HINDI maiwasan ni Chris na malungkot dahil ngayon araw ay uuwi na sila sa manila. “Pagdating natin sa airport, mauna ka na bumili ng flight mo pauwi sa probinsya–” Halos mabale ang leeg niya dahil bigla niyang nilingon si Jaime na ngayon ay inaayos ang mga gamit nito. "Huh? Ano ibig mong sabihin?” magkasalubong ang kilay na tanong niya. Bakit siya nito papauwiin ng mag-isa? Hindi kaya may plano itong puntahan si Maria? Napayukom ang kanyang mga kamay. Gusto niyang magwala. Gusto niya itong sigawan, kung bakit ito balik nang balik kay Maria gayon masaya naman silang magkasama. She though everything will go according to her plan. Masaya naman silang dalawa sa isang linggo nilang magkasama, ang bait ng lalaki sa kanya. They spend their time like they are in the honeymoon, so, bakit? Baki

