Isang malakas na katok sa pinto ang gumising kay Nexie, araw ng linggo kasi kaya walang pasok at sadyang tanghali na siya gumigising.
"Sandali!" sigaw niya ng maalimpungatan at dire-diretsong bumangon patungo sa kanyang pinto.
Pagkabukas niya ng pinto ay nagulat s'ya dahil si Zeffy ang taong halos gumiba ng pinto niya kaka katok.
"Zeffy! anong ginagawa mo dito?"
tanong niya sa binata.
Ngunit si Zeffy ay hindi sumagot sa kanyang tanong bagkos ay nakatitig lamang ito sa kanyang kabuunan.
Napalaki na lang ang mata ni Nexie ng maalaala niyang naka sando lang siyang manipis at walang bra pina risan ng maikling shorts.
Kaya kitang kita ang hulma ng kanyang malusog na dibdib. Maging ang kanyang mga hita ay lantad na lantad din dahil na rin sa maikling short na suot niya.
Ito ang madalas niyang suot pang tulog dahil pakiramdam niya ay preskong presko siya.
Napatakip tuloy si Nexie sa kanyang dibdib at dire diretsong pumasok sa kanyang walking closets upang magpalit.
Pagkatapos niyang mag palit ng damit agad siyang lumabas upang harapin ang matalik na kaibigan.
Naabutan niyang nakahiga sa kanyang kama si Zeffy.
"Hoy! tumayo ka nga diyan? Ano ba kasing ginagawa mo dito?"
Hindi sumagot si Zeffy sa tanong n'ya sa halip isang malakas na batok ang kanyang natanggap mula dito.
"Aray ko ano ba! Ikaw na nga 'tong nakaka abala sa tulog ko. Ikaw pa ‘tong galit bakit ba?"
"Napaka ulyanin mo na nga, ang pangit mo pa.
Alam mo nakakainis 'yang suot mo kanina. Feeling mo kinaganda mo 'yan?"
Napalunok ng laway si Nexie sa naging pahayag ng kaibigan niya sa kanya. May konting kirot man sa puso niya.
Pero nagpapasalamat pa rin s'ya dahil pagdating sa kasuotan niya ay nagiging conservative ito.
Na alala niya tuloy noong unang outing nila. First time rin niyang magsuot ng two piece sa night swimming. Pinagbawalan siya nito kaya ang ending naka leggings at rashguard siyang nag swimming.
"Bakit ba? Sa ganoong pang tulog ako comfortable ei. Saka ako lang naman ang tao dito sa silid ko!"
tugon niya sa kaibigan.
"Eh paano kung may ibang tao na nakapasok dito sa kwarto di mapahamak ka?"
"Naku! Walang namang mag kaka interest sa akin na pasukin ako dito. Kaya h'wag kang mag alala pwede? At siya nga pala anong sinasabi mong ulyanin ako?"
wika ni Nexie na turo turo ang kanyang sarili habang ang isang kamay ay naka pamewang.
Bago pa muling sumagot si Zeffy ay muli na naman siya nitong binatukan.
"Hay naku manang! Sunday ngayon diba? So anong meron pag Sunday?"
"Ay sorry, I forgot Zeff, hmmp.. Ok sige, wait mo ako sa labas at magbibihis na ako ok? Lumabas kana nga."
Tinutulak tulak pa ni Nexie si Zeffy para maka labas ng kanyang kwarto dahil walang balak itong lumabas ng kanyang silid.
Napangiti si Nexie habang inaayusan niya ang kanyang sarili dahil muli na naman n'yang makakasama maghapon si Zeffy.
Ito kasi ang weekend bonding nila tuwing Sunday.
Church sa umaga, mall together sa hapon.
Habang nasa simbahan sila ay lihim niyang pinag mamasdan ang kanyang matalik na kaibigan.
Dahil taimtim itong nanalangin habang naka taas ang kamay.
Ito rin ang isa sa pinaka nagustuhan niya sa binata dahil sa pagiging maka Diyos nito. Kahit may angking kayabangan sa katawan pero pagdating sa pagiging religious nito seryoso ito.
Kaya lalo siyang napapamahal dito.
"Mukhang seryoso prayers mo kanina ah, Zeffy?"
"Syempre kung seryoso hinihiling mo kay God, dapat seryoso ka rin sa pananalangin,"
tugon ni Zeffy sa kanya.
"Bakit ano ba 'yung seryosong prayers mo?"
Ngumiti muna si Zeffy sa kanya bago sumagot.
"Secret,"
maikling tugon nito.
"Naku! Napaka daya naman! Akala ko ba walang lihiman bakit may secret secret ka ng nalalaman diyan?"
wika ni Nexie bahagya pa siyang umirap sa kaibigan.
"Joke lang, about may dream girl yong prayers ko. Tagal ngang dumating ei."
"Wow! may dream girl ka ng nalalaman ha? Ops, don't forget Tito said!"
"Huwag munang ma kikipag relasyon habang hindi pa nakapagtapos ng pag aaral."
Sabay nilang salita.
"Pero paano kung may nagugustuhan akong babae sa campus? Tapos gusto rin niya ako? Syempre hindi ko na patatagalin pa diba?"
"Ewan ko sayo! bahala ka isusumbong kita kay tito once na makikipag relasyon kana."
Humarap sa kanya si Zeffy at pinisil ng pinisil ang kanyang mukha.
"Alam ko naman na hindi mo 'yan magagawa may best friend, always mo kaya akong sinu-support diba?"
"Hmmmp,"
tanging naging sagot ni Nexie.
"Don't worry my best friend, kahit magkaroon naman ako ng girlfriend, eh ikaw pa rin ang mananatiling best friend ko forever and ever at hindi magbabago 'yon,"
wika ni Zeffy sabay yakap sa kanya at humalik pa sa kanyang noo.
"Best friend lang ba talaga ang papel ko Zeff,? Hindi ba pwedeng maging Mrs. Montenegro mo forever and ever?"
bulong ni Nexie sa isip niya habang yakap yakap siya ni Zeffy.
"So, Paano? Saan na tayo pupunta? Tapos na tayong mag church at kumain ng pananghalian?"
tanong ni Nexie.
"Tulad ng dati samahan mo ako mag mall may bibilhin akong bagong latest na shoes."
Pagdating nila ng mall halos isang oras din silang pa ikot ikot sa men's department.
Kaya halos pinag titinginan sila at pinag bubulungan.
Hindi na bago kay Nexie 'yon dahil ganun naman lagi ang nangyayari tuwing mag ma-mall together sila.
"Look Nexie, mukhang bagay ito sayo?"
wika ni Zeffy habang hawak hawak ang isang maternity Dress. Kasalukuyan kasi silang nasa women's department.
"Ay, Naku! Alam mo Zeffy nang bwi-bwisit ka na naman ha?"
Tawang tawa naman si Zeffy dahil alam niyang napikon na naman niya si Nexie sa pang aasar niya.
Doon naman siya binatukan ni Nexie dahil inaasar at pinagtatawanan na naman siya nito.
Nasa ganoong sitwasyon sila ng may grupo ng mga babaeng pumansin sa kanila.
"Oh my God! Hanggang dito ba naman naghaharutan pa rin kayo?"
Bigla naman naging pormal si Zeffy nang dumating ang kababaihan.
"Hi, Revia!"
Bati ni Zeffy sa dalaga.
Ngumiti naman ang dalaga at nagpa cute pa kay Zeffy kaya naman naiirita si Nexie. Dahil kung kanina kong maka saway sa kanilang harutan ang taray taray ngayon parang isang maamong tupa.
"I can't believe na you know me Zeffy Montenegro,?"
"Sino ba naman ang hindi makaka kilala sa isang famous beautiful na si Revia Wilson?"
wika ni Zeffy at ngumiti pa ito ng matamis sa dalaga.
"Oh my God! I can't breathe he he you know me talaga. Ahm who's that girl behind you? Is that your girlfriend?"
Tumaas pa ang kilay nito ng tumingin sa kanya.
"No, Ito si Nexie Santos, my best friend since birth and corrections. I have no girlfriend right now."
Muling ngumiti ng matamis si Zeffy kaya nanatiling siyang tahimik dahil kanina pa siya naiirita at nasasaktan sa kanyang nasaksihan kapwa kasi nagpapa cute ang bawat isa.
"Oh my! Sorry to both of you.
Kasi naman sa campus lagi kayong magkasama tapos dito sa mall makikita ko kayong magkasama kaya ganun ang pagkakaalam ko eh may relasyon kayong dalawa."
Ngumiti naman ng pilit si Nexie kay Revia. Kilala niya ito.
Totoo nga na isa rin ito sa mga famous na estudyante sa campus nila.
Bukod kasi sa napaka ganda nitong mukha ay halatang mayaman basi sa pananamit nito.
Napaka casual at mala modelo ang height nito.
Kaya alam niyang ma papansin ito ng kanyang matalik na kaibigan.
"Hi, Nexie Santos nice to meet you."
Sabay abot sa kanya ng kamay nito.
Taliwas man kay Nexie ang makipag kamay dito dahil halata namang nakikipag plastikan ito sa kanya. Ngunit nakipag shake hand pa rin siya rito dahil tinitigan s'ya ni Zeffy na nagpapahiwatig na h'wag ipahiya ang dalagang kaharap nila.
Ang kasiyahan ni Nexie kanina simula umaga ay napalitan ng pag irita dahil wala na siyang nagawa kundi ang makipag plastikan sa bago nilang kasama mag mall.
Kahit sa panonood ng sine ay sinama ito ni Zeffy kaya naman ang dapat ang attention na sa kanya lamang nararapat. Ngayon ay nagmimistula siyang third wheel dahil napaka sweet ng dalawa.
Tahimik lang s'yang nakasunod sa kaibigan at iritang irita.
"Nex, ok ka lang? Tahimik mo kasi ei,"
tanong ni Zeffy sa kanya.
"Ok lang ako, medyo sumasakit lang ang ulo ko kaya ganito h'wag mo akong intindihin."
"Gusto mo ihatid na muna kita sa inyo?"
"Hindi, hindi ok lang ako, sayang naman kasi 'tong binayad mo sa tickets kung uuwi agad ako."
Tango tango naman ang naging tugon sa kanya ni Zeffy at bumalik ang attention sa isang katabi nitong babae.
Pakiramdam tuloy ni Nexie ay nabuhusan siya ng mainit na tubig. Dahil malakas ang pakiramdam niyang may feelings si Zeffy kay Revia at ganoon din si Revia kay Zeffy, basi sa kanilang ngitian at pag uusap.
Lalong nang liit ang tingin ni Nexie sa kanyang sarili pakiramdam niya kasi lalong nawalan s'ya ng pag asa sa matalik na kaibigan.
Kung ma ikukumpara ang sarili niya kay Revia ay malayong malayo.
Si Revia ay maituturing isang Diyosa, ngunit siya naman ay isang simpleng babae lamang at walang panama. Dagdag pa nito ang makapal pa na salamin sa mata niya.