PAHIMOD 3

1801 Words
Nagulat si Sahastra sa biglang pagpasok ng katulong. Hinila siya ng dalawang katulong palabas ng kanyang silid. Hindi alam ng dalaga kung ano na namang problema ni Santana. Siguradong inutusan na naman niya ang mga ito para guluhin siya. “Bitawan niyo ako! Ano bang kailangan niyo na naman!” Nagpupumiglas niyang sabi, para namang walang narinig ang dalawang katulong. Lahat ng kakampi ni Sahastra ay inalis ng kanyang step-mother. Wala namang naging reaksyon ang kanyang ama. Pagdating nila sa living room, seryosong nakaupo si Santana. Galit niya itong tinignan, punong-puno na siya sa babaeng nasa kanyang harapan. Hindi na natahimik ang buhay niya simula noong tumira sila dito sa mansyon. “Tumawag ang dumukot kay Daddy, humihingi ito ng sampung milyon. At kung wala pakasalan mo ang kanilang boss!” Mataray nitong sabi sa nakakatandang kapatid, dati ay napakaamo nitong makipag-usap sa kanya. Talagang lumalabas na ang tunay nitong kulay. “At bakit ako ang magpapakasal–” “Alangang ako? Oh my gosh Sahastra, alam mong ako ang mahal na mahal ni dad. Hindi iyon papayag na ako ang ipakasal sa amoy lupa na matanda!!” Putol nito sa kanyang sasabihin, malakas pa ang pagtawa at may pag-iinsultong tumingin sa kanya. Hindi naman nagpatinag si Sahastra, dahil sumusobra na sila. “Sino ba ang panganay na anak ‘di ba ikaw? So dapat ikaw ang magsakripisyo para kay Daddy, total isa ka lang namang sampid ditong uhaw sa yaman ni dad!” Nakataas ang isang kilay nitong sabi, nagpupumiglas ito para makawala. Gusto niyang sugurin ang babaeng nasa kanyang harapan. Ngunit lalo lang humigpit ang pagkakahawak ng dalawang katulong sa magkabila niyang braso. “Hindi ako magpapakasal! Kahit anong gawin mo sa akin hinding-hindi ako ang dapat magsakripisyo para lang sa gulo niyong mag-aama!” Mariin na sagot niya habang galit na nakatingin kay Santana. Lalo siyang nanggalaiti sa galit dahil sa sinabi ng dalaga. “Mahirap bang gawin? Simple lang naman ang pagpapakasal, ayaw mo bang mawala dito sa mansyon? Matagal mo ng gustong umalis ‘di ba, this is your chance Sahastra!” Nakangisi nitong sabi, dahil sa galit nito kay Santana ay dinuraan niya ang mukha ng kapatid. Hindi siya makapalag dahil walang balak bitawan ang kanyang dalawang braso. Ngumisi siya, dahilan para lalong dumilim ang mukha ng nakababata niyang kapatid! “You fvcking bîtch!!” Malakas siyang sinampal ni Santana, tumawa naman ito dahilan para lalong nanggagalaiti sa galit ang kanyang kapatid. “Hindi ako aalis sa pag-aari kong bahay! Kung sinong dapat umalis ay kayong tatlo! Sa tingin niyo ba lahat ng meron kami ay dahil sa yaman ni Gregorio? Mga hibang!” Ilang taon siyang naging alipin ng mag-ina, hindi lumaban dahil natatakot siyang mapalayas sa sariling bahay. Hindi na siya papayag ngayon, kailangan na niyang lumaban dahil kahit anong gawin niya’y mas pinapakinggan ng ama niya si Santana. “Oh really? Tingnan natin ang tapang mo, Royce alam muna kung anong gagawin sa babaeng ito!!” Utos nito sa butler nila, pwersahan niyang hinila si Sahastra muli na naman siyang nagpupumiglas at sinigawan si Royce. “Bitawan mo ako Royce! Hindi ako magdadalawang isip na alisin ka sa trabaho!!” Pagbabanta nito pero hindi nasindak ang lalaki, lalo pang humigpit yung pagkakahawak sa kanyang braso. Pagpasok nila sa bodega kung saan lagi siyang kinukulong. Pinaupo siya sa upuan at tinalian, buong lakas na nagpupumiglas si Sahastra pero hindi ito makawala dahil mahigpit ang pagkakatali ni Royce. “Pakawalan mo ako dito Royce!!” Sigaw niya pero hindi pinapakinggan ng lalaki. “Ano ba! Hindi ako papayag sa kagustuhan ni Santana! Mag-impake ka na Royce!!” Muling sigaw niya, ngumisi lang ito sa kanya. Sunod-sunod na sinampal ni Royce ang dalaga habang nakatali ito upuan. Hanggat hindi pumayag si Sahastra sa kagustuhan ng kanyang kapatid na magpakasal sa dumukot ng kanilang ama. Kailangan niyang mapapayag ito para sa perang makukuha niya kay Santana. “You-” Hindi natapos ni Sahastra ang sasabihin dahil muli siyang sinampal. Mas malakas na ngayon, ramdam niya ang pananakit ng kanyang pisngi. “Hindi ako papayag!!” Ayokong magpakasal!” Pagmamatigas niya, tatlong magkakasunod na sampal ang ipinamalas ni Royce. Sarili nilang problema iyon at hindi siya kasali. Hindi kailangang magsakripisyo para lang sa bagong pamilya ng kanyang ama. “Ano ayaw pa rin bang pumayag?!” Tanong ni Santana pagpasok nito sa bodega. Ngumisi naman si Sahastra, kahit pa saktan siya ng ilang beses. Hindi siya papayag, sanay na ang katawan niyang masaktan. Puro peklat at pasa ang katawan niya, walang kakinis-kinis yung balat nito dahil noong nasa high school palang siya ay nakaranas na ng pananakit si Sahastra. “Matigas ka? Tingnan natin kung hanggang saan ang katigasan mong babae ka!!” Nakangisi na sabi ni Santana bago tumingin sa isang katulong. Agad namang lumabas ito para kunin ang abo ng ina ni Sahastra. Pagbalik niya’y nagulat si Sahastra sa kanyang nakita. “Hayop ka Santana! Huwag mong idamay dito ang abo ng aking ina!!” Galit na sigaw niya, nagpupumiglas ito pilit kumakawala para makuha ang marble Urns ng kanyang ina. “Huwag mo akong subukan Sahastra, dahil oras na binasag ko ito talagang mawawala ang abo ng pinakamamahal mong ina!” Mariin na sabi nito habang hawak ng isang kamay ang Marble. “Akin na yan! Huwag mong bibitawan, maawa ka!” Nagmamakaawa na sabi nito, mahina siya pagdating sa kanyang ina. Dahil mahal na mahal niya ito. Kaya nung namatay ito ay ang para na rin siyang pinatay. “Santana, maawa ka huwag mong basagin ‘yan.” Muling pagmamakaawa niya sa kanyang kapatid. Ngumisi lang si Sahastra at mahinang tumawa. Akmang ibabato na sana niya ay sumigaw si Sahastra. “Oo na! Oo na pumapayag na akong pakasalan ang dumukot kay daddy. Ibalik muna yan sa akin, please Santana!” Umiiyak niyang sabi, malakas na tumawa ang dalaga dahil nagtagumpay ito. “Papakasalan ko na siya, mag-sakripisyo na ako para sa kanyang kaligtasan.” Walang pagpipilian niyang sabi, mariin siyang napapikit habang umiiyak. Habang sa Giordano residence, nagkalat ang mga tauhan ni Wildker. Nagtataka sila dahil bakit sunod-sunod ang mga taong pinapadukot sa kanila. At may mga itinapon na sa ilog, bangkay ng may utang sa ama ni Wildker. Nakaupo si ito sa sofa habang seryosong nakatingin kay Mr. Gregorio, hawak ito ng dalawang tauhan niya. Lumapit si Taruray sa kanya. Nanginginig naman sa takot ang ginoo dahil wala talaga itong pera na pambayad. “Mr. Wild, ang mga nakuhang gamit na pwedeng ibenta sa bahay ni Gregorio ay hawak ni Buck.” Bulong nito tumango naman si Wildker bago pinatay ang kanyang sigarilyo. “Tawagan mo ang pamilya ng lalaking to at humingi ka ng sampung milyon!” Malamig niyang utos, sumunod naman agad si Taruray. “Maawa ka Mr. Wild!” Nagmamakaawa na sabi ni Gregorio, para namang walang narinig ang binata. Muling pumasok si Taruray sa kwarto kung saan ikinulong ang ginoo, lumapit siya kay Wildker at merong ibinulong. “Mr. Wild, walang pera ang anak ni Gregorio. At mukhang matigas ito.” Seryoso nitong bulong lalong dumilim ang mukha ni Wildker dahil sa kanyang nalaman. Padabog itong tumayo at lumapit kay Mr. Gregorio, lalong nakaramdam ng takot ang ginoo. “You fvcking ás$hole!!” Galit niyang sigaw bago sinuntok sa mukha si Mr. Gregorio halos mapaatras ang dalawang tauhan ni Wildker, dahil sa ginawang pagsuntok. “Kapag wala pang ibinigay na pera ang iyong anak, alam muna kung anong mangyayari sayo! Huwag mong inuubos ang pasensya ko Gregorio! Hindi lang tatlong beses na palugit ang binigay ko sayong hayóp ka!!” Mariin na sabi nito bago muling sinuntok ang ginoo, dahilan para malaglag yung pustiso nito. Pigil na pigil sa pagtawa si Taruray at mga tauhan nito. Dali-dali namang pinulot ni Gregorio ang kanyang nalaglag na pustiso. Hindi na nito pinunasan diretso balik sa kanyang bunganga, dahil takot na takot siya kay Wildker. Bumalik sa pagkakaupo si Wildker, nagsalin siya ng alak sa kanyang baso. Bago siya uminom ay tumingin muna ito sa kanyang kanang kamay. “Fronda, nagreply na ba ang kanyang anak?! Kapag wala pa ay kunin niyo siya dito, paglalamayan silang mag-ama!” Umiling si Taruray bilang sagot, halos mapaupo ang ginoo sa nalaman. Mukhang si Santana ang nakausap ng tauhan ni Mr. Wild, for sure wala itong ibibigay na pera. Dahil lahat sila ay kay Sahastra umaasa. Gumapang siya lumapit kay Wildker at niyakap ang isa nitong hita. “Maawa ka sakin Mr. Wild, sa susunod na buwan babayaran kita pangako yan. Maawa ka!” Pagmamakaawa nito pero hindi umubra kay Wilker, sinipa siya ng binata dahilan para mapahiga sa sahig. “Ito ang huling palugit mo Gregorio kapag hindi nagbigay ng pera yung pinakamamahal mong anak. Hindi kana sisikatan ng araw!” Malamig nitong sabi, muli niyang sinipa ang ginoo pero sa tiyan na. Halos mamilipit sa sakit si Gregorio, nagsisigaw ito habang hawak ang kanyang tiyan. Sumenyas si Wilker sa isa niyang tauhan na busalan ang bibig ni Gregorio dahil ayaw niya ng maingay. Ngunit pumalag ang ginoo, wala na siyang ibang pagpipilian. Kahit masakit pa ang kanyang tiyan ay bumangon siya at muling lumuhod sa harap ni Wildker. “A-ang panganay kong anak, siya ang tawagan niyo. Siguradong meron siyang pambayad.” Siguradong tuluyan na siyang kamumuhian ni Sahastra sa kanyang ginawa ngayon. “Tawagan mo ang panganay niyang anak na sinasabi nito!” Utos niya kay Taruray, lumapit ito sa ginoo at kinuha ang number ng dalaga. Nanginginig naman sa takot si Sahastra nang makita na merong tumatawag sa kanya. Kinuha ni Royce ang cellphone ng dalaga at ipinakita kay Santana. “Sagutin mo!” Utos ni Santana kay Royce, sinipa niya ang dalaga para magsalita ito. “He-hello..” nanginginig ang boses niya, kaya kumunot yung noo ni Taruray. “Ikaw ba ang panganay na anak ni Gregorio? Pumunta ka dito sa Giordano residence huwag kang magtangka na tumawag ng pulis dahil wala rin mangyayari. Kung ayaw mo sa kondisyon niya’y maghanda ka ng pera!” Malamig na paliwanag ni Taruray. “Masusunod, pupunta ako.” Maikling sagot ni Sahastra habang nakatingin sa marble cremation urns kung saan nakalagay ang abo ng kanyang ina. Hawak ito ni Santana, isang maling sagot lang niya’y siguradong basag ito. “May pupuntang sasakyan dyan para sunduin ka! Buhay ng iyong ama ang nakasalalay dito!” Muling sabi ni Taruray bago ibaba ang tawag. Wala siyang pakialam sa buhay ng kanyang ama, mas mahalaga yung abo ng ina niya. Hindi niya kayang mabasag ito, dahil pakiramdam niya’y nasa tabi pa rin niya ang kanyang ina. Nag-thumbs-up si Taruray kay Mr. Wild, nakahinga naman ng maluwag ang ginoo nang makitang mukhang okay na. Nagawa niyang ipagkanulo ang sarili anak para sa kanyang pansariling nais. Mapasakanya na ang kompanyang matagal ng inaasam-asam. To be continued…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD