CHAPTER 9

1279 Words
Dalawang araw na matapos ang pag-uusap naming iyon ni Wade, ngunit parang sariwa pa rin sa akin ang usapang iyon. Halos gabi-gabi akong hindi makatulog ng maayos dahil sa isiping iyon. The hell, nagbigay pa siya ng problema at iisipin. Hapon na nang napagdesisyunan ko nang umuwi sa bahay, gusto ko nang magpahinga dahil na rin sa pagod at puyat nitong mga nakaraang araw. Idagdag mo pa ang mga problema ko at si Wade. Papalabas na ako ng building nang mamataan ko si Athena sa hindi kalayuan na nagmamadaling pumunta sa may parking lot habang hindi maipinta ang kaniyang mukha. Halos madapa siya sa kakatakbo na para bang may humahabol sa kaniya. At dahil na rin sa dakilang pagka-usisera ko ay sinundan ko siya. Hindi ko alam pero parang may nag-uudyok sa akin na sundan ko siya sa may parking area. Pagkarating ko sa may parking lot ay nakita ko siyang huminto sa may tapat ng isang Mercedes Benz na kulay gray, at mayamaya pa'y may lumabas na isang naka-americanang lalaki mula sa may driver's seat. Sinalubong niya agad ito ng isang mahigpit na yakap at halik sa labi. Gosh! At sa harap ko pa talaga naglampungan, eh. Mayamaya'y ang lalaki ang unang kumalas sa kanilang yakapan at halik. Gwapo naman ang lalaki, ang kaso mukhang mas matanda ito ng lima hanggang sampung taon kay Athena. Hindi ko akalain na may sugar daddy pala ang babaeng ito. "I need to tell you something, Athena," rinig kong panimula ng kaniyang boyfriend sa kanilang usapan. Actually, nandito ako sa may itim na kotse na katapat lang ng kotse nung boyfriend ni Athena kaya naman ay rinig na rinig at kitang-kita ko ang kaharutan nilang dalawa. "What is it, Mike? Mag-a-annul na ba kayo ng asawa mo? Magiging legal na ba tayo?" sunu-sunod niyang tanong dito na siyang ikinagulat ko. What the hell? Annul? Magiging legal? Does it mean.... Athena is a mistress? Oh my gosh! Nakita ko kung paano mapabuntong hininga ang lalaki at matamang tinitigan si Athena sa mga mata nito. Nakita ko kung paano mawala ang malawak na ngiti ni Athena sa kaniyang mga labi nang marealize na hindi iyon ang gustong sabihin ng lalaki. "Athena, hindi na matutuloy ang annulment. Clarissa won't sign the papers and she also threatened me na ilalayo niya sa akin ang mga anak namin. Hindi ko kayang malayo sa mga anak ko, alam mo yun," bumuntong hininga ulit siya at napahilot sa may sentido. "I need you to understand that we have to wait patiently, Athena. Hindi madaling kausap ang asawa ko, nanghihinala na rin siya na may babae ako, and you know how much I want to protect you from humiliation. Eskandalosa si Clarissa, kaya natatakot akong baka sugurin ka niya rito at ipahiya," dugtong pa nito na siyang ikinabigla ko. Si Clarissa? Ang kapatid na babae ni Sebastian? What the hell? "But Mike, kung hindi na nga matutuloy ang annulment, habang buhay naman akong magiging kabit. Mike, napapagod na rin akong magtago, nakakapagod nang itago mo. I don't deserve this kind of situation!" ramdam ko ang sakit at pagkabigo sa boses na iyon ni Athena. Kahit naman ako, ayokong maging kabit, lalo na ang itago. My parents never teach me to wreck a family just for my own pleasure and happiness. Plus, I don't deserve to be a second option. I am more way better than that. "Athena, please. Understand. Sino ba naman ang may gustong itago ka—" "Then do something! Mahal mo ako, hindi ba? You told me how much you love me and not your wife anymore. And if you really do meant it, then do something about that freaking annulment!" galit na sigaw ni Athena saka siya naglakad paalis. Agad naman akong nagtago sa may sasakyan dahil baka makita nila ako ritong nagmamarites. Naku, patay na talaga pag nangyari yun. Mabuti na lang dahil papalabas na ng parking area si Athena, habang si Mike naman ay walang nagawa kundi ang pumasok muli sa may kotse niya at pinaharurot itong umalis. Samantalang heto pa rin ako sa likod ng kotse na pinagtataguan ko, hindi pa rin makapaniwala at makaget over sa mga narinig ko. So, Mike Vincent Herrera is cheating behind ate Clarissa's back? And not just that, he is cheating with Athena, Clarissa's best friend. Clarissa, Athena and Pietho are best of friends since highschool. Lagi nilang kasangga ang isa't isa. At hindi ko aakalain na may magtatraydor pala sa isa sa kanila. They were entitled inseparable since parang magkakapatid na ang turingan nila sa isa't isa. But Athena might be ruin their friendship just because, she becomes a mistress of her best friends husband. Bakit sa dinami-raming lalaki, ay sa asawa pa ng best friend niya siya kumabit at pumatol? Ano ba ang iniisip niya at ginagawa niya ito sa matalik niyang kaibigan? Hay, ewan! Nakakaloka! Oh, well. Gustuhin ko man silang isumbong ay wag na lang. Ayokong mainvolve sa problema nila at isa pa, bahala sila sa mga buhay nila. Gagawa lang ako ng ikakapahamak ko kapag ginawa ko yun so, no thanks. Pero, pinapanalangin ko na sana — sana malaman agad ni ate Clarissa ang panlolokong ginagawa ng dalawang importanteng tao sa buhay niya. She doesn't deserve to be cheated. She doesn't deserve any of this. Sobrang bait ni Ate Cla. At kahit sabihing eskandalosa siya, hindi pa rin tamang lokohin siya ng asawa niya. Humugot ako ng malalim na buntong hininga bago naglakad patungo sa may kotse ko na nasa hindi naman kalayuan. Kailangan ko nang umuwi, baka mabaliw pa ako kapag pinagpatuloy ko pa ang pag-iisip sa mga nakita ko kanina. Gosh! Marami pa akong problemang haharapin. At isa pa, wala na akong planong dagdagan pa iyon. Pagkarating ko sa tapat ng kotse ko ay pumasok na agad ako sa driver's seat at saka pinaharurot ito paalis. • "We have a business trip to Boracay, three days and two nights kami roon. Hindi ka ba sasama?" tanong ni Mommy habang naghihiwa ng steak sa kaniyang pinggan. Gabi na and good thing dahil maagang nakauwi sina Mommy at Daddy galing sa isa sa mga Malls namin sa metro manila, kaya naman ay nagpahanda agad ako ng dinner dahil miminsan lang kaming magkakasabay na kumain. Habang kumakain kami ay na-open-up ni Mommy ang gaganaping business trip sa Boracay this coming weekend, at gusto niya akong isama. I actually wanted to go, pero hindi ko alam kubg bakit nagdadalawang isip ako. I need to unwind and be refreshed since I've been thinking a lot of things these past few days. Gusto ko ring makapagrelax at kalimutan muna ang mga iniisip ko. "I'm not yet sure, Ma. I'll think about it first," sagot ko na lang which made her frown. "Why do you need to think about it first? I'm sure you'll enjoy being in a beach since I am aware that you have problems these past few weeks dahil sobrang tamlay mo, anak. Wala ka namang trabaho sa weekend kaya hindi ka makakaliban sa work mo." "Tama ang Mommy mo, Amethyst. Kailangan mo ring magrelax, baka isipin mo na pinapahirapan ka namin ng Mommy mo sa work," biro naman ni Daddy na siyang ikinatawa namin ni Mommy. "Dad, of course I will never think that way towards you both. Sige na nga, sasama na ako since ang pilit ninyong dalawa." Natatawa naman sila sa sinabi kaya naman ay naiiling na lang din akong bumalik sa kinakain ko. Well, this may be the right time for me to relax and enjoy without thinking about my problems and such. Deserve ko naman sigurong magbakasyon kahiy minsan man lang. Hays. I can't wait to see the beach.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD