Sa maghapong pananatili ni Nexie sa kanyang kwarto kahit tawag o text man lang ay wala siyang natatanggap kay Luke, sinubukan din niyang tawagan ito pero hindi niya makuntak. Kaya minabuti niyang puntahan ulit ito sa bahay nito, kahit may takot na siyang nadarama dito ay hindi niya maiwasan na mag aalala para dito. "Luke.. " Tawag ni Nexie dito. Pero walang sumasagot. Kaya napilitang pasukin ni Nexie ang loob ng bahay pero walang Luke siyang nakita. Ginalugad niya ang buong paligid, wala na rin ang mga gamit nito. Malinis na malinis ang buong paligid. Napa upo na lang si Nexie sa kama napa hilamos ng kanyang mukha, may puwang sa puso niya si Luke minahal niya rin ito kaya nasasaktan din siya ng iwan siya nito ng walang pasabi. Hanggang isang papel ang kanyang napansin na naka ipit s

