Traiden's POV
Actually, wala naman akong balak na guluhin ang buhay ni William. I was so busy with my bakeshop and flirting with some girls. But I happened to see his latest post on Vinstagram before. Wala naman kasi sa katawan niya ang mamblock ng taong ayaw niya.
When I stared at the picture, it was an image of a somehow familiar girl and his daughter. It looked like they were in a park.
@whanzserrano ⁃ I rarely appreciate views, but this one is an exemption. Sunday date with them :)
Nang mabasa ko ang post, nacurious ako. Simula ng mamatay si Autumn, this was the very first time na magpost siya ng picture ng isang babae maliban sa anak niya. Ang una agad na pumasok sa isip ko, nakamove on na siya? May kung anong pait na sumilay sa puso ko. Nagawa na niyang makamove on kay Autumn habang ako ay narito pa rin sa nakaraan. I really love Autumn. Kaya nga hindi ako nakikipagcommit at panay fling lang dahil alam kong wala pang dumarating sa buhay ko na makahihigit sa pinaramdam sa akin ni Autumn dati.
Sa sobrang pagmamahal ko sa kaniya, I tried to steal her by kissing her while we were drunk. Nilason na ng alak ang utak ko kaya wala na ako sa katinuan noon. We were in college that day at kami lang ni Autumn ang magkasama sa University. Sa ibang school si William. Nasa isang beach party kami, nagkayayaan ang mga kabatchmate namin noong highschool na magmeet up at mag-inuman. William wasn't able to join us since he was so busy with his school works. Nang malaman ko iyon, binulag na ako ng pagmamahal at kinuha ang pagkakataon na iyon para bawiin si Autumn sa kaniya.
Bawiin? Of course, babawiin ko. Ako ang unang nagmahal kay Autumn kumpara kay William. Sila lang ang nagkatuluyan. Naduwag ako na umamin sa kaniya noong bata kami lalo na nang makita ko kung paano niya titigan si William. Lalo na kung paano sila magtitigan. They were in love. Kaya pinili ko na lamang na manahimik. Dinadaan ko na nga lang sa secret love letter tuwing Valentine's kaso hanggang doon lang ako. Hanggang sa nahuli na ang lahat at nalaman ko na lamang na nililigawan na siya ni William. Naisip ko na kahit umamin pa ako, wala na rin akong pag-asa. Autumn already liked him. Ano pang magagawa ko? Parang kaya ko namang baguhin ang nararamdaman niya nang ganon na lang. Sa huli sumuko ako.
Kaso hindi ko pa rin siya nagawang bawiin. Kahit lasing si Autumn, alam niya pa rin kung ano ang tama't mali. Tinulak niya ako at hindi pa ako nakakapagreact nang sampalin niya ako. I was about to say sorry to her at idahilan na lasing ako but William unexpectedly came. He saw everything. Sa galit niya ay dinambahan niya ako ng malakas na sapak sa pisngi. Feeling ko nga sa lakas nun ay tumabingi ang panga ko.
Iyon ang unang beses na nakita ko siyang nagalit. Bugbog sarado na nga siguro ako nun kung hindi lang siya inawat ni Autumn. He felt betrayed. Bakas iyon sa galit niyang mukha. Simula ng pangyayaring iyon, hindi ko na nagawa silang harapin. Grabe 'yung kahihiyan ko. Totoo naman kasi. Trinaydor ko siya. Hindi ko dapat ginawa iyon. At dahil hindi ko sila kayang harapin, pinili ko na lamang magpatransfer ng school. Hindi lang transfer, lumipad na rin ako ng ibang bansa.
I was so embarrassed that I couldn't face them. They tried to invite me in their wedding but I didn't come. It's not that I was bitter dahil sila ni Autumn ang nagkatuluyan at hindi kami. Hindi ko lang talaga kaya silang makita. Pinapaalala lang kasi nila ang pagtatraydor na ginawa ko.
Hanggang sa sumunod na ilang taon, nagulat na lang ako nang malaman na wala na si Autumn. Napauwi agad ako ng Pilipinas nang malaman ko iyon at handa na sanang sugurin si William dahil pinabayaan niya ang babaeng mahal ko but I stopped myself the moment I saw how devastated he was. He was lost just like me. No. Mas malala ang nararamdaman niya. Hindi lang asawa ang nawala sa kaniya. Nawala rin ang ina ng kaniyang anak. Naisip ko na hindi ako makakatulong sa nangyayari kung susugudin ko pa siya. Para namang maibabalik nun ang buhay ni Autumn.
Kaya nga nagtataka ako kung anong meron sa babae na nasa picture at nagawa itong ipost ni William after so many years of not showing interests to other girls. Habang pinagmamasdan ko ang picture na iyon ay nanlaki agad ang mata ko nang marealize ang dahilan kaya familiar sa akin ang babae. Doon ko napagtanto na siya 'yung babaeng pinagkamalan akong pervert. I was so shocked. Balak ko sanang baliwalain ang pangbibintang niya sa akin pero may pumasok na plano sa isip ko. Gusto kong makilala ang babaeng iyon. Gusto kong malaman kung anong mayroon sa kaniya para baguhin ang William na dati ay puno ng pagluluksa sa pagkawala ng asawa niya.
Her name was Khaila. Ginawa ko talaga ang lahat para mapalapit siya sa akin para madali ko siyang makilala. Nagawa ko nga rin siyang sundan at nalaman ko pang sa iisang bahay sila nakatira ni William. Kaso nagsisi agad ako nang makasama ko siya sa kaunting panahon. I didn't expect na mahuhulog ako sa kaniya. Sa pangawalang pagkakataon, nahulog na naman kami pareho ni William sa iisang babae.
Unfortunately, for the second time, talo pa rin ako. Gaya ng ginawa ko kay Autumn, I tried to kiss her. Naisip ko kasi na baka sakaling tumalab sa kaniya dahil kadalasan sa babaeng nakakalandian ko ay nahuhulog agad sa akin. But just like Autumn, hindi umepekto. Ginaya rin niya ang ginawa sa akin ni Autumn. She slapped me.
Ang dami ko na atang kasalanan na nagawa sa mundo. Traydor nga talaga ako. Hindi na nga siya pumasok sa trabaho after nun. Nakablock na rin ata ako sa phone niya dahil hindi ko na siya matawagan. Gusto ko kasing humingi ng tawad. I had no choice but to go to William's house. Sinadya ko na wala siya sa bahay para malaya kong makausap si Khaila. Pero dumating pa rin siya.
"Anong ginagawa mo dito? Diba sabi ko ayaw na kitang makita pa." Nakahalukipkip pa si Khaila at nakataas ang kilay niya. Iritable talaga siya na makita ako.
"I just want to apologize to you. Sobra akong nagsisisi sa ginawa ko." Hindi ako makatingin ng diretso sa mata niya. Nahihiya ako.
Laking pasasalamat ko na lang na malawak ang pag-unawa niya. Sinabi na lang niya sa akin na kalimutan na lang namin ang nangyari. Sinabihan niya lang ako na huwag ng magpakita sa kaniya dahil naiirita pa rin daw siya sa pagmumukha ko. I understand her. Kahit ako naman siguro ang nasa posisyon niya ay ganoon din ang sasabihin ko. Lumabas na ulit si William noon mula sa loob ng bahay at kitang kita ko sa mata niya na malungkot siya. He looked hurt. He looked jealous. Marahil ay nakita niyang magkasama kami ni Khaila, na sinadya kong puntahan ang babaeng gusto niya rito sa bahay niya. Hinintay ko muna siyang umalis bago ko sabihin ang gusto kong sabihin kay Khaila.
"You should tell him what you feel." Sambit ko habang pinapanood ang sasakyan ni William na palayo sa amin.
"Pinagsasabi mo?" Iritable pa rin ang boses niya. Kahit ano atang lumabas sa bibig ko ay kinaiirita niya.
"William." She raised her eyebrow, still have no idea what I'm talking about. "You like him, right?"
Nagbago ang hitsura niya at gulat sa isiniwalat ko. Yes, Khaila. I knew. Halata naman. Mabilis siyang umiwas ng tingin. Mula sa matapang na mukha, lumambot ang ekspresyon niya.
"Kung natatakot ka na umamin, para sabihin ko sa'yo, pareho lang kayo ng nararamdaman."
Sinilip niya ako at mukhang hindi pa siya naniwala sa sinabi ko. She tsked. "Ano ba 'yang pinagsasabi mo? Imposibleng mangyari 'yun."
It's possible. Manhid ka lang. Gusto kong sabihin sa kaniya kaso baka dumoble ang inis niya sa akin. Hindi niya pa rin pala nahahalata. Ano ba naman 'tong dalawang 'to? Palagi naman silang magkasama sa iisang bahay. Ako nga na hindi sila masyadong nakakasama ay nahalata. Ang manhid ng mga 'to.
I just shrugged. "Okay. Ikaw bahala kung ayaw mong maniwala." I bit my lower lip before I spoke again. "Pero bati na tayo, diba?"
"Magbabati lang tayo kung hindi mo na guguluhin ang buhay ko." Asik niya. Natawa lamang ako na mas lalong nagpatalim ng tingin niya.
"Again, I'm sorry."
That was also the last time I talked to her. Nagpakalasing ako pagkatapos nun. Pero hindi ako nambabae. Siguro mga dalawang linggo rin akong nagpakalulong sa alak. Then I realized na wala namang mangyayari kung magpapakalasing lang ako. So I went back as a womanizer again.
A week after the death anniversary of Autumn, nagkita kami ni William nang hindi sinasadya. Nasangkot kasi ako sa banggaan tapos sinisisi ako ng driver na kasalanan ko raw kahit siya naman itong sumingit na lang bigla. Huminto ang sasakyan ni William nang mamukhaan niya siguro ako. Tinulungan niya pa akong maayos ang problema. Hindi ko na rin pinalagpas ang pagkakataon na 'yun para kausapin siya. Para humingi ulit ng tawad.
"Ikaw ba nag-iwan ng bulaklak sa puntod ni Autumn?"
Natigilan ako sa pagtungga sa shotglass nang tanungin iyon ni William na nakaupo sa tapat ko. Kahit na umaga, niyaya ko talaga siyang uminom. Feeling ko kasi mas malakas ang loob ko kapag may tama.
"Hmm." I nodded. Hindi ko alam paano niya nalaman. Siguro dahil mas nauna akong pumunta sa puntod ni Autumn kaysa sa kaniya. Kadalasan kasi ay siya lagi ang una dahil sinasadya kong the day after the death anniversary pumunta. Malalaman ko na lang na nauna siya kapag may naunang bulaklak bago sa'kin. Kaso baliktad naman ang nangyari ngayon. "Bakit? Ayaw mo ba?"
Handa naman akong itigil ang tradisyon na iyon kung ayaw niya.
Umiling agad siya. "No. You have the right to do that."
"Thanks." Tahimik na ulit. Ako na ang bumasag sa katahimikan. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa. "I'm sorry."
"For what?"
"For trying to steal your girl for the second time." Sinilip ko siya para panoorin ang magiging reaksyon niya. Umigting lamang ang kaniyang panga, may pagtataka sa kaniyang mukha. "I know from the very start William. Alam kong magkakilala kayong dalawa. May ideya na rin ako na gusto mo siya." Tumungga ako ng alak para dagdagan ang tapang ko. "But I still did it kahit alam ko naman. Sinubukan ko pa rin agawin ang babaeng mahal mo." I laughed dryly.
"Why are you saying this to me?"
Binaba ko ang shotglass saka diretso sa mata siyang tinignan. "I really want to apologize sa lahat ng ginawa ko. Sobrang mali na traydurin ka. Lalo na sa pangalawang beses. Sobrang gago ko."
Kinuha niya ang bote at nilagyan ang glass ko. "Ang gago mo nga. Tangina mo."
Imbes na maoffend sa mura niya ay natawa lamang ako. Ang hinahon kasi ng pagmura niya. "Yeah, I know." I exhaled. "Nakakaguilty naman. Dapat sinasapak mo na ako nito e. Dapat sinusumbatan mo ko sa pagiging traydor ko. Sa pang-aahas ko. But here you are, casual na nakikipag-inuman sa akin."
He smirked. Kung mapapansin, walang bahid ng galit sa mukha niya. Ibang iba sa inasahan ko. "Bakit ko naman gagawin 'yun? Masasaktan lang ang kamao ko. Besides, you don't deserve to be punched after you sincerely apologized to me. Diba sabi ko sa'yo? Hindi ako nagtatanim ng galit."
Mas lalong binalot ng guilty ang puso ko. "Mas gugustuhin ko pang sapakin mo ko kaysa ganito ka."
"Bakit?"
"Mas lalo lang akong kinakain ng konsensya." Tinungga ko ang shotglass.
"Aba dapat lang makonsensya ka. Gago."
We were so weird that we just both laughed. Tangina ni William. Napakamature. Pinatunayan niya lang na deserve siya piliin. Deserve siya piliin kumpara sa akin.
"Don't worry. Hindi na kita guguluhin. Hindi na ako makikisawsaw sa buhay mo. Sa taong mahal mo." I promised to him.
"You better should. Baka masapak na kita kung magkataon na balak mo ulit agawin mo ang girlfriend ko."
I laughed. "I won't. I promise."
And I also promised to myself that I will never be the toxic and traitor Traiden again. Maybe I'll just stay as a flirty Traiden na papatol lang sa single.
Tangina. Ang lungkot ng buhay mo Traiden.