Chapter 12

2476 Words
"Ano ba ang ginagawa mo rito? Hapon na, ah. Wala ka bang gala? I mean, a date to prepare for? Or maybe a men's night out? It's Saturday night, if you don't remember? You should go somewhere else to have fun. Look, ilang araw kang subsob sa hectic mong trabaho bilang artista, modelo at advertiser, minsan ka na nga lang din makapagbakasyon tulad nito na walang umaaligid na fans at paparazzi, eh, aaksayahin mo lang sa pagba-bodyguard sa akin," dire-diretso at walang preno kong sambit sa lalaking kaharap ko ngayon at busy sa pagkuha ng litrato sa akin dito sa may dalampasigan. Maghapon kaming magkasamang dalawa sa pamamasyal gamit ang pagmamay-ari niya pa lang Yate, nag snorkeling at nag jet ski rin kami at sabay na kumain ng lunch. Naglaro rin kami ng volleyball kahit kaming dalawa lang hanggang sa mapagod tapos ngayon ay nandito pa rin siya, sinasamahan akong mag photoshoot sa dalampasigan kahit malapit nang gumabi. Nagplano rin siyang magbonfire kami mamaya kaya naman ay hindi ko na mapigilang magtanong. Pero hindi man lang niya ako inabalang sagutin. "Hey, Wade! I am talking to you!" I snapped out, trying to get his attention. "Amethyst, it's still 5:23 in the afternoon. Wala pang bar na bukas sa ganitong oras. Alas otso o alas nuwebe pa ng gabi ang start niyon," sagot niya habang nasa camera pa rin ang atensyon. He is actually insisting on taking a picture of me with the beautiful sunset as my background kahit na masyado akong malikot. Hindi ko nga alam kung maganda ba ang mga kuha niya. Well, hindi naman kasi talaga ako mahilig mag picture. Mas gusto ko pa ang mag-enjoy kaysa ang kumuha ng picture ng sarili ko bilang remembrance. And if ever na hindi maganda ang mga kuha niya sa akin ay aasarin ko talaga siya ng bonggang bongga. Nagfefeeling photographer, eh, hindi naman maganda kumuha ng picture. But on the contrary, I still appreciated all of his efforts just to accompany me, lalo na ang samahan niya akong mag-enjoy dito sa Boracay kahit na puro kamalditahan lang ang pinapakita ko sa kaniya. Hinala ko nga, he is just doing this for me to forget about Seb. Minsan niya kasi akong nahuhuling tulala at haplos-haplos ang regalo ni Seb na singsing sa akin habang nakatanaw ako sa malayo. Well, it's only just a guess. Hindi ko naman talaga alam kung ano ang gusto niyang mangyari, o kung bakit niya ginagawa ang bagay na ito. I know he really has a deep reason aside from wanting to make friends and have peace with me. "Does it mean ba na, while you're waiting with your date or maybe your night out with your friends, eh, dito ka muna magpapalipas kasama ako? Am I right?" I asked which made him frown. "Ano ba iyang pinagsasabi mo? Syempre hindi," maagap niyang sagot still his focus on his camera. Para siyang may kinakalikot na ewan. "I already told you that I don't have anything to do tonight." "Then, why?" I asked curious. "Anong why?" tanong rin niya which made me rolled my eyes in the air. "Bakit, duh? I mean, bakit wala kang lakad tonight? Seb told me that every Saturday night, eh, lagi kang nasa bar or you're always going out with someone with your usual disguise." "What?" hindi niya makapaniwalang sambit. "Come again?" "Seb told me that he can't reach you out every Saturday night dahil yun ang tanging oras mo para makapagbabae," sagot ko naman dahilan upang maibaba niya ang kaniyang camera at naiiling na natatawa na ewan? "What the hell? He really told you that?" tila hindi niya pa rin makapaniwalang tanong na siyang ikinatango ko naman bilang pagsang-ayon. " So, sirang-sira na pala ang pangalan ko sa'yo. Gagong Sebastian yun, ah." "Uh-huh," tumatangong sagot ko bago namewang. "And I don't really get it why men do play with girls feelings, I mean. Don't get me wrong ha? Mostly kasi sa mga lalaking nai-issue ngayon lalo na sa mga artista ay laging tungkol diyan. I'm just curious and somehow, wondering why." And for unknown reason ay bigla na lang nag flashback sa akin ang mga nakita ko nung nakaraan. Ang tungkol kina Athena at sa boyfriend niya na asawa ni Ate Clarissa. Aside from men playing girls feelings, why do men cheat? "Alam mo, Amethyst. Hindi lahat ng lalaki ay pinaglalaruan ang nararamdaman ng mga babae, marami namang seryoso at gusto lang makita ang taong nais nilang iharap sa altar. That's why they date them somewhere, may iba naman na both sides ay alam na laro lang din ang lahat sa kanila, walang personalan," he said as he put down his cam and seated on the sand habang tinatanaw ang papalubog nang araw. "And in my case, those were just funny dates... Laro lang din at walang personalan. Lahat ng babaeng nakakadate ko ay alam na hindi ako into serious relationship. Some knows me as a womanizer or a playboy or something like that, but the truth is, I am really not. I date not because I only want fun. I date because I am, somehow, hoping that I could find her in one of them kaya naman—" "What?" I interrupted from his sentence which made him turned his gaze at me. At ako naman na curious ay agad na naglakad palapit sa kaniya at naupo sa tabi niya habang tinitigan siya ng pagkataka-taka. "Come again, Wade. You're only dating girls because you only wanted to find someone in one of your dates? Either her qualities or her attitudes? So, that's the reason why you're dating lots of girls? Dahil may hinahanap ka? Am I right?" dugtong ko pa dahilan upang mas matigilan siya dahil mukhang nadulas siya sa sinabi niya. Agad naman siyang umiwas ng tingin mula sa akin, which I confirmed that I am right. Kaya pala wala siyang tigil makipagdate sa kahit sinong mga babae dahil may hinahanap siya. At iyon ay ang taong napupusuan niya na siguro'y ayaw sa kaniya kaya hinahanap niya na lang sa iba. What a poor Wade. Sa gwapo ba naman niyang iyan ay may aayaw pa rin pala? I wonder what she looks like. Is she also a public figure just like him? A model or something? "Now I know that there's a certain girl who actually captured your heart, huh? So, tell me, does she likes you? Does she know?" sunud-sunod kong tanong, pero hindi man lang siya nag-abalang sagutin ako. "Hey! I am talking to you! Bakit bigla ka yatang napipe? Bugla mo siyang naalala, ano?" pukaw ko sa atensyon niya nang hindi niya pa rin ako kinikibo. Agad naman siyang nagbuga ng malalim na buntonghininga bago ngumiti ng kaunti. "I always remember her. Well, she's always on my mind, actually," he said finally. His voice became sad and you could really feel the loneliness on it. "Who is she?" usisa ko pa rin. "Ex mo?" tanong ko pa. "Nope. Actually, never naging kami." Napa-'Oh' naman ako sa kaniyang sagot na mas lalo kong ikina-curious. Kahit pala mga gwapo, nabo-broken hearted din pala. "Why? She doesn't like you?" straight-forward kong tanong na siyang ikinatawa niya ng pagak. "Well, you could say that," agad naman akong nakonsensya sa naging sagot niya. So, tama nga ako. Ayaw nga sa kaniya nung babae. "She doesn't even interested in me." Napatango-tango ako. Nakakalungkot, at nakakatuwa at the same time. Parehas pala kami ng pinagdadaanan. "Kawawa naman tayo, ano? Akalain mo yun, parehas pa tayo ng sitwasyon," natawa rin ako ng pagak at katulad niya'y tumitig na rin sa madilim nang karagatan. I actually felt pity for him. Naiintindihan ko ang pinagdadaanan niya dahil ganun rin ako. I've been there, and I could say that it's really freaking painful. Nagpapasalamat nga rin ako sa kaniya dahil, kahit na hindi naging maganda ang samahan namin, I could really say that, he really helped me lessen the pain and the burden I am carrying all these years whenever he's around. Miminsan ko na ring nakakalimutang, nasasaktan nga pala ako. Maybe, that's the reason why he could easily read me and my every actions dahil parehas kami ng karanasan. How ironic, isn't it? "Nga pala, Wade." Tawag ko sa pansin niya na siyang ikinalingon niya naman sa akin. Tinitigan ko naman siya ng makahulugan. And this time, I am already grinning towards him, like I am planning something silly and really foolish. Oh, well. Parehas naman kaming single, so, why not? "Anong klaseng tingin at ngiti iyan?" nagtataka niyang tanong na siyang mas lalong ikinangiti ko. "What? Bakit? Ano ba sa tingin mo?" balik ko namang tanong sa kaniya. "Like you're having some foolish ideas running inside your beautiful mind? And you couldn't wait to share it with me?" agad niya namang sagot na siyang mas lalong ikinalapad ng ngisi ko." You're being beautiful creepy already, so tell me, why you're actually grinning now?" he added. Tumayo naman agad ako at agad na humarap sa kaniya habang nakapamewang. "Are you really sure you don't have any dates or night outs tonight?" I asked him which he just nodded as an answer. "So, walang magagalit na babae?" "Wala nga. I actually stop dating some random women right before Sebastian's wedding." "That's great, then." "Great?" "Yes!" I exclaimed excitedly. "Wow, you're really in a good mood, huh? Ano ba kasi ang iniisip mo?" Medyo curious na niyang tanong dahil sa mga kilos at ngiti ko. Umupo naman ako ulit sa tabi niya, but this time, inilingkis ko na ang mga braso ko sa braso niya habang hindi pa rin nawawala ang mga ngiti ko sa aking labi. "Since wala ka na ngang mga naging date these past few days or weeks. Pwes, ngayon ay meron na!" "What?" hindi niya makapaniwalang sambit. "Yes, Wade!" "What the hell are you talking about? Sino naman ang ide-date ko?" "Ako!" "Ikaw?" "Uh-huh! Magde-date tayong dalawa." "We are?" hindi niya pa rin makapaniwalang tanong. "Oo nga! Ayaw mo ba?" "Hindi — hindi naman sa ganun. I actually would loved to—" "Then it's settled," putol ko sa dapat niya pa sanang sasabihin. "Magde-date tayo ngayong gabi and that's final." I added which made him smile as he shook his head in disbelief. "Sure!" he said which made me smiled more. Well, maybe it's about time for us to forget about those people who just ignored our feelings even just for tonight. At least man lang, mapasaya namin ang isa't isa habang namamasyal ngayong gabi. "WHEW! I feel so great!" I exclaimed in so much happiness the moment we entered a small restaurant near the hotel. Nanood kasi kami ng live concert na ginanap sa may dalampasigan at timing pa dahil favorite songs ko ang kinanta ng bandang nagperform. "Then, I'm glad to hear that," sambit naman niya nang makaupo na kami sa pang-dalawahang table na katapat lang ng glass wall ng restaurant. "How about you? Nag-enjoy ka rin ba tulad ko? O baka naman ako lang?" baling ko naman sa kaniya na siyang ikinangiti niya. "Nag-enjoy ako sa live concert, of course, but not as I've enjoyed your company," feeling ko naman ay bigla akong namula sa sinabi niya pero nawala nang may maalala ako. "That's great, then. Pero alam mo ba na this is my first time I've watched live concerts?" sambit ko dahilan upang mapatingin siya sa akin mula sa menu na hinahawakan niya. "Really?" amused na sambit niya na siyang ikinatango ko naman. "Hindi kasi ako pinapayagang lumabas ng Mommy at Daddy ko dati pwera na lang kung kasama ko si Seb o si Pietho. Imagine, until I've turned 20 ganun pa rin sila, pero medyo na lang dahil siguro alam din nilang I have a life to live with." "Well, I actually understand your parents dahil para sa akin, ayaw ka lang nilang mapahamak sa labas," sabi niya naman bago ibinalik muli ang tingin sa may menu. "But I am actually honored dahil ako ang nakasama mo sa first ever concert na napanood mo." "And I'm glad too! Nakalimutan ko na ngang pinagpapawisan na pala ako dahil sa sobrang enjoy, eh!" I chuckled which he did too. "So, are you hungry already?" tanong agad niya na siyang ikinatango ko naman ng walang pagdadalawang-isip. "Well, I actually am hungry. Nagutom ako roon," sambit ko na siyang ikinatango niya rin naman. "Alright, mag-order na tayo," agad niyang ibinigay sa akin ang menung kanina niya pa hawak-hawak na siyang tinanggap ko naman agad. Ngayon ay masasabi kong magkaibigan na nga talaga kami ni Wade since I am already feel comfortable with him. But unlike with Sebastian, I don't want to depend on him. As much as I wanted to have his attention, I can't. He has a life to live with, at mas lalong hindi pwede na lagi akong nakapaligid sa kaniya since he is also a public figure. Ayokong masira ang career niya nang dahil lang sa akin. And that's the least thing that I wanted to happen. "PIETHO with her husband, Sebastian, is already coming home, anak." Mommy said the moment I entered our car and settled myself into it. Kakarating lang namin sa Manila mula sa Boracay at sandaling kumain ng lunch sa isa sa mga nadaanan naming restaurant. After that ay bumalik na agad kami sa kotse para umuwi na nang bigla na lang sinabi iyon ni Mommy na siya namang ikinatigil ko saglit. It's almost one month pa lang mula nang unalis sila for honeymoon, ang aga naman yata nilang umuwi? I thought they will spent a month or two for their special moment bago sila magpakalunod sa trabaho? "Who told you, Mom? Bakit wala man lang pasabi si Pietho or si Seb man lang na maaga pala silang uuwi?" Nang makapaghanda naman ako, that's what I wanted to add but I decided against it. Feeling ko, lahat ng good vibes ko sa katawan ay biglang naglaho nang marinig ko ang balitang iyon galing kay Mommy. I am freaking not prepared for it. Hindi pa ako handang makita ulit silang dalawa. "Ang Tito Robert mo. Biglaan daw dahil may emergency sa kompanya nila at kinakailangan nila si Pietho at ang tulong ni Sebastian," agad namang sagot ni Mommy na siyang ikinatango ko na lang at nanahimik. Sabagay, may valid reason naman pala sila kung bakit hindi natuloy ang mga balak nila. "You okay?" tanong naman ni Daddy mula sa driver's seat. Seems they've notice my sudden change of mood. "I'm fine, Daddy. Thanks," sagot ko na lang at binigyan sila ng pilit na ngiti bago ko ibinaling ang aking atensyon sa may labas ng bintana ng sasakyan. Kung kailan, unti-unti ko nang tinatanggap ang pagkatalo at pagkabigo, ay saka naman ang pagbabalik nila. What a nice surprise. Yun bang feeling na, nakapagdesisyon ka nang magmove on. Kaso, bigla na lang ulit napostponed. Tangina!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD