bc

BITUIN (Filipino)

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
independent
drama
no-couple
heavy
serious
small town
betrayal
lonely
husband
like
intro-logo
Blurb

Iniwan si Marlon ng kanyang asawang si Yani dahil nga siya mahirap lamang. Hindi niya ito kayang bigyan ng kahit na anuman luho, pagmamahal niya lamang at pag-aaruga ang kaya niyang ialay. Ngunit hindi pa rin ito sapat sa asawa, kaya umalis ito at sumama sa iba. Tanging si Kaye na lamang ang naiwan sa kanya, ang kanyang nag-iisang anak na babae.

Ano kaya ang magiging kahihinatnan ng kanilang mga buhay?

chap-preview
Free preview
BITUIN (Short story)
Bituin ni Charosel Gesta Habang nakaupo si Marlon sa isang bangko at katatapos lang kumain ay dinala na ni Marlon ang kanyang anak na si Kaye sa kwarto nito para patulugin. “Mahal kita anak, matulog ka na,”ito ang sambit ni Marlon habang hinahaplos ang manipis at mahabang buhok ng kanyang anak. “Mahal din kita itay, opo akoý matutulog na,”sagot naman ng batang si Kaye habang nakahiga sa kanyang higaan. Nang makatulog na ang kanyang anak ay mataimtim at maingat niya itong pinagmasdan na parang isang bituin sa kanyang mga mata. “Anak, kahit pa iniwan tayo ng iyong ina dahil akoý mahirap lamang, kahit sumasama siya sa iba ay gagawin ko ang lahat mabigyan lamang kita ng magandang kinabukasan,” sambit ni Marlon kahit alam niyang hindi na siya naririnig ng kanyang anak na si Kaye dahil ito ay mahimbing na sa kanyang pagkakatulog. Habang nakatitig lamang siya sa maamong mukha ng kanyang anak ay bigla niyang naalala ang kanyang sinapit noon. Noong tatlong taong gulang pa lamang si Kaye ay wala siyang hindi kayang gawin alang-alang sa kanyang pinakamamahal na anak. Tanging si Marlon na lamang ang kumakayod at nag-aaruga kay Kaye. Ginawa niya ang lahat upang magkaroon ng sapat na pera para sa pag-aaral ni Kaye. Iniwan na kasi siya ng kanyang asawang si Yani dahil nga mahirap lang siya. Sumama ito sa isang amerikanong matanda. Gwapo at makisig si Marlon, mabait ito at maalaga ngunit siya ay mahirap nga lang, pero kahit ganoon ay marami pa ring babaeng umaaligid at humahanga sa kanya. ‘’Ito ba talaga ang gusto mo? Ang maghiwalay tayo? Bakit yani, bakit?” hindi maintidihang tanong ni Marlon sa kanyang asawa. “Oo, ito ang gusto ko kaya pwede ba pabayaan mo na ako,”sagot naman ni Yani nag alit na galit. “hindi ko aakalaing magagawa mo to sakin, sa amin, at pinangangalandakan mo pang ipinagpalit mo ako kami sa isang matandang amerikano, nawawalan ka na ba ng puso,”sigaw ni Marlon sa asawa sabay sipa sa upuang malapit sa kanya. “Oo nawawalan na ako ng puso, wala kang karapatang mangialam sa desisyon at gusto ko, pwede ba wag mo kong pakialaman, hindi mo naman maibibigay ang lahat ng luho ko di ba? Di ba? Samantalang si George ay kayang kaya niya, kayang kaya niya!”sagot naman ni Yani habang nanggagalaiti sa galit at pulang pula na ang mukha. “Kaya mo kami iiwan ng dahil lang sa hindi ko maibigay ang lahat ng ninanais mo? Hah! Eh di dapat hindi ka na nagpakasal pa sakin dahil dati mo pa namang alam na mahirap lang ako diba? Di ba? Anong klase kang tao? Isa kang! Hi-Hindi mo ba talaga mahal si Kaye? Ha!?” galit na wika ni Marlon habang sapo niya ang kanyang mukha. Hindi nakasagot si Yani. At agad na lamang siyang tumalikod at umalis sa pamamahay nila. Walang nagawa si Marlon kundi pabayaan na lamang ang asawa dahil baka kapag pinilit pa niya ito ay lalo lang itong magalit sa kanya at baka masaktan pa niya ito ng pisikal kapag hindi pa siya nakapagtimpi. “Argghh!” sigaw ni Marlon sa galit habang umiiyak. Hindi niya alam kung anong gagawin niya. “Bakit po kayo umiiyak papa?” tanong ng anak niyang si Kaye. Hindi niya namalayan na nagising pala ang anak niya at nakatingin pala ito sa kanya, si Kaye. Malimit makita ni Kaye na umiiyak ang kanyang amang si Marlon at hindi niya alam ang dahilan. Mahal na mahal niya ang kanyang ama, io lang ang tanging kakampi niya sa lahat ng bagay. Hindi niya alam na umiiyak ito dahil naaalala niya ang masakit na sinapit niya noon sa kanyang asawa. Pitong taon na silang iniwan ni Yani. Ngayon ay sampung taon na si Kaye, siya ay nag-aaral na sa Cabugao Elementary School at nasa ikaanim na baitang na, malapit na itong magtapos ng pag-aaral sa mababang paaralan at maggegrade seven na sa susunod na pasukan. “Ha? Ah wala ito anak, napuwing lang ako,”ani Marlon sabay ngiti sa anak, “Sige na bumalik ka na sa iyong pagtulog at akoý maglalaba na muna.”bilin ni Marlon sa anak. Nang bumalik sa pagtulog si Kaye, ay agad na naglaba si Marlon ng kanilang mga damit. Dahil sila na lamang dalawa sa kanilang bahay ay tanging si Marlon na lamang ang gumagawa ng lahat ng gawaing bahay. Simula sa pagsasaing, pagluluto ng kanilang pagkain, paglalaba, paghuhugas ng plato, pamamalantsa at lahat na. At minsan pag umuuwi si Kaye galing sa paaralan ay tumutulong din ito sa kanya. Mabait na bata si Kaye, maganda rin ito, kahawig na kahawig niya ang kanyang mukha ng kanyang ina. Maputi, mahaba ang unat at kulay abong buhok, at may matangos ang ilong, singkit na mata at may hugis pusong mukha. Masipag rin siyang mag-aral, matalino at magalang sa mga nakakatanda sa kanya. Lagi itong nangunguna sa klase, lagi itong First honor at nasasali sa mga patimpalak sa paaralan. Sumapit ang alas singko ng hapon ay gising na si Kaye. Nangungulit na ito sa kanya kung pupunta ba raw sila sa isang parke malapit sa kanilang bahay. Malambing na bata si Kaye kaya lahat ng pagod ni Marlon ay nawawala sa tuwing nakikita niya ang mala-anghel nitong mukha. “Papa, pupunta ba tayo ngayon sa parke?” pag-uusisa ni Kaye sa kanya. “Hindi siguro anak, sa susunod na araw nalang siguro kasi parang uulan eh,”paliwanag naman ni Marlon sa anak. ‘’Ah ganun po ba papa? Oo nga po eh kasi walang mga bituin.”pag sang-ayon naman ni Kaye. “Hmmm, anak mabuti pa sigurong mag-aral ka muna o di kaya ay sagutan mo iyong mga takdang aralin at ako’y magluluto muna ng ating hapunan,”utos ni Marlon sa anak. ‘’Opo papa,” sagot naman ni Kaye. At nagpunta ito sa kanyang silid at sinagutan ang kanyang mga takdang aralin. Bawat utos at bilin ni Marlon ay sinusunod ni Kaye. Sa kanilang mag-ama ay makikita mo talaga sa kanila ang pagmamahalan, pagmamahalan na kahit sila lang ay buong buo naman. Kontento na sila kung anong mayroon sila. Hindi nagkulang si Marlon sa pag-aaruga at pagpapalaki kay Kaye. Minahal niya ito ng sobra sobra. Inalagaan at siya na ang tumayong ina’t ama ng kanyang anak. Hindi na rin niya alam kung nasaan pa ang kanyang asawang si Yani. Kung ano ang nangyari rito. Hindi na rin naman nagtanong si kaye o naghanap pa sa kanyang ina. Marahil siguro ay sapat na ang pagmamahal na inialay sa kanyang ng kanyang ama para sa kanya. Lumipas ang ilang buwan ay nangangailangan ng maghanap ng trabaho si Marlon dahil ang Furniture shop na kanyang pinagtatrabahuan dati ay magsasara na. Kailangan niya ulit ng mapagkakakitaan para kahit papano ay may maipon siyang pera kahit kaunti para sa pagpapa-aral ni Kaye at para sa pang-araw-araw nilang pangangailangan. Malaki na kasi si Kaye at sa susunod na taon ay maggegrade seven na ito. Isang araw habang siya naglalakad sa kahabaan ng Del Pilar doon sa Cabadbaran ay nakasalubong ni Marlon ang kanyang kaibigang si Derik. Dati niya itong kapitbahay sa Cabugao, kaklase niya ito noong highschool at College sila, naghiwalay lamang sila noong lumipat na ito sa Cabadbaran. “Uy pards, kumusta ka na? ang tagal na nating hindi nagkita ah,”wika ni Derik habang inaakbayan si Marlon. “Ayos lang naman ako pards, eh ikaw?”sagot naman ni Marlon. “Ayos lang din, saan nga pala ang punta mo at nakarating ka dito sa Del Pilar? “Eh kasi pards….” Sabay kamot sa ulo. “Oh ano? Tara sumama ka muna sa akin sa bahay at ng makapagpahinga ka, tila pagod na pagod ka na yata ah at nang makapagkwentuhan din tayo.” “Oh siya sigge, basta tulungan mo kong makahanap ng trabaho.” “Trabaho ba kamo? Akong bahala sayo.” Sumama si Marlon sa kaibigan niyang si Derik. Matalik na magkaibigan silang dalawa noong highschool at college sila. Ayun nga nagkalayo sila ng mag-asawa si Derik at lumipat sila sa Del Pilar. Taga Cabugao kasi talaga sila Derik at taga doon din si Marlon. Pagdating nila sa bahay ay pinaupo muna siya sa sofa at dinalhan ng isang meryenda. Nag kwentuhan sila at nagkamustahan. “Umasenso ka na talaga pards ah, mabuti ka pa.”wika ni Marlon na tila malungkot ang mukha. “Ay naku sa awa ng Diyos. Nakapag asawa kasi ako ng alam mo na….” sagot naman ni Derik habang ngumingisi. “Grabe ka naman pards.”sabay tulak kay Derik ng mahina lang. “Uy grabe ka din, hindi naman siya masyadong matanda noh, ako ay 36 na ngayon at siya ay 50 na, hehehe hindi naman masyadong masama diba?” tanong nito na nakangiti. “Eh, nasan siya ngayon?” “Ah andun siya sa hotel namin sa Surigao. May inaaasikaso kasi siya doon, kaya nga kita dinala dito sa bahay dahil nga diba nangangailangan ka ng trabaho?” “Oo, oo!”madaling sagot ni Marlon, “kahit ano pards gagawin ko, makapagtrabaho lamang ako,” “Sa Surigao kasi ay may bahay rin kami, at doon ngayon nakatira ang asawa ko. Malapit lang naman ang Cabugao at Surigao diba? Alam kong magaling kang magluto dahil kilalang kilala kita. Kaya kukunin sana kitang tagapagluto doon sa aming bahay. At dahil kaibigan kita, ay malaki ang sweldo mo.” Sabay bulong kay Marlon kung magkano ang sweldo. “oh ano? Ayos ba? Ngunit payag ka bang maging stay in doon. Pwede kang umuwi tuwing Sabado at Linggo. Okay bay un?” “Ayos na ayos pards, panalo to.” Aniya Marlon na tuwang-tuwa na tila nanalo ng lotto. Nag-usap sila hanggang sa sumapit ang hapon at kailangan ng umuwi ni Marlon dahil malayo-layo pa ang Cabugao, nasa kabilang bayan pa kasi ito. “Oh siya sige, tatawagan na lamang kita pards, kung kailan tayo pupunta sa Surigao at nang makapagtrabaho ka na agad. Ayos ba? “wika ni Derik. “Ayos na ayos pards, maraming salamat talaga ha,”at inabot niya ang anyang numero sa kanyang telepono at kinuha naman ito ni Derik. Umuwing masaya si Marlon sapagkat mayroon na siyang trabaho. Ngunit namamahay rin ang lungkot sa kanyang puso sapagkat maiiwan niya muna pansamantala si Kaye habang hindi pa ito nakakapagtapos ng pag-aaral sa elementarya. Napagdesisyunan niyang kung siya ay pupunta ng Surigao ay iiwan niya muna ito sa kanyang tiyahin at kukunin lang niya ito at isasama sa Surigao pagkatapos nitong gumraduate ng elementarya. Balak niya kasi doon na papag-aralin sa Surigao ang anak. Lumipas ang ilang araw ay tinawagan na siya ng kanyang kaibigang si Derik at sinabing bukas na bukas ay pupunta na sila ng Surigao. Susunduin siya nito sa bahay nila para raw hindi na siya mamasahe pa at ng makalibre ito. Kaya kinausap niya muna ang kanyang munting anak na si Kaye at dinala sa bahay ng kanyang tiyahin. “Anak, dito kana muna pansamantala kina tiyang Amy ha, pupunta muna si Papa sa isang lugar para magtrabaho, pupunta muna ako sa Surigao, doon muna ako titira para magkaroon tayo ng pera, para makapag-ipon tayo, diba malapit ka ng gumraduate at sa susunod na taon ay mag hihighschool ka na. magpapakabait ka dito ha at mag-aral ka ng mabuti, huwag kang maglililikot at tulungan mo sila ni Tiyang sa mga gawaing bahay.” Paglalambing at bilin ni Marlon sa kanyang anak. “Pero papa, wag mo kong iwan, sasama nalang ako sayo, magpapakabait ako at tutulong ako sayo,”wika ni Kaye habang umiiyak. “Anak, diba nag-usap na tayo, ngayon lang naman ‘to eh, pansamantala lang. Hayaan mo at tatawag tawag naman ako sayo sa telepono. Uuwi din naman ako. Huwag kang mag-alala. Tumagal ang pag-uusap nilang mag-ama sa hanggang makumbinsi niya si Kaye. Pumayag ito kahit nakikita niyang labag sa kalooban ang pagpayag nito. “Tiyang ikaw nap o ang bahala kay Kaye ha, maraming salamat po talaga.” Aniya Marlon. “Walang anuman iyon Marlon,” sagot ng kanyang tiyahin. “Mabait namang bata si Kaye e, kaya wala kang dapat ipag-alala. “Oh siya sige po at kami ay aalis na.” paalam ni Marlon. Habang paalis na patungong Surigao si Marlon kasama si Derik ay iyak ng iyak si Kaye. “Papa bumalik ka ha,”sambit ni Kaye pagkatapos ay yumakap sa kanyang ama. “Oo naman, basta mag-aral ka ng mabuti ha,” sagot naman ni Marlon. “Tiyang kayo na po ang bahala kay Kaye ha, salamat po,”baling niya sa kanyang tiyang. “Akong bahala anak, mag-iingat ka doon,”sagot naman ng kanyang tiyang. At umalis na sila ni Marlon at Derik. Tanging ang pagsigaw na lamang ni Kaye ang kanang naririnig at tila ang pagsisigaw nito ng “Papa”ay dumudurog sa kanyang puso. Ayaw niyang iwan si Kaye ngunit kailangan. Lumipas ang ilang araw ng pagdating nila doon ay nagtrabaho kaagad si Marlon bilang isang tagapagluto. Nagsipag siya at nagtiis kahit malayo sila sa isa’t isa. Tanging lungkot at pangungulila sa anak ang kalaban niya. Sa tuwing wala siyang magawa ay lumalabas siya ng bahay at tumitingin tingin sa mga bituin sa langit habang hawak hawak ang isang larawan ni Kaye. Namimiss na niya ang kanyang anak. Sa tuwing tinitingnan niya ang litrato nito ay nagiging mas masipag pa siya. Mas lalo niyang pinagbubutihan ang kanyang trabaho para sa kanyang nag-iisang anak. At kadalasan ay sa tuwing wala na siyang trabaho ay tinatawagan niya ito. Isang araw habang magkausap sila sa telepono ay may hiniling ito sa kanya. “Papa, sana po sa graduation ko ay nandito kayo ha, dapat ay ikaw ang magriribbon at magsasabit ng medal sa akin,”wika ni Kaye sa malambing na tinig. “Aba’y oo naman anak, ikaw pa, malakas ka kay papa eh, diba? Mahal na mahal yan niu papa e,”sagot naman ni Marlon na siyang nagpasigla sa anak. “Yehey, uuwi si papa sa graduation ko, uuwi si papa graduation ko,” “Anak, kailangan ng magtrabaho ni papa ha, magpakabait ka dyan at mag-aaral ka ng mabuti, mahal na mahal kita anak,”paalam ni Marlon kay Kaye. “Opo papa, babye I love you po, mwah!”sagot naman ni Kaye. Doon naputol ang kanilang pag-uusap dahil kailangan na niyang bumalik sa kanyang trabaho. Araw at gabi ay nagsisikap si Marlon para sa kanyang anak. At ang kanyang sweldo naman ay kanyang ipinapadala sa kanyang tiyahin para pantustos sa pangangailan ng kanyang anak na si Kaye. Lumipas ang ilang buwan ay papalapit na ng papalapit ang graduation ni Kaye at lahat sila ay excited na lalong lalo na si Marlon. Atat na atat na siyang umuwi sa kanila upang makita ang kanyang nag-iisang bituin, si Kaye. Nagpunta muna si Marlon sa mall upang bumili ng kanyang surpresang regalo para sa kanyang balediktoryang anak. Nagagalak ang puso ni Marlon dahil nakikita niyang maayos ang pagpapalaki niya sa kanyang anak. Matalino ito at masipag na bata. Kaya nais niya itong surpresahin. Nakakita siya ng isang human size na teddy bear. Tiyak ay matutuwa ang kanyang anak nito dahil mahilig iyon sa mga teddy bear. Pinili niya ang kulay sky blue na teddy bear, paborito kasing kulay ito ni Kaye. Tuwang-tuwa siya habang dinadala niya ang kay bigat na laruan na ibibigay niya sa kanyang pinakamamahal na anak. At dumating ang araw na uuwi na siya sa kanila dahil sa ikalawang araw ay araw na ng pagtatapos ni Kaye. Marami siyang dalang pasalubong para sa kanyang pinakamamahal na anak, kasama na doon ang malaking Teddy bear na binili niya sa mall. Sabik na sabik na siyang makita at mayakap si Kaye. Habang naglalakad siya papasok sa daanan patungong bahay nila ay may nakita siyang lumilipad na paru-paru at ito’y tumuntong sa kanyang balikat. Ipinagwalang bahala niya lamang ito. Nang dumating na si Marlon sa kanilang lugar ay masayang masaya siya. Noong makita niya ang kanilang bahay sa di kalayuan ay biglang lumakas ang kabog ng kanyang dibdb, siya’y kinakabahan at nagtataka. “Bakit kaya maraming ilaw sa loob ng aming bahay?” tanong ni Marlon sa kanyang sarili. Habang papalapit si Marlon sa kanilang bahay ay bigla na lamang tumulo ang kanyang mga luha. “Hindi, hindi maaari ito. Hindi mo ako pwedeng iwan anak. Bakit, bakit nangyari ito sa iyo?” sigaw ni Marlon habang nakatingin sa kabaong ng kanyang pinakamamahal na anak. Iyak siya ng iyak. Pinagsusuntok niya ang mga mesa sa labas ng kanilang bahay at pati ang mga upuan ay pinagsisipa at pinagtatapun niya. Nagwawala at naglulupasay si Marlon ng lapitan siya ng kanyang tiyahin at pinakalma siya nito. “Marlon anak, huminahon ka, parang awa mo na.” pag-aalo ng kanyang tiyang sa kanya. “Pa-paano ako hihinahon tiyang kung ganito ang maaabutan ko? Anong nangyari? Ba’t nagkaganito? Iniwan ko siyang maayos sa inyo tapos pag balik ko ganito nalang? Anak ng tipaklong naman oh!” hindi makapaniwalang sabi ni Marlon. Ipinaliwanag ng kanyang tiyang ang lahat ng nangyari. Nalaman na lamang niyang pumunta pala si Yani sa kanila at kinuha si Kaye. Walang magawa ang kanyang tiyang sapagkat nagmamakaawa rin si Kaye na payagan siya nito kahit ilang araw lang ay makasama niya ito. Ngunit ang hiling nito ay huwag sabihin sa kanyang papa dahil ayaw niyang magalit ito. “Mga isang linggo siya doon, sa panghuling araw niya doon ay tumawag nalang bigla si Yani. Humihingi ng saklolo. Natagpuan niyang duguan at wala ng buhay si Kaye sa kanilang hardin.”wika ni Amy. “Sabi noong nakakitang katulong ay pinagsamantalahan raw si Kaye ng kanong asawa ni Yani noong araw na wala si Yani sa bahay nila dahil kinuha niya ang surpresa niya sa anak para sa papalapit na graduation nito.”patuloy nito habang umiiyak. “Huli na ng makita ito ng katulong, wala ng buhay ang bata ng matagpuan niya ito habang ang kano naman ay nakaupo sa gilid nito at gulat na gulat. “Walang hiya! Ano? Anong sinabi niyo?” parang nabibingi si Marlon sa kanyang narinig. “Nasaan siya ngayon at papatayin ko siyang demonyo siya.”galit na sigaw ni Marlon. “Anak, huminahon ka na. Siya ay nakakulong na ngayon.” “Kulong? hindi sapat sa kanya ang nakakulong lang, dapat sa kanya ay mamatay! Walang kabayaran ang pagkawala ng anak ko. Ni kahit sinuman ay hindi makapagbabayad sa kanyang buhay. Ano kooooo.” Iyak ng isang nangungulilang ama. “Marlon, huwag kang ganyan, matakot ka sa Panginoon.” Aniya Amy Habang nag-uusap si Marlon at Amy ay biglang lumapit si Yani na umiiyak. “Marlon, patawarin mo ako, patawarin mo ako, wala akong nagawa, hindi ko alam.”pagmamakaawa ni Yani sa dating asawa. “Isa ka pang hayop ka!”sigaw ni Marlon sabay sipa sa upuang nasa harap niya at ni yani. “Marlon! Walang kasalanan si Yani.” Ani Tiyang Amy “Wala? Anong wala tiyang? Siya ang dahilan ng pagkawala ng anak ko. Siya rin ang kumuha sa buhay nito. Kung hindi nga talaga sana siya nagpasilaw sa pera at naging kontento sa kung anong mayroon kami. Edi sana buhay pa ang anak ko, e sana masaya at buo pa ang pamilya naming ngayon. Pero wala na. Wala na ang anak ko.” Pagwawala ni Maryon. "Huminahon ka Marlon, huminahon ka." ani Tiyang Amy. "Wala na tayong magagawa ngayon, wala na ang anak mo, wala ng magagawa ang galit at poot mo. Hindi mo na mabubuhay pa pabalik ang anak mo. Ipagpasa Diyos nalang natin siya." mahinahong sabi ni tiyang Amy. "Huminahon? paano ako hihinahon tiyang kung buhay ng pinakamamahal kong anak ang nawala. Sana siya nalang ang namatay at hindi ang anak ko. Sana yung walang hiyang tao nalang ang namatay. Edi sana nandito pa ang anak ko," hagulhol ni Maryon. "Hayaan nalang natin ang batas at ang Panginoon ang sumingil sa lahat ng kasalanang kanilang nagawa iho, magdasal nalang tayo at tanggapin ang katotohanan." ani tiyang Amy. Lumipas ang ilang araw, ilang buwan at taon. "Kumusta ka na anak? Masaya ka ba diyan?" tanong ni Maryon habang nakangiting nakatingin sa puntod ng kanyang pinakamamahal na anak. "Alam mo nak, miss na miss na kita. Pero alam ko na lagi mo lang akong ginagabayan at sinasamahan. Alam ko lagi mo kong binabantayan. Alam mo nak nakaya ko ang lahat. Nakaya ko ang mahirap na buhay na wala ka. Ginawa ko yun dahil alam kong malulungkot ka kapag malungkot rin ako.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.2K
bc

ONE NIGHT WITH MY BOSS BILLIONAIRE (SPG/FREE)

read
18.7K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.3K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.3K
bc

His Obsession

read
104.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook