NANLALAKI ang mga mata ni Jaime sa ginawa niyang pagsulpot bigla sa harap nito. Dapat kasi hindi siya sasama dito pero simpre, hindi siya papayag kaya gumawa siya ng paraan at nang makita niyang may paparating na sasakyan at na kilala niya kaagad kung sino ang nakaupo sa front seat ng sasakyan walang iba kundi si Maria kaya’t kaagad siyang lumabas at niyakap si Jaime. “Wala ba akong pakialam kung magalit ka sa akin, Jaime. Pagod na akong magtago, mas mabuti na ding malaman ni Maria ang tungkol sa ating dalawa,” sa isip-isip niya habang nakayapos siya kay Jaime na ngayon ay hindi makapaniwala nakatitig sa kanya. Matamis na ngitian niya lang ang lalaki. “J-Jaime?” Sabay sila ni Jaime na lumingon sa gawi kung saan nanggaling ang boses ni Maria. Mabilis siyang tinulak ni Jaime papalayo di

