Nakatayo si Sahastra sa harap ng kanilang bahay. Hinihintay ang pagdating ng kanyang sundo papunta sa Giordano Residence. Yakap ang marble Urns ng kanyang ina, habang nakatayo naman sa likod niya si Royce. Kanina niya pa pinagmamasdan ang dalaga, dahil tahimik lang ito.
“May araw din kayong lahat sa akin, tandaan mo yan Royce! Pinagkatiwalaan ka ni Lola, tinulungan ang iyong pamilya tapos ganito yung isusukli mo?!” Malamig na sabi ni Sahastra habang nakatingin sa sasakyang kakapasok lang ng gate. Umayos siya sa pagkakatayo, walang pakialam kung anong itsura niya ngayon.
“Tapos na akong pagsilbihan ka, at hihintayin ko ang araw na yan! Isang walang pusong Mafia ang mapapangasawa mo, siguradong hindi ka na mabubuhay!” Natatawa niyang sagot, mahina namang natawa si Sahastra. Oras na mapupunta na lahat sa kanya ang ari-arian ng kanyang ina. Si Royce at mga kasambahay ang una niyang papatalsikin sa mansyon.
“Tingnan natin, oras na buhay ako humanda kayong lahat!” May pagbabanta nitong sabi bago lumakad palapit sa sasakyang huminto. Lumabas doon si Buck, nagulat ang dalaga nang makilala ito. Ito yung nakabangga niya nung nakaraang linggo sa hotel.
Napansin ni Buck ang mga pasa ng dalaga sa kamay at pamamaga ng mukha pati mata. Napataas naman ng kilay ang dalaga dahil mukhang hindi siya pagbubuksan ng pinto. Kanina pa ito nangangalay, gusto na niyang umupo at umalis.
Walang imik na pinagbuksan siya ng pinto, tumingin muna si Buck kay Royce isang malamig na tingin ang ipinamalas nito. Sa hindi malamang dahilan ay nakaramdam ng takot si Royce, agad itong pumasok sa loob para ipaalam kay Santana na umalis na ang kapatid nito.
“Senorita, umalis na si Sahastra.” Masaya niyang balita, ngiting-ngiti naman ang dalaga dahil siya na yung magiging reyna dito sa mansyon.
“Ilagay mo lahat ng gamit niya sa maleta, bukas ay dalhin muna sa bahay ng kanyang mapapangasawa. Lahat ng gamit niyang hindi importante sunugin muna!” Utos niya kay Royce, wala pakialam si Santana kung babalik pa ang kanyang kapatid. Hindi siya susuko hanggat nandito si Sahastra sa mansyon, papalayasin niya ito total ay mag-aasawa na ito.
“At yung jewelry box niya ay dalhin mo sa aking kwarto.” Meron siyang nakita noon at talagang gustong-gusto niyang makuha. Sinabi na niya sa kanyang ama, pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakukuha. Laging sinasabi sa kanya ay mahalaga ‘yon, kuwintas ng ina ni Sahastra.
“Masusunod Senorita.” Umalis na ito iniwan na niya ang mag-ina sa may Living room. Tuwang-tuwa ito, mapapadali na ang lahat wala ng magiging sagabal.
“Sigurado ka bang pakakasalan niya ang dumukot sa iyong ama? May ideya ka na ba kung sino ang mga nang gulo sa party?” Sunod-sunod na tanong ng kanyang ina.
“Narinig ko kanina Giordano Residence siya pupunta. Sabi sakin ni Royce, dati na raw kinatatakutan ang grupong iyon. Pero mas nakakatakot daw ngayon dahil anak na yung pumalit sa dating boss. Lahat ng may atraso sa kanyang ama ay pinapatay nila kapag hindi nakukuha ang gusto. Kaya. Natakot ako kanina na baka kung anong mangyari kay dad.” Mahabang kuwento niya sa kanyang ina.
“At ang sabi-sabi raw ay may edad na rin ito. Hindi pa raw nagpapakita ang lagi daw dumadalo sa mga party ay yung kanang kamay nitong Alyas Pogi. Yung babaeng kumuha kay dad, nakakatakot raw ito walang puso kung pumatay.” Dagdag pa nitong kwento, nakahinga naman ang ina ni Santana.
“Mabuti nalang at hindi ikaw ang magiging kabayaran. Dapat lang na si Sahastra ang magsakripisyo para sa kanyang ama. Kapag dumating dito ang iyong ama, wala kang ibang gagawin kundi siraan si Sahastra! Lahat ng hawak nito negosyo ay sisiguraduhin kong mapupunta sayo.” Nakangiti nitong sabi habang hinahaplos ang buhok ng kanyang anak.
Wala siyang ibang hinahangad kundi ang makaahon sa hirap at makuha kung anong pamana kay Santana. Ilan taon siyang nagtiis sa pagiging querida, ngayong mag-asawa na sila ni Mr. Gregorio hindi na siya matatawag na kabít.
“Like duh mom! Bakit kailangang ako ang magsakripisyo? Kung pwede namang si Sahastra, tumatapang na kasi ang babaeng ‘yun! Simula siya na yung nag-mamanage ng kompanya!” Mataray na sagot ni Santana, naiinis siya dahil sa tuwing sinasabi ng ginoo kay Sahastra na ibigay ang isang restaurant sa kanya ay nagagalit ito at sinasabing wala siyang karapatan.
“Basta mom, kausapin mo si Dad hah! Hindi na ako makapaghintay, siguradong maiingit sakin ang mga kaibigan ko.” Nakangiti nitong sabi, meron na naman siyang maipagyayabag sa mga ingitira niyang kaibigan.
Habang nagpaplano ang mag-ina, natatakot naman si Sahastra dahil baka kung anong mangyari sa kanya ngayon araw.
Lalong bumilis ang kabog ng kanyang dibdib. Dahil pumasok sa malaking gate ang kotseng sinakyan niya.
Huminto ito sa harap ng malaking bahay. Nasa tatlong palapag ito at may mga men in black na nagkalat sa paligid. Nagulat siya nang bumukas ang pinto ng sasakyan. Seryosong mukhang ni Taruray ang bumungad sa kanya.
“Baba!” Malamig niyang utos, kahit natatakot si Sahastra ay bumaba ito dahil baka hindi na siya sikatan ng araw para bukas.
“Pwede bang ilagay muna sa loob ng sasakyan yang hawak mo?” Tanong ni Taruray, sunod-sunod naman na tumango ang dalaga bago ilagay sa ibabaw ng upuan yung hawak nito.
“Sumunod ka sa akin!” Muling utos ni Taruray, tahimik namang sumunod ang dalaga papunta sa interrogation room. Isang malawak na living room ang bumungad kay Sahastra. Sa gitna ay meron elevator papunta sa ikalawang at ikatlong palapag.
Huminto sila sa isang itim na pinto, kumatok muna si Taruray bago pinihit ang doorknob.
“Mr. Wîld, nandito na ang anak ni Gregorio.” Balita niya sa binata, sumenyas itong papasukin. Tumingin siya kay Sahastra, nanginginig naman ang tuhod niyang pumasok.
Nagulat siya nang makitang nakatali ang kanyang ama sa upuan. May mga pasa ito at punit ang kanyang damit. Pahirapan ng tatlong tauhan ni Wildker ang ginoo dahil hindi ito tumitigil sa pagmamakaawa.
“Dad!” Tawag niya sa kanyang ama, nang makalapit siya ay agad niyang niyakap.
Sumingkit naman ang dalawang mata ni Wildker nang makilala kung sinong anak ng ginoo.
“So ikaw ang anak ni Gregorio? Alam mo bang meron siyang utang sa aking ama?” Malamig na tanong ni Wildker, galit namang tumingin ang dalaga sa kanya. Napangisi ito nang makita ng harap-harapan ang mukha ng dalaga. Hindi nga siya nagkamali, ang babaeng nasa harap niya ngayon walang iba kundi yung naka one night stand niya nung nakaraang linggo.
Ang babaeng umalis agad, hindi man lang hinintay na magising siya. Pagkatapos ng mainit nilang tagpo at ibigay sa kanya ang virginîty nito ay lalayasan siya.
“Dapat bang saktan mo siya ng ganito!! Wala kang puso!” Galit na sigaw niya, ngunit malakas siyang sinampal ng kanyang ama.
“Sa ginagawa mong yan ay lalo mo lang ginagalit si Mr. Wîld!!” Galit na sabi niya sa kanyang anak. Magsasalita sana ang dalaga ngunit tinignan siya ng masama ng kanyang ama.
Mahigpit siyang nakahawak sa laylayan ng kanyang damit. Siya na ang nagsakripisyo pero nagawa pang saktan.
“Interesting..” natatawa na sabi ni Wildker dahil sa kanyang nasaksihan.
“What do you want? Pera, magkano?!” Matapang na tanong ni Sahastra Gregorio, habang nakatingin sa lalaking nagpadukot sa kanyang ama.
Biglang natahimik ang paligid, maging mga tauhan ni Mr. Wild ay naghihintay sa kanyang sagot. Nakikita ng mga men in black ang panginginig ng kamay ni Sahastra, pero pinapakita pa rin niyang matatag at matapang siya.
Malakas na tumawa si Wildker Hayes ‘Mr. Wild’ Giordano, ang italyanong bagong mafia boss na laging tigasin at mahilig makipaglaro sa mga mayayamang hot moma’s para sa kanilang negosyo. Siya’y pumunta dito sa pilipinas para maningil ng mga utang, at bantayan ang kanyang ina.
Bago namatay ang kanyang ama, sinabi nito na maraming may atraso sa kanya at kailangang masingil ito. Kung hindi ay buhay ang magiging kabayaran. Bilang isang masunuring panganay na anak, kailangan niyang sundin ang huling hiling ng ama.
“Fronda, dalhin mo sa opisina ko si Ms Gregorio doon kami mag-uusap na dalawa!” Utos niya, dahilan para lalong makaramdam ng kaba si Sahastra. Bakit kailangang silang dalawa lang ang mag-usap.
Hinila ng dalawang tauhan siya si Sahastra palabas ng dalaga sa Interrogation room. Lumapit naman si Buck sa kanilang boss, meron itong ibinulong. Ang nakita nitong mga pasa sa katawan ng dalaga at namamaga na mukha pati mata.
“Gregorio!” Malamig niyang tawag sa ginoo, tatlong beses naman itong napalunok ng sariling laway.
“Mukhang sanay kang pagbuhatan ng kamay ang iyong anak.” Dagdag nitong sabi.
“Iyon ay pagdidisiplina lamang Mr. Wíld, bilang isang ama.” Agad na sagot nito.
“Ilang taon na ang iyong anak? Maganda siya,” muling tanong niya lihim namang napangisi si Gregorio dahil mukhang nakuha ni Sahastra ang atensyon ng binata.
“Nasa trenta na siya Mr. Wild, hanggang ngayon ay wala pang asawa.” Napatango naman si Wildker, kung ganun mas matanda ang dalaga kaysa sa kanya.
“Pero kung itrato mo parang isang bata at walang alam! Paano kung hindi siya nagbigay ng sampung milyon? Nakakasiguro ka bang babayaran niya ang iyong utang?” Malamig na tanong niya kay Gregorio bago ito tumayo sa kinauupuan.
“Anong klaseng pagdidisiplina ba ang ginagawa mo at nagkakaroon ng pasa sa katawan? Magdasal ka Gregorio na magbabayad siya!” Mariin nitong sabi, lalong nakaramdam ng kaba ang ginoo dahil paanong nalaman ni Wildker na merong pasa sa katawan ang kanyang anak.
“Kapag hindi siya pumayag. Si Sahastra ang magiging kabayaran sa aking utang. Sayo na ang anak ko Mr. Wild!” Nanginginig ang boses niya na sagot.
Umiling-iling ang binata habang nakatingin kay Gregorio, lalo siyang nadismaya sa pinapakita nitong makasariling ugali at nagawa pang ipinagkanulo ang sariling anak para sa sarili nitong kaligtasan.
“Buck, bantayan mo yan kapag nag-ingay ulit siya alam muna kung anong gagawin! Makikipag-deal lang ako sa kanyang anak, kapag hindi pumayag kung anong gusto ko ay pareho silang mamamatay sa aking mga kamay!!”
Bilin nito kay Buck, bago tuluyang lumabas ng interrogation room si Wildker, tumingin muna siya sa ginoo. Isang nakakatakot na tingin, merong pagbabanta.
To be continued…