Chapter four

1646 Words
Monday morning maagap na nagising si Nexie  dahil tulad ng na kaka gawian hatid sundo n'ya ngayon si Zeffy. "Manang si Zeffy po nariyan pa po ba? Tinatawagan ko po kasi ei hindi po sumasagot?" tanong ni Nexie sa katulong na bumungad sa kanya ng maka ilang busina na sya sa garahe ng kaibigan. "Naku! ma'am Nexie Kaka alis lang po ni Senyorito sakay ng kanyang motorsiklo at pinagbilin po n'ya na kapag sinundo mo siya ay Nauna na po siya sa inyo at mag momotorsiklo na lang daw po s'ya," tugon ng katulong sa kanya. "Ha! Motorsiklo? Sigurado kayo manang?" Nabigla naman si Nixie sa naging tugon ng katulong sa kanya. Tanging tango tango naman ang naging tugon ng katulong at pumasok na ito sa Mansyon. Napahilapos ng palad sa kanyang mukha si Nexie dahil sa kanyang narinig. Hindi kasi s'ya maka paniwala na sa tagal ng panahon muling gagamitin ng kanyang kaibigan ang pag momotorsiklo na alam na alam n'ya kong paano nagka pubya ang kanyang kaibigan sa pag momotor nito. "Zeffy... " Tawag n'ya sa kaibigan ng maratnan niya sa Campus habang masayang nakikipag usap sa isang Grupo ng kababaihan kabilang si Revia na naka hawak pa sa Braso ng binata. "Hi Nex, Sorry ha kong hindi ko  nasagot ang tawag mo?  Ahm, nag didrive kasi ako ng motor ko kanina," saad nito. "At kailan kapa! Natotoong mag motor ulit mr montenegro?" Seryusong tanong n'ya sa kaibigan  habang nakapamewang. Dahil naiinis s'ya dito dahil sa muling  pag momotorsiklo nito, dagdag pa nito ang nadatnan nyang ka sweetan ni Revia kay Zeffy. Napakamot naman sa ulo si Zeffy sa katanungan ni Nexie sa kanya. Nag umpisa ang kanilang klase ngunit hindi pa nasasagot ni Zeffy ang katanungan ni Nexie sa kanya kaya lalong umiinit ang ulo  ni Nexie dahil pakiramdam nya binabaliwala na s'ya nito. "Nex,Sorry ha kanina,ahm.. Kasi si  Revia  nag papasundo kaya ayon napilitan kong gamitin ulit ang aking motorsiklo," saad ni Zeffy. Nanatiling tahimik lang si Nexie sa paliwanag ng kaibigan sa kanya  habang hindi pa natatapos ang kanilang klase. "Nex,galit kaba? sorry na, yaan mo  next time sasagutin ko na tawag mo alam kong nag a alala ka sa akin kanina,dont worry hindi na ako natatakot mag motorsiklo ulit wag kana magalit ulit ok?" muling saad ni Zeffy sa kanya, dahil hindi niya ito iniimikan kanina pa. Tumitig ng bahagya si Nexie sa kaibigan at bahagyang umirap pa ito sa binata. Sa isip kasi ni Nexie, hindi lang sa muling pag mo-motorsiklo nito nagagalit kundi ang paglapit nito kay Revia. "Paano kong na aksidente ka ulit? Paano kong." Hindi na naituloy ni Nexie ang kanyang pag sasalita dahil tinakpan ni Zeffy ang bibig ni Nexie. "Pssst tama na.. Sorry na, promise hindi na mauulit 'yon. Ok, kaya h'wag kanang mag ala ala sa akin,kayang kaya ko ng labanan ang takot ko sa pag mo-motorsiklo." Ngumiti ito sa kanya, upang ipa alam na ok lang siya. Muling naging tahimik ang pagitan nilang dalawa hanggang matapos ang kanilang last period bago ang lunch time. "So,dahil my kasalanan ka sa akin ngayon, Treat mo ako ng lunch  Mr.Montenegro?" Bahagya pang tinapik ni Nexie ang balikat ni Zeffy. "Nex,Sorry dahil hindi kita ma te-treat ngayon ng lunch nag  promise kasi ako kay Revia na sabay kaming mag lu-lunch sa labas." Hinawakan naman siya sa balikat ni Zeffy. Biglang lumungkot ang mukha ni Nexie sa narinig n'ya for the first time kasing hindi sila mag sasama ngayong lunch break kaya labis syang nasasaktan siya sa nasabi ng kaibigan ngayon. Agad naman napansin ni Zeffy ang naging reaksyon ni Nexie kaya nilapitan ito agad at pinisil pisil ang pisngi. "Sorry again Nex, Ahm.. Intindihin mo na lang ang Best Friend mo ha? Minsan lang 'to, pagbigyan mo na ako mamaya babawi ako sa iyo promise!" Itinaas pa ni Zeffy ang kanyang kamay na waring na nanunumpa. Pilit na ngiti ang kaniyang naiganti sa kaibigan. Sobra sobra man s'yang nasasaktan sa nangyayari ngunit ayaw n'yang iparamdam iyon sa kaibigan. Pinag mamasdan n'yang mabuti ang papalayong kaibigan kasama si Revia na kapwa kumikislap ang mata, habang nag uusap. Ramdam na  ramdam n'ya ang pag tingin ng bawat isa kaya lalong nasasaktan ang kanyang puso sa  pagkakataong iyon. Isang awitin ang sumibol sa kanyang isipan nang makita n'yang  humawak si Revia sa braso ni Zeffy habang sila'y naglalakad palayo. Awiting nababagay sa kanyang sitwasyon sa kasalukuyan. Ang awiting pinamagatang 'Kunin mo na ang lahat sa akin.' Ni Jeremiah. Bawat lyrics, ay lalong nakakapagbigay ng lungkot sa kanya.    Natigil ang pag muni-muni ni Nexie ng may tumawag sa kanyang pangalan sa kaniyang likuran. "Nexie!" Boses ni Tasha ang nagpabalik sa kanyang ulirat ng mga pagkakataong iyon. "Tasha! Ikaw lng pala 'yan?  Akala ko kong sinong tumatawag sa akin ei." Baling niya dito. "Kanina pa kaya kita tinatawag hindi mo naman ako naririnig ei  kanina kapa din tulala diyan? Bakit anong problema mo?" tanong nito. Napangiti ng bahagya si Nexie sa kay Tasha bago sumagot sa tanong nito,"Wala,sorry hindi kita narinig kanina my ini isip lng ako kaya medyo nawala sa sarili." "Hmmmp. Kaya pala, bakit nga pala parang hindi mo kasama si Zeffy ngayon Nexie?" muling tanong nito. "Ah si Zeffy, ahm. Ayon nag promise daw kasi siya kay Revia na mag kasama silang mag lunch ngayon." Ngumiti si Nexie kay Tasha. Kumunot naman ang kilay ni Tasha ng mabanggit ang pangalan ni Revia. "Bakit Tasha my problema ba?" tanong niya. "Wala naman,tama pala ang usap usapan dito sa Campus na si Zeffy ang bagong dini date ni Revia Santos." Napa irap pa ng bahagya si Tasha ng mabanggit ang Pangalan ni Revia. Kaya naman  lalong kumunot ang kilay ni Nexie. "Kilala mo din si Revia ? At what do you mean na bagong dini date?" Doon sumeryuso ang mukha ni Nexie. "Ei halos lahat naman ng studyante dito sa Campus, lalo na ang mga lalaki ei kilalang kilala si Revia, at saka hindi na ako  mag eexpect na pati si Zeffy ay mabibihag ng mala anghel nitong mukha ni Revia as if mukha lang. At yes, bagong dini date! Kasi kailan lang si James ang huling laging ka date ni Revia," maarting saad ni Tasha muli. Lalong kumunot ang kilay ni Nexie  sa mga narinig n'ya kay Tasha,"James John Sebastian? Yon ba yong tinutukoy mo Tasha?" "Yes wala ng iba! Ang isa ring Hearttrubs at Campus crush ng university," tugon nito. "Hmmmp ikaw ha! Dami mong alam talaga chismosa ka Sis? Hahahaha." Doon naman ngtawanan ang mag bagong magka ibigan. "Lalim na naman ng ini isip mo my  Dear Friend baka malunod ka n'yan?" wika ni Tasha habang kumakain sila bahagya kasi s'yang napatulala at hindi ma alis sa isip ang pangyayari kanina, ang unang pagkakataon na iniwan s'ya ni Zeffy at iba ang sinama kumain ng lunch break. "Wala naman may naisip lang ako. Ikaw talaga Tasha dami mong napapansin." Sumubo ng pagkain si Nexie. "Hindi kaba nag seselos?" diritsahang tanong ni Tasha sa kanya, alam n'ya ang pinupunto nito sa kanya. "Nag seselos saan?" Maang-maangan n'ya sa tanong ni Tasha. "Kasi instead na ikaw ang kasama ni Zeffy na kumain ng lunch break  ayon si Revia ang kasama ni Zeffy," saad ni Tasha kahit may laman ang bibig. "Haha Ano kaba! Bakit ako mag seselos sa Best friend ko, hindi naman sa lahat ng oras kami lagi ang mag kasama. Saka hindi na kami pabata para hindi mangyayari ang ganitong sitwasyon ang magkaroon ng ibat-ibang priority sa buhay," iyon ang naging tugon ni Nexie. "Hmmp sa bagay tama ka,alam mo maswerte si Zeffy sa iyo dahil ikaw ang best friend niya dahil napaka maunawiin mong kaibigan. Kung ako best friend ni Zeffy tiyak mag seselos ako at magdadamdam dahil sa unang pagkakataon iniwan n'ya akong nag iisa during break time," muling saad ni Tasha at sumubo ng pag kain. "Bakit hindi naman ako nag iisa ah? Andito ka kaya kasama kong kumakain hehehe." Napatawa na lamang si Nexie. "Ay oo nga pala, hehehe So paano kung hindi kana kayang samahan ni  Zeffy ako isama mo ha basta treat mo hehehe," kumindat pa si Tasha sa kanya. Muling nagtawanan ang bagong magkaibigan. Ngunit napalitan ng kalungkutan ang mukha ni Nexie ng matanaw n'ya mula sa Canteen ang kanyang kaibigan na masayang magkahawak ang kamay ng kasama nitong babae. Halos hindi malunok ni Nexie ang kanyang kinakain sa nakita n'ya ,halos buhusan ng mainit na tubig ang buo nyang pagkatao sa sobrang   sakit na nadarama n'ya. Binaling nalang ni Nexie ang paningin niya sa kaniyang kinakain, dahil pakiramdam n'ya sa ano mang oras ay tutulo ang kanyang luha sa dalawang mata n'ya. "Hoy Nex,dahan dahan baka mabulunan ka? Aba mas matakaw kapa sa akin ngayon ha." Puna ni Tasha sa kanya. Tuloy tuloy pa rin ang pagkain ni Nexie at hindi pinansin ang mga pinagsasabi ni Tasha sa kanya. Ayaw n'ya kasing ipahalata dito ang sakit na nadarama niya ngayon. "Ganito pala kasakit ang makita kang masaya sa feeling ng iba Zeff, parang paulit ulit na binubogbog ang Puso ko. Tinatad-tad ng pinong pino ang pagkatao ko. Ang sakit, sobrang sakit Zeff," bulong ni Nexie sa kanyang isipan  habang tuloy tuloy sa pagsubo ng kanyang kinakain. "Nex..." Tawag ni Zeffy sa kanya ng mapansin silang palabas ng Canteen. Ngumiti lang si Nexie sa kaibigan habang papa lapit ito sa kanya. "Ahm akala ko hindi kapa kumakain  ei. Kaya hinanap kita mabuti naman kumain kana?" tanong nito. "Ah oo, s'ya ngapala si Tasha Remember? Yong nakilala ko last time, s'ya kasama ko kumain kanina," tugon ni Nexie at tinuro nito ang katabing babae. Tanging tango tango naman ang naging tugon ni Zeffy sa kanya. Pagkatapos noon ay bumaling na ito sa kasama nitong babae at iniwan sila. Nagmistulang naging tuod naman si Nexie ng pagkakataong iyon dahil nag uumpisa na ang kanyang kinakatakutang pag didistansya ng kanyang kaibigan sa kanya.   
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD