It's been three days since that night and I am actually thankful dahil walang Wade ang nagpapakita sa akin at nangungulit na siyang ikinatuwa ko rin naman kahit na medyo nagtataka rin. But, whatever his reason is, wala na akong pakialam. Buti nga iyon, hindi ako mahihirapang iwasan siya. Hanggang ngayon kasi ay hindi ko pa rin siya kayang harapin matapos ang lahat ng mga nangyari.
It's already Monday in the morning, at dahil maaga akong nagising ay maaga na rin akong pumasok sa trabaho. Wala si Mommy dahil may business meeting sa Cebu, samantalang susunod na lang daw si Daddy sa akin sa office. I am actually working for my parents since I am the only heiress of our own legacy.
Pero kahit na ako ang tagapagmana ng yaman ng mga magulang ko ay kailangan ko pa rin itong pagtrabahuan. My father told me that I must know where to start, and I should start from the bottom.
Hinding-hindi niya ibinibigay sa akin ang mga bagay na gusto ko kung hindi ko ito paghihirapang makuha. He trained me to be patient and hard working for getting what I want. Kaya naman ay hindi ako lumaking spoiled brat. I learned how to wait until I get something I want for myself.
And I could say na lahat naman ng hingin ko ay matagumpay ko namang nakukuha.
Maliban sa isa.
Maliban kay Sebastian Almonte.
And I am trying to accept it whole hearted. Pero hindi ko pa rin talaga maiwasang hindi masaktan. I waited for him to see me half of my life. But Pietho get it effortlessly, nakuha niya si Seb ng ganun-ganun na lang kahit wala naman siyang ginawa upang mapaibig ito.
Ngunit ako?
Ilang beses na akong nagpapansin, nagbibigay motibo. I even desperately wear sexy and revealing clothes just for him to notice me. Ngunit wala. Ang manang manamit na si Pietho ang kaniyang nakita at minahal.
And I envied her so much.
Pietho's family isn't actually as rich as ours. Lahat nakukuha niya maliban sa akin na kailangan ko pang paghirapan makuha lang ang gusto ko. At yan ang isa pa sa kinaiinggitan ko sa kaniya.
I am totally insecure, I won't deny that fact. Kahit sabihin kong mas maganda, talented, mayaman ako sa kaniya ay naiinggit at naiinsecure pa rin ako dahil lahat nakukuha niya without even doing any efforts. Minsan nga naiisip ko na sana... sana ako na lang siya. Ngunit sino lang ang niloko ko 'di ba?
Niloloko ko lang ang sarili ko.
Kaya ngayon ay hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Lalo na't dumagdag pa si Wade at ang nangyari sa amin sa listahan ng mga iisipin ko.
Goodness, gracious!
Pagkarating ko sa opisina ay dumiretso na agad ako sa office ko, sa may sales department since I am the Sales department Head. We actually own several Malls in metro manila and Baguio. And our main office is located here in Quezon City.
Pagka-upong pagka-upo ko sa table ko ay agad namang lumapit si Athena, ang Marketing Head. Isang umbok ng papeles ang kaniyang dala-dala.
"Pinapabigay ng Daddy mo, he needs your opinion about this new products they wanted to release in a few months," sambit niya bago inilapag ang mga iyon sa table ko.
"Okay, pero bakit ikaw ang naghatid rito at hindi ang sekretarya ni Daddy?" tanong ko naman na siyang ikinakibit-balikat niya rin.
"Hindi ko nga alam, eh. Kahapon niya pa ako ginagawang alalay. Wala yata ang secretary niya," himutok niya naman na siyang ikinatawa ko na lang ng mahina.
"Okay, sige. Pakisabi na mamaya ko ibibigay dahil marami pa akong sales na dapat ayusin."
"Sure.."
Pagkaalis niya ay itinabi ko na muna ang mga papeles na dala niya at tinapos muna ang mga sales na dapat kahapon ko pa trinabaho.
Habang busy ako sa pagcheck ng sales at pag-ayos ng ibang problema ay bigla na lang may kumatok sa pinto ng opisina ko. Agad naman akong napaangat ng tingin.
"What is it, Lesley?" tanong ko agad sa sekretarya ko nang pumasok ito.
"Miss, Villarreal. May naghahanap po sa inyo," sagot naman niya dahilan upang maudlot ang ginagawa ko't nangalumbaba sa mesa.
"Papasukin mo," sambit ko na tinanguan niya naman bago lumabas. Bumalik naman ako sa pag-aasikaso sa mga papeles nang muling bumukas ang pinto.
Nag-angat agad ako ng tingin upang batiin ang kakapasok lang na panauhin. I already flash a smile on my lips when it suddenly disappeared in just a snap the moment I saw who the hell is my unexpected visitor.
"Good morning, Amethyst," seryoso ngunit mahinahong bati niya pagkapasok na pagkapasok niya rito sa loob ng aking opisina.
He is in disguise, which is his usual attire everytime he'll go out alone. Agad naman akong napatayo sa kina-uupuan ko habang nagsisimula namang timibok ng malakas ang puso ko dahil sa kaba, at kahihiyan.
"A-anong ginagawa mo rito?" kinakabahan at nauutal kong tanong habang pinapakalma ang naghuhuramentado kong puso.
Goodness! Calm down, Amethyst. Hindi ito ang oras para kabahan ka!
Well, it's already been three days since I walked out from his condo. But the hell, tatlong araw na ngunit hindi ko pa rin siya kayang harapin. And I don't know when. Hindi ko alam kung kailan ako magiging handa.
"Gusto lang kitang kumustahin, and also, I wanted to talk to you about what happened three days ago. We have some unfinished business, I believe. The hell, you just left without even giving us time to talk and clear things out. Kaya hinayaan muna kita, I give you three days to think and I think, that three days that I gave you is already over. We need to talk," diretso at walang paligoy-ligoy niyang sambit na siyang ikinailing ko.
"No, I don't want to talk to you yet. I'm not yet ready!" I blurted out as I shook my head. " Maybe, maybe you just come back some other time," dugtong ko bago naupo sa may swivel chair ko at humugot ng malalim na buntong hininga.
"Then, when?" he asked. Napaangat naman ulit ang tingin ko sa kaniya at nagkibit balikat.
"A month? Or a year perhaps?"
"What?"
"Or maybe, huwag ka nang bumalik. Like ever. Huwag ka nang magpakita sa akin kailanman!" I snapped out which made him laugh nonchalantly.
"Amethyst, seryoso ka ba sa mga sinasabi mo?" pagkuway ay tanong niya. "After that night? After what happened ay ganun-ganun na lang?"
"So what?" Napatayo na ako dahil sa frustrations at inis. "Anong gusto mong gawin ko? Magparty? Magsaya? After you took my vir — whatever!"
"Amethyst, look. We —"
"Nevermind it, Wade!" I cut him off. I don't want to hear those words from him.
"But—"
"Just tell me what is it exactly that you want so you can leave already?"
"It's just you, Amethyst..." pormal niyang sagot.
"What?!" Napalakas na ang boses ko.
"I mean, I want us to talk... I want us to clear things out and—"
"We don't have to talk, Wade. What happened between us was a mistake. Wala na akong planong gawin ulit iyon sa'yo — I mean, gawin ulit ang pagkakamaling iyon, okay? I'm just drunk that night. If I'm in my senses I will never ever do it, do you hear me?" Goodness, my nerve is already trembling in frustrations and my heart throbbing senselessly that any moment from now, it will come out from my ribcage.
"But you can't deny the fact that I have a responsibility to you after we both did it—"
"Oh stop it, Wade. Tulad nga ng sinabi ko, it was a mistake. Wala kang responsibilidad sa akin, kaya kung iyon lang ang pinunta mo ay pwede ka nang umalis." Nanginginig ang mga tuhod kong naupong muli sa aking swivel chair.
"Okay, fine. I guess,this will be for now, pero hindi pa tayo tapos. I will give you time and space in able for you to be ready talking about what happened between us. But for now, hahayaan muna kita. Pero kapag nagkita tayo ulit, hinding-hindi ko na hahayaan pang hindi tayo ulit makapag-usap." Inayos niya muna ang kaniyang shades at cup bago tumalikod at akma nang bubuksan ang pinto nang magsalita siyang muli. "But remember this, Amethyst. After that night, I already owned you. Akin ka na, at kahit ipagtabuyan mo pa ako ng pang-ilang beses. Sa akin pa rin ang bagsak mo sa bandang huli," his last words before he opened the door and leave.
Para naman akong napako sa aking kina-uupuan dahil sa mga sinabi niya.
How can he be so sure of his words? Bakit feeling ko ay lahat ng sinasabi niya ay magkakatotoo?
Gosh!
Wade Harris Coleman, I really hate you so freaking much!