Unveil the Truth

344 Words
EPISODE 10 So tama nga lahat ng nakita niya kagabi. May relasyon sina Andrew at Alex. Paguwi ni Hannah, dali daling mag-ayos si Alex para sa pagbisita sa bahay ni Andrew at ganoon din si Hannah na parehong walang alam sa mangyayari sa araw na iyon. Hindi man lamang sila nakapag-usap ng maayos kagabi. Makalipas ang ilang oras, natanaw na ni Andrew ang kotse ni Alex at natanaw na rin niya na parating na rin si Hannah mula sa bintana sa itaas ng bahay niya. Napansin niyang nagkagulatan ang dalawa sa muli nilang pagkikita sa labas ng bahay niya. “Anong ginagawa mo dito Hannah?” tanong ni Alex sa kaibigan. “ikaw ang dapat kong tanungin sa bagay na yan, anong ginagawa mo dito?” naguguluhang tugon ni Hannah. “ akala ko may important na lakad kayo ng daddy mo, Hannah? Are you lying to me now?” makikitang nairita ng bahagya si Alex dahil hindi niya inaasahan ang pagdating nito. Hindi na sumagot si Hannah at pumasok na lamang ito sa gate ng bahay at sinalubong siya ni Andrew na akala mong tuwang tuwang makita siya. Pumasok na rin si Alex sa bahay. “ umupo muna kayo, pero parang wala yata kayo sa mood ngayon? Is there any problem? Ayaw ba ninyo makita ang isa`t isa? Ang weird ninyo di ako sanay” sunod sunod na tanong ni Andrew sa dalawa at nakuha pang magbiro. “Maiwan ko muna kayo at ihahanda ko muna yung mga pagkain sa mesa” wika ni Andrew. Nagkatinginan na lamang sina Hannah at Alex. Parehong nagtataka sa nangyayari at lihim na may galit sa isa`t isa.” bakit kailangan mong magsinungaling sa akin Hannah, hindi naman kita pipigilan kung makikipagkita ka kay Andrew dahil boyfriend mo sya” mahinahon na sabi ni Alex. “hindi ko sinabi sayo ang totoo dahil hindi mo ba nakikita? Halos sayo na lamang umikot ang buhay ko Alex, wala na akong time sa family ko. Best friend kita pero parang hindi na kita kilala” pagalit na tugon ni Hannah.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD