chapter 3

2054 Words
"Naiinis na talaga ako sa kaniya beshie. Parate nalang niya ako ginaganito! akala niya okay lang? " Naiiyak ako habang nag susumbong kay Aphrodite sinabi ko rin sa kaniya kong bakit hindi ako naka pasok sa first period. At na stuck ako sa banyo ng girls dahil kay Zaire. I hate him. "Sorry. Bakit ka kasi nagpaiwan don?" Taka akong tinignan ni Aphrodite. Madalas kasi si Paul ang sinusundan ko at madalas ko din na iniiwan siya para lang makita si Paul tapos parati pa siyang nalalagay sa pahamakan dahil sakin. Pero kasi kanina kasama niya si Paul sa first period kaya malaking pagtataka kong bakit ako nandoon at hindi ako naka buntot kay Paul. "Sabi kasi ni Zaire may ipapakita siya sakin na exciting kaya sumama ako. Yun pala ahas ang ipapakita niya." Pagpapaliwanan ko. I also pouted my lips at binigilan ang sariling na wag umiyak. "Kim alam kong mali ang ginawa ni Zaire. But you shouldn't do that earlier. Pinahiya mo si Zaire. " Pagpapayo niya na alam ko namang tama. Nong nakalabas kami kanina sa canteen ay agad naman ako nakonsinsiya sa inasal ko. Marami ang nakarinig at totoong napahiya ko si Zaire. Pero bakit ko naman aaminin na kasalanan ko e si Zaire ang ng una at pinakain pa talaga ako ng bawang. "Siya yung nang una." Pangatwiran ko. "Wag g**g immature Kim. Kahit na siya yung nang una ikaw parin ang sumigaw sa kaniya. Humingi ka ng pasinsiya!" Eto nanaman si Aphrodite at pinag sasabihan nanaman ako. "Pero pwedi akong mamatay sa ginawa-" "Pero hindi ka namatay at pinahiya mo lang yung tao Kim." Pagputol niya. "Pero bakit ako ang unang mag so-sorry. Kong siya naman yung unang gumawa ng masama." Pangangatwiran kopa lalo. Sabay ng pag bigkas ko ay ang pag buntong hininga ni Aphrodite sa tabi ko. Yung hingang pagod at hindi makapaniwala. Naglalakad ako naka P. E uniform first day sa P. E kaya walang masiyadong ginagawa pumunta ako sa canteen at bibili ako ng toasted bread may peanut butter kasi akong dala kanina at nilagay ko iyon sa bag instead na libro at notebook ang laman ng bag ko ay mas madalas ay maraming pagkain ang dala ko. Hindi naman kasi ako mabubusog non isa pa andiyan naman si Aphrodite. May mga notes siya kaya okay lang yun na hindi ako magdala ng libro pero may tatlo akong notebook para sa lahat ng subject. Nasa toasted bread ang mata ko pero lumilipad ang utak ko hindi ko alam kong paano humingi ng tawad kay Zaire. Pano ba naman kasi isang taon na kaming magkakilala hindi pa daw niya alam na may allergy ako sa bawang. nasa bahay pasiya parati. Naka tulala ako sa tinapay ng may tumabi sakin hindi ko lang siya pinansin hanggan sa may inabot siyang panyo. "Namamawis ka." Pag rinig ko pa lang sa boses ay agad na akong lumayo sa kaniya at nag salute. Tinanguan niya ako tinanggap niya ang salute ko at binigay ulit ang panyo na kinuha ko naman agad. "Ikaw ang mag re-report mamaya kaya dapat presentable ang ayos mo. Kim tandaan mo sa tuwing nasa harap mo ang mga applicants hindi ka dapat mukhang dugyot. Tignan mo ang itchura mo hindi pa naka tali yang buhok mo. Isa kang CAT officer kaya ayusin mo yang ayos mo." Gusto ko na sanang kiligin dahil sa pagaakalang nag aalala si Paul sa kalusogan ko ngunit parang binasura niya naman ang pagkatao ko sa sinabing iyon. Napayuko ako ng tumalikod si Paul. Napatingin ako sa dalawang toasted bread. Hindi kaya totally turn off na siya sakin dahil sa nangyari? Nag lakad ako papuntang counter ginawa ko na rin anim ang tinapay. Bibigyan ko ng tig dadalawa si Xyril at Zaire. Gusto ko ring bigyan si Paul kaso nahihiya akong harapin siya. Ng nasa counter na ako ay may nakita akong ipit na binibinta. "Ate magkano to?" Tanong ko sa nagtitinda dito sa canteen. May kasunod ako sa likod pero hindi ko siya nililingon dahil sa busy sa pag iisip ng sinabi ni Paul. "Kense." Sagot niya. "Sige ate kukunin ko to." Habang nag bibilang si ate ng sukli ko ay tinali ko muna ang buhok ko. Pony tail ang pagkakatali ko sa buhok at agad na pinunasan ko ang leeg dahil sa pawis gamit ang panyong binigay ni Paul. Ipinalagay ko kay ate sa plastik ang tinapay at kinuha ang sukli. Paalis na ako ng nakita ko si Paul siya pala ang nasa likod ko. Nasa leeg ko ang tingin niya kaya napa lunok ako . Umigham siya at nakita ko ang paggalaw ng adams apple niya dali dali din siyang pumunta sa pinanggalingan ko. Napaka gwapo niyang weirdo. Gusto ko sana siyang kausapin at isuli ang panyo niya kaso nahihiya ako sa kaniya. Ewan ko pero parang nawalan ng lakas ang dila ko upang gumalaw para makapagsalita. Yumuko nalang ulit ako at lumabas ng canteen. Una kong hahanapin ay si Zaire hihingi ako ng tawad sa unggot na yun. Naglalakad ako at hinanap si Zaire sa mga tambayan niya ay wala siya kaya pumunta ako malapit sa cr ng boys. 'Sana naman mapuno ang pantog ng lalaking yun at pumunta dito Lord' lihim kong dasal. Nag mumuni muni ako ng nakita ko ang batang babaeng kasama ko kanina sa cr. Ay tumayo ako para sana puntahan siya ng may tumawag sa kaniyang pangalan. "Victoria." Sigaw ng lalaking tumatakbo. Kumunut ang noo ko ngunit napangiti rin naman agad ng nakita ko ang hawak niyang blueberry juice. Yan parati ang binibigay niya sakin pag nag tatampo ako oh di kaya ay nagagalit sa kaniya. Pinanuod ko silang dalawa parang galit si Victoria sa kaniya at laking gulat ko na kay Victoria niya binigay ang juice. kumunut lalo ang noo ko. Nakaramdam ako ng matinding galit. Ako lang dapat ang binibigyan niya ng ganyan. Kong gusto niyang bigyan ang iba pwedi yung ibang flavor nalang hindi yang favorite flavor ko pa! Kinuha ni Victoria ang juice mula kay Zaire. Kasabay non ang pag sigaw ni Aphrodite sa pangalan ko. Hindi ako kumikibo at tinitignan lang ang juice na hawak ni Victoria. Tinignan ko si Zaire at sa akin din siya naka tingin. Nabigla siya na nandon ako pero agad na nawala ng kinausap siya ni Victoria. Tumalikod ako at hinarap si Aphrodite. Kakalapit palang niya ng hablutin ko ang kamay niya't hinatak siya papalayo doon. May kasalanan na nga siya sakin pina migay pa niya ang favorite flavor ng juice ko. "Oi Kim! Dahan dahan lang naman. " Pagrereklamo ni Xyril. Galit ako kay Zaire. Ang walang hiyang yun akala niya kakausapin ko pa siya! Bwisit siya! Nang naka layu na kami sa lugar na yun ay tumigil na ako sa pag lalakad at tinignan si Xyril. "Kita-" magrereklamo sana ako at sisihin siya dahil sa sinabi niyang kailangan kong humingi ng tawad kay Zaire ngunit nakita ko na hingal na hingal siya at tinitignan ang paa niya. "Anong nangyari sayo? Nasan ang sapatos mo?" Taka ko siyang tinignan at kinabahan ng umangat ang ulo niya at masama akong tinignan. "Ikaw na diwende ka ang liit liit ng paa mo tapos kong makalakad ka akala mo mayroong mga gulong yang daliri mo sa bilis! Yan tuloy!" Pasigaw niyang sabi " Aphrodite, Kim!" Narinig kong sigaw mula sa malayo. Hindi ko iyon pinansin at akmang tatalikod ako at mag lalakad pabalik ng hinapit ni Aphrodite ang kamay ko upang hindi makaalis. " Aphrodite naiwan mo yung sapatos mo." Inabot ni Zaire ang sapatos kay Aphrodite habang sa akin nakatingin. Taas noo akong tumingin sa malayo at iniiwasan na makatagpo ang mata niya. "Beshie kailangan ko nang umalis may pupuntahan pa akong importante." Ma utoridad kong sabi pina lakas ko rin ito ng bahagya at tumalikod na sa kanila. "K-Kim naiwan mo din yung ti-tinapay mo." Nilingon ko siya at naabotan ko pa ang pag lunok ni Zaire. "Ikaw Zaire!" Sigaw ko bigla sa kaniya. Nakita kong namilog ang mata ni Aphrodite at pasimpleng umatras. Malaking hakbang ang ginawa kong pag lapit sa kaniya "Wag kang masiyadong mabait sa mga babae. Dahil ang pangit mo!" Mabilis kong inagaw ang plastik kong may laman ng tinapay at padabog na umalis paakyat ng hagdan. Mas mabuti pa nga'ng siguro na sa library mo na ako naiinis ako sa pisting lamok na yon. Nagbabasa ako ng libro at parang nakikita ko lang ang mga letra pero hindi ko naman ma intindihan ang mga naka saad. Paulit ulit kong binabasa ang mga nakasulat ngunit mas lalo lang akong nainis. Bakit ba kasi ang bobo ko tapos malas pa sa buhay wala na bang mas malala na parusa dito? Naiinis ako sa katangian ko. Maliit na nga ako, tapos bobo pa, may kilala pa akong napaka asungot na si Zaire mukhang galit ata ang kapalaran sakin. Tumayo ako at binalik ang walang kwentang librong hindi ko ma intindihan. Nag hanap nalang ako ng mga librong may mga larawan para naman may magawa ako sa past time na binigay samin ng guro. "I'm doomed." Bulong ko sa sarili. At napatalon sa bigla ng may humampas ng balikat ko hinawakan ko pa ang dibdib ko dahil sa subrang bilis. Tumawa ng mahina ang humampas sakin at masama ko naman siyang tinignan. It's Victoria the ultimate liptint young girl. "Bakit ka nangbibigla diyan!" Mahina kong sabi at parang hangin lang ang lumabas sa boses ko dahil nasa Library at dapat walang may nag sasalita. Hindi niya ako sinagot at binigay sakin ang libro niyang hawak. "pastry" basa ko sa malalaking letrang nandoon. "May LQ kayu ni Re.. este kuya?" Nagtataka kong tinignan si Victoria. "Kuya?" Hindi ako sigurado sa narinig at saka LQ? "Yes, si kuya? Nagaaway kayu bakit?" Tanong nito ulit. "Sinong kuya." "Si Kuya Zaire." Namilog ang mata ko sa narinig. At talagang itong kabataan ngayun, ginagawa na talagang kalandian ang pag tawag sa kuya. May past ba sila ni Zaire. Sa cr kasi kanina nagulat si Zaire sa kaniya tapos hindi pa makagalaw ang lalaking iyon ng nakita niya itong si Victoria. Maganda naman kasi talaga itong si Victoria tapos mas mataas pa kaysa sakin kahit na mas bata siya. Kaya hindi ako magtataka kong may past sila ni Zaire. Pero 14 years old pa lang ata itong si Victoria eh grade 8 palang kaya. Himala naman yun Childhood lover kaya? "Victoria childhood lover ba kayu ni Zaire?" Tanong ko na ikinagulat niya nag inarti pa itong nasusuka at hinambas ako sa balikat. Masakit yun ah. "Are you insulting me?" Mataray nitong sabi. Hawak ko ang librong binigay niya sakin nag disisyon akong hiramin ito sa library dahil gagawan ko ng cupcake si Paul. Malakas niya pa akong tinawan pagkalabas namin ng library dahil gusto lang daw naman niya akong tuksuon sana, kaya binigay niya sakin yung pastry pero hindi niya akalain na hihiramin ko pa talaga itong binigay niya sa library. "Hindi nakita ko kasi na binigyan ka niya ng juice." Ngumuso pa ang labi ko at nahihiyang umilag na magtama ang mata namin dalawa. Bakit nahiya ako bigla? "So it's for you pala sana yung juice na yun?" Napatingin ako sa kaniya at nakita ko ang lapad ng ngiti niya. " By the way half brother ko siya and he never gave me a juice. Ako ang kumuha sa kamay niya. Kaya wag mokong pagselosan nakakadiri ka." Umarti siyang nangdidiri at inunahan akong maglakad. Pero kasi nakita kong binigay yun sa kaniya ni Zaire. Huminto siya sa paglalakad ang ganon din ako agad niya akong hinarap at nginisihan " And by the way you don't need that plans." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya " I'm not totally know him but I know he likes you." Namula ako sa sinabi niya. Anonng plans at anong like. Anong ibig niyang sabihin? Ang ibig ba niyang sabihin ay may gusto ako kay Zaire? At kanina ang sabi niya dapat hindi ako mag selos . And ibig ba niyang sabihin ay kami na ni Zaire? "Hindi-" hindi ko natuloy ang sasabihin ng agad niya akong tinalikuran at mabilis na umalis. Tinignan ko ang librong hawak. At hindi inisip ang sinabi ni Victoria sa halip na tinuonan ko ng pansin ang pastry na hawak at ngingiting ngiting iniisip ang iisipin ni Paul pag ma tikman niya ang luto ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD