Pagka pasok ni Nexie sa kanilang eskwelahan ay hindi niya alam bakit tila pinag titinginan siya, ang iba naman ay nag bubulungan at nagtatawanan pa. Napa kunot na lang ang noo ni Nexie hindi ito pinapansin. Isang grupo ng mga kababaihan ang sumalubong sa kanya, naalala niya itong mga ito. Ito ang grupo ng mga babaeng nang bully sa kanya noong first-day nila. "Witch, nerd, fake!" At binuhusan si Nexie ng isang basong juice. Ng isang babae. Habang ang mga kasama nito ay nagtatawanan. Hindi alam ni Nexie bakit siya ginanoon ng babae. "Anong kasalanan ko sa iyo, sa inyo!?" singhal ni Nexie sa mga ito, ngunit nagtawanan lang ang mga ito pinag babato pa siya ng mga scratch paper. "Nexie Santos, ang dakilang fake friends!" Isa muling basong juice ang binuhos sa kanya ng isang babaeng n

