya ang nalaman. Inabot ni Taruray ang bagong print na kontrata para sa isang taong pagpapanggap bilang isang asawang laruan. Ngumisi si Wildker bago nagtungo sa ikalawang palabag ng kanyang bahay. Dahil haharapan pa niya ang dalawa nitong kapatid na bagong dating. Ang panganay at bunso niyang kapatid, pangalawa siya sa kanilang tatlong. “Whatzup dalawang ulupong! Kamusta ang pagiging gwapong nilalang?!” Nakangisi niya na tanong pagbukas ng pinto. “Mukhang taê!” To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD