Chapter 15

1546 Words
"Mahal kita, Seb," walang pagdadalawang-isip na sabi ko habang matiim na nakatitig sa kaniyang mga mata na ngayo'y halatang gulat at hindi makapaniwala sa narinig. I already made up my mind. Kaysa naman ang magsisi ako habang buhay dahil dito, I must at least admit the truth and tell him what I really feel towards him. It's now or never. "O-of course, mahal mo ako dahil kaibigan mo ako. And I love you the same way, Amethyst. Alam mo naman ang bagay na iyon, hindi ba?" wika niya na para bang iyon ang gusto kong ipahiwatig sa nararamdaman ko para sa kaniya. Umiling ako bilang sagot habang kagat-kagat ko ang aking pang-ibabang labi. Tinitigan ko siya sa kaniyang mga mata na puno ng pagtataka. "Seb, hindi iyan ang ibig ko sabihin. Mahal kita, higit pa sa isang matalik na kaibigan," buong puso at tapang kong pag-amin dahilan upang literal siyang mapanganga habang hindi makapaniwalang nakatitig sa akin. "W-what—" "I know it's already too late for me to admit what I truly felt towards you but — I don't care anymore," putol ko sa dapat niya sanang sasabihin bago napaiwas ng tingin at humugot ng malalim na buntonghininga. "Hindi ko na mapigilan ang sarili ko, sobra na akong nasasaktan at nagseselos tuwing nakikita ko kayong masaya. I know I shouldn't feel this way dahil parehas kayong mahalaga para sa akin but — what should I do? Mahal kita, at handa akong gawin lahat, maramdaman mo lang iyon." I added, and a deafening silence regained towards us. Sobrang lakas ng t***k ng puso ko na para bang anytime ay lalabas na ito mula sa ribcage dahil sa sobrang kabang nararamdaman ko. This is the very first time na ginawa ko ito para lang sa pagmamahal ko sa isang tao. And it's all because of Seb. Feeling ko kasi, kapag hindi ko ginawa ito ay baka sumabog na ako't hindi ko na alam kung ano ang dapat kong gawin kapag nangyari 'yon. Instead of feeling guilty of what I just admit ay parang nabunutan pa ako ng malaking tinik sa lalamunan nang ginawa ko ang bagay na dapat sana'y matagal ko nang ginawa. Walang halong pagsisisi at panghihinayang sa ilang taon naming pagkakaibigan nang ipagtapat ko sa kaniya ang totoo kong nararamdaman. Sobrang gaan pa nga ng pakiramdam ko na para bang nawala na ng tuluyan ang lahat ng sakit at pagkabigo na naramdaman ko noong malaman kong may mahal na pala siyang iba at ikakasal na sila. And worst, pinsan ko pa. "You don't have to do that, Amethyst," basag niya sa katahimikang namumuo sa pagitan naming dalawa dahilan upang mapatingin ako sa kaniya. And my heart breaks into pieces the moment I saw nothing on his eyes. Walang kahit anong emosyon ang makikita mo sa kaniyang nga mata habang nakatitig sa akin. "Seb—" "Kalimutan mo na ang nararamdaman mo para sa akin. Mahal kita, pero bilang isang matalik na kaibigan lang at hanggang doon lang iyon. You know that already, don't you?" wika niya na siyang ikinangiti ko ng wala sa sarili. Lahat ng naramdaman ko kani-kanina lang ay biglang nawala at isang matinding sakit at pighati ang agad na pumalit. My hopes and dreams immediately crashed into pieces, lalo na ang pag-asang baka may paraan pa upang mapasa-akin siya ay biglang nawala. "Why? Why can't you love me, Sebastian Almonte? I did everything just to get your heart. Para makita mo ako hindi bilang isang kaibigan kundi isang babae," hindi ko na mapigilan ang sarili kong maiyak habang nakatitig sa walang emosyon niyang mga mata. Ang sakit. Ang sakit-sakit. "Lahat ginawa ko para lang mapansin at mahalin mo ako, pero bakit ganun? Bakit ang unfair? Si Pietho na bago mo lang nakilala at walang ginawa para mapansin mo ay minahal mo agad, pero ako? Ako na kilalang kilala mo na mula ulo hanggang paa ay hindi mo man lang makita!" I bursted out which made him turned his gaze away from me which breaks me more. "I'm sorry—" "Ano ba ang nakita mo sa kaniya na wala ako? Bakit hindi mo ako kayang mahalin?" putol kong muli sa sasabihin niya dahilan upang mapatingin siyang muli sa aking mga mata. "Because I only see you as my little sister, and that's all," sagot niya na mas ikinadurog ng puso at pagkatao ko. "Isang kaibigan at nakababatang kapatid lang ang tingin ko sa 'yo. At hanggang doon lang iyon, so please. Just stop it, Amethyst. Huwag mo nang pahirapan ang sarili mo," he added that pains me more. "I did everything just to forget you, most especially my feelings towards you, but guess what? Hindi ko magawa, Seb! Kung kaya ko lang, bakit hindi?" hindi ko na mapigilan ang sarili kong maiyak ng tuluyan. "Because you're stopping yourself from doing so. Or maybe because you're expecting something towards me, hoping and praying na baka sakali ay magkaroon ng pag-asang makita kita not just my best friend but a woman that I would spend my life with—" "Bakit? Wala ba? Wala na ba talaga akong pag-asa na makapasok diyan sa puso mo?" "Amethyst —" "Mahalin mo lang ako, Seb. Lahat gagawin ko kahit na ibigay ko ang katawan ko sa'yo. Just please, please love me—" "Tama na, Amethyst," he cut me off from my sentence. "I'm already married with your cousin. Alam mo kung gaano ko siya kamahal kaya kahit anong gawin mo, hinding-hindi ko magagawa ang gusto mo." Umiling ako. Ang sakit, ang sakit sakit. Wala na akong pakialam kung magmukha man akong desperate sa harapan niya basta hindi ko kaya. Mahal na mahal ko siya. Kung nakayanan ko mang magpanggap dati na masaya ako para sa kanila, ngayon ay hindi na. Para akong pinapatay tuwing nakikita silang masaya. Mas lumalim pa ang pagmamahal ko habang nagdurusa. Hindi ko na rin kilala ang sarili ko. Hindi naman ako ganito, but because of my love towards Seb, it makes me the one who I never expected to be. Wala ako sa aking sariling tumayo at naghubad ng aking saplot sa katawan habang impit pa rin akong humahagulhol sa kaniyang harapan. Nakita ko kung paano siya nagulat at matigilan dahil sa ginawa ko. It's now or never. Kahibangan man ang ginagawa ko, wala na akong pakialam pa. "Own me, Seb." I said without any trace of hesitations na mas lalong nagpatigagal sa kaniya. "What the hell are you doing, Amethyst?" tila hindi niya alam ang gagawin habang hindi makapaniwalang nakatitig sa aking mga mata. He didn't took even a single glance on my body. And it pains me more. "I want you to make love with me, please. Own me, Seb." "I can't," he shook his head in disagreement. "Please, don't do this to yourself. Wag, Amethyst—" "Bakit, Seb?" putol ko sa litanya niya. "Mas maganda naman ako kung ikukumpara kay Pietho, ah. I am more intelligent, sexier, hotter and richer than her, but why not me?" puno ng pait na sabi ko. "Kung tutuusin mas nauna kitang nakilala kesa sa kaniya, pero bakit hindi mo ako makita? Bakit hindi ako? Bakit siya pa? Alam mo ba kung gaano kasakit? Hindi ko matanggap! I tried, I tried accepting my fate that I will never have you, that I am just a best friend for you. But no, I can't. Hindi ko kaya. Sobrang mahal kita, Seb na halos lahat ay kaya kong ibigay para sa'yo na kahit hindi mo hilingin ay gagawin ko. That's how much I am madly in love with you. That I can do everything just to have you. That I'm willing to be a freaking desperate woman, just to own you!" Lumapit ako sa kaniya at sabay na hinaplos ang kaniyang tulala pa ring mukha. "I am willing to give you my everything, Seb. Kahit magmukha na akong tanga, gagawin ko. Ganyan kita kamahal." "But I don't love you," after a moment of silence, he said like a sharp dagger that pierced my heart mercilessly. "I don't feel the same way, Amethyst. Mahal kita bilang kaibigan, iyon lang at hanggang doon lang iyon." Lumayo siya mula sa akin bago inisa-isang kinuha ang mga saplot kong nagkalat sa sahig. "Get dressed, baka malamigan ka." Binigay agad niya sa akin ang mga damit kong pinulot niya sa sahig bago niya ako tinalikuran. At bago pa siya makalabas ng kwarto ko ay lumingon siyang muli sa akin at nagsalita sa huling pagkakataon. "Sana makahanap ka ng taong mamahalin ka ng buo, a man that will see your worth and treasure you like a diamond, yung taong hindi katulad ko." And he walked away. Parang lantang gulay naman akong napaupo sa may sahig at humagulgol ng iyak. For a second time around, tuluyan nang nawasak ang puso ko dahil sa mga sinabi niya. Wala talaga akong laban sa'yo, Pietho. At yun ang hindi ko kayang matanggap. I hate you... I hate you so much! Puno ng galit, puot at inggit ang puso ko nang tumayo ako't nagbihis. Matapos kong magbihis muli ng aking damit ay naglakad ako patungo sa aking vanity mirror at tinitigan ang aking sarili. I'm a mess. Pero hindi ako susuko... Hindi ako makakapayag na habang buhay akong magdurusa ng ganito habang nagpapakasaya kayo.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD