Lyneth point of view
Nanginginig ang buong katawan ko sa lamig parang tinarangkaso ata ako gawa ng maulanan ako kanina, tatayo na sana ako ng mapansin ko ang dextrose sa pulsuhan ko
Sobrang malala naba talaga ang trangkaso ko para kabitan pa ng dextrose?pumihit ang pinto at iniluwa nun si amanda. May hawak itong tray ng pagkain ng mapansin nyang gising nako ay ngumiti sya at inilapag ang dalang tray ng pagkain sa side table
Sinong naglagay nito sakin sobrang taas ba ng lagnat ko?"tanong ko, umupo sya sa gilid ng kama at tumingin ng nakakaloko
Si daddy doc naglagay nian sayo!! Nandito kaya sya kagabi at maagang pumunta dito! Grabe sanaol may private doctor ay nako babae baka naman bigyan mo ng pagkakataon si doc"amanda
Nakamot ko ang nuo
Kaya ko na maayos na ang pakiramdam ko, gusto ko ng bumaba gusto kong sumabay ng kain kay lander"tumayo nako at tinanggal ang dextrose sa pulso ko
Sure kaba?sige ikaw ang bahala"sabay kaming lumabas ng kwarto ni amanda, palapit palang kami sa hagdan ay dinig na dinig kona ang boses ng tawanan ni lander at doc tyron, nagkatinginan kami ni amanda ng tuluyan na namin natanaw ang dalawa
Ano sis kamusta maganda ba?"napahawak ako sa bibig para pigilan ang matawa
Yes po sissy ako po kamusta lipstick ko?"lander, tuluyan nakong natawa kaya napatingin sila sa gawi namin at sabay na napahinto sa ginagawa habang may nakatago sa likod, naglakad na kami pababa ng hagdan
Ano doc bumigay naba?"natatawang tanong ni amanda napakamot sa nuo ang doctor at tumawa ng pilit
S-si lander kasi"turo nya sa anak ko, tumingin ako kay lander
Umiling naman ito habang may pilit tinatago sa likod, bumaba kami ni amanda
Akina"lahad ko ng kamay pero umiling sya
Lander?"tawag ko sa pangalan nya kaya napayuko sya at iniabot ang liptint ni amanda
Umamin ka nga anak?"nagtitimpi kong tanong pero tumingin sya sakin ng malungkot
G-gusto ko po kasi matutung mag make up"lander, nagkatinginan kami ni amanda at tyron
Y-you dont put make up on your face kaya gusto kong matuto para ako na magmamake up sayo mommy"lander. Umupo ako para magkapantay kami
Why ugly naba si mommy? Nak hindi mo kelangan gawin un"maingat kong sabi kay lander pero bumusangot ang mga muka nito
I just want you to always be beautiful mom! Feel ko kasi nasstress ka sakin kasi pump*nget kana"nguso nya
So inaamin mong p*nget nanga ako?"tanong ko pero bigla syang bumungisngis kaya kiniliti ko sya sa tyan
Gusto ko din kasi magpaganda ka para kay daddy doc!"tawa sya ng tawa, natigilan ako sa pagkiliti sakanya at nahihiyang tumingin kay tyron
S-sorry pilyo kasi talaga tong anak ko"napakamot ako sa nuo
you don't have to make yourself beautiful, maganda kana"tyron
Lynethhhh !!"naging aligaga kami ng may sumigaw sa labas ng gate at kilala ko ang boses na iyon
Xandrew
Napayakap bigla sakin si lander dahil sa takot kaya hinaplos ko ang buhok nya para pakalmahin, maglalakad na sana si amanda para lumabas ng pigilan ko sya
A-ako na pakihawak nalang si lander"ngiti ko
Pano kung sapilitan ka nanaman nyang dalhin sa bahay nyo?lyneth dito ka palang ipapapulis ko ang g*gong yan!"amanda. Pero muli ko syang pinigilan
Papapirmahan ko narin tuloy ung divorce paper na binigay ni atty"sagot ko kaya napahinga sya ng malalim
Tatawag ako ng pulis lyneth kapag yan talagang hay nako"amanda
Wala rin naman magagawa ang mga pulis hanggat di pa naaaprobahan sa korte ang divorce namin amanda"sagot ko na ikinatahimik nya, ngumiti ako
Sure kabang lalabas ka mag isa if you wa—"pinigilan kona ang sasabihin ni tyron
Mas lalo lang magkakagulo kapag nakita ka nya hmm ako nalang pls?"sabi ko kaya tumango sya
Kinuha ko sa side table ang brown envelop at lumabas ng gate, sinalubong ko ang gusot gusot nyang damit at gulo gulo nyang buhok
Umuwi na tayo"mahinahon nyang sabi, kaya napapikit ako dahil alam kona ang mangyayari magbabago ang reaction nya hanggang sa saktan nya ko
Magdivorce na tayo ng tuluyan xandrew"mahinahon kong sabi pero umiling sya
Hiniwalayan kona si monica for you! Gagawin ko lahat lyneth pls?"nanatiling mahinahon ang kanyang boses
Kung kinakailangan ligawan kita araw araw o pakasalan kita ng paulit ulit gagawin ko if you want let's build a house and I will design again"may pagmamakaawa sa boses nyang sabi
I will never hurt you again lyneth"napayuko sya
Napalunok ako dahil pakiramdam ko ay bibigay na ung dibdib ko
P-pirmahan mo nalang ito"abot ko sa brown envelop. Kinuha nya iyon at binuksan
No i, i c-cant"nahihirapan nyang sabi habang umiiling
Magbabago nako lyneth"xandrew
Plss pirmahan mo nalang ito"makaawa ko pero hinawakan nya ang kamay ko
Kung hindi mo pipirmahan ito ang atty ko na ang kakausap sayo"inalis ko ang kamay nya sa kamay ko at pumihid patalikod pero naramdaman ko ang yakap nya sa likuran ko
Tamana xandrew!"pilit kong inaalis ang mga brasong nakapulupot sa mga bewang ko
Bumukas ng malawak ang gate at iniluwa nun si lander na umiiyak at pawisan dahil sa pagtakbo, pinagsusunt*k nya si xandrew sa parte ng katawan nito na naabot lang ng anak ko
Dont hurt my mom again you bad guy!!"umiiyak na sabi ni lander, agad na napabitaw si xandrew sakin naguguluhan syang napatingin sa anak ko, nanginginig naman ang buong katawan ko at niyakap si lander na walang tigil sa pag iyak
Hinihingal na napahawak si amanda sa poste ng gate na halatang tumakbo para habulin si lander kasunod nito si tyron
A-amanda pls ipasok mo si lander"mahina kong sabi. Tumango si amanda at handa ng kunin si lander sakin
A-anak ko ba ang batang yan?"tanong nya. Na hindi ko masagot sagot ,napaiwas sya ng tingin ng hindi ako makasagot
Ng ibalik ang paningin nya sakin ay may luha ng namumuo sa gilid ng mga mata nya
Lyneth anak ko ba ang batang iyan?!!"nagtaas sya ng boses kaya mas lalong sumiksik si lander sa lieg ko habang mahigpit ang yakap
you can't deny that lyneth we have the same eye color!"g*lit na boses nyang sabi kaya dikona mapigilan mapaluha
An//; the long waiting is over!!?