"Amethyst?"
Agad kong pinahid ang mga luhang kanina pa lumalandas sa aking pisngi nang bigla na lang pumasok si Mommy sa aking kwarto na malawak ang ngiti, ngunit dahil sa nadatnan niya rito'y agad namang nawala at napalitan ng pag-aalala.
"What happened? Are you crying?" nakakunot-noong tanong niya dahilan upang agad akong mapailing at pekeng natatawa.
"Me? Crying? Of course not, Mom. Napuwing lang po ako," palusot ko naman at agad na napa-iwas ng tingin nang taasan niya ako ng kilay.
"Amethyst," may panunuyang sambit niya na siyang ikinakagat-labi ko naman.
Bakit ba hindi ko kayang magsinungaling?
Pagkauwing pagkauwi namin kanina ay agad na akong dumiretso rito sa may kwarto ko at nagkulong. Hindi ko maintindihan pero, parang bigla na lang bumalik sa akin ang lahat ng sakit nang malaman kong babalik na sila bukas galing sa honeymoon.
Parang, hindi ko pa sila kayang makita. Feeling ko ay baka bumigay ako kapag nakita ko ulit silang masayang magkasama.
I know, hindi tama ang nararamdaman ko, but what would I do? I am still into him. At hindi ko alam kung paano kumawala kung sa tuwing kinakalimutan na siya ng puso't isip ko ay saka naman siya susulpot muli sa buhay ko.
"Bakit naman po ako iiyak, Mmy? So no, I am not," because I am bleeding. My heart is continuously thorn apart. Pieces by pieces. Yan ang gusto kong sabihin, pero hindi ko ginawa.
I thought I am getting over it. Getting over with the pain and burdens, but no. Nakatago lang pala siya. Hindi pala siya talagang nawala.
Fuck it!
Naramdaman ko naman ang paglapit ni Mommy sa kina-uupuan ko. Mayamaya pa'y naramdaman ko ang kaniyang magaang paghaplos sa aking buhok na siyang ikinapikit ng aking mga mata. Iyan ang lagi niyang ginagawa tuwing alam niyang nahihirapan akong mag-open-up sa kaniya.
"I understand, anak. And it's pretty normal. Hindi naman talaga natin maiwasang masaktan lalo na't hindi naging atin ang taong gusto nating makasama sa panghabang buhay," gulat na napalingon agad ako sa kaniya nang marinig ang bagay na iyon.
Does she also knew?
"Mom?"
"Nakalimutan mo na ba? Bata ka pa noon nang sinabi mo sa akin na, sa wakas ay may crush ka na. And two days from that day ay sinabi mo namang, your crush will finally be the man you're going to marry one day. I guess that was... Ten years ago?" Agad namang bumalik sa alaala ko ang lahat ng mga nangyari noong mga panahong iyon.
Lalo na ang araw na iyon. Kung saan at papaano ko nakilala si Sebastian Almonte.
"Hoy! Itigil niyo nga ang pang-aaway sa kaniya!" sigaw ng isang batang lalaki nang makita akong inaaway at pilit kinukuha ang baon ko ng mga iilang mga batang babae.
Simula kasi nang tumuntong ako ng Elementary ay halos lagi akong inaaway at tinutukso ng mga kaklase at schoolmates ko dahil sa mala-r****h kong kaputian at mala-disney princess kong itsura. Lagi rin nilang kinukuha ang baon kong lunch at meryenda.
Imbes na magkaroon ako ng mga kalaro at kaibigan ay puro pang-aaway, at pambubully ang lagi kong natatanggap mula sa kanila. Ewan ko ba, allergic yata sila sa magaganda?
Akala ko nga, wala nang magtatanggol sa akin mula sa mga bullies, but Sebastian came out of nowhere. Parang sa isang iglap lang ay nabago ang lahat.
"Okay ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?" tanong niya nang biglang magsitakbuha ang mga batang nang-aaway sa akin.
Lumapit siya sa akin at tinulungan akong tumayo mula sa damuhan ng playground ng school namin.
"Okay lang ako, buti na lang dumating ka, kundi baka sinaktan na nila ako. Thank you, ha?" ngumiti ako ng tipid sa kaniya na siyang ikinangiti rin niya.
"Lagi ka ba nilang inaaway?" tanong niya nang makaupo kami sa may malapit na bench.
Lunch time na actually, at yung mga batang nang-aaway sa akin ay balak nga sanang kunin ang baon ko, buti na lang dahil dumating siya at tinulungan ako.
"Oo, mostly kinukuha nila baon ko. Minsan nga umuuwi ako sa bahay na gutom, eh. Nagtataka nga ang Mommy, pero hindi ko na lang sila sinusumbong at sinasabing, napagod lang ako sa pakikipaglaro," sumbong ko sa kaniya na siyang ikinatango naman niya. "Buti na lang dahil dumating ka, kaya hindi nila nakuha ang baon ko. Salamat talaga, ha?"
"Naku, walang anuman iyon," sambit niya at bahagya pang ginulo ang magulo ko nang buhok. "Don't worry, simula ngayon ay magiging knight and shining armor mo na ako. Hindi ko hahayaang i-bully ka nila ulit. Anyway, ako nga pala si Sebastian. Seb na lang ang iatawag mo sa akin," pagpapakilala niya at inabot ang kamay para makipagshake hands na siyang tinanggap ko naman.
"Amethyst ang pangalan ko. Nice to meet you, Seb."
"Nice to meet you too, Amethyst."
At simula nga ng araw na iyon, ay naging normal na ang takbo ng buhay ko dahil lagi siyang nasa tabi ko para ipagtanggol ako mula sa mga kaklase at schoolmates kong bullies.
Hanggang sa nasanay akong lagi siyang nasa tabi ko at magkaroon ako ng crush sa kaniya. A big crush. As simple as that.
But as time goes by, my simple crush on him turns into love. Na ako lang din ang nakakaalam.
"Hindi ko na po matandaan, Mmy. Siguro nga dahil bata pa ako nun," pagsisinungaling ko na lang at binaling ang tingin sa labas ng bintana.
Naramdaman ko ulit ang maingat na paghaplos ni Mommy sa aking buhok.
"Well, siguro nga. Bata ka pa nga nun para matandaan mo, but as your mother, I know for sure that you're referring to Seb and that, you've had a big crush on him."
"Well, yeah. Maybe?"
"So, anong masasabi mo nang maikasal na ang taong gusto mo sa iba? Well, hindi lang basta ibang tao, because it was your cousin whom he marry." Marahan ko namang nakagat ang aking pang-ibabang labi dahil sa tanong na iyon ni Mommy.
"Of course.. I'm—I'm happy for them..." Halos pabulong ko nang sagot habang pinipigilan ang sariling huwag magbreakdown sa harap ni Mommy dahil sa kirot at pait na nararamdaman ko. "Masaya ako, para sa kanila. Who wouldn't?" pilit kong kumawala ng pekeng tawa kahit na dinudurog naman ang puso ko sa sakit at selos.
"Of course, you're right, anak. And I'm glad hearing that," she said as she kissed me on my head. "At siguro naman, panahon na rin para sa iyo na magseryoso, ano? You're not getting younger anymore, hija. It's about time for you to get into serious relationship, and of course, giving us a grandchildren. And I meant it."
Natatawa naman akong naiiling dahil sa mga sinabi niya. Paano ko naman siya mabibigyan ng maraming apo, kung buong buhay ko ay nakatuon lang kay Seb. Waiting for him to see me not just a best friend but a woman to spend his whole life with.
"Mmy, bata pa po ako. Maybe it's not yet the right time for me to be in a serious relationship. 23 pa lang naman ako, hindi 53."
Sabay kaming natawa sa sinabi kong iyon. Wala naman siyang nagawa kundi ang hayaan muna akong enjoyin ang buhay ko bilang dalaga.
KINABUKASAN nga ay dumating sina Seb at Pietho mula sa kanilang naudlot na honeymoon at inimbitahan kaming pumunta sa kanila for a family dinner.
Hindi naman ako makahindi dahil kasama ko sina Mommy at Daddy na pupunta. Kaya naman kahit labag sa loob ko, ay sumama na lang ako.
"Tito Terence! Tita Agnes! Mabuti naman po at nakarating kayo," masayang bati ni Pietho pagkakitang pagkakita kina Mommy na papasok na ng front porch nila kaya naman ay agad niya itong sinalubong ng isang mahigpit na yakap at halik sa pisngi.
"Of course naman, hija. We've missed you so much!" sambit naman ni Mommy bago kumalas ng pagkakayakap kay Pietho.
"I've missed you too, Tita." Pietho answered happily.
"You're blooming, magaling bang mag-alaga ang asawa mo?" natatawang biro ni Daddy na siyang ikinatawa naman nina Mommy at Pietho at ikinakagat-labi ko naman nang maramdaman ko ang kirot nang marinig ang bagay na iyon.
Goodness, Amethyst! They're married for f*****g sake!
"Tito talaga, masyadong mapagbiro! Anyway, where's Amethyst?" Agad naman akong napatayo ng maayos nang sabay-sabay silang lumingon sa gawi ko.
"Uh — hi?" Halos mabatukan ko ang sarili ko dahil sa ginawa ko. Mukha akong timang na hindi alam ang gagawin sa harapan niya!
Nakangiting naiiling naman siyang lumapit sa akin at binigyan ako ng mahigpit na yakap. "How are you? I missed you so much!" rinig kong sambit niya bago niya ako pinakawalan at tinitigan sa mga mata. "Hindi mo ba ako namiss?" Pagkuway ay nakanguso niyang tanong.
"Namiss kita syempre, and I'm doing good," well, I am not actually telling a lie. "Tama nga si Daddy, blooming ka. Ang galing mag-alaga ng best friend ko, ano?" pinilit kong magbiro, pero ako lang din naman ang nasaktan sa biro ko.
Natawa naman siya sa sinabi ko't biglang pinisil ang tungki ng ilong ko. "Mana ka talaga sa Daddy mo! Tara na nga sa loob, naghihintay na sila."
Hinila niya na agad ako papasok sa loob kaya naman ay wala akong nagawa kundi ang magpahila na lang sa kaniya.
Goodluck na lang sa akin. Sigurado naman kasing maliban sa mahihirapan ako sa sitwasyon naming ito ngayon, ay magiging ako naman ang laman ng kanilang usapan tungkol sa pakikipagrelasyon at bumuo ng sarili kong pamilya.
Edi sana sila na lang ang gumawa, ano? Hinahassle pa ako.
Pagkarating namin sa may dinning area ay kompleto na silang lahat, naroon na rin sina Mommy at Daddy, nakaupo na sa kanilang mga upuan at halatang kami na lang dalawa ni Pietho ang hinihintay.
Agad namang napatayo si Sebastian at sinalubong kaming dalawa ni Pietho.
"Amethyst! How are you? I'm glad to see you again," sambit niya nang makalapit na sa amin ni Pietho at bineso ako.
"Of course, I'm doing good. Kung maka-I'm glad to see you ka naman, eh, parang isang taon kang nawala, ah." Agad naman silang natawa sa sinabi ko.
"Kahit kailan talaga, panira ka, ano?" Ginulo niya agad ang buhok ko na siyang ikinatigil ko.
How I missed the way he messed up my hair everytime na binabara ko siya.
Fuck it, Sebastian! Paano ako makakamove-on kung ganito ka na lang palagi sa akin?
"Hay naku, kumain na nga lang tayo," singit naman ni Pietho at agad na kaming hinila palapit sa kaniya-kaniya naming upuan.
Nang maka-upo na kaming lahat ay nagdasal muna kami bago kumain. The same old routine everytime we're having dinner with Pietho's family.
Nang matapos ang maikling dasal ay agad na kaming nagsimulang kumain.
"Anyway, how's your work with your parents, Amethyst? Balita namin ay ikaw na ang hahawak ng kompanya ninyo by next year? I'm glad that you really do your job very well, sabi ko na nga ba't kayang kaya mo, eh!" panimula ni Tito Robert dahilan upang gulat akong mspabaling kina Mommy at Daddy dahil sa anunsyong iyon.
Wait, bakit hindi ko alam ang bagay na iyon? My parents never mentioned anything about that matter.
"P-po?" hindi maipagkakaila sa boses ko ang pagkalito.
"You didn't know?" tanong naman agad ni Seb na mas lalong ikinataka ko.
He knew?
"She doesn't know yet," sagot naman ni Daddy na napakamot naman ng ulo.
So, totoo iyon?
"And we've planned on telling her tonight as a surprise, ngunit nakalimutan mo na yatang surpresa iyon Roberto," naiiling namang sambit ni Mommy dahilan upang mabatukan ni Tita Preshy ang kaniyang asawa na ikinatawa nilang lahat.
"Kahit kailan talaga, Rob! Napakalaking engot mo talaga, ano?" untag nito na mas lalong ikinahalakhak nina Pietho, Seb, Mommy at Daddy maliban kay tito Robert na nakasimangot at sa akin na halatang gulat pa rin dahil sa narinig.
Bakit biglaan naman yata ang desisyong iyon nina Mommy? I'm not yet prepared for it. Mukha yatang mahihirapan ako. Lalo naman ang tanggihan ang i-handle iyon next year. My parents were getting older na rin, and I must do my job as an heiress. Ang kaso nga lang ay hindi pa sapat ang knowledge ko para patakbuhing mag-isa ang negosyo.
Oh my good Lord. Naway matulungan niyo po ako.
"SO, kailan naman namin paghahandaan ang pag-aasawa mo, Amethyst? Mukha yatang hanggang ngayon ay wala ka pa ring naipapakilala sa amin na boyfriend mo," tanong ni tita Preshy sa gitna ng dinner namin. Para naman akong nabulunan dahil sa taning niyang iyon.
"Don't tell me na nagpaplano ka nang tumandang dalaga dahil mukhang hindi ka naman interesado sa pakikipagrelasyon?" dugtong naman ni Pietho na siyang ikinatingin naman nilang lahat sa akin. Naghihintay ng aking sagot.
Agad naman akong napakagat-labi at palihim na sumulyap kay Sebastian na ngayon ay nakatitig rin sa akin.
Goodness! Ito na nga ba ang sinasabi ko. Ang hot seat.
'Eh paano ba naman ho, nagpakasal na sa ibang babae ang taong mahal ko!' iyan ang gusto kong sabihin, but I decided against it. Ayoko namang mapahiya at magmukhang desperada o ano, lalong lalo na sa harapan nila. Nasa tamang katinuan pa naman ako para sabihin ang bagay na iyon.
"Wala pa po sa isip ko ang pagbo-boyfriend, lalo naman po ang pag-aasawa. I'm still too young for that." I just reasoned out, since hindi naman pwedeng sabihin ko ang totoong rason ko.
That's the least thing that I would do.
"Amethyst, you're already 23 and turning 24 next month. You're not getting any younger," sabat naman ni Tito Robert na siyang kinasang-ayunan naman nila Mommy at Daddy.
"Wala ka bang plano na bigyan kami ng apo?" singit namang tanong ni Daddy na siyang ikinabuntong hininga ko naman.
Bakit ba big deal sa kanila ang mga bagay na ito? Eh, yung sa ibang pamilya nga, kung pwede lang ay huwag na nilang pag-asawahin ang mga anak nila, pero ang parents ko? Para yatang pinaparamdam na nila sa akin na pabigat na ako sa pamilya namin, ah.
Kung dati ay halos hindi ako papalabasin, pero ngayon, parang binubugaw na ako, ah? Ano ba talaga?
"Dad, hindi naman po sa ganun—"
"Oo nga, speaking of apo. Kayong dalawa, Pietho at Sebastian. Nakabuo na ba kayo?" Excited namang tanong ni tita Preshy dahilan upang hindi ko maituloy ang sasabihin ko.
Halos mapatampal na lang ako sa aking sariling noo dahil sa lumalabas sa kanilang mga bibig. Masyado yata silang atat magka-apo, ah!
"U-uh — a-actually po, Mom, Dad—" biglang napatahimik ang buong dinning room nang magsalita si Pietho na mukhang kinakabahan. She looks uneasy.
Napansin ko naman ang paghawak ni Seb sa kaniyang kamay at tipid siyang nginitian, na para bang pinapahiwatig niya na ayos lang.
"Mom, Dad, Tito Terence and tita Agnes," tawag pansin ni Seb sa parents ni Pietho at sa parents ko. "We have something to tell you po."
"Aside po dito sa family dinner ay may importante pa po kaming sasabihin," napatingin muna si Pietho kay Seb bago ibinalik ang tingin sa aming lahat. "I-I can't bear a child."