Ipinagdiriwang ang kaarawan ni G. Gregorio sa isang kilalang restaurant, kasama lamang ang mga kaibigan at kakilala sa negosyo. Nadama ang karangalan ng mga Gregorios dahil, sa kabila ng kanilang abalang iskedyul, nakadalo sila sa birthday party ng ginoo.
“Happy birthday, Mr. Gregorio.” Bati ng isang ginang si Mrs Mamintes, kaibigan nila ito at laging tumutulong sa kanila.
“Thank you so much Mrs Mamintes.” Nakangiti naman pasasalamat ng isa pang anak ni Mr. Gregorio.
“Nasaan si Sahastra hindi ba siya pumunta?” Tanong niya nawala ang ngiti ng mag-ina.
Ito ang panganay anak na babae sa unang asawa ni G. Gregorio, at wala silang ginawa kundi saktan at hiyain siya. Ginawang katulong at siya lahat nag-aasikaso ng negosyo iniwan ng kanyang ina. Habang ang bagong pamilya ng ama ay walang ginawa kundi mag-waldas ng pera. Ang ama ni Sahastra ay nagpakasal kaagad sa kabit nito pagkatapos mamatay ang kanyang ina.
“Mrs Mamintes, busy ang batang iyon ilang beses na namin siyang sinasabihan pero hindi niya mapagbigyan ang kanyang ama.” Pagsisinungaling ng ginang, nanatili namang seryoso ang mukha ni Mrs Mamintes.
“Ganun ba sayang naman meron pa sana akong ipapakilalang negosyante.” Nasasayangan na sagot ng ginang, nagkatinginan ang mag-ina.
“Pwede namang kausapin ng aking anak, balang araw ay siya na ang magmamanaged ng negosyo namin.” Nakangiti na sabi nito, dahilan para mapataas ang isang kilay ng ginang.
“Hindi na bale, tatawagan ko nalang siya.” Pagkasabi niya yun ay umalis na ito at lumapit sa ibang bisita. Umigting ang panga ni Mrs Gregorio dahil sa inasal ng ginang.
“Hayaan muna mom, may araw din ang matandang yan!” Mataray na sabi ni Santana. Nilapitan na nila ang ibang bisita, habang nagsasaya sila ay nasa mansyon naman si Sahastra, nakakulong sa bodega dahil ayaw ng mag-ina na pumunta ito sa kaarawan ng ama. Siguradong siya na naman ang pupurihin at magiging out of place na naman ang mag-ina.
Wala ng pakiramdam ang dalaga, naging bato na yung puso nito. Hindi gaya noon na laging nagmamakaawa at umiiyak, pero ngayon wala siyang ibang nararamdaman kundi galit at pagkamuhi sa kanyang ama at bago nitong pamilya. Simula dumating ang mag-ina ay naging impyerno na yung tahimik niyang buhay.
Konting tiis nalang mapasakanya na ang lahat ng ari-arian ng kanyang ina, walang matitira sa ama niya dahil lahat ng meron ito ay pag-aari ng Defante magulang ng asawa. Dahil lahat ng pag-aari ni Mr. Gregorio ay nawala na dahil sa pagiging sugarol at babaero nito. Wala sanang balak iwanan ni Sahastra ang ama, dahil kabilin-bilin ng kanyang ina na manatili ito sa tabi niya. Dahil sa ginawa sa kanya, iyon ang nag-udyok para umalis ito dito sa sarili nilang pamamahay.
Dahil sa biglaang pagkamatay ng ina ni Sahastra, hindi naasikaso ang paglipat ng pangalan niya sa lahat ng pag-aari ng kanyang ina. Dahil buhay pa ang lolo nito, at nasa pangalan pa nila nagdesisyon silang kay Sahastra ibigay lahat at walang makukuha ang ama nito. Nalaman ng ginang kung anong ginagawa sa kanyang apo, at dapat lang na magdusa ang bagong pamilya ni Mr. Gregorio.
Bago matapos ang masayang gabi ni Mr. Gregorio, nilabas na yung malaki nitong cake na binili ni Sahastra pero pinalabas na si Santana ang bumili para lalo itong maging mabango sa kanyang ama.
“Happy birthday daddy,” masiglang bati ng dalaga habang hawak-hawak ang cake, matamis na nakangiti. Tuwang-tuwa naman ang ginoo dahil sa suprisa sa kanya.
“Make a wish dad.” Excited na sabi ni Santana, ngiting-ngiti ang ama nito saktong pag-blow niya sa kandila ay may mga armadong lalaking pumasok sa inuupahan nilang private room.
Nabitawan ni Santana ang cake at nagtago sa likod ng kanyang ama. Nagulat naman si Mr. Gregorio nang makilala kung sinong nasa harapan nila ngayon, walang iba kundi ang kanang kamay ng isang kilalang mafia boss.
“Gregorio!!” Malakas na sigaw ni Taruray Fronda habang ang mga tauhan nito ay nasa kanyang likod. Nakaramdam naman ng takot ang mga bisita hindi alam kung anong gagawin. Dahil may hawak na baril ang mga lalaki, at nakakatakot na aura ng babae.
“Sino kayo?! Paano kayo nakapasok dito?” Sunod-sunod na tanong ng ginoo, tumawa ang isang lalaki pero agad din naging seryoso yung mukha.
“Mukhang nakalimot ka yata Gregorio!” Nakangisi sabi ni Taruray dahil nagmamaang-maangan pa, bago tumingin sa kanyang mga tauhan tumango naman sila.
“Sino kayo, bakit kailangan niyong mang gulo dito?” Tanong naman ni Santana, mahalagang araw ng kanyang ama ngayon hindi dapat masira.
“Sinabi ko na sayo magbabayad ako, hindi ka ba makaintindi?” Seryoso na tanong ng ginoo, mahinang tumawa si Taruray habang nakapamulsa ang isang kamay.
“Ilang beses muna yang sinabi, mabait pa si Boss sa lagay na ito dahil hanggang ngayon ay buhay ka pa!” Sagot nito bago sinenyasan ang kanyang mga kasama.
“Kunin siya! At huwag ninyong subukang makialam, kung ayaw niyong madamay! Sisiguraduhin kong pati kumpanya ninyo ay madadamay!” Pagbabanta nito sa mga bisita ng ginoo. Dahil ayaw nilang madamay nanatili silang tahimik at nag mistulang mga bulag at bingi.
Lumapit ang apat na lalaki kay Mr. Gregorio, wala silang awang pwersahang hinila ito palabas ng private room. Nanginginig naman sa takot ang mag-ina, wala manlang silang ginawa saka lang nag-iiyak nang makalabas lahat ng tauhan ni Taruray.
“Ang asawa ko! Tulungan niyo kami! Umiiyak na sigaw ng ginang, para namang mga bingi ang kanilang bisita at kaibigan.
“Santana ang daddy mo, anong gagawin natin?” Halos mapa-upo na ito dahil sa panghihina na kanyang tuhod.
“Walang ibang may kasalanan nito mom kundi si Sahastra!!” Paninisi nito sa kanyang kapatid. Dahil baka binayaran ang mga dumukot sa kanilang ama, para hindi maging masaya yung party.
“Let's go home mom, wala tayong maaasahan sa mga taong nandito! Mga takot!” Pasigaw na sabi ni Santana bago tumingin sa mga kaibigan ng kanyang ama.
Hinila ni Santana ang kanyang ina palabas ng private room, nanggagalaiti ito sa galit dahil sa nangyari. Pagdating nila sa mansyon ay sinalubong sila ni Royce, takot ang nakikita nila sa mukha ng ginoo.
“What’s wrong?” Mataray na tanong ni Santana. Dahil sa itsura nito ay mukhang problema na naman ang ibabalita.
“Senyorita, may mga armadong lalaki ang pumunta dito. Lahat ng pwedeng mabenta ay kinuha nila at sinira yung ibang gamit.” Nanginginig ang boses nitong sagot, dali-dali namang pumasok sa loob ng mansyon si Santana. Lumaki ang kanyang mga mata sa nakita, basag lahat ng vase pati malaki nilang TV.
“Nasaan si Sahastra?” Malamig niya na tanong kay Royce. Wala siyang ibang ididiin ngayon kundi ang kapatid nito sa ama.
“Nasa bodega pa rin siya, ilalabas ko na ba?” Pabalik na tanong niya, tumango lang siya bilang sagot. Agad namang sumunod ang lalaki, habang si Santana ay padabog na umupo sa sofa.
Nagpupumiglas naman si Sahastra nang hawakan siya sa braso ng lalaki, lalo lamang humigpit ang pagkakahawak nito dahilan para huminto ito sa pagpupumiglas.
Pagdating nila sa sala ay tinulak siya ng lalaki dahilan para mapaupo ito sa sahig. Malakas siyang sinampal ni Santana na ikinagulat niya, galit na galit itong nakatingin sa kanya. Tumayo siya sa pagkakaupo, tiningala siya ni Santana dahil mas matangkad ito kaysa sa kapatid.
“Walanghiya ka! May gana ka pang ipinadukot si dad sa mismong kaarawan niya!” Paninisi niya sa kanyang kapatid, kumunot naman ang noo ni Sahastra.
“Anong pinagsasabi mo Santana? Malinis ang konsensya ko, hindi gaya ninyong mag-ina baka kayo yung nagplano. Mukha kayong pera ‘di ba?!” Natatawa na sagot niya sasampalin sana ulit siya ni Santana, pero nahawakan niya yung kamay ng kapatid at walang pagaalinlangang sinampal niya ito ng malakas.
“Ako pa talaga ako sisisihin mo? Masaya kayong pamilya doon ‘di ba? Wala na akong pakialam dyan, kapag problema ako ang sinisisi niyo? Ang kakapal talaga ng pagmumukha niyo mag-ina!” Mariin niyang sabi bago tinalikuran ang kanyang kapatid.
“Palitan ninyo lahat ng nawala at nabasag dito sa bahay, ibibigay ng sekretarya ko kung magkano lahat ng nawala!” Dagdag nitong sabi bago tuluyang lumakad paakyat ng hagdan.
“Sahastra!!” Galit na tawag sa kanya ni Santana, para naman itong walang narinig nagpatuloy lang siyang umakyat patungong ikalawang palapag ng bahay niya.
Ibabato na sana ni Santana ang vase na nasa katabi niyang mesa, pero hindi natuloy dahil tumunong yung telepono agad niyang sinagot.
“Sampung milyon palit ng buhay ng iyong pinakamamahal na ama!” Malamig na sabi ni Taruray mula sa kabilang linya.
“What! Wala kaming ganyan kalaking pera, ano bang kasalanan niya sa inyo?!” Sigaw ni Santana, tumawa naman si Taruray.
“Malaki! Malaki ang utang niya sa amin, kung gusto mo siyang makitang buhay. At upang mabayaran ang utang niya sa amin, pakasalan mo si Mr. Wild! Ikaw ang magiging kabayaran sa lahat ng kanyang utang. Hintayin mo ang aking message, ‘wag kang mag-tatangkang magsumbong sa pulis pati kayo ay idadamay ko!” Pagkasabi niya iyon ay binaba na niya ng tawag si Santana, humigpit naman ang pagkakahawak ng dalaga sa telepono.
Dahil sa inis ng dalaga ay ibinato niya ang telepono, hingal na hingal ito. Bakit kailangang siya ang maging kabayaran, napatingin sa itaas si Santana at ngumiti.
“Royce, kausapin mo si Sahastra kung ayaw niyang pumayag sa kagustuhan ko. Saktan mo hangga’t pumayag itong maging kabayaran siya para sa kaligtasan ni dad!” Malamig niyang utos, wala siyang balak pakasalan ang isang matandang amoy lupa!
“My gosh, bakit ba ako ang nagpoproblema sa utang niya! Mayaman siya bakit hindi nalang bayaran!” Pagrereklamo niya habang papaakyat sa ikalawang palapag.
“Ano ako tànga para pakasalan ang matandang amoy lupang inutangan niya! Kahit marami siyang pera hindi ko yun papatulan! Over my séxy and dead body!” Muling pagmamaktul nito hindi siya maka-get over sa sinabi ng babae sa telephone kanina.
“Dapat si Sahastra ang magdudusa para mapasakin lahat ng negosyo ni dad! Epal sa buhay naming tatlo, dapat pinapalayas na yan siya!” Naiinis niyang saad bago humiga sa kanyang kama.
To be continued..