Ilang minuto ang tinagal ni Nexie sa kanyang sasakyan bago siya tuluyang lumabas, isang malalim na buntonghininga ang kanyang binitawan habang pahakbang patungo sa kanilang silid. Ito ang unang araw na makikita niya si Zeffy, hindi niya alam kung anong sasabihin, anong gagawin sa muli nilang pagkikita dahil mula noong gabing pangyayari hindi pa niya ito nakakausap. Nakita ni Nexie si Zeffy at Revia na masayang nagkukwentuhan, at gusto iyon iwasan ni Nexie kaya nag iba siya ng daan. Punong puno ng kaba ang dibdib ni Nexie nang nag uumpisa na ang klase, dahil makatabi niya Zeffy. Tulad ng inaasan niya kahit sulyap ni Zeffy sa kanya ay hindi man lang nito nagawa. "Uy, bakit?" tanong ni Tasha kay Nexie ng makita niya ito. Ngunit naka tulala lang si Nexie at hindi man lang siya napansin.

