The Confusion

236 Words
EPISODE 11 Sasagot na sana si Alex nang biglang dumating si Andrew at sinabi” tara na sa kitchen, kumain muna tayo bago tayo mag-usap”. At mabilis naman silang nagtungo sa mesa. Nasa harapan nila ang masasarap na pagkain at naroon ang paboritong steak ni Hannah at isang blackforest cake na paborito naman ni Alex. “inihanda ko talaga yung mga favorite food ninyo para sa importanteng araw na ito. “ anong meron sa araw na ito? Anniversary ba ninyo Hannah?” tanong ni Alex sa kaharap na si Hannah. Hindi lang sumagot si Hannah at tiningnan lamang si Alex. Walang kaalam alam ang dalawa kaya kumain sila at nagpakabusog sa masarap na pagkaing inihanda ni Andrew para sa kanila. Close naman nila ito at matagal tagal na rin silang magkakakilala. Pagkatapos kumain ay nagtungo sila sa dining room sa itaas ng bahay para mag-usap na tatlo. “Alex, wala ka bang sasabihin kay Hannah?” pagsisimula ni Andrew. Takang taka naman si Alex sa sinabi nito dahil wala siyang idea sa gustong mangyari ni Andrew. Maliban na lamang kung ang gustong sabihin nito ay ang katotohonang lumalabas silang dalawa ni Andrew na hindi nalalaman ng bestfriend niya. “ Andrew, ano ka ba? Walang importanteng dapat pagusapan ngayon” pabirong tugon ni Alex habang nanginginig ang kaniyang kamay sa kaba. Ayaw niyang magalit sa kanya si Hannah kaya mas gugustuhin na lamang niyang manahimik.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD