Agamani Astrid Ghaile Acosta
Today is friday and we have a practice for ASI since walang klase ang buong school namin para sa paparating na event. Dito kasi gaganapin ang opening at sa XIS ang second event at sa DIS ang closing for first day.
Tatlong araw kasi ang event at pagkatapos ng closing ay saka lang i lalabas ang mga bagong schedules.
Ang mga athlethes ay nag e-ensayo habang ang mga other students ay nag aayos ng decorations and banners.
"So alam mo na ba kung pano ang takbo ng game?" Tanong ni Scarlet sakin.
Dalawa palang kasi kami since nasa iisang building lang pala kaming dalawa. As i said, sa condo ni Kuya Garnet ako tumutuloy. Kaya sinabay ko na sya sa sasakyan ko since wala daw syang kotse dahil ayaw ng parents nyang pag drive sya.
"Hindi ko pa nga rin alam eh. Bakit kailangan ng 8 palayers" sabi ko at inilapag ang ini-order namin.
Sa tapat kasi ng school namin ay may cafe kaya napagpasyahan namin na dito mag kitakita.
"I think magiging pair and spare ang laban" napatango naman ako.
Sa iba ko rin na nasalihan na firearm competitions ay Pair and Spare. Kaya tinawag na PaS ay sa isang team bubuo ng duo. Sa bawat duo na mabubuo, kung sinong mananalo ay pipili nang lalaban at ng makakalaban sa natalong duo sa kabilang team.
Kapag natalo mo yung pinili mo, drop na sila pareho kahit yung isa lang yung natalo sa dalawa. It's a spare, parang sa bowling. Sa unang tira mo at may natira, paptumbahin mo sa pangalawa. Pag natumba ang pin that's spare in bowling na ganon din sa Competition na to.
"Maiba ang usapan. Do you have past with that Casper?" Tanong nya at nangalumbaba sa harap ko habang sumisipsip sa iced coffee na binili namin.
"No" diretsang sagot ko.
"Really?" Nang iintrigang tanong nya at tinaasan pa ako ng kilay bago sumandal.
Napa buntong hininga naman ako.
"What kind of past kasi" tanong ko.
"Like... boyfriend and girlfriend" sabi nya at umiling ako.
"No"
"Friends?" Napa isip naman ako.
"Hmmm yeah? Nakalaban ko siya sa underground fights ng kick boxing at sa legal fights ng fire arm bago kami naging--close? Not that close but yeah" para syang nabigla sa sinabi ko at inilapit ang upuan sa lamesa at tumukod dun.
"You played kickboxing?!" Tumango lang ako at kumuha ng cookies "and you played against boys?!" Dagdag nya pa kaya tumango ilu ako.
"The focc" utas nya at sumandal ng padabog sa upuan. "I guess that Casper courted you, isn't he?l muntik ko nang mabuga ang inumin ko sa tinanong niya at nakita ko naman ang pag ngisi nya. "No need to answer that"
Nag kwentuhan pa kami hanggang sa dumating na ang iba naming mga kasama.
"Ghaile, matagal na ba kayo mag kakilala nung trainor natin?" Tanong ni Reid ng maka upo sila at tumango naman ako.
"Nakilala ko sya sa school" prenteng sagot ko.
Nag vibrate naman ang phone ko kaya agad kong kinuha.
Daniel Sideburns calling...
"Hello?" I answered
"Ghaile..." banggit nya sa pangalan ko.
"Hmm?" Himig tanong ko.
"San tayo mag pra-practice?" He asked na para bang namromroblema sya.
"Sa firearm park daw nung trainor" sagot ko at naka tingin naman sakin yung mga kasama namin.
"I'll be there, mauna na kayo" sabinnya at nag paalam bago ibaba ang tawag.
"Ansabe?" Tanong ni Allen.
"Susunod nalang daw sya" tumango naman sila at napalingon sa likod ko.
"Sakto andyan na si Sir Casper" nagtayuan naman sila kaya tumayo rin ako ng hindi lumilingon.
"Sir Casper... Casper nalang. You're even older than me" dinig kong sabi niya mula sa mismong likod ko.
"Ilang taon ka na ba?" Naka crossarms na tanong ni Scarlet.
"Twenty" napatango tango naman sila. "I see that the other guy is still not here." Sinenyasan naman ako ni Scarlet na parang sinasabi na ako ang sumagot.
Marahan akong humarap at nag salubong agad ang paningin namin.
"He said that he'll be there and mauna na raw tayo" i tried my best not to mumble.
He smiled.
"Okay then. You have car? Sabay ka na" aya nya kaya umiling ako.
"I have my own" sagot ko at ngumiti ng pilit pero naging ngiwi.
"I see... Acosta ka nga pala." Sabi nya at ngumiti ulit. Bago nilingon ang iba naming kasama. "Let's go" aya nya at nag paunang mag lakad.
"If i were you? It's a fetch for Casper" bulong ni Scarlet bago ako sikuhin at batakin palabas.
Mag kakasunod ang mga sasakyan namin at gaya kanina ay sakin sumabay si Scarlet.
Actually mabait si Scarlet at sobrang dali nyang pakisamahan. Hindi man gaya ng normal flows ang attitude nya, kapag sya mismo ang nakipagkilala sayo para kang aanudin ng payapa ng attitude nya. Mataray sya pero soft. Yung looks nya lang talaga yung nakakapagdagdag points ng katarayan nya.
Her natural bushy brows and cat eyes with natural long lashes. May nunal din sya sa baba ng mata nya pero nasa mismong ilalim. Her nose is small and pointy with her pouty lips and perfectly alligned theeth.
Tanging lipgels and cheeck tint lang ang naging palamuti sa mukha nya na bumagay sakanya.
Huminto kami sa isang malawak na building na may 5 floors at may underground parking.
"Anong sabi ni Daniel?" Tanong sakin ni Allen.
"Wala pang text" sagot ko habang kinakalikot ang phone ko.
Nandito kasi kami sammay parking lot na nag aantay----
Biglang may sunodsunod na pumasok na sasakyan. Hindi naman mga sports car pero alam mong hindi basta basta. Kagaya ng SUV na Tesla X model.
"May bisita ka ba today?" Baling ko kay Casper at umiling naman sya at takang binalik ang tingin sa mga sasakyan.
Biglang may huminto na Grey na Fortuner sa harap naman at laking gulat ko ng mag baba yun ng bintana at makita ang nasa loob.
"Babygirl!"
What the f**k?!
"What the---anong ginagawa nyo dito?!" Gulat kong tanong at tinawanan lang ako ni Dremion.
Umalis sila sa harap ko at nag park at sabay sabay na silang bumaba at lumapit na pinapangunahan ni Daniel. Syempre kasunod ang Datu nila.
"What the hell are they doing here?" Iritang tanong ko sa naka bisangot din na si Daniel.
Taka paring nakatingin sakanila ang mga kasama namin.
"I just woke up they're in my house insisting to go with me" nakabisangot nyang sabi.
Lumapit naman sakin si Cazdrin at akmang hahalik kaya inambahan ko sya.
"One kiss and you can never repeat that" banta ko at tumawa naman sya sabay lapit sakin.
"Baby girl~" sigaw ni Cazdrin kasunod ang iba na nakangiti sakin.
Naka awang pa ang braso nya na akmang yayakapin ako kaya humarang si Cazdrin sakanya.
"You hug her and you'll say goodbye to your arms" panggagaya ni Cazdrin sa banta ko.
Napa hawak nalang ako sa sentido koat hinarap ang mga kasama ko na tatawa tawa.
"I'm so sorry for this. My god" sabi ko at napailing kaya mas napatawa sila.
"Classmates mo?" Tanong ni Casper kaya napalingon ako sakanya pero agad na nag iwas ng tingin.
"Yeah." Tipid kong sagot.
"Still the only rose among the thorns" nakakalokong sabi nya kaya umirap nalang ako sa hangin bago harapin ulit ang mga siraulo.
"Pag kayo nanggulo--isa isa ko kayong babarilin sa ulo" banta ko at ngumiti lang sila ng malapad.
"Wag na si Cazdrin....may tama na sayo yan" asar ni Xander at nag hiyawan naman sila kaya muli akong napa yuko at bahagya pang hinilot ang sentido ko.
Maya maya lang ay may dumating pang dalawang SUV. At nagulat kami nang nag baba yun ng salamin ay si Greyson, Shan, at Ravin kasama si Mikai habang sa kabila naman ay si Kriz at Alodia.
"Oh? Dito din kayo mag tra-training?" Tanong ni Grey at nilibot pa ang tingin. "Casper?" Nagugulat na tanong nya kaya nilingon namin yun at bahagya syang naka ngiti at kumaway pa.
Sumenyas sila na mag papark lang at maya maya ay nakarating na sila.
Yung ibang siraulo, nauna na sa taas para daw mag hanap ng pwesto at bumili ng makakain. Natira dito si Cazdrin at Dremion.
Maya maya lang ay dumating na sila at bumati pa sakin. Nakipag hand shake sakin si Grey at Ravin habang si Shan ay nginitian lang ako.
Buti naman naka intindi na.
Kapnsin pansin ang agad na masamang tinginan ni Alodia at ni Scarlet.
Unang lumapit si Mikai sakin para yumakap.
"Ayos na ba kayo si Alli?" Humiwalay naman sya sakin at malungkot na ngumiti.
"She never talked to me" malungkot sa sabi nya bago bumalik sa tabi ni Grey.
Si Alodia naman ang lumapit sakin at yumakap.
"Why are you with that woman?" Bulong nya sakin at ako ang humiwalay.
"Team mate ko" sabi ko sakanya at pilit syang ngumiti.
"Akyat muna tayo. Dun na tayo mag kamustahan" aya ni Casper kaya sumunod naman kami.
Si Cazdrin ay parang gli-nue ang kamay at braso sa baywang ko na hindi matanggal kaya panay ang sulyap nila don.
"So you're that close to that Alodia girl?" Mataray na tanong ni Scarlet sakin ng pabulong.
"Yeah, since i was in London" sagot ko din pabulong.
Suminghal lang sya at bumukas naman ang elevator.
10 pa raw ang dating ng staffs at nine am palang kaya nag tipon tipon muna kami sa Cafe ng Park.
Shooting park ang tamang term sabi ni Dremion dahil Archery and Firearms daw ang gamit dito.
"So? You own this now" sabi ni Grey at kami naman ay nakikinig lang.
"Uh yeah. I stopped studying dahilnag retire na si Dad at ako lang naman ang anak nya. I have 5 branches to manage kaya pano pa ako makakapag aral" i can say na nag yayabang sya so---mayabang nyang sabi.
"Sila Felix? Asan na yung mga yun?" Tanong naman ni Ravin.
"Wala akong balita sa iba. Well, maliban kay Thanor and Zinade" bahagya pa akong tinignan ni Casper ng banggitin nya ang pangalan ni Zinade.
"Z-zinade?" Nabibiglang tanong ni Alodia.
Well he known what i've been through that guy. Alam nilang mga kaibigan ko mula sa London.
Tumayo naman ako kaya napalingon sila sakin. Si Alodia, Mikai, Grey at Ravin ay nag aalalang naka tingin sakin kaya pilit akong ngumiti.
"San ka pupunta Ghaile?" Tanong ni Scarlet na katabi ni Reid.
"Powder room" sabi ko at agad na umalis.
Pag pasok ko sa CR ay agad akong nag punta sa fosset at nag hilamos.
Bahagya oang nanginginig ang kamay ko ng tignan ko yun.
Naramdaman ko nalang ang pag luha ko at tinignan ko ang sarili ko sa salamin.
Namumula na ang pisngi at mata ko.
Fck it's not about Zinade!
Naiirita man ako at tuloy tuloy ang pag luha ko ay lumabas ako ng powder room.
Parang may gumagalaw sa loob ng balat ko! Ang kati kati!
Naka yuko akong umupo sa harap ng table ng hindi naman nila ako napapansin.
Shit ang kati!
Nag simula naring kumati ang bandang leegat batok ko kasabay ng braso ko kaya inipitan ko ng mababa ang buhok ko para lang walang sagabal sa leeg at batok ko.
Tinignan ko ang plato ko.
Fuck it! Pineapple chunks!
Tangina Astrid! Hindi mo kasi tinitignan ang kinakain mo!.
"Eiiihhhnnnn" pigil ko sa ungol ko dahil sobrang kati nang balat ko.
"Ghaile? You alright?" Tanong sakin ni Jovenn kaya nakita ko ang pag lingon nila kahit naka yuko ako.
"Eeeerrrr" mahinang impit ko.
"Astrid?" Bulong sakin ni Cazdrin kaya bahagya akong nag angat ng tingin. "f**k! Why are you crying?" Nag pa-panic na sabi nya pero nag kagat labi lang ako dahil alam kong walang lalabas na boses sakin.
"F-f**k" yan ang tanging salita na nabuo ko at nag simulang kamutin ang balat ko.
"Ghaile!" Biglang lumapit sakin si Shan at nakita ko naman ang masamang tingin ni Cazdrin sakanya.
"What flavor is her cake?" Pasigaw na tanong ni Cazdrin.
"Pineapple sweet sponge" si Casper ang sumagot at tuluyan na akong nawalan ng malay.
I hate me