Chapter 14

2227 Words
Halos walang makaimik nang marinig naming lahat ang sinabing iyon ni Pietho. She can't bear a child? But why? Baog ba siya? Pero sa pagkakaalam ko ay walang baog sa pamilya namin. "B-baog ka?" hindi mapigilang tanong ko dahilan upang mabaling sa akin ang pansin nilang lahat. Agad namang umiling si Pietho sa sinabi ko. "No, hindi ako baog," sambit niya dahilan upang makagat ko ang aking pang-ibabang labi dahil sa kahihiyan. Goodness, Amethyst! Ayan kasi, hindi na lang tumahimik! "If that's so, then, why you can't bear a child?" tanong naman ni Tito Robert sa anak. Halatang disappointed dahil hindi siya magkakaroon ng apo sa kaniyang panganay at unica hija. "I actually have a polycystic ovary syndrome, and I need treatment or need to diagnose first, in able for me to bear a child," sagot niya sa kaniya Ama na siyang ikinagulat naming lahat, maliban kay Seb. "But how? Paano mo nakuha ang bagay na iyan samantalang wala namang nagkaka-PCOS sa pamilya natin?" tanong ulit nito na siyang ikinakibit-balikat naman ni Pietho. "Because of my irregular period cycle, Dad. Yun ang sabi ng OB ko sa amin ni Seb." Natahimik lang kami, at hindi na rin muling nagtanong pa si Tito Robert sa kalagayan ni Pietho. Hindi ko akalain na sa pagiging perfect ng relationship nila ay mayroon talagang isang bagay na siyang magiging problema na kakaharapin nila, lalo na sa pagiging mag-asawa. Every family needs a child to call it one. Para sa akin, iyan ang pinaka-importante na dapat magkaroon ang mag-asawa upang matawag sila na isang pamilya, and that's what I always keep in my mind. It's already passed 11 nang makauwi kami galing kina Pietho. And I could say na, masaya akong makita sila ulit, but somehow jealous and insecure because of the sweetness they always show in everyone of us, everytime they get the chance. Nakakaumay rin silang tingnan kaya minsan ay inaabala ko na lang ang sarili kong mag twitter o mag-f*******:. Pagkarating ko sa aking kwarto ay inilagay ko lang ang dala kong sling bag sa may bedside table at agad na ibinagsak ang katawan ko sa kama. It was a very long night for me. Kakauwi pa lang nila pero ang dami ko nang nalaman tungkol sa nangyayari sa buhay nilang mag-asawa. Hays, ewan ko ba. Naaawa ako kay Pietho. Matagal niya na rin gustong magkaroon sila ng anak ni Seb. Hindi pa sila ikinakasal ay iyon na ang lagi niyang bukambibig. But maybe, it's not yet the right time for them to have their own little one. And somehow, I felt happy knowing that she can't bear a child yet. Alam kong masamang maging masaya sa mga ganung bagay. But, I don't know. Pakiramdam ko ay magkakaroon ako ng tiyansa sa buhay ni Seb. "WHAT? Pietho can't bear a child? And here you are, smiling because of it?" hindi makapaniwalang sambit ni Athena kinabukasan pagkarating ko ng office at sinabi sa kaniya ang tungkol doon. I know she's a friend with Pietho. Pero siya lang din ang kaya kong sabihan tungkol doon since, may sekreto rin siyang itinatago. Kaya alam kong hindi niya ako ichichismis sa kaibigan niya. "I know masama ang inaasta ko ngayon, but I can't help it." I reasoned out which made her give me a suspicious look. "Sabihin mo nga sa akin, may gusto ka ba kay Seb?" Agad naman akong napalunok sa sinabi niyang iyon. I already expecting that she'll gonna ask me that question. Pero, nakakakaba pa rin pala talaga. "Athena—" "I knew it. May gusto ka nga base pa lang sa reaksyon ng mukha mo," sambit niya bago pa man ako makapagsalita. "Hindi mo naman iyon ipagkakalat, hindi ba? Lalong lalo na ang sabihin sa pinsan ko ang tungkol doon." I said, hopefully. She stared at me without any trace of emotion, ngunit mayamaya nama'y ngumiti siya sa akin at tumango which made me sigh in relief. "You know what? I understand you, cause I've been there, and still in that situation," umupo siya sa may sofa ng aking opisina at pinagkrus ang kaniyang braso sa harap ng kaniyang dibdib. "I'm a mistress, Amethyst. Kabit ako ng asawa ng kapatid ni Sebastian na si Clarissa. Almost 2 years na," my jaw literally dropped the moment I heard how long they were cheating behind ate Clarissa's back. So, it's not only weeks, or months, but years? "That long?" hindi ko makapaniwalang sambit na siyang ikinatango niya naman ng walang pagdadalawang-isip. "Yes, at ayokong matulad ka rin sa akin, Amethyst. Base pa lang sa kilos at kislap ng mga mata mo ay alam kong hindi na maganda ang maidudulot sa iyo. Kaya naman habang maaga pa, itigil mo na iyang nararamdaman mo para sa asawa ng pinsan mo dahil hindi madali. Hindi madaling maging isang kabit na katulad ko. And I know and I believe that you don't deserve to be like me," sambit niya na para bang nalalaman niya na kung saan patungo ang nararamdaman kong ito para kay Sebastian. "Paano mo nakakayanan na gigising ka sa araw-araw na laging may tinik sa dibdib mo, Athena? Paano mo nakakayanang maging masaya sa kabila ng sitwasyon mo/ninyo?" hindi ko mapigilang tanong na siyang ikinangiti naman niya ng mapait. Kitang-kita mo talaga sa mga mata niya ang sakit at hirap. "By accepting my choice, Amethyst," sagot niya na siyang ikinatikom ng aking bibig. "And of course, ang harapin ang pinili kong buhay," she continued. "This isn't actually my fate but my choice, Amethyst. And my choice is to be someone I know I would regret choosing at the end of the day. Nabulag ako, eh. Nabulag ako sa pagmamahal. At dahil doon ay hindi ko na alam kung paano pa aahon. Sobrang hirap, hindi ka mapapanatag lalo na't alam mo sa sarili mong pangalawa ka lang. Gabi gabi ka ring babangungutin ng iyong konsensya at iyon ang ayokong mangyari sa'yo. Kaya't habang maaga pa, itigil mo na. Iyon lang ang alam kong dapat mong gawin, bago pa maging huli ang lahat," she added which made me completely speechless. Ang hirap pala ng pinagdadaanan niya. Dahil lang sa pagmamahal mo sa isang tao ay makakagawa ka talaga ng isang bagay na kahit kailan ay hindi mo naisip na gagawin mo. Naisip ko na rin iyan. At akala ko'y ganun lang kadali, pero hindi pala. I even question Wade about, why do men cheat? Kung ako mismo sa sarili ko ay alam kung bakit nagagawa nila ang mga bagay na iyon. And it is because, they choose to be tempted by it. And it will strengthen by the burning desire of their being. Most especially, their wicked heart. Ngayon ay naiintindihan ko na. That both cheating and being a Mistress is a choice and not a fate nor destiny. Buong maghapon ay hindi ako tinantanan ng utak kong parang sirang plakang paulit-ulit na nire-recall ang lahat ng mga sinabi ni Athena sa akin. Hanggang sa makauwi na lang ako sa bahay ay naiisip ko pa rin ang mga salitang binitawan niya. Goodness! Baka hanggang sa pagtulog ay iyon pa rin ang mapapanaginipan ko. "Amethyst, anak? Kanina ko pa napapansing matamlay ka't wala ka sa sarili mo, is something bothering you? You have a problem?" hindi mapigilang tanong ni Mommy nang mapansin ang kakaibang ikinikilos ko. And there, Athena's words from earlier suddenly flashed inside my mind. "Is it all about your work in the office? Or maybe, ang pagtuturn-over mo as the only heiress of our legacy next year? Nape-pressure ka ba namin ng Mommy mo about that?" dugtong naman ni Daddy na siyang agad ko namang ikinailing. "N-no — no, Dad. H-hindi po about doon," pautal-utal kong sambit dahil sa pagkataranta. Gosh! Bakit ba nila naisip ang bagay na iyon? Ni hindi na nga sumagi sa isip ko na ako na pala ang mamamahala ng buong ari-arian namin next year. And worst, hindi pa enough ang knowledge ko kung paano iyon papatakbuhin, but here I am, mas pinoproblema ko pa ang lahat ng napag-usapan namin ni Athena kesa ang matutunan ang iba't ibang strategies at techniques para mas lumago ang negosyo namin. "So, what's the matter? Bakit iba yata ang awra mo ngayon? Don't tell me, dahil sa pagtutulak namin sa iyong magboyfriend na dahil tumatanda ka na?" tanong ulit ni Mommy na mas lalo kong ikinailing. Grabe naman si Mommy sa tumatanda. I'm only 23! Hindi pa ako matanda! "Hindi po, Mmy. Nagkakamali po kayo, sadyang napagod lang po talaga ako ngayong araw and that's it. Iyon lang po talaga at wala nang iba," well, it's actually half true. "Are you sure?" My Dad gave me a suspicious look. "Yes, Dad. Sure po," kinakabahan ko namang sagot pero hindi ko pinahalata dahil alam kong maha-hotseat na naman ako ngayong gabi. Mukha naman silang naniwala kaya naman ay nakahinga agad ako ng maluwag dahil doon. Masyado yata akong affected doon sa mga sinabi ni Athena kaya ako nagkakaganito. Masyado yatang nagulo ang sistema ko. Alam niyang may gusto ako kay Seb, and the fact that Pietho can't bear a child makes me believe na kahit katiting man lang na pag-asa, ay magkakaroon na ako. But those hope just crashed into pieces, nang sinabi niyang, iyon lamang ay magdudulot sa akin ng hindi maganda. She's actually right naman. Lahat ng sinabi niya sa akin ay tama at may punto. Ang hindi ko lang maintindihan ay ang sarili ko. Ayokong makasira ng pamilya. My mind keeps on telling me that Athena is right, and that's the exact thing that I must do. But my heart keeps on arguing with my mind and always pushing me not to listen to it. Ang hirap magdesisyon kung pati puso at utak mo ay hindi magkatugma't hindi magkaintindihan. "AMETHYST, hija. May bisita ka," tawag sa akin ni Manang mula sa labas ng aking kuwarto. Matapos ng hapunan kasi ay dumiretso na agad ako rito sa kwarto ko para magbasa nang mabawas-bawasan naman ang iniisip ko. And when I was about to enjoy the novel I am reading ay saka naman ang pagtawag sa akin ni Manang. "Nariyan na po!" sagot ko na lang at binaba ang librong binabasa ko. Sino naman kaya ang bibisita sa akin ng ganitong oras? It's already 8:13 in the evening. Tumayo na agad ako mula sa kina-uupuan ko at agad nang lumapit sa pintuan, and the moment I opened my rooms door ay halos mapatalon ako dahil sa gulat nang bumungad agad sa akin ang nakangiting mukha ni Sebastian. "Seb! Nakakagulat ka naman!" sambit ko at agad na napahawak sa aking dibdib. "Hi, Amethyst. Good evening, pasensya na at nagulat kita," napakamot agad siya ng kaniyang batok. Iyan ang palagi niyang ginagawa tuwing hindi siya nagsasabing bibisita siya at basta na lang akong gugulatin sa labas ng kwarto ko. But I'm happy because he's here. "Nevermind. Halika, pasok." Niluwagan ko ang pagbukas ng pinto at saka ako naglakad pabalik sa may inuupuan ko kani-kanina lang. Naramdaman ko naman ang pagpasok niya at pagsirado niya ng pinto. "Anyway, what brings you here? Gabi na, ah? Hindi ba mag-aalala ang asawa mo sa'yo?" Agad kong tanong nang makalapit na siya sa gawi ko. "Don't worry, hindi naman ako magtatagal," that made me feel a bit disappointed. "I actually just wanted to give you my pasalubong since nakalimutan kong ibigay ito sa'yo kagabi dahil nawala sa isip ko," sambit niya at saka kinapa ang kaniyang bulsa. "Ano yan?" tanong ko agad nang ilahad niya sa akin ang isang pahabang box na tantiya ko'y isang mamahaling alahas. "It's a bracelet, ang sabi ni Pietho ay magugustuhan mo raw ito, kaya binili na namin bilang pasalubong sa iyo," sagot niya at agad na inilagay sa kamay ko ang box ng alahas na binili nilang mag-asawa. I just bit my lower lip the moment I accepted their gift. Parang may kung anong kumurot sa puso ko nang sabihin niyang binili nila itong dalawa para sa akin. I actually expecting that only he himself thought about buying this gift for me. Pero, asa pa ako. Simula nang mag-asawa siya ay alam kong hindi niya na magagawa pa ang lagi niyang ginagawa sa akin dati. Which pains me the most. Well, bakit ba ang arte ko? Ako na nga ang binigyan ako pa ang choosy, eh! "Sobrang mahal mo talaga siya, ano?" sambit ko na halos pabulong na ngunit sapat lang para marinig niya. "Oo naman. At alam mo naman iyon matagal na, hindi ba?" "I know," mapait na ngiti ang agad na sumilay sa aking labi habang ang puso ko naman ay patuloy na nadudurog dahil sa pagsampal sa akin ng katotohanan. "She's very lucky." Sa sobrang lucky niya ay nasasaktan ako. Naiinggit, at nadudurog ng paulit-ulit habang sinasampal sa akin ang katotohanang hanggang dito lang ako. Hanggang best friend lang at wala nang iba. "May problema ka ba, Amethyst?" takang tanong ni Seb na siyang ikinailing ko naman at ngumiti. What if, sabihin ko na lang kaya sa kaniya ang totoong nararamdaman ko? Para naman aware siya na hindi lang si Pietho ang nagmamahal sa kaniya, hindi ba? And what if — what if pakinggan ko naman ang puso ko? Kahit ang kapalit niyon ay ang pagkasira ng ilang taon naming pagkakaibigan? Am I ready? Am I ready to ruin our friendship just because of my undying love towards him?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD