chapter 4

2051 Words
"Hey." Kanina pa ako naiinis dahil sa panggugulo ni Zaire. Nakikinig ako sa guro ngunit parang kumakanta lang ang guro sa tenga ko at wala akong maintindihan dahil sa asungot nato. Masama ko siyang tinignan at bumalik ulit ang tingin sa gurong nagsasalita sa harap. Nasa gitna ako naka upo at si Zaire naman ay ang kaninan katabi kong umupo ay pinalayas niya ay siya ang umupo doon. Sa kabila ko naman si Aphrodite. Nasa third row kami at hanggang fifth row ang upuan. "Hey." Ulit niya at binato ako ng papel. Hindi ko parin siya pinapansin hanggang sa ang spray na ng alcohol niya ang ginamit sakin. Nabasa ang notebook na nasa lamesa ko kaya agad ako napa tayo "Ano bang trip mo!" Sigaw ko at nalimotan na may guro sa harap. Kinagat ko ang dalawang labi at nahihiyang humarap sa guro. "ma'am." Natatakot ko siyang pinagmasdan dahil masakit siya kung tumingin. "Miss Malfier. First day of class oh." Nagbugtong hininga siya at umiling na halata ang pagka dismaya sa itchura. Kinagat ko ang ibabang labi at masuyong tinignan Ang sapatos ko. Hinintay ko ang muling mapahiya its my hobby na ang mapagalitan mapahiya sa loob ng classroom pero iba kasi ngayun dahil first day at itong walang hiyang lalaki ang dahilan kong ano man ang mangyari sakin ngayun ay siya talaga ang sisisihin ko. "It's my fault ma'am." Napaangat ako ng ulo at nabigla sa pagtayo ni Zaire at matapang na tinignan si ma'am Ignalagi. Saan niya kaya nakuha ang tapang na yun? "What do you mean Mr. Lombardi?" Napa intad ako sa tonu ng pananalita ni ma'am para kasing mas lalo siyang nagalit. "I distracted her ma'am. She was quite there and I have something to tell her that's why she shouted me to stop mocking her." Bahagyang tumaas ang kilay ni ma'am Ignalagi at may kinuha sa drawer niya. This is it. My faith. "Two demerits for the two of you. See you after class and you two can go out. I don't need an stupid idiot in my class miss Malfier. You are disgusting. Kababae mong tao pero suki ka ng naman ng demerits paper." Napalunok ako dahil sa hiya. Hindi ko rin kayang tignan si Aphrodite, alam kong nasa likod nakaupo si Paul nahihiya akong tumingin doon kaya dali dali akong lumabas at pinipigilan na maiyak. kagat labi akong lumabas sa room. Nang makaapak ako sa labas ay ang pag tulo ng luha ko. Alam ko naman kasi na bobo ako pero hindi naman iyon ang rason upang upahiya ako ng ganon. Sinabi pa niya iyon na parang ako ang pinaka maduming babaeng kilala niya. Agad akong tumakbo paglabas. Ayokong may makakita sakin na umiiyak. Pumunta ako sa cr ng girls at doon umiyak ng umiyak. Class hours ngayun kaya tiwala akong walang may makakarinig sakin. Nahihiya ako sa sarili ko nahihiya ako sa natamo. Nilagay ko ang bag sa sink sa harap ng salamin at kinuha ang cellphone nanasa bulsa ko. Umiiyak akong tinawagan si mommy. Tatlong ring bago niya ito sinagot. "Anak, napatawag ka? wala ka bang klasi ngayun?" Nagtatakang tanong ni mommy. " Mommy!" Iyak ko sa kabilang linya narinig ko na may nahulog doon at ang hula ko ay nagluluto si mommy. " Anak, anong nangyari?" Pagaalala ang narinig ko sa boses niya gusto ko tuloy na umuwi at mag sumbong sa kaniya yung mga sinabi sakin ng guro. " Mommy bakit ba kasi ang bobo niyo." Kay mommy ko nakuha ang pagka bobo kaya parati siya ang sinisisi ko sa tuwing pinapagalitan ako ng mga guro. "Anak ano bang nangyari? Bakit ka umiiyak." Pagaalala ni mommy. Hindi na ako sumagot at agad na pinatay ang tawag. I just want to hear my mommy's voice. Nang mapagod ay tumahan ako sa pag iyak at ngumiti sa salamin. Namamaga na ang mata ko at namumula na rin dahil sa pag iyak. Ngumiti ako sa salamin at inayos ang sarili nangilamos ako, kinuha ko ang tali sa aking buhok at inayos ulit ang pagkakatali. Nilagyan ko ng tubig ang kamay at bahagyang yumoko pinatagal ko ang tubig sa aking mata. Ng wala na akong maramdamang tubig sa kamay ay nilagyan ko ito ulit. At inulit yung pag patagal ng tubig sa aking mata. Hanggang sa nawala ang mga pagmumula sa mata ko. Nag buntong hininga ako kumuha ng tissue at pinunasan ko ang mukha. Ngumiti ulit ako sa salamin tinignan ko kong okay na ba ang mukha ko ngunit natakot lang ako sa aking nakita. Nakangiti nga ako pero hindi yung mga mata ko kaya para akong multong nasa salamin. Inayos ko ang panga ko at bago aka lumabas at nag lagay ako ng baby powder sa mukha upang hindi mahalata na umiyak ako. Nakakahiya kay Paul pag nalaman niya na iyakin akong babae. Nag poker face ako sa salamin, ngumiti, nang dilat, at inayos ulit ang mukha bago lumabas ng cr. Naka ngiti ako habang binubuksan ang pinto ngunit nawala iyon ng nakita ko si Zaire sa labas naka upo sa bato at halatang hinihintay akong lumabas dahil napatayo siya ng pag labas ko. "Kim." Natatakot niya akong nilapitan. "Ano? Takot ka ngayun? Dahil first day of class andami mo nang kasalanang ginawa?" Tanong ko sa kaniya at yumuko lamang siya nagsisisi sa ginawa. "tsk." Nataray ko siyang inirapan. Habang nag lalakad ay kinuha ko yung plastic na may tinapay kanina hindi ko iyon nakain hindi ko rin nabigyan si Aphrodite dahil sa mga nangyari. Ng nakuha ko na yung tinapay ay huminto ako upang maisira ang bag at sinuot ulit. Tinignan ko si Zaire na tahimik na sumusunod sakin. Takot na mag ingay at baka ma bulyawan ko lang. Ng tignan niya ako ay inirapan ko siya ulit nag hanap ako ng mauupuan at nang nakakita ako na upuan na gawa sa semento ay doon ako dumeritso. Nilagay ko sa lamesang gawa gin sa semento ang pagkain ko at nilagay ko naman sa tabi ko yung bag. Tahimik na tumayo si Zaire sa kilid ko. As in napakatahimik niya at nabibingi ako sa katahimikan. Kinuha ko sa loob ng plastic ang anim na tinapat at tiniganan si Zaire habang nilalagay ang plastic sa loob ng bag ko. "Hindi ka uupu?" Mataray kong tanong kong mananatili sa diyan na nakatayo ay baka akalain ng mga taong bully ako at siya ang target ko. Kong maka simangot ba naman ay parang binubully ko talaga. Ako kaya ang victim dito nagkaroon ako ng demerit dahil sa kaniya. "Kim I'm sorry." Masama ko siyang nilingon at nakatingin siya sakin ngunit ng magtama ang mata namin ay agad siyang tumingin sa kaniyang sapatos. "Nakakainis ka kasi. Umupo ka nga diyan! binili ko tong tinapay para sayo." Umangat siya ng tingin at tinignan muna ako bago ang tinapay na nasa harap ko. " Kung ayaw mo kay Paul ko nalang-" Hindi ko natapos ang sasabihin ko ng bigla siyang umupo sa tabi ko at kinuha ang tinapay na parang may nangaagaw sa kaniya. Ang kapal ng mukha at talagang kinuha pa niya lahat ng tinapay ko. "Hoy gago ka! Hati kaya tayo diyan. Wag mong angkinin lahat. Gutom kaya ako!" Napanguso ako ng bigla niya akong nginitian ng subrang laki. "Ngingiti ngiti mo diyan may kasalanan ka sakin. At saka bayaran mo tong tinapay na binili ko!" Nilagay niya ang dalawang tinapay sa harap ko at bago ko pa siya nabulyawan ay agad niyang binigay sakin ang isa na nakabukas na at kakagatin ko nalang. Kinuha ko yung tinapay at nilapag ulit ang kamay kong naka bukas sa harapan niya. Kumagat ako ng malaki sa tinapay. " Bayad mo." Sabi ko ay habang sa tinapay nakatingin ay ginalaw galaw ko ang kamay kong nasa harap niya. Nabigla ako ng kinuha niya ang kamay ko at agad na hinalikan ang likod nito. Namilog ang mata ko at dahil puno ng tinapay ang bibig ko ay hindi ako masiyadong nakapag salita at tinulak siyang. Tinawanan niya lang ako at binuksan niya ang kaniyang tinapay at saka siya kumain sa tabi ko. "Ang baboy mo." Sabi ko ng pwedi na akong masalita. Tinawanan niya ulit ako at kong magtawa ay parang wala lang ginawa saking kasalanan. Kaya nadala ako at sumabay sa pagtawa niya Nilunok ko ang lahat ng nasa bibig ko bago ko siya tinignan ulit. "Zaire." Tawag ko sa kaniya. Ubos na ang tinapay ko. Kaya ng tawagin ko siya ay agad niyang inablot ang isang tinabay na may plastic at binuksan ito't binigay sakin. Tumahimik ako at kinain ang bigay niya. Nasa dalawang plastic palang ako at siya ay nasa pangatlo na. Gusto kong humingi ng tawad sa ginawa ko doon sa canteen kanina. Pero bakit naman ako hihingi ng tawag siya kaya ang may dahilan kong bakit ko nagawa yun tapos pinahiya pa ako ng guro namin dahil ulit sa kaniya. Panira kaya siya sa buhay ko kaya. No. Hindi ako hihingi ng tawad. Never. "I'm sorry." Nanlaki ang mata ko sa sinabi. Nasabi ko ba talaga yun? Wait! Hindi nga!? " Ano?" Tanong niya tinignan ko siya at napapaso akong umiwas ulit ng tingin sa kaniya ng nakita kong sa akin siya naka tingin. "Wala." Sabi ko at pinatuloy ang pagkain. Bobo ka Kim. Bobo! "I mean bakit ka nag so-sorry?" Tanong niya tinignan ko siya "Wala nga sabi. Wala akong sinabing ganyan." Kumagat ako sa tinapay at pasimpleng kinagat ang dila. Bakit ba kasi ang ingay ng utak ko yan tuloy na rinig niya. "Narinig kong nag sorry ka bakit ka naman nag so-sorry?" Matapang ko siyang tinignan at ang tinapay na nasa kamay ko ay marahas kong nilagay sa bunganga niya. "Kasi ang bobo mo." Sagot ko sa kaniya. At binatukan siya sa ulo ng malakas. "Anong connect?" Hinahawakan ng isa niyang kamay ang parti kung saan ko siya binatukan. At ang isang kamay naman ay ginamit niya sa pagkuha ng tinapay na nilagay ko sa maingay niyang bunganga. "Alam mo Zaire, kaunting kaunti nalang masasapak ko na siyang bunganga mo. Ang ingay mo lagi." Kinuha ko yung nag iisa kong tinapay ngunit kinuha niya ito sakin at binuksan at ulit na binigay sakin. Nilagay ko sa bibig ang tinapay at kinuha sa bag ang librong pastry na hiniram ko sa library. Habang kumakain ay binabasa ko ang mga recipe. Mamaya ay magpapasama ako kay Aphrodite para mamili ng mga kakailangin ko sa paggawa ng cupcake. Dapat perfect ang gagawin ko kaya kahit na hindi ko maintindihan ang mga naka sulat sa libro ay pilit ko itong binabasa mag se-search nalang ako mamaya ng ibang ibang recipe at manonood din ako ng mga video Pero kailangan matutunan ko itong mga easy mona bago ako gumawa ng masarap para sa mahal ko. My future husband, and my only love. "Gagawa ka ng cupcake? Diba hindi ka marunong magluto ng itlog?" Huminga ako ng malalim at sinabihan ang sariling mag relax si Zaire lang itong kausap mo. "Iniinsulto mo ba ako?" Tanong ko sa kaniya ng harapan at binigay sa libro ulit ang atensyon. May mga teaspoon, grams akong nakikita sa libro pero promise wala talaga akong maintindihan. "Nag aalala lang ako sa taong kakain ng cupcake mo pag magkataun magluto ka. Kaya ako sayo. Wag mo ng pag aralan yan. Samahan mo nalang ako." Nairita ako sa una niyang sinabi ngunit nanaig ang curiosidad ko kong ano ang plano niya dahil nanloloko niya akong nginitian. " Saan?" Tanong ko May tinignan siya mula sa malayo kaya napasunod ako ng tingin doon. At nanlaki ang mata ko ng nakita ko ang malaking ahas na gusto niyang hawakan ko nakina. " No!" Napalakas ang boses ko kaya agad niya itong tinakpan. "Wag kang maingay." Hindi ko alam kong ano ang nasa isip niya ngunit natatakot ako sa ngiting meron sa labi niya. Tinignan ko ulit ang cage nasa malayo kong nasaan ang malaking ahas. Para akong mawawalan ng hingin sa takot ngunit napalitan ng pagtataka ng may tinuro ang labi niya sakin. Agad ko iyong sinundan ng tingin at nakita kong papasok si ma'am Ignalagi sa cr ng girls. Hinampas ko siya dahil naiisip ko ang nasa isip niya. "Ayokong gawin Zaire! Mahal ko pa ang buhay ko, ayokong tumigil sa pagaaral." Sabi ko dahil sa takot na baka ma patalsik ako sa paaralan na to.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD