Her POV
"Ayos ka lang?"
Inangatan ako ng tingin ni Winter habang naglalakad kami palabas ng bahay. Papasok na kasi siya ng school. Ito na rin ang last week ng pasok niya dahil magsisimula na ang kanilang Christmas break.
Payak lamang siyang ngumiti. "Hmm." Sagot niya na may kasamang tango.
Ngunit may mali talaga sa kinikilos niya ngayon. Kanina rin habang nakain, para siyang walang gana. Her face looks like in discomfort. Hindi ko naman alam kung anong nangyayari dahil hindi naman nagsasabi si Winter. Nang tanungin ko kung ayos lang ba siya, tumango naman siya. Pinagsawalang bahala ko na lamang dahil baka ako lang ito nag-iisip ng kung ano.
Hinatid na namin si Winter sa school. Sa bahay ay nag-asikaso lang ako ng labahin since it's laundry day. Kinuha ko ang mga labahin nila sa kwarto. Inuna ko muna sa kwarto ni Winter bago kay Will. Pagpasok ko ng kwarto ni Will ay parang naamoy ko pa ang lalaking iyon dito sa loob. Nanunuot sa ilong ang bango.
Minsan lang din pala ako makapasok dito ano. Sa kwarto ko kasi madalas natambay itong si William at nakikitulog. Parang walang sariling kwarto e.
Ngayon, nakakatuwa lang kasi hindi na namin kailangan magtago kay Winter. We're now open with our relationship. Hindi na namin kailangan kabahan na baka maabutan kami ni Winter na naghaharutan. Malaya na rin kaming naghahawak kamay hindi tulad dati.
May part lang na nanibago pa kami lalo na ako. Tanda ko pa nasa sala kami ni Will. Since hindi ako makatulog ay sinamahan niya ako sa sala para manood. Sinabihan ko na nga siya na mauna ng matulog dahil panay ang hikab niya pero nagpumilit naman siya na samahan ako. Edi ayun nga, nanonood kami ng T.V. Nakasiksik pa ako sa kaniya habang nakayakap ang isang braso niya sa akin habang nakaupo kami sa sofa.
Nangalay ako sa pwesto namin kaya lumayo ako sa kaniya. Dahil panay na siya hikab ay sinabihan ko siyang humiga sa lap ko. Sumunod naman si Will. Habang nanonood kami, o ako lang, dahil naririnig ko na ang hilik ni William, may narinig akong bumababa ng hagdan.
Nawala sa isip ko na alam na pala ni Winter ang tungkol sa amin ng papa niya. Umakto ang panic sa katawan ko nang makita siyang bumaba. My hands acted on its own then quickly pushed Will out of the sofa who's just innocently sleeping on my lap. Kalabog sa sahig ang sunod na narinig ko at mahina niyang daing nang bumagsak ang katawan niya. Nanlaki ang mata ko nang marealize ang ginawa ko sa kaniya.
"William!" Sinilip ko siya sa sahig na puno ng pag-aalala ang mukha.
"Bakit mo ko tinulak?" Nakangiwi ang hitsura niya habang hawak niya ang kaniyang siko na tingin ko ay tumama sa sahig.
"Sorry," I mouthed.
"Dad, are you okay?" Lumapit sa amin si Winter nang makita niyang narito kami sa sala. Bumaba pa ang tingin niya sa kaniyang ama na nakahiga sa sahig.
"Y-yeah." Tinulungan ko siyang bumangon hanggang sa makatayo na siya. "Bakit gising ka pa anak?" Tanong ni Will.
"Nauuhaw po ako." Tugon ni Winter. "Bakit hindi pa po kayo natutulog?" Kinusot ni Winter ang kaniyang mata na bakas pa ang antok.
Sinilip ako ni Will bago sumagot. "Matutulog na rin kami, baby." Kinuha niya ang remote saka pinatay ang TV.
"Hmm okay po." Lumapit sa akin si Winter at niyakap ako. "Goodnight po ulit, mommy Khai."
Sandali ko siyang niyakap. "Goodnight din. Balik na sa tulog ha."
"Opo."
Saktong pagkaalis ni Winter ay ang sama ng titig sa akin ni Will na animo'y ang laki ng ginawa kong kasalanan. Totoo naman, Khai. Tinulak mo lang naman ang William. Umupo siya sa tabi ko habang naniningkit ang mga mata na nakatingin sa akin. Titig pa lang, alam ko na agad ibig sabihin.
Pinigilan ko lamang ang sarili ko na matawa saka niyakap siya. "Sorry na. Hindi ko sinasadya. Nakalimutan ko lang na alam na pala ni Winter ang tungkol sa atin."
Nilapat niya ang kamay niya sa likuran ko saka niyakap ako. "Ang sakit ng katawan ko."
Natawa ako nang mahina. "Hilutin ko na lang." Tinignan ko siya.
Mabilis na nagbago ang tingin niya nang maging mapungay ang kaniyang mata. "Masakit din baba ko. Pwede pahilot din?"
Humiwalay ako ng yakap at mabilis siyang hinampas sa braso. "Bastos." Natatawa kong sabi.
Bastos? Bastos pero gusto ko rin!
"Aray ko. Ang sadista mo naman, babe. Tinulak mo na nga, hinampas mo pa." Hinimas himas niya pa ang braso niya na siyang nahampas ko. Di naman malakas pagkakahampas ko ah. "Humanda ka talaga."
Napairit ako nang bigla niya akong buhatin ng pabridal style. "William, ano ba!" Ang arte mo, Khai. Tuwang tuwa ka rin naman na binubuhat papuntang kwarto.
Napakurap kurap na lamang ako nang maalala ko ang gabing iyon. Nag-init ang pisngi ko. Syempre, gumawa kami ng milagro sa kwarto ko. As if naman matitiis ko ang matipunong katawan ng baby ko. Napangiti ako. Baby ampota. Effective nga e. Nakatulog agad ako.
Pinagpatuloy ko na lamang ang pakay ko rito sa kwarto ni Will. Kinuha ko na ang basket niya na puno ng labahin. Aalis na sana ako kaso nakita kong nakabukas ang drawer ng damitan niya. Hindi ako mapakali kaya binalikan ko iyon para isara ngunit natulala lamang ako nang makita kung ano ang laman ng drawer.
Nagningning agad ang mata ko. Ang iba't ibang kulay ng boxer ni William! Binaba ko saglit ang basket ng labahin saka nilakihan ang bukas ng drawer. Tumumbad sa akin ang mga boxer ni Will na maayos na nakatupi. Grabe ang organize. Pero kapag kaming dalawa lang sa kwarto, basta hagis lang siya ng damit namin.
Pansin ko pa na ilan lang sa boxer niya ang pamilyar sa akin. So hindi ko pa pala nakikita lahat. Maingat akong kumuha ng isa para hindi magulo ang ayos ng mga ito. Hawak hawak ko ito sa magkabilang kamay nang itapat ko ito sa mukha ko. Halatang pang malaking tao 'yung boxer e.
Nang sumilip pa ako sa ibang boxer ay may nakapukaw ng atensyon ko. Kulay red! Kinuha ko ito at may umukit na ngisi sa labi ko. Kinuha ko ang phone ko na nakasuksok sa bulsa ng shorts ko saka pinicture-an ang boxer. I sent it to Will.
Me: Can I have this boxer?
Dala dala ang boxer at ang basket ay lumabas na ako ng kwarto niya. Nagtungo na ako sa laundry area para magsimula na sa paglalaba. Naglalagay na ako ng mga damit sa washing machine nang tumunog ang phone ko. Sandali muna akong tumigil saka binasa ang message ni Will.
Boss Will: Why do you want my boxer hmm?
Me: Pantulog ko. Feeling ko mas presko kapag nakaboxer. Can I have it? Isa lang naman
Boss Will: Oh okay. Feel free to take all my boxers
Boss Will: But can I have your panty then? ;)
Me: Bakit? Ipantutulog mo rin?
Boss Will: No. Maiipit itlog ko niyan
Humagalpak ako ng tawa nang mabasa ko ang reply niya. Naimagine ko tuloy na magsusuot ng panty si William. Ang weird nga naman lalo na't biniyayaan nga siya.
Me: HAHAHAHAH okay, bigay ko sa'yo mamaya
Bwiset na William 'to. Ano ba 'yan?! Ayan tuloy. Hindi mawala sa isip ko 'yung imahe niya na suot suot ang underwear ko. Jusko. Ang dumi dumi na talaga ng utak ko. Mamaya nga maghahanap ako ng pinakamagandang underwear ko. Tipong mas lalo siyang mababaliw sa akin kapag nakikita niya ang panty na 'yun. Panty pa lang may tatayo na agad.
Dahil malapit na rin maglunch ay iniwan ko muna ang nilalabahan ko para makapagluto na. Banlaw na rin naman. Fried chicken na ang niluto ko. Nang maayos ko na ang lahat sa tupperware ay nilagay ko na ito sa lunch bag. Tinigil ko muna saglit ang pagbabanlaw at babalikan na lamang mamaya matapos mahatid itong lunch ni bulinggit.
Gaya ng kanina ay matamlay lamang akong sinalubong ni Winter. Bumaba ako para maging pantay ang lebel namin. Hinawakan ko ang pisngi niya at marahan itong hinaplos.
"May masakit ba sa'yo?" Alalang tanong ko. "Ayos ka lang ba? Kanina ka pa matamlay e."
Umiwas siya ng tingin. "O-okay lang po ako, mommy Khai."
"Are you sure?"
Tumango siya. "Opo."
I exhaled deeply. Bakit ba hindi ako mapakali? May mali talaga e. Kinuha na niya ang lunch bag saka nagtungo sa canteen kasama ang mga kaklase niya. Ibang iba ang sigla niya ngayon. Wala ngang sigla e.
Bumalik ako ng bahay na hindi mapakali. Nagkatotoo nga ang kutob ko nang may tumawag sa phone ko. It wasn't William. Numero ito ng adviser ni Winter. Nilagay na rin kasi ako ni Will na guardian ni Winter kaya kasama na ako sa contact number ng adviser.
"Hello?" Sagot ko sa adviser na tumawag sa phone ko.
"Hello po. Si Khaila po ito ano po? Guardian ni Winter?" Tanong ng babaeng adviser ni Winter.
"Y-yes po. Bakit po kayo napatawag?"
"Ah kasi hindi ko matawagan si Mr. Serrano kaya kayo po ang tinawagan ko. Si Winter po kasi."
Kinabahan agad ako sa paraan ng pagkakasabi niya. "A-anong nangyari?"
"Pwede po bang pumunta kayo sa school? Kasi po—"
Kinuwento ng adviser ang nangyari. Mabilis akong lumabas ng bahay para puntahan si Winter na may dinadala palang karamdaman. Nakakairita pa kasi saktong inabutan pa na huminto 'yung jeep para magpa-gas. Jusko! Nagmamadali na nga ako tapos makikisabay pa 'to.
Sinabihan ako ng adviser na magtungo sa school clinic dahil naroon daw sila. Halos madapa na ako sa sobrang pagmamadali na makarating doon. Pagkarating ay naabutan ko si Winter na nakayuko, tahimik na nakaupo sa may bench. Nakahawak ang isang kamay nito sa kanang pisngi.
"Ms. Khaila," tawag sa akin ng adviser nang makita niya ako.
Mabilis na tumingin sa direksyon ko si Winter habang naglalakad ako palapit sa kanila. Winter looked relieved to see me here. Para siyang maiiyak nang lumapit ako sa kaniya saka lumuhod sa kaniyang harapan habang nakaupo pa rin siya. Namumuo ang luha sa kaniyang mata.
"Masakit?" Alalang tanong ko.
Lumukot ang mukha niya hanggang sa hindi na niya napigilan na tumulo ang luha. "M-mommy Khai. A-ang sakit po." She sobbed.
Napabuga ako nang malalim na paghinga. Kawawa naman ang batang ito. Kaya pala wala siyang gana kanina at ang tamlay niya. Masakit pala ang ipin niya. Bakit naman kasi hindi niya sinabi agad? Tiniis niya pa.
Pinunasan ko ang basang pisngi niya. "Don't worry. Punta tayo sa dentist, okay? Papacheck natin ipin mo. Tahan na hmm?" I comforted her.
Tumango naman siya kahit na hindi na maipinta ang mukha niya dahil sa pag-iyak. Nagpasalamat muna ako sa adviser para sa pag-aksyon agad sa problema ni Winter. Hawak hawak ang kamay ni Winter ay naglakad na kami palabas ng school. Every minute I assured her na mawawala rin ang sakit. I texted Will to inform him about his daughter's situation. Mukhang busy siya ngayong hapon sa Clinic dahil wala akong natanggap na reply mula sa kaniya.
Nakarating kami ng Dental Clinic at ramdam ko na kinakabahan si Winter nang pumasok kami sa loob. Nagpaasikaso muna ako sa may front desk at iniwan ko muna siya sa may waiting area. Nasa isang appointment pa raw ang dentista kaya naman naghintay muna kami saglit ni Winter.
Halos hindi niya talaga bitawan ang kamay ko. Chineck ko pa nga ang ipin niya na sumasakit e. Hindi naman ganon na namamaga pero masakit lang daw. Niyakap ko lamang siya para aluin siya.
Tinawag na kami ng babae na nasa front desk para sabihin na kami na ang susunod. Mahigpit ang hawak ni Winter sa kamay ko nang pumasok kami sa opisina ng dentista. Ayaw niya pa ngang bitawan ang kamay ko nang checheck-up-in na siya ng dentista e but I just assured her na hindi ko siya iiwan.
Nakausap ko ang dentist at niresetahan niya kami ng gamot para pampawala ng sakit ng ipin ni Winter since hindi pa raw muna pwede pabunutan lalo na't masakit. Balik daw kami pagkatapos ng dalawang araw kung pwede kapag wala na ang sakit.
"Ano pong sabi niya, mommy Khai? Gagaling po ba 'to?" Tanong ni Winter nang makalabas kami ng opisina.
Nginitian ko siya para hindi siya mag-alala. I bent down to match her level then gently caressed her hair. "Babalik tayo kay Doc kapag nawala na 'yung sakit. Bubunutin ni Doc ang bad na ipin mo, kaya mo ba?"
Tumango agad siya. "I-I have to get rid of this bad tooth."
Tumango rin ako. "Opo. Kailangan natin tanggalin si bad tooth."
Sinunod namin ang payo ng doctor. Nag-excuse muna sa school si Winter dahil sa sakit ng ipin niya. Nang makauwi nga si Will ay bakas ang pag-aalala nito sa kaniyang anak. Palagi siyang nagtatanong kung kumusta na raw ang ipin, kung sobrang sakit ba. Pinaliwanag ko naman agad sa kaniya ang sinabi ng dentista at mukhang nakaluwag naman siya.
Sa araw ng pagpapabunot nga ni Winter ay sinamahan talaga kami ni Will. Gusto niya kasi makasigurado na maayos ang kalagayan ng anak niya. Naging successful ang pagbunot ng ipin ni Winter. Si Will kahit nasa work, panay ang text sa akin kung kumusta na raw si Winter. Kung nadugo pa rin ba raw ang nabunutan na ipin.
Para hindi siya mag-alala ay nagsend ako ng vid namin ni Winter na nasa kama, nakahiga habang nanonood ng cartoon show sa tablet. Mas mukhang nag-aalala pa si Will kaysa sa sariling anak niya e.
Naisipan pa nga niyang bilhan ng ice cream since nabanggit naman ng dentista na pwede naman daw kumain si Winter nun. Ayun, tuwang tuwa ang bulinggit.
"Mommy Khai, gushto mo po?" Alok ni Winter sa ice cream na nasa box, katabi ko siya sa sofa dito sa sala. Pinigilan ko ang matawa dahil sa boses niya. Hirap magsalita e.
"Penge nga." Nakangiting sambit ko. Lumapit naman siya sa akin saka inabot ang kutsara niya na may ice cream. Sumubo naman ako at nanlaki ang mata nang masarapan. "Ang sarap."
"Chalaga po?"
I bit my lower lip to stop myself from laughing. "Opo." Hindi siya makangiti nang ayos. Para siyang chipmunks. Pagkacute.
Binaba niya saglit ang ice cream sa may center table. Napasinghap ako nang bigla niya akong yakapin. Nasa kabila naman ang pamamaga ng ipin niya kapag nagawa niyang sumiksik sa akin.
"Thank you po, Mommy Khai."
Sinuklay ko ang buhok niya, nagtataka kung para saan ang pagpapasalamat niya. "For what, baby?"
"For taking care of me. Thank you po."
Just like the ice cream, I melt. Napangiti ako at saka hinalikan ang ulo niya.
"You're welcome, baby. Alam mo naman na hindi kita papabayaan diba?"
She nodded. "Sorry din po kasi hindi ko sinabi agad. Ayoko lang po na mag-alala kayo kaya tiniis ko."
Hindi maitatanggi na mag-ama nga sila. Pareho silang hindi nagsasabi kung may nararamdaman silang sakit. Saka ko lang malalaman kapag malala na.
I softly caressed her arm. "It's okay. 'Wag ka magsorry. But next time, promise to us na magsasabi ka agad kapag may masakit sa'yo. Okay?" Tango ang naging sagot niya kaya maingat ko siyang niyakap. "I love you."
"I love you rin po." We both smiled. Or ako lang. Kawawang bata, hindi makangiti. Pagkacute.
***
His POV
Pauwi na ako ng bahay galing Clinic. Mabuti na lang talaga dumaan ako kaninang umaga sa pet store para bumili ng dog food dahil kung ngayon ay wala akong mabibili. Sarado na mga tindahan. Naubos na kasi ang dog food ni Sunny, wala na para bukas. Parang hindi na nga tuta iyon e. He's getting bigger day by day.
Hindi ko nasundo sina Winter kanina sa school dahil busy sa Clinic kaya nagcommute na lamang sila. Alam ko summative test nila ngayon e. Last day rin ng pasukan. Naexcite na tuloy ako umuwi para kumustahin ang anak ko. Laking pasalamat ko nga kay Khai dahil tinutulungan niya si Winter sa pag-aaral. Madalas ko silang abutan sa kwarto ng anak ko na nag-aaral. They're really close. Nakakatuwa.
Mabuti na lang talaga nandyan si Khai. Gaya na lang noong sumakit ang ipin ni Winter at sakto na busy ako sa Clinic. Hindi ko nasagot ang tawag ng Adviser sa'kin. Good thing Khai was there and she was able to handle the situation without me. Paano na lang kaya kung wala siya? Baka mamilipit na lang sa sakit ang anak ko nang walang umaasikaso.
It was a great relief to have her.
Balak ko nga sanang bumili ng solid food like pizza or burger as treats for those two beautiful ladies pero need pa ng ilang araw ni Winter para makakain ng ganoon kaya hindi na lang muna. Nang makauwi ako at makapagbihis ay naabutan ko silang dalawa sa kwarto na magkasama na namang nanonood ng cartoon shows.
"Daddy." Sambit ni Winter nang makita akong sumilip ng pinto.
Ako na ang lumapit saka sumampa sa kama. Pinagitnaan namin ang anak ko. "Hello, baby. How's your exam?"
"Ang dali ng exam, daddy. I was able to answer all of them. Though, there's some question that I'm not sure but Mommy Khai told me that it's alright to make mistakes." Masiglang kwento nito.
Napasilip ako kay Khai na taimtim lang na nakikinig sa kwento ni Winter. Napangiti ako. Perfect. Ang sarap din pakinggan na tinatawag siyang mommy ni Winter. It felt like we're already a family.
Tangina, papakasalan ko talaga ang babaeng ito. Inakala niya nga talaga na pinikot ko siya. Hindi ah. Hindi naman kasi porque mommy ang tawag sa kaniya ng anak ko ay ibig sabihin noon ay papakasalan ko agad siya. Gusto ko but I don't want to pressure her. Maghihintay ako kung kailan siya ready. Tingin ko nga kailangan kong ipaalala sa kaniya iyon dahil baka mamaya iyon nga talaga ang iniisip niya. I should clarify it to her. Maybe later.
Natapos na ang dinner namin. Sinabihan ko pa si Khai na ako na ang magpapatulog kay Winter dahil gusto ko rin makabonding ang anak ko. Minsan ko lang din kasi siya basahan ng bedtime story.
I kissed her forehead when she finally fell asleep. "Goodnight, sweetie."
Inayos ko ang pagkakabalot ng comforter sa anak ko bago ko patayin ang ilaw ang bedroom niya. Marahan kong sinara ang pinto ng kwarto niya para hindi ito gumawa ng ingay. Sunod kong puntirya ngayon ay ang baby ko na nasa katapat ng kwarto ko. Walang katok katok na dumiretso na ako ng pasok sa kwarto niya.
Wala siya sa loob. Nasa bathroom ba siya? Narinig kong bumukas ang pinto sa likuran ko at saktong pumasok nga si Khai na iba na ang suot. She's wearing an oversized T-shirt which seems familiar to me. Naalala ko, akin pala 'yun. Sobrang laki nito sa kaniya na halos tabunan na ang shorts niya. I'm not even sure if she's wearing something down there. I hope not. Much better kung easy access.
Humakbang ako para makadaan siya. "Hello." Bati ko sa kaniya.
Gaya ng palagi niyang ginagawa ay naningkit ang mata niya sa akin na animo'y hinuhusgahan niya ako. Palagi kasi siyang nagdududa sa tuwing narito ako sa kwarto niya. Palibhasa kama agad ang bagsak namin. I couldn't resist her. Lalo na ngayon, ang tanging tumatakbo lang sa isip ko ay wala siyang suot sa shirt na tumatabon sa hita niya.
Lumapit ako sa kaniya saka hinawakan siya sa bewang nang masara niya ang pinto. Mabilis naman na pumulupot ang kamay niya sa leeg ko. "Ano? Gabi gabi na lang?" Tinaasan niya ako ng kilay.
I laughed quietly. "Bakit ba palagi mo na lang iniisip na may balak ako ha? Behave lang naman ako e." Hinapit ko siya palapit sa akin para magdikit ang katawan namin. Wala na akong pake kung maramdaman niya ang paggising ng alaga ko. I want her to feel it. Gusto kong iparamdam sa kaniya kung anong epekto niya sa akin.
Mukhang napansin niya naman iyon dahil sumilip siya sandali sa baba. "Your member says the otherwise."
I smirked. "Gusto mo bang panagutan?"
Umirap siya. "Bakit? Buntis ba 'yan?"
Mas lalong lumawak ang ngiti ko nang matawa ako sa bato niya. "Kung ikaw kaya buntisin nito?"
Hinampas niya ako sa dibdib ngunit kumawala ang ngiti sa labi niya. "Ang bastos ng bunganga, William."
"Sorry." Natatawa kong saad. Binuhat ko siya sa bewang niya dahilan para mapairit siya. Mabilis niyang ikinapit ang binti niya sa bewang ko.
"Behave daw ah." Sambit niya nang dalhin ko siya sa kama at ihiga.
Pumaibabaw naman ako sa kaniya nang ibuka niya ang binti niya. "I am behave. Pero baka gusto mo lang maging pasyente ko ngayong gabi?"
Kumunot ang noo niya. "Pasyente? Mukha ba kong hayop?"
Kinagat ko ang ibabang labi ko nang matawa ulit. "No. But you have a p***y. Baka gustong magpacheck up ng p***y na 'yan."
"Aww sorry po, Doc. Kakapacheck up lang nito kagabi. Pinakain po ito ng talong para raw healthy."
What the f**k? Bumagsak ang katawan ko sa kaniya nang hindi ko na mapigilan ang tawa ko na kumawala sa akin. I buried my face on her neck and sniffed her sweet scent.
"I love you." I told her then kissed her cheek.
"I love you, too." Inangat ko ang ulo ko para matignan siya nang ayos. Mula sa mata ay bumagsak ang tingin ko sa kaniyang kaakit-akit na labi. Katulad ko ay lumalalim na rin ang kaniyang paghinga. "William, tumutusok." She said which made us both look down on the bulge of my pants. Now, I'm so hard.
Napapikit ako nang maging mapusok ang kamay niya nang ipasok niya ito sa loob ng shorts ko. Napasubsob ulit ako sa kaniyang leeg nang mahawakan niya na ako. f**k! His touch was so warm. She's not helping me at all. Mas lalo lang akong tinitigasan. I instantly moaned when she massaged it with her soft hand.
"Doc, baka kayo po ang need ng check up. Nilalagnat po ang alaga niyo." Mapang-akit na sambit niya sa akin.
I brought my lips to her ear then whispered, "Let me be your patient then."
Hingal na hingal ay gumilid ako ng tabi sa kaniya matapos kaming makaraos. Tumagaktak na rin ang butil ng pawis sa noo ko. Pinasiksik ko naman agad siya sa katawan ko saka niyakap siya nang mahigpit.
Ilang minuto pa ang lumipas, hinahabol namin ang hininga namin. Napangiti ako nang maalala ang suot niya kanina. I finally confirmed that she had something down there. She wore my boxer. Iyong boxer na hiningi niya sa akin.
"How was the boxer?" I asked. "Is it comfortable?"
Iginalaw niya pa ang ulo niya bago sumagot. "Paano ko malalaman? Hinubad mo naman kaagad."
Hindi ko napigilan na matawa. "Oh sorry."
"Sinukat mo na 'yung panty?"
"What?"
"'Yung panty na binigay ko. Sinukat mo na ba?"
I laughed. "Why would I? Edi nasira naman panty mo."
At saka maiipit itlog ko! Delikado!
She shrugged. "Kung sa bagay, sa laki mo ba naman."
Gumagalaw na talaga ulo niya kakatawa ko dahil ginawa niya kasing unan ang dibdib ko. "Nga pala, babe."
"Hmm?"
"Hindi ka naman siguro napepressure diba?"
Tiningala niya ako. "Saan?"
"Baka kasi iniisip mo na minamadali kita na magpakasal sa'kin. I wanna know your thoughts." Seryoso kong tanong.
Ilang segundo pa ang lumipas bago siya magsalita. "Pinipikot mo ba talaga ako?"
"What? No." Tanggi ko agad. "'Yun ba talaga iniisip mo?" Hindi siya agad nakasagot. I felt guilty. "I'm sorry. I didn't mean for you to feel that. It's not my intention to pressure you to commit yourself in marriage. Sadyang wala lang akong maisip na dahilan para maintindihan ni Winter ang mayroon natin."
"Hmm I know." She quietly replied. Bumaba ang tingin niya saka tinapik tapik ang hubad kong dibdib gamit ang daliri niya.
"Napepressure ka rin ba na tinatawag ka ni Winter na mommy?" Curious kong tanong.
"No. Ang totoo, masaya ako na tinatawag niya ako ng ganoon. Nakakatuwa."
"Good to know." I smiled.
We went silent again.
"Will."
"Hmm?"
Nagpakawala siya ng buntong hininga. "Hindi sa napepressure ako about sa marriage. It's just that... ang bilis lang. To be frank, lumaki ako na kinamuhian ko ang salitang 'yan. Especially the word family. Kaya nga lahat ng 'to nakakapanibago sa akin." Sagot niya. Marahan kong hinaplos ang kaniyang pisngi habang taimtim na nakikinig sa kaniya. "I told to myself na hindi ako makikipagsex. Anong nangyari? Wala. We ended up being a f**k buddy."
I hate that word. f**k buddy.
"I promised na hindi ako magboboyfriend. Wala rin because you happened. Nahulog ako sa'yo" She added.
"Nagsisisi ka ba?" May lungkot sa tono ng boses ko nang tanungin iyon. Ayokong marinig sa kaniya na nagsisisi siya sa kung anong mayroon kami.
"No." She denied without hesitation. Nakahinga ako nang maluwag. "Masaya ako sa kung anong mayroon tayo. No regrets. Hindi lang talaga natin inaakala na may darating sa buhay natin na sisira sa plano natin. But I swear William, I have no regrets. Sa tagal natin na nagsama sa iisang bubong, you just proved to me na iba ka. Na iba ka sa pinaniniwalaan ko na ugali ng mga lalaki. Ang totoo nga, kung magpopropose ka sa'kin ngayon, baka mapa-oo mo ko. You already prove yourself to me. So bakit pa ako tatanggi?"
She paused before she spoke again. "Marriage is not a trial and error. We're talking about lifetime commitment here. Sabihin na natin na nagsisimula akong maging duwag. Sa ating dalawa, ako ang baguhan. You already proved yourself to me but I don't think na ganoon din ako sa'yo. Marami pa akong dapat malaman. Marami pa akong dapat matutunan. I can be a mom to Winter but I think I'm still not capable to become a mom and wife at the same time."
"What if kaya ko maging ina pero hindi ko kayang gampanan ang pagiging asawa? What if vise versa? What if both?" Dugtong niya. Halata ang pagdududa niya sa kaniyang sarili. "Baka pag dumating 'yung araw na narealize mo na hindi ako 'yung babae na pangkasal at pangbahay, mas mahihirapan ka na makaalis sa akin because you're already tied to me."
Mabilis ko siyang niyakap nang mahigpit saka hinalikan sa ulo. "Babe naman, huwag mong isipin 'yan, okay? Huwag mong isipin na iiwan kita dahil lang sa hindi mo nameet ang standard ko sa gusto ko maging asawa. And f**k, I don't even have standards. Gusto kitang pakasalan not because I want a mommy for my daughter or a housewife na mag-aalaga sa'kin. Gusto kong makasal sa'yo kasi gusto kitang makasama habang buhay. And ano naman kung pumalpak ka? Ano naman kung hindi mo mameet 'yung standard ng pagiging asawa't ina? Nandito naman ako e. Pagtutulungan natin 'yun. We're going to learn together. Bakit? Tingin mo ba perpekto na akong ama? Khai, marami rin akong pagkukulang. Until now, I'm still learning."
"Hindi ko hinihingi na maging perpekto kang asawa at ina. Sapat na kung ano ka ngayon. Kung may pagkukulang ka man, nandito ako. Magtutulungan tayo." Dugtong ko. Humigpit ang yakap niya sa akin. "And kung sabihin mo na hindi ka pa handa ngayon, and you still need time to adjust yourself with our situation right now, I'm willing to wait. Kahit gaano pa katagal 'yan, maghihintay ako." Tumingin siya sa akin at napansin ko na basa na ang kaniyang mukha dahil sa pag-iyak niya. Ayokong nakikitang naiyak siya. It hurts me. Inalis ko ang ilang hibla ng buhok niya na humarang sa pisngi niya. "I'm not pressuring you, Khai, and I'm willing to wait. Iyon lang ang gusto kong malaman mo."
"Ano bang nagustuhan mo sa'kin?" She sobbed. "Bakit ba gusto mo kong pakasalan?"
"No specific reason. Only because you're Khaila Rachel Buena. The one who revived my lifeless heart."