"May gagawin pa pala ako, sige alis na ako." Paalam ni Nexie kay Zeffy. Napapakamot na lang siya sa kanyang ulo habang papalayo. Pero ang totoo wala naman talaga, gusto niya lang iwasan ito. Nag umpisa na ang trabaho kinabukasan, pero nanatiling tahimik si Nexie at parating umiiwas kay Zeffy. Lalo na sa mga hirit nito sa kanya, ayaw niyang mapalapit dito. Gusto niyang iwasan ito hangga't kaya niya. "Iniwasan mo ba ako?" tanong ni Zeffy sa kanya. Bigla na lang sumulpot si Zeffy sa likuran niya habang nakatayo siya sa dalampasigan pag katapos ng kanilang trabaho. "Hindi, bakit naman kita iiwasan?" tugon niya dito at humakbang palayo ng bahagya si Nexie dito. Ngunit bago pa naman siya makahakbang ulit nahawakan na siya nito sa kamay. At hinila pa balik malapit sa kanya. "Bakit ka

