Chapter11
Lyneth point of view
Nakausap kona ang atty na tutulong sakin makipagdivorce kay xandrew at ngayon inaasikaso na nya ito, nakita ko si amanda na dala ang garbage bag habang nakaupo ako sa garden
Naiinip nako, ilang araw din wala si doc dahil marami itong inaasikasong pasyente kaya heto. Tumayo ako para kunin ang dala nya
Ako na to pakitingin nalang si tyron sa living room naglalaro"ngiti ko
Namimiss mo ba si doc lyneth?"bigla nyang tanong kaya napatanga ako
Ha?"tanong ko pero ngumisi sya at sinundot ako sa tagiliran
Aysos ang pinsan ko nagkukunwari pa namimiss mo nu nako aantayin molang si doc tyron sa labas e"pang aasar nya
H-hindi no"tanggi ko at napakamot sa nuo
Sige na itapon mo na sa labas yan alam ko naman miss mo na si papa tyron na sobrang bango e support cous!"tulak nya sakin at pumihit nasya patalikod kaya naglakad nako palabas ng gate
Pinihit ko at gate at lumabas, naglakad ako ng konte palapit sa poste para ilagay ang garbage bag sa tabi dahil mamaya ay dadaan ang garbage collector, pinagpag ko ang kamay ko at naglakad na papasok ng gate
Munit may itim na van na biglang huminto sa tapat, napahinto ako dahil sa mismo ko humingo, bumukas ang pinto at may lumabas na dalawang lalaki at sapilitan akong isinakay sa luob, sinubukan kong pumalag pero naging matigas sila ,may panyo silang pilit ipinantatakip sa bibig ko pero nanlalaban ako, pero sa huli talo parin ako dahil nakaramdam ako ng hilo hanggang sa Mawalan ako ng malay
Xandrew point of view
Boss nakuha napo namin sya"sagot ni rigor ang lalaking inutusan kong kidnapin si lyneth
Sabi nga nila kung hindi mo makuha sa santong dasalan dun tayo sa santong paspasan, inilapag nila sa couch si lyneth na walang malay
Ilan minuto ko syang tinitigan sa posisyong ganon, lumapit ako at umupo para magkapantay kami. Hinawi ko ang ilan hibla ng buhok na kumakalat sa muka nya
Mas lalo kang gumaganda sa paningin ko lyneth"kausap ko sakanya
Hindi na sana kita hahabulin e for me kasi ang tinapon kuna hindi ko na pinupulot pero iba e tinapakan mo ang ego ko alam mo un?kung pinirmahan mo lang at annulment ng maayos at may pagmamakaawa sakin na wg kong ituloy ang pagdidivorce natin edi sana hindi nako nagmumukang gago dito"napailing iling ako
Paimportante ka masyado alam mo un?dati lang nagmamakaawa ka sakin na wag kitang iwan halos halikan mo ang kamay ko lyneth natatandaan mo paba un?ganon moko kamahal nuon eh"natawa ako ng mapaet, parang tinutusok ang dibdib ko ng libo libong kutsilyo
K-kung nalaman ko lang na b-buntis ka talaga edi sana m-mas iningatan kita"napayuko ako at huminga ng malalim para magpigil ng emosyon
Tumayo ako at pinitik ang daliri, mabilis pa sa alas kwatrong nag silapit ang mga kinuha kong maid. Malinis na pala ang dating bahay namin kagaya ng dati
Linisan nyo ang asawa ko at dalin nyo sa kwarto namin"sabi ko at tumalikod, naglakad ako papunta sa dinning area at kumuha ng wine
Lyneth is mine! Fvcking mine, bibitawan lang kita kapag gusto ko at ako ang magdedesisyon kapag sawa nako
Ilan minuto akong nakaupo sa mataas na upuan katapat ng mini bar sa kitchen, nilibot ko ang paningin sa kabuuan ng bahay. I designed every corner of this house. I loved lyneth so much back then
until that day comes
Nagbuntis si lyneth sa magiging unang anak sana namin, that time natawagan nasya ng manager as a model alam kong pangarap nya iyon alam ko, hindi ko sya mapigilan sa gusto nya dahil mas priority nya iyon kesa samin
Dahil sakanya nalaglag ang ipinagbubuntis nya
Alam kong sinadya nya un! At un ang hindi ko matanggap dahil parang ako lang
Ako lang ung nagluluksa sa anak namin. Na parang wala lang sakanya ang lahat,pinunas ko ang luhang mabilis na tumakas sa mga mata ko
Nagsalin ako ng wine sa baso pero wala na, nagdesisyon akong tumayo na at maglakad pataas ng hagdan, napadaan ako sa isang kwartong pinalock ko
It was my baby's room na pinasara ko ng malaman ko kasing buntis si lyneth ag agad akong nagpagawa ng kwarto para sa baby namin, binili ko ang lahat i want to be a good father who can afford to give it all, pero kinuha sya at sa pangalawang pagkakataon pinagdamot nanaman ni lyneth sakin ang pagiging ama, naikuyum ko ang kamao ko para pigilan ang labis na galit
Pinihit ko ang pinto, at pumasok sa kwarto namin nakita ko syang mahimbing na natutulog suot ang silk satin nighty dress na binili ko, napakaamo ng mga muka nito na para bang ni minsan ay hindi ito nakagawa ng kasalanan pero ang totoo pangalawang beses nyang pinatay ang anak ko,natawa ako ng mapakla