37

4958 Words
Her POV Halo halo ang emosyon ko nang malaman ang kwento sa likod ng pagkakaibigan nila ni Will at Traiden. Medyo hindi pa nga ako nagulat nang malaman ang ginawa ni Traiden dati kay Will. Inasahan ko na rin iyon dahil nagkaroon na rin ako ng ideya na ganoon nga siya dala na rin sa paraan ng pagsasalita at kung paano niya dalhin ang sarili. He had so much confidence in his body kaya inisip niya siguro madadaan niya lahat sa kaunting landi. Sorry to disappoint him but not all women are what he thought they were. Hindi lahat ng babae mabilis mapabilog. Hindi lahat ng babae ay magiging biktima niya. Gusto kong mainis sa kaniya kasi ginawa niya iyon kanila William. Sinira niya ang pagkakaibigan nila. But at some point, may parte sa akin na naiintindihan ang ginawa niya. Ganoon siguro kapag nabulag ka na ng pag-ibig. Gagawin mo na lahat para lang makuha ang taong mahal mo nang hindi iniisip 'yung ibang taong madadamay at masasaktan. Nevertheless, I'm not justifying his actions. Kahit pagbalik-baliktarin pa natin ay mali ang ginawa niya. Kapag alam mong taken na ang tao, kahit mahal mo pa siya, matuto kang magpaubaya. Iwasan mo na hangga't maaari. Pigilan mo na ang sarili mong mas mahulog pa dahil wala ka rin naman magagawa lalo na kung alam mong nasa tamang tao 'yung babaeng mahal mo. Huwag mo ng ahasin pa. Mahirap 'yon lalo na kung magkaibigan pa kayo. Ano? Sisirain niyo 'yung friendship niyo para lang sa isang babae o lalaki? Mali 'yon. Maling mali. Hangga't maaari, piliin mo 'yung pagkakaibigan niyo. Sa oras kasi na masira iyon, sobrang hirap na ibalik. Ang weird lang din malaman na iisang babae ang nagustuhan nila noon hanggang ngayon. Mabuti nga talaga ay tinupad ni Traiden ang sinabi ko sa kaniya na huwag na akong guluhin. Mabubugbog ko talaga siya kapag nangulit pa siya sa akin. Alam ko naman na maganda ako at mahirap kalimutan pero alam ko kung para kanino na ako. Kung para kanino na ang puso ko. At para iyon sa taong sinusundan ko palabas ng bahay. "Siguro kayong nandito na lahat?" Kanina pa talaga tinatanong ni Will iyan. Actually noong isang araw pa nga siya panay ang tanong e. Ako naman itong may trust issue kaya naman panay din ako silip sa bag ko kung may nakaligtaan ba ako. Si Will na ang nagbitbit ng bag ko pati maleta ni Winter na ang cute kasi maliit tapos puro stickers ng princess sa cartoons. Ako naman ang nagdala sa kulungan ni Sunny. Kasama kasi namin siya. "Opo." Sabay naming sagot ni Winter at napangiti lang din kami nang magkatinginan. Ako na ang nagbukas ng pinto para makapasok na si Winter sa kotse. May sariling dog seat si Sunny na binili ni Will para sa aso kaya imbes na sa kulungan ay doon namin siya nilagay. Inabot ko lamang kay Will ang kulungan para mailagay niya sa trunk. Pumasok na ako at umupo na sa passenger seat nang makasiguro na may seatbelt na si Winter. Hinintay namin si Will na abala sa pag-asikaso ng gamit sa likod. Sinigurado niya pa na narito ang lahat bago niya ito isara at magtungo na sa driver seat. Aabutin daw ng three hours ang byahe kaya naman dumaan na kami sa drive thru. Hindi na kasi ako pinaluto ng breakfast ni Will at sinabi na bibili na lang kami sa drive thru. Baka raw kasi maabutan kami ng traffic kung magtatagal pa kami. Ang tagal din kasi nagising ni Winter kaya nagmadali na kami. While we were in a road trip, grabe ang kalabog ng puso ko. I'm going to meet his family. Jusko. Meet the parents na nga talaga ito. Pansin ata ni Will ang pagkabalisa ko habang pinaglalaruan ko ang kamay ko na nakapatong sa hita ko, nakatingin sa labas ng bintana, kaya naman inabot niya ang kamay ko na siyang nagpasinghap sa akin. I glanced at him and he just gave me a reassuring smile. Sinagot ko din ng ngiti iyon kaso nagmukhang ngiwi. Nagmukhang natatae. I have no idea what his parents look like. Wala naman kasi siyang pinapakita. Ni hindi ko pa nga nakikita photo album niya. Hindi ko nga sure kung mayroon ba siya nito sa bahay niya. Baka sa bahay ng magulang niya meron. Ipapaalala ko nga sa sarili ko na hiramin iyon at nang makita ko kung ano hitsura ni Will noong bata siya. Sana lang talaga mabait ang parents niya. Jusko, kapag talaga matapobre ang mga iyon, ewan ko na lang. Baka mapacommute ako pabalik nang wala sa oras. Ayoko ng drama sa buhay. Puno na nga ng drama ang buhay ko dati, dadagdag pa nga iyon. Natawa tuloy ako nang maisip ko na baka mangyari sa akin na kakausapin ako ng mama niya tapos aalukin ng pera para lamang layuan ko ang mag-ama. No! Ayoko nga. Baka mapaoo ako depende sa laki ng pera. Joke! As if naman kaya ko. Masyado na akong nahulog kay Will. Baka maglumpasay ako kapag naghiwalay kami. f**k he's almost a perfect person. Mahirap makahanap ng katulad niya like there were only 2 percent of someone like him exist in this world. Baka 'yung ilang kalahi niya pa ay taga ibang ibayo. I just hope na mabait ang magulang ni Will. Mabait ang anak, so I expect na ganoon din ang magulang. Sa haba ng byahe ay nakarating na rin kami. Una na kaming bumaba ni Will sa kotse. Ako na ang nagbukas sa pinto sa may backseat para makababa si Winter. Inalis ko na rin ang aso saka inabot ito kay Winter kasi siya na raw ang magdadala. Kaya naman niya dalhin ang laki ni Sunny kaya binuhat niya ito. Nilagyan ko na lamang ng leash ang tali nito at inabot na rin kay Winter para hindi makatakas kung sakali. "Pasok muna tayo." Sambit ni Will. Nagtungo na siya sa may gate saka nagdoorbell. Nasa likod niya ako na halos nangangatog na ang tuhod. Hindi naman ako gutom pero nanghihina ang katawan ko. Napaangat ako ng tingin sa gate nang gumawa ito ng ingay nang bumukas ito. Kumalabog ang puso ko, ineexpect na isa ito sa magulang ni Will kaso napansin ko na medyo bata ang hitsura nito. "Sir Will, nandito na po pala kayo." Sambit ng babae nang lakihan niya ang bukas ng gate. "Hey, Ella. Nandiyan ba sila Mom?" Tanong ni Will nang pumasok na kami sa loob ng gate. Nahuli ko pa nga na sinilip ako nung babae at sinuri mula ulo hanggang paa bago ako nginitian. Tingin ko mas matanda ako sa kaniya kung mukha ang pagbabasehan. Matangkad ako nang kaunti rito. Medyo chubby ang katawan nito at mahaba ang nakataling itim na buhok. "Yes po, Sir. Nasa may kusina po si Madam nagluluto habang si Sir Arthur naman po ay hindi ko alam kung nasaan." Magalang na sagot ng babae na Ella ang ngalan. "Aah ganun ba. Nga pala Ella, this is Khai, my girlfriend." Masayang pakilala ni Will sa akin. "Khai, this is Ella, katuwang nila mama sa bahay." Ngumiti naman ako kay Ella. "Hello." Inilahad ko ang kamay ko at inabot niya naman iyon. "Hello, ako po si Ella. Masaya po akong makilala kayo." Magalang nitong tugon at nakipagkamay sa akin. Ang bait niya. Mahahalata sa paraan ng pagtitig at pananalita niya. Sinamahan niya kaming maglakad patungo sa loob ng bahay. Bumaba ang tingin niya kay Winter at matamis din itong nginitian. "Hello, tag-lamig. Kumusta ka na?" Winter smiled so sweet like a honey. "Ayos naman po. May aso na po ako!" Pinagyabang pa nito ang buhat na tuta. Hindi na pala tuta. Malaki na para sa tuta e. "Wow. Ang cute niya. Tamang tama, ginawan ng lolo mo ng bahay ang aso mo. Ano nga ulit pangalan niya?" Sabi ni Ella. "Sunny!" Masiglang sagot ni Winter. "Wow. Sunny. Pwede ko ba buhatin si Sunny?" Paghingi nitong pabor at pumayag naman si Winter at pinahawak ito kay Ella. Katabi ko si Will nang makapasok kami sa loob. Namangha ako sa laki ng bahay nila. Hindi ito tulad ng modern house sa syudad. Though gawa sa bato, mararamdaman at maaamoy pa rin ang halimuyak na amoy ng probinsya. Magaan sa pakiramdam. Nakakatuwa rin na puro halaman lalo na sa labas kanina. Kahit nga dito sa bahay ay nagkalat ang mga vase na may iba't ibang klase ng bulaklak. Paskong pasko na nga rin sa kanila e. Mula sa labas ay nagkalat 'yung mga dekorasyon pang pasko. May Christmas lights na rin at malaking Christmas tree dito sa sala. Ang ganda kasi puno rin ng regalo 'yung Christmas tree. Bumaba ang tingin ko sa kamay ko na hinawakan ni Will. Nginitian niya pa ako sabay halik sa gilid ng ulo ko. Naramdaman niya pa nga ang panlalamig ng kamay ko dahil marahan niya itong pinisil pisil. "Are you nervous?" Mahinang tanong ni Will nang makarating kami sa sala. Tumango lamang ako. "Don't worry, I'm here. Kung sakaling palayasin ka ni Mom, nandito ako. Sasamahan kitang matulog sa labas." Binalot ako ng takot. "William." Nakangusong saad ko na ikinatawa niya lamang. "Joke lang. Mabait si Mom, don't worry. I swear, hindi iyon nangangain ng tao." Dinala niya ako sa may sofa saka pinaupo roon. "Dito ka muna. Tawagin ko lang si Mom, okay?" Iniwan na nga ako ni Will. Sinamahan muna ako ni Winter dito sa sala. Nilapag ni Winter ang aso sa pagitan namin kaya roon napunta ang atensyon ko habang hinihintay si William. "Apo!" Sabay kaming napalingon ni Winter nang marinig ang boses ng babae. Napatitig ako rito at pinanood lamang na tumakbo si Winter sa babae. "Lola!" Mainit nitong tinanggap ang yakap ng babae na siyang lola niya pala. Napatayo ako sa kinauupuan ko. Napatitig ako sa ginang. Daig ko pang pinagmamasdan si William ngunit nasa katawan lamang ng babae. Magkahawig talaga sila! Mas lalo ko pa itong nakumpirma nang sumulpot si Will sa tabi ng kaniyang ina at nakangiting nakatingin sa akin. Para silang pinagbiyak na bunga. Nacurious tuloy ako kung ano ang hitsura ng papa ni William. Grabe ang ganda ng lahi! Tinanguhan ako ni Will na lumapit kaya naman naglakad ako palapit sa kanila. Sinalubong din ako ni Will saka tumabi sa akin. Ngayon na malapit na ako sa lola ni Winter ay mas natitigan ko ang hubog ng kaniyang mukha. Kahit may wrinkles na ito at bakas na ang katandaan ay makikita pa rin dito ang kagandahan niya. Ang ganda pa ng mata niya. Ang hazel eyes nitong mata ay animo'y nagniningning kapag tinatamaan ng araw. "Mom, siya nga pala." Panimula ni Will na siyang kumuha ng atensyon ng mama niya na abala sa panggigigil sa kaniyang apo. "This is Khaila, my girlfriend." Pagpapakilala ni Will sa akin sa kaniyang ina. Hinawakan pa ako ni William sa aking bewang. His smile helped me ease this nervousness inside me. Umayos ng tayo ang mama niya saka inilipat ang atensyon sa akin. Agad ako napalunok. Ibang iba kay Ella ang tingin nito. She looked intimidating and I'm almost stopped breathing when I saw how she looked at me from head to toe. Nakakapanginig tuhod ang paraan ng pagtingin niya. Kung si Ella kanina ay nginitian ako, this woman never showed emotion to me. "H-hello po." I stuttered. Bakit ka ba nauutal? Jusko, hindi ka dapat magpa-intimidate sa kaniya. "Hello, Khaila. I'm Elizabeth, the mother of my son, William." She said blandly. Inilahad nito ang kamay niya. Pinigilan kong hindi ipakita na nanginginig ang kamay nang hawakan ko ito at makipagkamay sa kaniya. "N-nice to meet you po." f**k. Stop stuttering for Pete's sake! Hindi nagtagal ang kamay niya sa akin bago niya nilingon si Ella na nakatayo lamang sa bandang likuran ko. "Ella, samahan mo sila sa kanilang kwarto. Pagkatapos niyong mag-ayos ng gamit niyo, bumaba na kayo para makakain na rin kayo. Entiendes?" Tumango naman si Will. "Yes, Mom." Entiendes? Anong lenggwahe 'yon? Naintindihan pa ata ni Will ang sinabi ng mama niya. Don't tell me may lahi sila? Kaya ba ganoon kaganda ang mata ng mama ni Will? Pati ang kutis nito porselana. Para kasing hindi tipikal na mata at kutis ng isang Pilipino. Wala namang nabanggit sa akin si Will na may lahi siya. Nakitulong na ako sa pagkuha ng gamit ko. Kasama namin si Ella na nagtungo kami sa second floor kung nasaan ang magiging kwarto namin. Si Winter ay sumama na sa kaniyang lola sa kusina kung saan amoy ko pa nga kanina ang bango ng niluluto nito. Mas lalo nga akong nagutom e. Huminto kami sa unang kwarto at binuksan iyon ni Ella. Pumasok na kami at nilagay ko na ang bag sa tabi ng kama. Itinabi naman ni Will ang maleta niya sa akin. Ibig sabihin lang nito ay iisa kami ng kwarto na tutulugan. Iniwan muna kami sandali ni Ella para dalhin ang maleta ni Winter sa kwarto nito. Umupo si Will sa paanan ng kama at tinapik niya pa ang katabi para doon ako paupuin. "Come here." Sumunod naman ako sa kaniya at umupo sa kaniyang tabi. Inabot niya ang kamay ko at ito'y hinawakan. "Musta? Ano tingin mo kay Mom?" Binasa ko ang ibabang labi ko habang nag-iisip ng magandang description para sa kaniyang ina but I couldn't sugarcoat it. He has to know my impression to his mother. "Intimidating. Nakakatakot. Para akong kakainin ng buhay." Narinig ko ang mahinang pagtawa ni Will saka hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. "Really?" Tumango ako bilang pag-amin. "Tingin ko nga hindi niya ako gusto." Nalulungkot ako na maisip iyon. Ayokong isipin na hindi ako welcome sa pamamahay nito pero iyon ang nararamdaman ko mula sa nanay ni Will. "What? No. She likes you, Khai. Bakit mo naman iniisip 'yan?" Hinawakan niya ang pisngi ko para paharapin ako sa kaniya dahil kanina pa bagsak ang tingin ko sa sahig. "Hindi ko alam. Iyon lang ang naiisip ko." Bumuntong hininga siya saka niyakap ako. Inalo niya pa ang likuran ko na siyang nagpabawas ng bigat sa dibdib ko. "Huwag mong isipin na hindi ka niya gusto, okay? Hindi ganoon na tao si Mom." Humiwalay siya saka hinawakan ako sa magkabilang braso bago titigan nang diretso sa mata. "She's a kind person. Trust me, okay? Huwag kang kabahan sa kaniya. Hindi nangangain 'yun ng tao. I mean, minsan lang kapag full moon." "Huh?" Namilog ang mata ko sa kaniya. Hindi inaasahan ang huli niyang sabi. Napanganga ako. Wait what? Nang makita niya ang reaksyon ko ay mabilis siyang natawa. "Just kidding, babe. Joke lang." Pinanggigilan niya ang pisngi ko at pabiro itong kinurot. "Natawa ako sa reaction mo. Joke lang 'yun." Gamit ang hinlalaki niya ay marahan niyang hinaplos ang pisngi ko. I love the way he caressed me. It's comforting. "But I swear, she may be look intimidating lalo na kanina, but she's a very kind person. Kapag nakilala mo siya, baka maging bestfriend pa kayo." Ang layo sa katotohanan. Daig ko pang hinusgahan kanina sa paraan ng pag-usisa niya sa akin mula ulo hanggang paa. But I have no choice but to trust William's words. Normal lang naman siguro sa magulang ang maging protective sa kanilang anak. Ang dapat kong gawin, I have to prove to her na mabuti ako para sa anak niya. Inihiga ni Will ang kaniyang likuran sa malambot na kama habang ang paa niya ay nakalapat pa rin sa sahig. Ginaya ko naman siya at ginawang unan ang kaniyang braso na nakalatag sa kama. "Will." I called him. "Hmm?" "Matanong ko lang. May lahi ba kayo?" Gumilid siya para humarap sa akin. We stared at each other's eyes. "My mom yeah. She's american while my dad is pure Filipino." Napanganga ako. May lahi siya?! Kaya naman pala ganito kagwapo si William. May lahi pala siyang ibang bansa e. He's half american and half filipino. "Kaya pala ang laki," wala sa sariling sambit ko. Ngayon alam ko na kung bakit biniyayaan ang kaniyang mahiwagang talong. Now I know. "Ano?" Natatawa niyang tanong. "Wala." Umiling agad ako. "E bakit parang may ibang salita siyang binanggit kanina? Entwende? Ewan. Basta ganon." "Aah. She's american but she grew up in Spain. Doon sila nagkakilala ni Dad tapos tinanan niya si Mom since hindi pabor 'yung family ni Mom sa kaniya. Then ayun, dito nila sa Pilipinas tinuloy ang kanilang pagmamahalan." Kwento ni Will na siyang nagpanganga pa lalo ng bibig ko. Grabe naman 'yung love story ng magulang niya. May tanan tanan na nangyari. "Wow." Iyon lamang ang nasambit ko. Natawa lamang nang mahina si Will sa reaksyon ko. Binalikan na kami ni Ella para sabihin na bumaba na kami para makapagtanghalian na. Hawak hawak ni Will ang kamay ko nang bumaba kami. Kahit papaano ay hindi ako masyadong kinakabahan kapag ganito si Will. Kapag hinahawakan niya ang kamay ko o di kaya nginingitian ako. Ramdam ko kasi na hindi niya ako pinapabayaan. Nakahanda na ang hapagkainan. Mahaba ang mesa na puno ng iba't ibang putahe na tila ba nasa isa kaming piyesta. Si Winter ay nasa tabi sa gilid ng kaniyang lola na siyang nakaupo sa dulo. Kami naman ni Will ay magkatabi sa kabilang side ng table. "Ella, sinabihan mo na si Arturo na kakain na diba?" Tanong ng mama ni Will kay Ella. "Opo, madam." Sagot ni Ella na kakatapos lamang maglagay ng pitsel sa mesa. "Pwede bang tawagin mo ulit? Nasaan ba iyon?" Halatang iritable na ito dahil kakain na kami ngunit wala pa rin ang kaniyang asawa. "Heto na aking mahal. Narito na ang iyong matipunong asawa." Napalingon kami lahat nang saktong dumating sa dining area ang matangkad na lalaki na nakasalamin. Jusko, ang gwapo din. His arms were spread wide open as he walked towards his wife. Niyakap niya ito mula sa likuran saka hinalikan sa pisngi. "Ikaw naman. Namiss mo ako agad. Ganoon ka ba talaga hulog na hulog sa akin?" Natulala ako sa kanila. Ang sweet nila. May edad na sila pero nandoon pa rin ang pagmamahal nila sa isa't isa. Itinulak ng mama ni Will ang mukha nito. "Ewan ko sa'yo, Arturo. Maupo ka na nga at ikaw na lang ang hinihintay. Lalamig na itong pagkain." Sita nito. Napalingon sa direksyon ko ang papa ni Will na Arthur pala ang pangalan. Napataas ang dalawang kilay nito saka malawak na ngumiti. "Hija, totoo ka ba? Daig ko pang nakakita ng diwata na naligaw sa pamamahay ko." Pinigilan ko ang sarili na mapangiti sa compliment nito. "H-hello po." "Dad, siya nga pala. Girlfriend ko, si Khai." Pakilala ni Will. Mas nanlaki ang mata nito. "Ito na siya? Grabe anak. Ang galing mo talaga pumili ng babae. Manang mana sa tatay." Confident nitong sabi. "Ikaw ang daldal mo. Sabi ng maupo ka na e." Sermon na naman ng mama ni Will na halos bakat na ang linya sa kunot nitong noo. Mahina pa nga nitong hinampas ang tagiliran ng papa ni Will na siyang ikinatawa ko sa loob ko. Para silang binata't dalaga. Ang cute. "Ito naman galit na galit. Meron ka ba? Menopause ka na diba?" Bato ng papa ni Will. Nang marinig iyon ay kusang lumabas ang tawa sa bibig ko. Kinagat ko pa ang ibabang labi ko para hindi na lumala pa ang pagtawa ko. Panay na taas baba ang balikat ko. Narinig ko rin ang tawa ni Will na nasa tabi ko. Kahit si Ella ay nagpigil na rin ng tawa. Napabuga na lamang ang mama ni Will ng hangin. "Maupo ka na, Arturo. Pinapataas mo lang ang dugo ko. Por favor." Napahilot ito sa kaniyang sentido. "Pasensya na aking mahal. Binibiro lamang kita." Dinampian pa nito ng matamis na halik sa pisngi ang kaniyang asawa. Nang dumaan ito sa likuran ko ay hinawakan pa nito ang balikat ko bago siya magtungo at umupo sa kabilang dulo ng mesa. Sa nangyaring pag-uusap kanina, it felt like the atmosphere wasn't intense anymore. Salamat sa papa ni Will na pinagaan ito. We prayed first before we started our lunch. Sumabay na din si Ella sa amin. "Kumusta na ang apo ko?" Tanong ng papa ni Will sa kaniyang apo na maganang nakain. "Okay naman po, Lolo. Oh, Ate Ella told me that you made a house for my dog. Is that true?" Nakangiting tanong ni Winter. Tahimik lamang akong nakikinig sa usapan nila. "Aba'y oo naman. Maganda pa ang pagkakagawa ko roon. Gusto mo ba makita?" Tinaas baba pa nito ang kaniyang kilay. "Opo!" "O sige. Ubusin mo muna iyang pagkain tapos dadalhin kita sa bahay ng aso mo." "Okay po." Mula sa kaniyang apo ay lumipat ang atensyon niya sa akin. "Hija," tawag niya kaya napalingon ako sa kaniya. "Kumusta ang pagkain?" "M-masarap po." Kinabahan naman ako sa bigla niyang pagtanong. Ngumisi siya. "M-ma ma ma." He imitated my stuttering voice before he laughed. "Kinakabahan ka ba?" Nakayuko akong tumango. "Naku, hija. Huwag kang kabahan. Sinasabi ko sa'yo, wala kang dapat na ikabahala. Mababait ang mga tao dito." Lumipat ang tingin ko kay Will nang hawakan niya ang hita ko at marahan itong pinisil. Binigyan niya ako ng ngiti na may kasamang tango bilang pagsang-ayon nito sa papa niya. "Masaya akong makilala ang nobya ng aking anak." Dugtong nito. Ngumiti ako kahit na hindi ako sigurado kung maganda ba ang kinalabasan ng ngiti ko. Kahit papaano, nabawasan ang kaba ko. "Kinakabahan ka po, Mommy Khai? Saan po?" Inosenteng singit na tanong ni Winter. "Winter, diba sabi sa'yo na bawal ka muna sumabay sa usapan ng matanda." Paalala ni Ella kay Winter. "Aww sorry po." Ngumiti lamang siya saka sumubo. Habang nakain ay ramdam kong sa akin nakamasid ang mama ni Will. Kanina niya pa ako inoobserba. Kaya nga buong tanghalian ay hirap akong lumunok ng kinakain ko. Nakakaintimidate talaga siya! Nakahinga nga lang ako nang maluwag nang umalis ito ng bahay kasama si Ella. May pupuntahan daw sila kaya kami lang ni Will ang naiwan dito sa loob ng bahay. Sina Winter naman at ang lolo nito ay nagbonding naman sa may hardin daw sa likod ng bahay. Ang ginawa ni Will ay inilibot niya ako sa buong bahay nila. Malaki nga talaga ito kumpara sa sariling bahay ni Will. Ang kwarto ng magulang niya ay nasa baba. Siguro para iwas akyat baba na rin ng hagdan. Mayroon silang malaking hardin sa likuran na puno ng halaman. Mula harap at likod ay namumukadkad ang halaman dito sa bahay nila. Tumambay pa nga kami sa hardin at nakakwentuhan pa namin ang papa ni Will. Nakakatuwa dahil magaan talaga siya kasama. Palabiro kasi ito. Halata naman kanina sa hapagkainan lalo na nang patawanin niya kami. There were benches in here kaya doon kami umupo habang si Winter naman ay nasa duyan na hindi kalayuan sa amin. Nakikipaglaro sa kaniyang aso na gusto siyang abutin. "Kailan pala ang kasal?" Tanong ng papa ni Will na nasa tapat namin. May mesa na gawa sa bato sa pagitan namin. Malilim naman dahil nasa ilalim kami ng puno. Hindi ako nakasagot kaya si Will ang sumalo. "We decided na huwag munang isipin ang kasal, Dad. Ineenjoy muna namin ang relasyon namin ngayon." "Ganoon ba? Kung sa bagay, maganda na hindi rin magmadali. Tama ba, manugang?" Napatitig ako sa kaniya, umurong ang dila nang hindi makapagsalita. Natawa lamang ito sa akin. "Biro lamang. Hindi ko kayo minamadali ah. Excited lang ako sa ideya na ikakasal muli ang anak ko. At sa isang mabuting babae tulad mo pa. Nakakatuwa." "S-salamat po." Bakit ba nauutal pa rin ako? Napansin niya iyon kaya natawa lang siya. "Kanino ka ba kinakabahan? Sa akin o sa asawa ko? Pareho ba?" Silang mag-ama ay parehong nakatingin sa akin. "Sa asawa niyo po." "Kay Liza? Talaga?" Tumango ako. "Kung sa bagay, palagi rin ako nun tinatarayan. Pero huwag ka mag-alala, hija. Mabuting tao ang asawa ko. Naninibago lang siguro 'yun dahil ngayon na lang ulit nagdala ng babae itong anak niya." He reassured me. Nagpatuloy lamang ang kwentuhan namin. He asked so many things he wants to know about me. Kitang kita na interesado siyang makilala ako. Ito naman si William ay abot tenga na ang ngiti. Tuwang tuwa na makitang nagkakamabutihan kami ng ama niya. Hindi namin nagawang mag-usap ng mama ni Will dahil maggabi na ito nakauwi at pagod daw ito kaya maagang natulog matapos kaming maghapunan. Dumiretso na lamang ako sa kwarto ko nang makapaglinis na ng pinagkainan. Ayaw pa nga ni Ella dahil gawain niya iyon pero nagpumilit ako. Ayokong isipin nila na buhay prinsesa ako ano. Nakapagpalit na ako ng pantulog. Sumunod na rin naman si Will sa kwarto na nakapagpalit na rin ng damit. Tumabi agad siya ng higa sa akin. "Musta?" Tanong niya nang mayakap ako at ginawa kong unan ang kaniyang braso. "Ang cool ng Dad mo." Napangiti agad siya. "He is. Kaya nga cool din ako e." Natawa lang ako. Hinawi niya ang buhok ko saka itinago ito sa likod ng tenga ko. "I'm glad you and Dad get along together." "Yeah. Hindi ko rin inasahan iyon." "I'm sure magiging ganon din kayo ni Mom." "I hope so. Ang ilap niya ngayong araw." "May flower shop kasi 'yun na inaasikaso kaya minsan pawala-wala siya. Iyon kasi ang libangan niya." Sagot ni Will. "Hmm." Kaya naman pala puro bulaklak itong bahay nila e. May flower shop naman pala. Nagtanong pa si Will sa kung anong masasabi ko sa unang araw ko rito at sinabi ko naman sa kaniya lahat ng nasa isip ko. Nag-usap lamang kami hanggang sa dalawin ako ng antok. Kinabukasan, maaga akong nagising. Nakasanayan ko na ata na bumaba para gumawa ng umagahan. Naabutan ko pa nga si Ella na nagawa kaya nagsabi ako na kung pwede tumulong. Hindi naman na siya nakatanggi dahil mukhang nakutuban naman na niya na pipilitin ko pa rin siya kahit tumanggi siya. It was a peaceful breakfast. Will was beside me, tinutulungan ako na pagaanin ang loob ko lalo na't narito ang alam niyang nagpapakaba sa akin, ang mama niya. Ngunit hindi ko inaasahan na darating pala ang oras na wala siya sa tabi ko lalo na nang yayain siya ng kaniyang ama na umalis ng bahay. Binalot agad ako ng kaba lalong lalo na nang malaman na isasama nila si Winter. Fuck s**t. Ako lang ang maiiwan kasama ang mama ni Will? Nangatog agad ang tuhod ko nang ihatid ko silang tatlo sa labas. Bakit ngayon pa? Bakit kasama pa si Winter? Okay naman sana kung kasama ko si Winter dahil pwede pang mabawasan ang kaba ko pero ngayon na pati ito ay kasama rin, nanghihina ako. Parang gusto ko na lamang na sumakay din sa sasakyan nila nang hindi nila alam para makatakas ako sa bahay na 'to. Nakakatakot naman kasi ang mama ni Will! Kahit sabihin pa nilang mabait ito, iba pa rin ang pakiramdam ko. Feeling ko nasa isang Cinderella story ako tapos siya 'yung madrasta. Nakakatakot kasi talaga ang tingin nito. Hindi siya katulad ng asawa niya na magaan kasama. Kapag nasa iisang lugar nga kami, daig ko pang pinapalibutan ng maitim na ulap tapos parang bigla na lang kukulog at kikidlat. Ganoon ang pakiramdam. Nababawasan nga lang iyon kapag kasama ko si Will o di kaya si Winter. "You okay?" Tanong ni Will habang nasa labas kami ng gate. Nakasakay na ang mag-lolo sa sasakyan at si Will na lang ang hinihintay nila. Lukot na ata ang mukha ko sa pag-aalala. "Do you really have to take Winter with you? Pwede bang iwan siya rito?" I gave him a puppy look. "Ewan ko rin kay Dad bakit kasama pa si Winter. Natatakot ka pa rin ba kay Mom?" Tumango ako bilang pag-amin. "Babe, diba sabi ko you don't have to." "Iba kasi 'yung aura niya." Nakangusong sagot ko. "O sige ganito na lang. Text me if Mom did something to you. I mean I know she wouldn't do that pero para mapanatag ka, tell me everything. Okay?" Hinawakan niya ako sa magkabilang braso ko. Huminga lamang ako nang malalim bago sumagot. "Hmm okay." "Smile na hmm? Ayaw mo nun? Bonding niyo rin 'to para makilala niyo ang isa't isa." Taas baba pa ang kilay niya kaya mahina ko siyang nahampas sa dibdib. "Oo na po. Sige na hinihintay ka na." "Alright. I love you." He hugged me before he kissed me on my forehead. "I love you, too." Tinapik ng daliri niya ang tungki ng ilong ko. "Bye, babe." Tinalikuran niya na ako at sumakay na sa passenger seat. Bago pa sila makaalis ay binaba niya pa ang bintana para masilip ko. "Ingat ka kay Mom, okay?" Pabirong pananakot nito na siyang ikinasimangot ko. "Hindi nakakatawa, William." Tumawa lamang siya saka binigyan ako ng flying kiss. Napailing lamang ako. Pinanood ko munang makalayo ang sasakyan nila bago ako pumasok ng bahay. Ramdam ko ang bigat ng bawat tapak ng paa ko lalo na nang makapasok sa loob. Para tuloy dumilim ang paligid hindi tulad kanina na narito pa 'yung tatlo. Maaga naman pero bakit parang makulimlim dito sa loob? Mas lalo tuloy akong kinabahan. Maingat kong sinara ang pinto ng bahay ngunit napatalon ako sa gulat nang biglang may magsalita sa likuran ko. "Khaila." "Holy sh—" Napahawak ako sa dibdib ko ngunit hindi ko rin naituloy ang sasabihin ko nang marealize na mama pala ni Will ang tumawag sa akin. Nakatayo ito sa tapat ko at nakahalukipkip. "Ay k-kayo po pala." "Nakaalis na ba sila?" Tanong nito. "O-opo." Bakas ang kaba sa tono ng boses ko. "Ganoon ba? Mabuti." Mas kinilabutan ako nang biglang tumaas ang sulok ng labi nito. Mas lalo akong natulala lalo na nang dugtungan niya iyon. "Ngayon tayo naman ang magtutuos." Napalunok ako. Magtutuos? "Sanay ka naman siguro mahirapan, diba?" Napadasal ako nang wala sa oras. William! Umuwi ka na!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD