"Heyy," Bati ni Zeffy kay Nexie. Naririto ito ngayon sa bahay ni Nexie upang sila ay mag aral. "Nakabili kaba ng meryenda?" tanong ni Nexie habang inaayos nito ang maliit na mesa sa may mini garden nila. Mas gusto nila dito mag aral at tumambay kasi fresh ang hangin. "Meryenda agad? Wala pa nga tayong nasisimulang aralin." Doon nilabas ni Zeffy ang kanyang dala dalang laptop at mga books maging isang notebook. "Ikaw napaka daya mo! Ako, kapag pumupunta sa house n'yo dami kong bitbit na pagkain. Samantalang ikaw wala, napakadaya!" singhal ni Nexie, at binato pa ito ng ballpen. "Aray ko, magpapadeliver na lang ako. Kaya ka walang natutunan eh, hindi aralin nasa utak mo kundi pag kain." Binalik na bato ni Zeffy ang ballpen niya. Seyuso sa pag rereseach si Zeffy sa kanyang laptop, hab

