Kagat labi kong tinignang ang ahas na papasok sa cr at ng makapasok at agad kong sinira ang pinto at pumunta kong saan naka tago si Zaire. Sumilip ako at nasalikod ko naman siya nakatayo ay naka silip din ang ulo katulad ko.
"Okay lang ba talaga to?" Tanong ko natatakot parin ako pero dahil sa mga sinabi ni Zaire ay napa oo niya ako. Hindi ko alam kong paano naka pasok ang ahas dito sa school at ang alam ko lang ngayun ay yung pag hihiganti. Tama si Zaire pinahiya niya ako sa room kanina kaya change na namin to.
"Oo hintahin mo lang." Sabi niya at pinipigilan ang pagtawa.
Kumakabog ang puso ko dahil sa kaba at excitement na nararamdaman nanginginig din ang kamay ko at napalunok.
" 5, 4, 3, 2, 1," bilang ni Zaire at kasabay non ang pag sigaw sa loob ng cr. Delikado ang ginawa namin ngunit ang sabi ni Zaire busog daw ang ahas at pag busog ang ahas ay hindi na ito mangangagat ulit at isa pa pet daw iyon kaya panatag niyang hindi masasaktan ng ahas si maam Ignalagi.
Nanlaki ang mata ko ng lumabas si ma'am Ignalagi na hindi pa niya nasuot ng tuluyan ang palda kaya nakita namin ang panty niyang kulay violet. Agad kong tinakpan ang bibig ni Zaire ng akma siyang tatawa ng malakas. Nagtago ulit kami at ang huli kong narinig ay ang papalayong sigaw ni ma'am Ignalagi. At ng tuloyan na mawala ay kinuha ko ang kamay kay Zaire at sabay kaming tumawa ng malakas.
"Hoy sino ang nandiyan?" Rinig namin at agad akong hinawakan ni Zaire sa kamay saka kami sabay na tumakbo at salikod kami ng banyo dumaan.
"Nakita mo yun Kimmy? Violet yung panty ni ma'am." Natatawa niyang sabi sakin nakahawak pa siya sa kaniyang tyan at mahina akong pinapalo na kong akala niya ay hindi masakit.
Malakas ko siyang itinulak at natatawa din dahil sa nangyari.
"Yung mukha niya Zaire..." Hindi ko matuloy tuloy ang sasabihin dahil sa tawa.
Tawa ako ng tawa at hampas ng hampas kay Zaire ng biglang may tumawag ng pangalan ko.
"Oh beshie!" Natatawa parin ako kahit na kaharap ko na si Aphrodite.
"Anong nangyari sa inyo." Nagatataka siya dahil namumula na kami ni Zaire sa kakatawa.
"Si ma'am-" tinakpan ko ang bibig ni Zaire
"May pinaguusapan lang kami. Bakit beshie. What happen?" Tanong ko sa kaniya na ikinunut ng mukha niya.
"Ang weird niyong dalawa. Last subject na kaya tara na baka ma huli tayo at pati ako makatanggap ng demerit katulad niyong mga pro."
Tumango ako at nakangiti nalang hindi na katulad kanina na tumatawa ng malakas at ang nasa tabi ko naman ay umuuyog parin ang balikat at nag pipigil ng tawa kaya siniko ko siya at dahil mataas siya napa tigil ako at iniisip kong ano ang nasiko ko sa kaniya matigas kasi abs ba yun?
"Zaire may abs ka?" Nagtataka kong tanong. Hindi naman siya malaking tao may muscles din naman siya pero hindi mo malalaman kong may abs siya oh wala.
Hindi naman siya mataba hindi rin payat tama lang pero sa tanang buhay ko ay hindi pa ako nakakakita ng totoong abs sa personal pero mahilig akong manood ng animes dahil maraming abs ang mga lalaki doon.
Pinapagalitan na nga ako parati ni Zaire pero dahil nasasayahan ako tuwing nagagalit siya ay mas pinursigi ko pang manood dahil sa kaniya. Walang trill ang buhay kong hindi ka nagagalit. Kaya dapat magpasalamat siya at may kaunting awa pa akong naramdaman sa boring niyang buhay.
Hindi pa ako nakakahawak nang abs at kong talagang meron nga siya non. Aba't hindi pweding hindi ko makita andamot naman kong hindi niya ako pagbibigyan. Tyan lang naman yan walang big deal.
Tumango siya kaya agad kong hinawakan ang laylayan ng damit niya't akmang sisilipin ko ng kinuha niya ang kamay ko at lumayo sa akin ng kunti.
"Anong ginagawa mo?" Natatakot niya akong tinignan ang kaninang tawang tawa niyang mukha ay tuloyan nang naglaho at napalitan ng pagtataka.
"Patingin." Nagniningning ang mata kong tumingala sa kaniya. Nasa 6'2 oh 6'3 ang tangkad niya samantalang ako ay 5'2 kaya naman nagmukha akong bata kong siya ang kasama ko.
"Ayoko ko." Agad niyang tanggi. Ang damot talaga.
" Ang damot abs lang naman eh." Sabi ko at ngumuso.
Malapit na kami sa classroom at nauna si Aphrodite sa amin dahil sa kinailangan niyang mag madali ng pinatawag niya ng guro. Siya ang president namin nong grade 9 kaya hindi na ako mag tataka kong siya ulit ang magiging presidente namin ngayung school year.
Tinignan ko si Zaire na nasa tabi ko alam kong nalimutan na niya ang tungkol sa abs ngunit ako ay hindi ko malilimutan iyon hanggan sa hindi ko makikita ang abs niya.
Pasimple ko siyang nilapitan at pahawak palang ako sa damit niya ng tumakbo na ito palayu sakin
"Hoy, Zaire isang beses lang naman." Sigaw ko habang hinahabol siya. Ginawa niya pang shield ang iba namin kaklasi para hindi ko lang siya maabot.
"Ayoko niya sabi." Naiinis na siya pero natatawa parin. Habang ako ay naiirita na dahil hindi niya ako mapagbigyan.
"Isa lang promise." Pagmamakaawa ko pa.
Binitawan niya si Romeo at tumakbo palayo.
"Ayoko baka pag makita mo gahasain mo pa ako." Sabi niya mabuti nalang at kaunting kaklase nalang ang nasa paligid namin dahil naka layo ka kami sa pinto ng kwarto ngunit sa kabilang kwarto ang section C ay nagkaklasi at ang ang mga nasa bintana nakaupo ay alam kong narinig nila ang sinabi ni Zaire.
"Ang bastos mo. Gusto ko lang naman makita." Tinignan ko siya na nagpapahiwatig na nagtatampo ako.
Hinayaan ko nalang siya at bumalik sa kaninang pwesto hanggang sa nakapasok kami sa loob ng classroom.
“ayoko!”
Basa ko sa sagot na itinanong ko kay Zaire.
“gusto ko lang naman mahawakan tapos isa lang naman e,”
pagpipilit ko matagal na akong nakakakita ng abs sa tv kaya ngayun na alam kong may abs si Zaire ay dapat mahawakan ko ito dahil na cu-curious ako.
Pagkatapos kong isulat ay patago kong binigay kay Zaire ang papel noon una ay hindi pa sana niya kukunin kasu ay kinirok ko siya sa tagiliran. Nasa unahan ko ang upuan niya kaya naman hindi ako nahirapan na ibigay sa kaniya ang papel.
Katabi ko parin si Aphrodite at naka ilang ulit na siyang bumugtong huminga at umiling dahil sa ginagawa namin ni Zaire. Math ang subject at alam ko naman na wala akong maintindihan doon kaya bakit pa ako makikinig?
Tinignan ko ang nag sasalitang guro ng kinuha ni Zaire ang papel napatingin din ako sa katabi ko ng nakita ko siyang nakatingin sakin.
Tinaasan ko siya nga kilay. At may tinuro siya sakin tinignan ko ang tinuro niya. Sa kabila ko at nasa pinakalikod at nakita ko si Paul na nakatingin kay Zaire. At ng bumababa ang tingin niya ay napatingin ako kay Zaire at nakita ko doon ang papel na hawak niya habang ginagalaw.
Tinignan ko ang guro at nagsusulat parin ito sa blackboard.
Agad kong kinuha ang papel at binasa iyon
“game pero pagkatapos mong hawakan hahalikan kita.” nanlaki ang mata ko at
Bago ko pa masulat itong ay may humamblot na ng papel na nasakamay ko nanlalaki ang matang sinipa ko ang upuan ni Zaire ngunit hindi ko pa pala nagawa yun ay naka tingin na siya sa amin. Tinignan ng guro ang papel at akmang babasahin ng kinuha iyon ni Zaire.
"Sir, private conversation lang po to." Kumunog ang noo ng guro.
"Private conversation in my class hours?" Tanong niya at halata ang galit. kinabahan ako kaya tumayo rin ako at magsasalita sana ng na unahan ako si Zaire.
"Nagpaplano kaming i treat kayu sa bagong coffee shop Sir dahil mahilig kayu sa kapi tapos may demerit kaming nakuha kay may Ignalagi kaya nag uusap kami ng tamang oras para isama ka sa coffee shop nayon."
Ang galing non ahh. Tumango tango ako kay sir ng tinignan niya ako
" Tama po Sir. Surprise sana namin yon. Kaso." Nalulungkut kong tinignan ang papel na nasa kamay ni Zaire.
Nakakita ako ng liwanag ng ngumiti si Sir. Shinko.
"Kayu talagang mga bata kayu, sigi na umupo na kayo." Ngumiti ako at tumango. Tinignan ko si Zaire at kinuha sa kamay niya ang papel ng tignan ko ay basa na yung papel na hawak niya kanina.
"Ang galing non." Naglalakad kami tatlo ni Aphrodite at sa English department ang tungo namin dahil sa demerits na nakuha.
"Mabuti nalang na mabilis kang mag isip kung hindi ay magiging dalawa ang demerits natin ang galing galing talaga ng Zaire ko." Pagkasabi non ay pinahinto ko siya ng paglalakad at ginulo ang buhok niya. Dahil sa tangkad niya ay nahirapan pa akong abutin ang buhok niya.
Tumingkayad ako at nakahawak ang isa kong kamay sa balikat niya. Dahil sa ginawa ko ay nagkalapit ang aming mukha napatingin ako sa kaniya.
Matagal ko nang napapansin ang magandang mata ni Zaire dahil sa kulay asul nitong mata. At ang patangos niyang ilong at mapulang niyang labi, ang mukha niya ay talagang hugis panglalaki.
Nanatili akong nakatingin sa mata niya at ganon din siya sabay kaming natigilan sa isat isa. Tumibok ng mabilis ang puso ko at nasasaktan ako dahil sa bilis.
For the first time ngayun ko lang napagmasdan ang mukha ni Zaire. Napaka gwapo niya pala at ganito pala ang mukha niya sa malapitan.
Nahulog ang mata ko sa labi ni Zaire bahagya itong gumalaw kaya napatunok ako at naalala ang sinabi niya sa sulat, na hahalikan niya ako kapalit ng pag hawak ko sa abs niya.
Bigla tuloy akong nag dalawang isip na gagawin yun ang labi niyang inaakin ang loob ko ay nakaka hina ng tuhod.
Napatalon ako sa pag igham ni Aphrodite at bumalik ang lahat ng aking katinuan.
Dahil sa paninitig ko sa kaniya ay hindi ko namalayang nasa baywang ko na pala ang kamay niya.
Sabay kaming bumitaw at sabay kaming lumayo ni Zaire sa isa't isa. Tahimik kong binatukan ang sarili dahil na naisip.
Magpapatuloy sana ako sa paglalakad kong hindi ko lang nakita si Paul na nasa tabi na pala ni Aphrodite.
Nanlaki ang mata ko nakita niya ba kami ni Zaire kanina? Baka isipin niyang malandi akong babae.
"Paul-" hindi ko napatuloy ang sasabihin ng si Aphrodite ang nilingon niya.
Para akong pinunit na papel dahil sa walang pakealam niyang reaction. Nasasaktan parin ako sa tuwing ganito siya. Nasasakyan ako kahit na alam ko naman na wala siyang pakialam sakin.
Siya ang man of my dreams ko pero ako naman ang woman in nightmare niya. Saklap na pag ibig naman to oh, nakakagaga.
Lumunok ako at inayos ang sarili. Bakit ako magpapaliwanag sa kaniya? Wala siyang paki sakin. Sa aming dalawa ako lang ang nagmamahal sa kaniya. Parati niyang pinamumukha sakin na mas magaling si Aphrodite. Mas matalino, mas maganda at ang masakit ay girlfriend material daw itong kaibigan ko. Bakit mukha ba akong isang hayop? Para hindi matawag na girlfriend material?
"Aphrodite mauna na kami." Paalam ko
Minsan kasi talagang nasasaktan lang ako sa ipinapakita ni Paul sadyang naiinis lang ako sa tuwing nakakaramdaman ako na para akong isang hangin na wala siyang pakialam kong mapupunta ako sa kaniya. Dahil marami kaming mag katulad. In short common lang ako sa paningin niya. Wala akong halaga. Hindi ako gold o diamanteng gusto niya at pweding alagaan.
Hinawakan ko ang laylayan ng damit ni Zaire mabilis siyang hinila.
Isang malalim na bugtong hininga ang ginawa ko bago ko nilingon si Zaire. Pero ng nagtinginan kami ay, ulit kaming tumawa ng sabay.
Hindi ko na ma wala wala sa isip ko ang nangyari kanina sa cr ng girls.
Ang sabi ni Zaire ay pinakuha daw niya ang ahas sa kaibigan niya ng kunin ito ng guidance ang sabi niya kanina ay muntik na daw ma kuha ng PAWS ang ahas niya kaya agad niyang ipinakuha sa kaibigan niya at kong hindi ako nagkakamali ay nag ngangalan itong Athelle.
Inayos ko ulit ang sarili ko siniko ko si Zaire na tawa ng tawa sa tabi ko.
"Zaire kaya natin to." Isang taon palang kami ni Zaire na magkakilala at at magka close. Pero never kaming nahirapan ng ganito. Go with the flow ang motto namin sa buhay ngunit nahirapan kaming buksan ang pinto dahil natatakot kaming ma expelled. Ayukong mahalata ni ma'am Ignalagi na kami ang may gawa sa kaniya sa cr ngunit pano namin yun magagawa ni Zaire na kahit isang sulyap lang namin sa isa't isa ay tawa na kami ng tawa.
"123." Mabilis kong bilang at binuksan ang pinto.
As far as i know. Kilala ko na ang mga teacher dito. Suki kaya ako ng math, English, science, research, at PE ect. department kaya alam ko kong saan naka upo si ma'am Ignalagi at papasuk palang ako nakangiti na ang mga guro samin. Ako ang parating may demerits, parati rin akong nag lilinis kaya halos lahat ng guro ay gusto ako. Ang sipag ko daw kasi. Bullshit na malagkit.