35

3159 Words
His POV "Sa Tuesday pa alis natin, baby." Wala ng pasok si Winter sa school kaya heto siya ngayon, ginugulo ako kung kailan daw kami uuwi sa bahay ng lolo't lola niya. Makulit na bata. Ang akala niya kasi kinabukasan agad after ng class niya kami uuwi. Kung pwede lang e, but Mom told me na sa Tuesday na lang kami since nag-aayos pa raw sila ng bahay. Of course, it was Dad's idea. Malamang nagre-repaint na naman iyon ng dingding, nagre-repair ng mga kung anong sira sa bahay. Kikilos lang naman kasi iyon kapag alam niyang may darating na bisita. But in a usual day, he would just leave it. Kaya palagi iyong nakakatanggap ng sermon mula kay Mom e. "Can we just leave tomorrow?" And she gave me a puppy look when she moved closer to me while we sit on the sofa. It's a very wrong move to look at her face when she's doing that. Kaya nitong baguhin ang desisyon mo. "We can't baby. Busy pa sila doon. Papagandahin nila 'yung house para okay na pagdating natin." Sinuklay ko ang buhok nito. Mabilis siyang sumimangot. "Bakit po kasi ngayon lang sila nag-ayos?" Reklamo niya na ikinatawa ko. Umayos pa kasi siya ng upo saka humalukipkip. Ngumuso na naman ang bibe. "Hala sermonan mo po si Lolo mo. You want me to call them?" Mabilis siyang lumingon sa akin saka umiling. "Ayaw. Baka po pagalitan ako." I laughed then playfully ruffled her hair. "Of course papagalitan ka non. Mas marunong ka pa sa kanila e." Mas lalong lumukot ang kaniyang mukha at mas humaba ang nguso niya na mas lalo kong ikinatawa. Cute na bata. Nagpatuloy na lamang siya sa paglalaro sa tablet niya. Himala ah. Hindi siya nanonood ng cartoon shows. Bumalik na rin si Khai dala ang banana cue na ginawa niya para sa meryenda namin. "Ito na ang banana cue." Sambit nito saka nilapag sa center table ang plato ng banana cue. Winter requested if she can eat banana cue. Gumala kasi kami kaninang umaga sa mall at nanood ng cartoon movies. Noong pauwi na kami, nakakita siya ng banana cue tapos gusto magpabili. Khai told her na paglulutuan na lang daw siya sa bahay kaya ito ang anak ko, tuwang tuwa. Bago siya kumuha ng stick ng banana cue ay pinutol ko muna ang matulis na dulo para iwas aksidente. Winter really enjoyed it dahil nakadalawang stick siya. Tatlo pa naman ang saging bawat stick. Palibhasa hindi siya masyadong nakain nito. Hangga't maaari kasi ay hindi ko siya pinapabili ng kung ano ano. Hindi pa nga ito nakakain ng street foods e. Wala rin naman ganoong tinda sa canteen ng school nila. Veggie balls ang kadalasan na binibili nila ng kaklase niya. "Naayos mo na ba gamit mo?" Tanong ko kay Winter na sarap na sarap na nginunguya ang saing. Tukoy ko ang maleta niya. "Opo." Tangong sagot niya. "Sure?" "Opo." "Good." Nilingon ko naman si Khai na nasa tabi ko. "Ikaw? Okay na gamit mo?" Tinaasan niya ako ng kilay bago tumango. "Hmm okay na." I'm happy that she agreed to go with us. Excited na tuloy akong ipakilala siya sa magulang ko. I already told Mom na may iba kaming kasama. Inusisa niya pa kung sino ba ang kasama ko dahil ngayong taon lang nangyari na may iba kaming kasama. Kadalasan kasi ay kami lang dalawa ni Winter tapos kasama ang kapatid ko na si Madi. Noong nalaman niya na babae ay may duda na siya kung ano ang koneksyon nito sa akin. Tandang tanda ko pa ang sinabi niya sa akin. "You better bring that girl here at nang malaman natin kung pasok ba siya para sa family natin." Mataray nitong sabi. Napabuntong hininga na lamang ako. I decided not to tell this to Khai dahil baka magkaroon siya ng dahilan para hindi sumama. I wouldn't let that to happen. I want her to meet my family. I mean, wala naman pakialam si Mom kung sino ang gugustuhin at mamahalin ko pero mas maganda pa rin na magkakilala sila. Ang sarap kaya sa feeling na legal kayo sa bawat family niyo. Gusto kong iparamdam kay Khai na welcome siya sa magulang ko. Na welcome siya sa family ko. "Tingin mo? Saan maganda ipost?" Pinakita ni Khai ang pictures sa phone niya. Ito 'yung mga kuha niya kanina noong gumala kami. Kinuha ko pa ang phone niya para mas matignan nang ayos. I told her na maganda lahat kaya pwede niyang isama lahat sa post. Magaganda naman kasi talaga lahat ng kuha niya. Ang gwapo ko nga rito sa picture o. Stolen 'yung pagkakakuha. Papasend ko nga sa kaniya 'to para mapalitan ko na ang display picture ko sa Vinstagram. Nagpatuloy ako sa pag-iscroll hanggang sa makarating ako sa mga naunang pictures namin sa mga gala dati. Ang cute cute. We looked happy back then. Hindi naman sa sinasabi ko na malungkot na kami hindi tulad dati. What I mean is, masaya kami dati, pero mas masaya na ngayon kumpara noon. It felt like the bond between us three grew stronger and better. Malayo na ang narating ko kakaswipe sa phone hanggang sa mapahinto ako sa ligaw na litrato dito sa phone ni Khai. My brows instantly furrowed as I stared at the picture. Sinilip ko si Khai na abala sa paglagay ng juice sa baso ni Winter. Bakit siya may nakasave ng picture niya? I want to ask her now but this isn't the right place since Winter is still here. Kaya naman naghintay ako ng gabi para tanungin siya tungkol sa picture na nakita ko sa kaniyang phone. "May nakita pala ako sa album mo." Tanong ko sa kaniya habang nakaindian sit siya sa sofa kung saan kami nanonood ng TV show. Mabilis siyang lumingon sa akin na nanlalaki ang mata. Gulat na gulat naman ata siya. May ideya siguro siya sa tinutukoy ko. "A-anong nakita mo?" She was panicking. Umayos pa nga siya ng umupo saka humarap sa akin e. "Something that I shouldn't see." Matalinhaga kong sagot. May mas ilalaki pa pala ang mata niya at halos nagpigil siya ng hininga. "Nakita mo pa rin? Binura ko na 'yun ah." Kinuha niya pa ang kaniyang phone na nasa bulsa ng shorts niya at may kinalikot doon. Binura? E bakit nandoon pa rin ang picture ni Traiden? At bakit may picture siya ng lalaking iyon? Nasa motor pa ito at nagpeace sign pa sa harap ng camera. I wasn't able to check the details kung kailan ito kinunan dahil dumating na rin si Khai ng mga oras na iyon kaya binalik ko agad sa latest na picture. "Care to explain to me why do you have Traiden's picture on your phone?" Taas kilay kong tanong. Kasing bilis ng kidlat ang pagbabago ng expression niya dahil mula sa pagkagulat ay pinalitan ito ng pagtataka. "Huh? Picture ni Traiden?" Tumango ako. "Yeah. You have his picture saved on your phone." Napabuga siya ng hangin. "Jusko, William, pinakaba mo ko. Ang akala ko bold na nakita mo." Halatang nakahinga nga siya nang maluwag na pinagtaka ko. My brows almost met from frowning too hard. "Bold?" Umiwas agad siya ng tingin saka inayos ulit ang pagkakaupo, hindi na nakaharap sa akin. Itinutok niya ang atensyon niya sa TV na animo'y wala siyang narinig sa sinabi ko. "Huh? Anong sabi mo?" Umusog ako palapit sa kaniya habang siya naman ay umatras hanggang sa makarating na siya sa dulo ng sofa. "You said bold. Anong bold?" "W-wala akong sinabing bold ah. Palinis ka nga ng tenga mo, William." Depensa niya agad. Hinawakan ko siya sa braso niya para paharapin siya sa akin. Ayaw niya talagang tignan ako sa mata dahil kahit hawakan ko ang panga niya para patinginin ko siya sa akin ay nagpupumiglas siya. Natatawa na tuloy ako. "May bold ka? Like porn?" Curious kong tanong. "Huh? W-wala ah. Anong porn pinagsasabi mo, William? Hindi porn 'yun. Tabi nga naiihi ako." Bato niya saka tinulak ako sa aking dibdib para makaalis siya. Halatang umiiwas siya kaya para hindi siya makatakas ay hinawakan ko siya sa kaniyang kamay at hinila pabalik sa akin. Napairit siya sa pagkabigla hanggang sa tagumpay ko siyang mapaupo sa pagitan ng hita ko nang bumukaka ako, nakatalikod siya sa akin. Niyakap ko siya para hindi na siya makawala pa. Hindi na maalis ang ngisi sa labi ko. Nakalimutan ko na nga ang una kong tanong dahil binagabag na ako ng bold na tinutukoy niya. "Anong tinatago mo sa phone ha?" "W-wala ah. Bitiwan mo nga ako. Naiihi na talaga ako." Pilit niyang binabaklas ang braso ko na nakayakap sa kaniya ngunit mas hinigpit ko ang yakap sa kaniya pero hindi naman sa mahihirapan siya huminga. "Umamin ka muna. Ano meron sa phone mo? What do you mean by bold hmm?" Mapang-asar kong tanong. She has bold on her phone. Sobra akong naku-curious kung anong ibig sabihin niya roon. "William isa!" Pagbabanta niya. "Dalawa." Ako na ang nagtuloy para pang-asar. Sa pagod niya kakapiglas ay siya na ang sumuko. Isinandal na lamang niya ang kaniyang likuran sa dibdib ko. "Hindi 'yun bold. Wait bold ba 'yun?" Bumuntong hininga siya. "It's just a picture of me naked." Lumuwag ang pagkakayakap ko sa kaniya na animo'y nanghina ang katawan ko nang marinig ang huli niyang sinabi. Napataas ako ng kilay nang igilid ko ang ulo ko para silipin siya. "You have naked picture?" Sinilip niya ako ngunit mabilis din siyang umiwas. "B-binura ko na 'yun." Kita ko ang pamumula ng pisngi niya na mas ikinangiti ko. She looked embarrassed. I stared at her inquisitively. "Bakit ka nagpicture ng ganon?" Mas lalong napansin ang pamumula ng pisngi niya. Ipinahinga niya ang kamay niya sa bisig ko na bahagyang nakayakap pa rin sa kaniya. "I was planning on sending it to you. But I changed my mind." Inalis ko ang isang braso ko sa pagkakayakap sa kaniya para hawiin ang buhok niya na nakaharang sa kaniyang leeg. Nang mailipat ko sa kabila ang kaniyang buhok ay malaya kong nahalikan ang leeg niya. "Why?" She heaved a deep sigh. "It looked bad." Pag-amin niya. Hindi ko napigilan na matawa kaya mabilis niya akong sinilip at binigyan ng masamang tingin. "Tawa tawa ka dyan?" I cleared my throat and stared back at her. "Why would you think that? Kahit hindi ko pa nakikita 'yung picture, alam kong maganda ang kuha mo roon. You have the most beautiful body I've ever seen." Mas lalong sumingkit ang mata niya. "Bakit? Ilang hubad na katawan na ba nakita mo aber?" Natawa na ulit ako then I gave her a quick kiss on her cheek. "Ang sexy mo kaya. Dapat sinend mo sa'kin." "Tse! Wala na, deleted na." Inirapan niya pa ako. Tumawa lamang ako saka isiniksik ang mukha ko sa may batok niya. Nakiliti pa nga siya dahil iniiwas niya ang batok niya sa akin. "Wait, ano pala 'yung tinutukoy mong picture ni Traiden?" Oh about that. "Nakasave sa phone mo picture niya. I don't know when you took that pero nakita ko lang kanina habang natingin ako sa album mo." Paliwanag ko. "Si Traiden may picture sa akin? Saan?" Takang tanong niya saka inabot ang phone niya na nasa dulo ng sofa. Pinanood ko siyang kalikutin niya ang album sa phone niya. "Nasa may dulo pa ata 'yun," sambit ko para mas madali niyang mahanap. Tagumpay na nga niya itong nakita kaya pinindot niya ito. "Bakit may nakasave akong picture niya?" Tanong niya rin sa kaniyang sarili, mukhang wala rin siyang ideya. "Nagkikita pa rin ba kayo?" Tanong ko. Ayokong palabasin na nagseselos ako sa tanong na iyon. Nagtatanong lang naman ako. "Hindi ah. Huling pagkikita namin e 'yung umamin ka sa'kin." Sagot niya saka tinignan ang details sa picture na iyon. Napatango ako nang malaman na hindi na sila nagkikita pa. Immature man pakinggan pero masaya ako na malaman na wala na talaga silang koneksyon sa isa't isa. Magseselos talaga ako kapag nalaman ko na nagkikita pa rin sila. Sino kasing hindi magseselos? Alam ko na may gusto siya kay Khai. Alam ko naman na hindi niya na maaagaw itong girlfriend ko pero hindi ko pa rin maiwasan na magselos. I think it's natural. Hinintay ko siya na magsalita ulit habang inaalala niya kung kailan niya ito kinuha. "Aah. Ito 'yung nagtatrabaho ako sa kaniya tapos gusto niya akong ihatid. I told him na need ko evidence if ever na may balak siyang masama sa akin." She explained before she looked at me. "Ganon?" She nodded. "Hmm." "Bakit hindi mo pa rin binubura?" "Nawala na rin sa isip ko. Hindi naman kasi mahalaga." Kibit balikat niyang sagot. It made me smile. Iyon lang ang gusto kong marinig sa kaniya. I watched her as she delete the picture of him. Nagtungo pa nga siya sa recently deleted para permanente na itong mabura. "Hindi mo pala napaliwanag sa akin kung paano kayo naging magkakilala." Napatulala ako. Oo nga pala. I haven't told her kung paano kami naging magkaibigan ni Traiden. Hindi rin naman kasi siya malalim na nagtanong tungkol sa kaniya. Wala rin naman sa isip ko na ikwento siya sa kaniya. I still see Traiden as my rival up until now. Hindi na nga siguro magbabago iyon. "We were friends since grade school. Me, him, and Autumn." Panimula kong kwento kay Khai. *** Traiden's POV "What the f—?" Napangiwi ako nang makagat ko bigla ang dila ko habang nanguya ako ng pulutan. I am here in a bar with my friend, Dominic. Hindi ko naman balak na uminom but he invited me since he wanted to get drunk after getting stressed on his work. "What happened?" Mapungay ang mata niyang tanong sabay lagok ng alak. "Nothing. I just accidentally bit my tongue." Paliwanag ko. "Alam mo ba ibig sabihin niyan? It means na may nakaalala sa'yo." Someone remembered me? I laughed quietly when I realized what he meant. Napahawak ako sa baba ko. "Aah ganoon ba ako kagwapo para maalala ng mga naging babae ko? Kung sabagay, ang gan'tong mukha ko ay hahanap-hanapin talaga." I confidently said. Dominic looked disgusted from what I said. "Alam mo, tumanda na lang tayo, ang yabang mo pa rin." I chuckled. "Iba ang mayabang sa confident sa sarili." Bato ko sa kaniya. Napailing na lamang siya saka tumungga ulit. "Bakit ba hindi ka na lang magsettle ha? Tanda tanda mo na pero single ka pa rin." Kung makapagsalita naman 'to. E siya nga itong pamilyado ay mukhang nagsisisi sa desisyon niya na magpatali. Hindi na lang ako gayahin. Young, wild, and free. Tingin ko dapat wild and free na lang. I'm not that young anymore. "Ineenjoy ko kasi ang buhay." Sagot ko saka kinuha ang baso saka ininom ang alak. "Ineenjoy ang buhay? Ang sabihin mo, hirap ka lang makahanap ng babae na papatol sa'yo. No one wouldn't want to settle to someone like you. They don't wanna trust a womanizer." Wala sa katinuang sambit niya. Marami na siyang nainom kaya nagiging madaldal na siya. Tahimik naman talaga 'to kapag nasa katinuan e. Imbes na patulan ang sinabi niya ay napaisip ako sandali habang hawak ang basong wala ng laman. "I already found someone." I muttered. Pumasok sa isip ko ang huling babaeng nagpatibok muli ng puso ko. "Ano?" Tanong niya nang hindi narinig ang sinabi ko. "Ang sabi ko, natagpuan ko na ang babae kong gusto makasama habang buhay." Nilakasan ko ang boses ko para marinig niya. Napakurap kurap pa siya habang nakaawang ang bibig. "Really? Traiden Oliveros already found the perfect girl after so many years? Wow. Himala ah. Sino 'yan ah? Yayain mo na agad magpakasal!" Tumaas ang tono ng boses niya dahil naparami na talaga ang inom niya. I sighed. "Kung pwede lang, but I can't." He suddenly laughed like a maniac. "Balitang balita, si Traiden Oliveros, kilala bilang matinik sa chix, takot magpakasal!" "What?" Mabilis kong inilapit ang kamay ko sa kaniya na siyang nasa tapat ko nang makitang ibabagsak niya ang basong hawak niya. Wala na siyang kontrol sa sarili. Mabuti na lang ay nasambot ko agad ang baso na hawak niya. Mababasag 'to dahil sa kaniya e! Inilayo ko ang baso sa kaniya pati ang bote ng alak para hindi na siya makalagok pa. Halatang gusto talagang magblack out e. Sunod sunod ang tagay niya, walang pahinga. Prente niyang isinandal ang kaniyang likuran sa upuan. "Sana ako na lang ikaw. Gusto ko rin maging single. Gusto ko ng bumalik sa pagiging binata." Pati ulo niya, bigat na bigat siya. Napailing na lang ako. For sure, may problema itong pinagdaraanan sa family niya. Nag-away siguro sila ng asawa niya. Kinuha ko ang phone ko na nakapatong sa table saka binuksan ang Vinstagram ko. I crossed my legs then checked her recent post. @khailarnb - date date date with bibi Winter and boss igop @whanzserrano ❤ Dumaan ang kirot sa puso ko nang makita ang picture nila lalong lalo na si Khai katabi si William. Mapait akong ngumiti. Sila na nga talaga. Binasa ko ang nanunuyo kong labi saka tinabi na ulit ang phone ko. Bakit ko pa ba iyon tinignan? Sinasaktan ko lang ang sarili ko e. Binalik ko ang atensyon ko kay Dominic na bagsak na ang katawan sa sobrang kalasingan. Tulad ng pwesto niya ngayon, iyan din ang pwesto at hitsura ko after akong basted-in ni Khaila. Sa bahay ni William ang huli na rin naming pagkikita. Kahit na masakit, masaya pa rin ako na nagawa rin nilang umamin sa isa't isa. Tama nga talaga ang hinala ko sa kanilang dalawa. They both like each other. Halata naman kasi lalo na sa kung paano masaktan si William nang sabihin ko sa kaniya na may babae akong nagugustuhan na siyang gusto niya rin. I already knew that he liked her. Kaya nga sinadya kong sabihin sa kaniya ang tungkol sa pagkagusto ko kay Khaila nang yayain ko siyang mag-usap kami dati. Sinadya ko rin na pigilan siyang tumuloy sa shop ko dahil ayokong magkita silang dalawa. Kinain ako ng selos aaminin ko lalo na nang makumpira kong nakatira pala sila sa iisang bubong. Iniisip ko pa lang na palagi silang magkasama ay mas lalo akong nilakasan ng loob na agawin ang babaeng gusto niya. The day I told him na gusto ko rin ang babaeng gusto niya, pinanood ko talaga ang pagbabago ng mukha niya. Mas lalo kong nakumpirma na gusto nga niya si Khai. Hindi na ako nagulat. May ideya naman ako tungkol doon. Napabuga ako ng hangin. Ewan ko sa'yo, Traiden. For the second time, pareho na naman kami ng babaeng gusto. For the second time, sinubukan ko na namang agawin sa kaniya ang babaeng mahal niya. I was really a toxic person. A traitor friend. Kaya nga naiintindihan ko ang galit niya sa akin. Maswerte lang talaga ako dahil mature siyang tao at nagawa niya pa rin akong patawarin. Tangina mo, William. Ang mature mo. Paano ba maging ikaw?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD