"Hi Nexie, how are you? Ahm, sorry kahapon ha? Hindi ko sinasadya kasi naman akala ko kasi isa ka rin sa lumalandi kay Zeffy ei,"
wika ng kapwa niya estudyante isa ito sa mga bumully sa kanya at nagtapon ng Juice sa kanyang damit.
"it's ok, ahm. I'm fine,"
maikling tugon ni Nexie.
"Ops, ops what's happening here?
Binubully n'yo na naman ba itong best friend ko? Lagot kayo sa akin kung sakali. Awayin n'yo na ang lahat h'wag lang ang pinakamamahal kong best friend."
Sabat ni Zeffy na biglang sumulpot sa kanilang usapan umakbay pa ito sa kanya habang nagsasalita.
"Hindi ah, humihingi nga kami ng sorry kay Nexie, dahil sa ginawa namin kahapon hmmp.. Diba Nexie friends na tayo?"
Tanging ngiti naman ang naging tugon ni Nexie sa Grupo ng mga kababaihan.
"Ito tandaan n'yo Guy's, h'wag na h'wag n'yo nang uulitin ang pang bubully lalo na sa best friend kong ito. Dahil ako makakalaban n'yo.
I appreciate all your efforts para suportahan ako. Pero pagdating sa pananakit, pangbubully sorry guys pero 'yan ang pinaka ayaw ko lalo na pagdating dito sa best friend ko."
Humingi ng tawad ang lahat at nakatungo ang buong grupo bago umalis sa kanilang harapan.
"Ok ka lang Nex, sinaktan ka ba ulit nila?"
"Ok lang ako, ano ka ba! Totoong humingi ng tawad sila sa akin kaya lumapit at kinausap nila ako.
Ayan tuloy mukhang napahiya ang isang fans club mo sige ka mawawalan ka ng supporter kung sakaling lalaban ka ulit ng pageant."
"Hay naku! Nex, hindi na ako lalaban pang muli ng pageant nakakapagod maging gwapo, at saka mas ok na 'yung mawalan ako ng fans club h'wag lang ang nag iisang best friend ko."
Ginulo gulo pa ni Zeffy ang kanyang buhok habang naka akbay sa kanya. Kaya naman ang kanyang damdamin ay hindi maiwasang matuwa dahil sa mga sinasabi ni Zeffy sa kanya lalo na ang mga ginagawa nito sa kanya.
"Lalo akong naiinlove Zeff, h'wag ka naman sanang ganyan,"
bulong sa isip ni Nexie habang naka titig ito sa binata.
"At Nex, ito na 'yung homework mo sa Math hmmp..
Burger at fries lang ang kapalit niyan sa favorite nating tambayan ha? Oh so, paano samahan mo ako sa gym cheer me my practice ako ng basketball."
Tahimik lang na sumunod si Nexie papuntang gym upang suportahan ang kaibigan sa kanyang practice. Bukod kasi sa pagiging aktibo nito sa mga aralin ay aktibo rin ito sa larangan ng pagbabasketball kaya lalong dumarami ang tagahanga nito kabilang na siya.
"Go Zeffy! Go Zeffy!"
hiyawan ng mga ilang kababaihan sa paligid habang siya ay tahimik lang na pumapalakpak sa tabi.
"Hi, Nexie Santos right?"
tanong sa kanya ng isang babaeng medyo chubby na tumabi sa kanyang upuan.
"Ah yes, and you are?"
" Tasha, i'm Tasha Galveston can you be my friend?"
Kumunot naman ang noo ni Nexie dahil alam niyang halos nakikipagkaibigan lang at lumalapit sa kanya ang karamihan lalo na ang babae ay dahil lang kay Zeffy.
"Ay! Kung hindi naman pwede, ok lang.Akala ko kasi mabait ka?
Kaya lumapit ako sa iyo upang makipagkaibigan dahil nakikita ko sa iyo iyong sarili ko na walang kaibigan."
"Ah, he he no it's ok, akala ko kasi nakikipag kaibigan ka sa akin because of Zeffy, mula kasi umpisa ganyan ang dahilan nila upang kaibiganin nila ako."
"Ah, 'yon ba hindi ah hmmmp.. Nakita kita kahapon kung paano ka pag tripan ng mga grupo ng kababaihan. Naawa ako sa'yo ganun na ganun kasi ang ginagawa nila sa akin nong bagong salta ako dito sa university during high school day."
"You mean since high school nandito ka na nag aaral?"
"Oo, scholar ako ng government kaya nakapag aral ako dito.
Kayo ngayong college day ko lang kayo nakita saan school kayo galing?"
"Oo, ngayon lang kami nakapag aral sa university na 'to galing kami sa St. Martin. Doon kami ng pre-school to high school."
"Kami? You mean since Pre-school magkasama na kayo ni Mr. Montenegro?"
"Yup, hindi lang preschool since birth, matalik kasing magkaibigan ang daddy namin kaya ayon bilang mga anak naging mag best friend na rin kami,"
wika ni Nexie habang nakatitig kay Zeffy kasalukuyang nag didribol ng bola.
"Wow! sana maging mag best friend din tayo Nexie?"
"Oo naman, bakit hindi? Basta hindi si Zeff, ang dahilan kung bakit mo ako gustong maging kaibigan?"
"Uy! Hindi ah, hinding hindi ko magugustuhan si Zeffy kasi may isang tao na akong lihim na nagugustuhan,"
nakangiting wika ni Tasha.
"Hmmp.. Sino naman 'yan Tasha?"
"Wala, Ahm. Balang araw malalaman mo rin 'yon.
Ei ikaw mabuti hindi ka nadedevelop diyan sa best friend mo? Ei tanyag 'yan dito sa campus natin. Usap usapan 'yan ng ilang mga kababaihan ha."
Doon naman namula nang bahagya ang pisngi ni Nexie.
"Naku! hindi ah, hindi ako madedelop diyan sa mukong na 'yan. Malabong mangyari, talagang matalik na kaibigan ang turing ko sa kanya mula pagkabata,"
pagsisinungaling ni Nexie pero sa puso at isip niya alam niyang mahal na niya si Zeffy mula ng nag kaisip s'ya.
"Paano Tasha mauna na ako sa'yo? Tinatawag na kasi ako ni Zeff, oh kumakaway na sa akin."
"Sige sige. Ops, by the way Nexie my i know your cell phone number? At sa lahat ng social media. Hmmp.. Remember be friends?"
Ngumiti pa ito sa kanya.
"Oo, sige ba."
Agad namang ibinigay ni Nexie ang kanyang cellphone number at mga social media.
" Nex, faster!"
sigaw sa kanya ni Zeffy habang kumakaway.
"Oh, bakit? Kung maka faster ka ha? Saan na naman ba tayo pupunta?"
"Remember may utang ka sa akin? Burger and fries sa ating tambayan ulit?"
"Naku! Wala ka talagang pagbabago kada may ginagawa kang bagay sa akin may kapalit. Halika kana nga at baka magbago pa ang isip ko."
Pagka dating nila sa isang fast food chain tumungo agad s'ya sa counter.
Upang bumili ng kanilang favorite na pagkain giant burger at family size na potato fries ang kanyang inorder ito kasi ang kapwa nila favorito.
"Mr. Montenegro, ngiting ngiti ah. Sino na naman 'yang katext mo?
Ito na request mo."
"Wala, wala ahm. Kasamahan ko sa team may nakakatawa lang siyang tinanong sa akin ha ha ha ha."
Agad naman sinalpakan ng fries ni Nexie ang bunganga ni Zeffy upang matigil kakatawa.
"Nex, sino 'yung kausap mo kanina?"
"Ah, si Tasha Galveston, ayon nakikipagkaibigan sa akin, uy! Bakit type mo?"
Pang aasar ni Nexie bahagya pa nitong kinikiliti ang kaibigan.
"Ako type ko? Wow! Ano palagay mo sa akin Nex, walang standard pag dating sa babae remember i'm Zeffy Montenegro."
"Grabi ka kay Tasha ha? Ang ganda kaya ni Tasha, 'yon nga lang medyo chubby.
Pero i think chubby is new sexy."
Pagka banggit naman 'non katagang iyon ay nasamid si Zeffy habang umiinom ng soft drinks.
"Ano ok ka lang Zeff,? Ito tubig."
" Ha ha ha Grabi ka kasi sa thinking mo chubby is new sexy? Hmmp. Kalokohan mo hoy! Walang ganon.
Saka h'wag mo akong nilalako doon sa bagong ka kilala mo hindi ganun ang tipo kong babae 'no?"
"Ei bakit Mr. Montenegro, ano ba 'yung tipo mo sa isang babae ha?"
Tumitig muna sa kanya si Zeffy bago sumagot sa kanyang katanungan.
Kaya naman ang puso niya ay parang may mga kabayong nag uunahan dahil sa bilis ng pintig nito.
"Alam mo bestfriend ba talaga kita? Hanggang ngayon hindi mo pa rin alam ang tipo ko sa isang babae?"
"Eh malay ko ba kung magbabago ang taste mo?"
Sabay iwas ni Nexie ng tingin dahil hindi siya maka tagal makipagtitigan sa kaibigan dahil naghuhurumintado ang kanyang puso sa tuwing magtatama ang kanilang mga mata.
"Nex, simple lang naman ang gusto ko 'yung maganda, sexy, maputi, at mayaman para lalo akong yumaman ha ha."
"Wow! Simple lang talaga ha? Ei ang taas nga ng standards mo pagdating sa babae."
"Syempre sayang naman ang kagwapuhan ng bestfriend mo kung hindi ko kapantay ang magiging asawa ko in the future diba?"
Bahagya naman nasaktan si Nexie dahil alam niyang sa lahat ng nabanggit ng kaibigan ay wala s'yang ni isang katangian.
"Hmmp.. At saka ayaw ko ng nerd na katulad mo mukhang istriktong professor ei."
Pinisil pisil pa ni Zeffy ang kanyang magkabilang pisngi.
"Aray ko! ang pisngi ko, Zeffy ha ang sakit."
Pero sa Loob ni Nexie hindi lang ang puso niya ang masakit dahil pakiramdam niya mismong pagkatao n'ya ang ayaw ni Zeffy.
"Sorry my best friend ang cute cute mo kasi kahit ang nerd mo?"
Bahagya namang inayos ni Zeffy ang tuma tabinging salamin ni Nexie.
"I hope Nex, kahit mahanap ko na 'yung babaeng nararapat sa akin, sana hindi ka magbago kahit anong mangyari you are my forever best friend."
"Oo naman, i'm yours forever best friend no matter what happens. Promise kahit lagi mo akong inaaway at tinatawag na manang."
Hindi na bago kay Nexie ang pang re-reject sa isip n'ya ni Zeffy sa kanya.
Tulad ng pangako niya kay Zeffy ganon din ang bulong niya sa puso niya ang manatili sa tabi ng kaibigan.
Patuloy niya itong mamahalin hindi lang tunay na kaibigan kundi mas higit pa doon na walang hinihinging kapalit at mananatiling lihim.
Pagkatapos nilang mag meryenda ay bumalik na sila sa kanilang paaralan katulad ng nakagawian ay maghapon silang mag kasama sa loob at labas ng campus.