Her POV
December na kaya malamig na rin talaga ang panahon. Nakapatay na nga rin ang aircon dito sa kwarto e. Mula sa pagkakahiga sa kama ay bumangon ako para kunin ang puting envelope na nasa pinakasulok ng drawer na katabi ng higaan ko. Binuklat ko ito at nakita ang mga pera na inipon ko. Kapag nakuha ko ang sweldo ko ngayong buwan ay mababayaran ko na ang utang ko kay Will.
Ang tagal ko kasi makaipon! Paano ba naman e inuna ko ang mga utang ko sa iba. Iyong motor ko nga ay wala na, naibenta ko na talaga. Sinunod ko na ang payo ng nag-aayos e. Kasi noong pinacheck ko dati sa ibang repair shop, pareho lang din ang advice sa akin. Kaya no choice ako.
Kapag talaga nabayaran ko na si Will sa utang ko sa kaniya, ang susunod ko namang pag-iipunan ay either bahay o ang munti kong pangarap. Nang maalala ko na naman iyon ay mapait akong ngumiti. Magagawa ko kaya 'yung makamit sa sunod na taon?
Napalingon ako sa pinto nang bumukas ito. It was William. Sinara ko na ulit ang envelope saka binalik sa drawer. Umupo naman siya sa tabi ko.
"Hi," nakangiting bati niya sa akin. Ang good mood naman ata ng lalaking 'to. Mas good mood pa sa good mood. Iba kung makatingin sa akin e.
Pinaningkitan ko siya ng mata. "May balak ka ano?"
Mabilis siyang tumawa. "Huh? Anong balak?" Pagkukunwaring tanong niya pa.
"Huh? Anong balak?" I mocked his voice.
Mas lalo siyang natawa sa panggagaya ko sa boses niya. "Wala akong balak ah." Inangat niya ang kaniyang paa sa kama saka gumapang sa gitna. Nilingon ko siya at tinapik niya pa ang mattress. "Halika dito."
Sinunod ko naman siya saka gumapang sa tabi niya. Dahil gusto kong pumwesto sa kanan niya ay itinawid ko talaga ang katawan ko sa ibabaw niya. Inilahad niya ang braso niya at iyon ang ginawa kong unan. Sumiksik agad ako sa kaniya at sininghot ang amoy niya. His manly scent is really addicting. Lalo na ang amoy sa kili kili niya. Grabe ang bango! Halatang mamahalin ang deodorant na ginagamit dahil tumatagal talaga ng 24 hours. Kahit anong pawis ang bango pa rin.
"Ano pala 'yung hawak mo kanina?" Tanong ni Will sa akin habang nakayakap ako sa bewang niya at nakatanday ang binti ko sa kaniya.
"Ah wala 'yun. Pera 'yun pambayad sa utang ko sa'yo." Sagot ko.
"Utang?" Takang tanong niya.
Tiningala ko siya na may kunot ang noo. Hindi niya ba tanda? "'Yung utang ko sa'yo dati ah."
Napaisip pa siya, inaalala ang tinutukoy ko. Then he slowly nodded when he finally remember what I'm talking about. "Aah okay. But you don't have to pay it. Nakalimutan ko na nga e. Kalimutan mo na 'yun."
Nagsalubong ang kilay ko. "Hindi pwede ah. Babayaran ko 'yun."
Ano? Hindi ko babayaran porque marami siyang pera? Porque kami na? Ang utang ay utang. Period.
"William, ang utang binabayaran, hindi kinakalimutan." Dugtong ko.
Mahina siyang tumawa. "Oki po, madam."
Mula sa braso niya ay naisipan kong gawing unan ang kaniyang dibdib. I want to hear his heartbeat. Ang sarap kasi nito pakinggan. Bumibilis lalo na kapag may naisip akong gawing kababalaghan sa kaniya. Mula sa may tyan ay inilakad ko ang dalawang daliri ko pababa na animo'y paa hanggang sa makarating ito sa may garter ng shorts niya.
Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa, may ideya sa kung anong plano ko. Naging malikot ang kamay ko at hinawakan ang tali ng shorts niya. Hinila ko ito hanggang sa matanggal ko ang pagkakabuhol. Humigpit ang yakap niya sa akin at nag-iba na rin ang paghinga niya. Nang subukan kong itaas ang garter ng shorts niya ay pinakinggan ko talaga ang pagbabago ng t***k ng puso niya. Napangiti ako nang mas bumilis ito kaysa kanina.
"Khai, meron ka diba? Have mercy please. Baka mapasabak ako sa digmaan nito." Pagmamakaawa niya nang subukan kong ipasok ang dulo ng daliri ko sa loob ng shorts niya, lalong lalo na sa boxer niya.
I pressed my lips firmly to stop myself from laughing. Nagpipigil siya palibhasa alam niyang mayroon ako. Ang duwag naman ng bata ko. Ang lalaking matapang, hindi dapat takot na maduguan ang sandata.
Suot niya ang paborito kong gray shorts kaya naman bakat na bakat ang alaga niyang nagising mula sa malalim na pagkakahimbing. Jusko, William! Haplos pa lang 'yun nagkakaganyan ka na. Iba talaga alindog ko. May magic ata ang daliri ko. May napapatayo e.
Nilabas ko na lang ang daliri ko sa shorts niya saka iniyakap na ulit ang kamay ko sa kaniyang bewang. Sinuklay niya ang buhok ko na nakaharang sa mukha ko.
"You really like torturing me, huh?" Sambit niya na ikinangiti ko nang malawak. "Humanda ka talaga sa'kin kapag natapos na 'yan."
"Bakit ako matatakot?"
Gumalaw galaw ang ulo ko dahil sa pagtawa niya. I felt his kiss on top of my head which made me close my eyes. "Nga pala babe."
"Hmm?"
"Malapit na bakasyon ni Winter, diba?"
"Hmm."
Marahan niyang hinaplos ang buhok ko. "Kapag Christmas break kasi nila, umuuwi kami sa parents ko. Isasama kita." Napamulat agad ako ng mata.
"Huh?" Tanong ko nang makatingala sa kaniya.
"Ayoko namang iwan ka rito sa bahay. Syempre isasama kita."
Para tuloy umurong ang dila ko. Madiin akong napalunok. "Isasama mo ko sa bahay ng magulang mo?"
Tumango siya sabay ngiti. "Yeah. I mean, kung okay lang sa'yo." Hinawakan niya ang pisngi ko at marahan itong hinaplos ng hinlalaki. "Gusto kitang isama. Gusto ko rin na makilala ka nila mama."
Binalot ako ng kaba nang ibaba ko ang tingin ko at ilapat muli ang tenga sa kaniyang dibdib. He wants me to meet his parents. Ni hindi pa nga namin nasasabi kay Winter tapos may meet the parents na agad.
Dinig ko ang malalim niyang paghinga. "It's okay if you don't want to—"
"Hmm."
"Po?" Tanong niya.
"Sasama ako."
"Talaga?" Bakas sa boses niya ang tuwa sa pagpayag ko.
Kinagat ko muna ang ibaba kong labi. "Kung pwede, kay Winter muna tayo umamin?"
"Handa ka na?" He asked.
Kailan ba masasabi na handa na ang isang tao? Wala naman akong dapat ikatakot. Sa mga araw na pinagsamahan namin ni Winter, from our connection that we built throughout the time we were together, I think sapat na iyon para pagkatiwalaan ko ang kung ano man ang pwedeng mangyari. Hindi naman siguro malala ang magiging kalalabasan.
"Hmm." Sagot ko na may pagtango.
Hinawakan niya ang baba ko saka pinatingin ako sa kaniya. Tinaniman niya ng matamis na halik ang noo ko. "Thank you, Khai."
Isiniksik ko pa ang sarili ko sa kaniya habang siya naman ay niyakap ako nang mahigpit. "Kinakabahan ako."
Sa lalim ng boses niya ay dinig ko ang vibration nito nang magsalita niya. "There's nothing for you to worry about. Winter likes you. May tiwala ako na matutuwa siya kapag nalaman niyang tayo na."
Bahagya akong napangiti. "I hope so."
***
Nagising ako ng umaga na katabi pa rin si Will at mahimbing na natutulog. Sandali ko pang pinagmasdan ang inosente nitong mukha saka hinalikan pa ito sa pisngi bago ko pagpasyahan na bumangon.
Pinuntahan ko muna si Winter sa kwarto niya para gisingin ito tulad ng palagi kong ginagawa kapag pasukan bago ako bumaba patungong kusina. Nagsimula na akong magluto ng umagahan. Naunang bumaba si Winter na nakauniporme na. Nakasuot pa nga ito ng sweater dahil malamig na nga ang panahon.
Tinimplahan ko na siya ng hot chocolate dahil iyon ang nirequest niya. Bumaba na rin si Will after makapag-ayos at nahikab pa nga nang lumapit sa pwesto namin dito sa may dining area. Dala niya ang bag ng anak niya habang ang shoulder bag niya ay nakasuot sa kaniya. Nilapag niya muna ang bag sa katabing upuan.
"Good morning, sweetie." Bati niya sa kaniyang anak saka hinalikan ito sa ulo.
"Good morning, Dad." Masiglang bati ni Winter.
"Good morning, Khai." Pinigilan ko pa ang ngiti ko nang samahan niya pa iyon ng kindat. Ang harot!
We decided na mamaya namin sabihin kay Winter ang tungkol sa amin ni Will after ng school at work nila. Grabe nga ang kaba ng puso ko. Para talagang puputok ang loob ng dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko lalo na ngayon na katabi ko si Winter.
"Ate Khai, paabot po mayonnaise." Pilit niya kasing inaabot ang mayo sa side ko kaso bitin naman ang braso niya kaya ako na ang kumuha. "Thank you."
Sinilip ko si Will na nasa dulo ng mesa nakaupo at saktong tumingin din sa akin na kasalukuyang nainom ng kape niya. Kumindat na naman siya. Parang sira! May problema ata ang mata nito at panay ang kindat. Dudukutin ko mata niya e. Napairap na lang ako na siyang ikinangiti niya.
"Nga pala, Dad, ano po palang ginawa niyo sa kwarto ni Ate Khai kagabi?"
Mabilis na nasamid si Will matapos siyang makainom sa kape niya. Naubo pa siya. Kumuha agad siya ng tissue para punasan ang bibig niya.
"Huh?" Takang tanong ni Will. Ako naman ay parang nabuhusan ng malamig na tubig sa biglang tanong ni Winter.
"I saw you last night noong paglabas ko po ng kwarto para magwiwi. You walked inside Ate Khai's room." Tiningala niya si Will nang matapos siya sa paglagay ng mayo sa tinapay. "Don't tell me naglaro po kayo ni Ate Khai na wala ako? Sabi niyo po bawal maglaro kapag gabi." Ngumuso pa ito sabay kagat sa tinapay na hawak niya.
Sinilip ulit ako ni Will na halatang kabado na sa kung anong isasagot niya. Ang weird naman kasi talaga para kay Winter na makita ang ama niya na pumasok ng kwarto ko lalo na't gabi na.
"Aaah." Tumikhim si Will saka inayos pa ang pagkakakabit ng necktie niya. Nangungusap ang mata niya sa akin, humihingi ng tulong. "Anak." Sumabit pa sa lalamunan niya ang salitang iyon. Tumikhim ulit siya saka tinignan si Winter. "Ganito kasi 'yun—" Tumingin sa akin si Will, tila ba nanghihingi ng permiso sa kung ano man ang isisiwalat niya sa kaniyang anak ngayon.
Napalunok ako. Mukhang hindi na namin kailangan maghintay mamaya dahil mapapaaga ang pag-amin namin. Ngumiti lamang ako kay Will saka tumango.
Inayos ni Will ang upuan niya para iharap kay Winter na siyang nasa gilid niya. Inabot nito ang kamay ng anak niya saka seryosong tumingin sa kaniyang mata. "May gusto sanang sabihin si Daddy sa'yo."
Winter pouted and gave him a perplexed look since she doesn't have any idea what's going on. "A-ano po 'yun?"
Huminga muna nang malalim si Will bago magsalita. "There's something me and your Ate Khai want to tell you." Tumingin si Winter sa akin at bakas sa mukha nito ang pagtatanong. Ngumiti lamang ako sa kaniya pero sa totoo lang para na akong kakainin ng kaba.
Hinaplos nang marahan ni Will ang likod ng palad ni Winter. Ilang segundo ang lumipas.
Two seconds.
Five seconds.
Eight seconds.
"Me and Khai are dating." Inamin na nga niya.
Tumaas ang kilay ni Winter sabay lingon ulit sa akin. Nanuyo na ang labi ko pati ang lalamunan ko. Daig ko pang kinuhanan ng boses. Sasabog na ang dibdib ko sa sobrang bilis ng t***k ng puso ko na animo'y nasa isang karera.
"Po?" Gulung-gulo na tanong ni Winter. "Ano po 'yung dating?" Tanong niya sa aming dalawa.
Binatawan ni Will ang kamay ni Winter saka isinandal ang likuran sa sandalan. "Dating. Paano ba ieexplain sa'yo? Ahmm ganito. Khai is my girlfriend."
Winter squinted her eyes, trying to decipher those words her dad said as if it was a code. "Girlfriend? Kaibigan na babae? Kaibigan ko rin naman po si Ate Khai e. Diba po, Ate Khai?" Nilingon niya ako na may ngiti sa labi.
Shit. Anong sasabihin ko? Tumingin muna ako kay Will na nakataas lang ang dalawang kilay nito. Hinihintay niya rin ang paliwanag ko. Kinuha ko ang kamay ni Winter. "Ahm, ganito Winter. Your relationship with me is different with my relationship with your dad."
"What do you mean?"
Kinagat ko ang labi ko habang nag-iisip ng ideya na mas madaling ipaintindi sa kaniya. "O-our relationship is somehow similar to friendship. While me and your dad—" I glanced at Will who was just watching us intently. "There is what we call love."
Ngumuso si Winter. "May love din naman po tayo ah. What's the difference between me and Dad? Love rin naman po kita." Inosenteng bato nito na mas lalong nagpahirap sa akin na ipaliwanag sa kaniya.
"Yes, baby. Tama. But there are different levels of love." Kinuha ko ang squeeze bottle ng ketchup saka kumuha na rin ako ng tinapay at nilagay ito sa platito. Gamit ang ketchup na hawak ko ay nagdrawing ako ng pyramid sa tinapay at hinati ito sa tatlo. "Look at this. For example ito 'yung level ng connection when it comes to love. Dito sa taas," tinuro ko 'yung itaas na hati ng pyramid. "Pwede natin sabihin na narito 'yung mga kakilala ko. It means na mababaw ang love ko para sa kanila. And then sa gitna, ikaw na 'to." Tinuro ko naman ang nasa gitna at nilagyan ito ng maliit na heart.
"It means my connection and my love for you is much deeper than them. While dito sa pinakababa, dito si Daddy mo. It means na sa lahat ng narito sa pyramid, sa kaniya ako may pinakamalalim na connection." Dugtong ko.
Natulala lamang si Winter sa pyramid. "I don't get it. So it means mas mahal mo si Daddy kaysa sa akin?" May pagtatampo ang boses niya.
Nagsayang lang ata ako ng ketchup. Paano ko ba ipapaliwanag sa kaniya?
"No. No, baby. Pareho ko kayong love." Hinawakan ko ang kamay niya nang mabitawan ang lagayan ng ketchup.
"E bakit hindi kami magkapantay at mas malalim si Dad? Ang unfair." Nagtatampo na talaga siya.
Jusko, paano ba 'to?
Narinig ko pa ang mahinang pagtawa ni Will na animo'y may nakakatawa na hindi nagets ng anak niya ang paliwanag ko.
"Anak," tawag ni Will kay Winter. Lumingon naman ito sa kaniya. "I know it's confusing. At para mas madali mong maintindihan. We're like a lovebirds. Nakikita mo 'yung mga lovebirds sa Clinic natin minsan diba?"
Tumango si Winter. "Opo."
"Parang ganun 'yung relationship namin ni Ate Khai mo." Malumanay na paliwanag ni Will para mas lubusang maintindihan ni Winter ang sitwasyon. "We show affections and love towards each other that only couples do. Na ginagawa lang ng dalawang tao na nagdedate. Na ginagawa lang ng magboyfriend at girlfriend tulad namin." Tinuro niya ang kaniyang sarili at ako.
"At iba iyon sa kung paano ko iparamdam sa'yo ang pagmamahal ko." Dugtong ni Will. "Kasi in between us, we have a father and daughter relationship, while me and Ate Khai, we both have a somehow similar to husband and wife relationship. You know what's husband and wife, right?"
Tumango si Winter. "Hmm. 'Yun po 'yung mag-asawa kapag kasal na. Aunt Madi told me that before. Kapag kasal na, nagsusuot 'yung babae ng white dress."
Bahagya akong napanganga. Wow. Mas naintindihan niya pa ang ibig sabihin ng husband and wife kaysa sa girlfriend. Ano bang itinuturo ng kapatid ni Will sa pamangkin nito?
Ngumiti si Will. "Yes, baby. You're right. But in our case, me and your Ate Khai are still dating. Doon na rin kami papunta pero hindi pa ngayon. Naiintindihan mo ba?"
Nag-isip pa sandali si Winter bago tumingin sa akin. "Is that true Ate Khai? Magiging wife ka po ni Dad?"
What?
Natameme ako. Bakit parang biglaan ata ang wedding proposal nitong William na 'to? Tumango lamang si Will para sabihin na sumakay na lamang ako.
"Hmm. Tama si Daddy mo." Sagot ko.
"Totoo po?! Magiging wife ka ni Daddy? It means magsusuot ka po ng white dress tapos nasa simbahan po tayo?" Bumalik na ang sigla ni Winter na kanina ay litong lito.
Mukhang mas naintindihan niya na ang paliwanag ni Will. Kaso hindi ito ang inaasahan ko na mangyari.
"Aah, parang ganun na nga."
Teka lang nga. Bakit may white dress white dress na? Pinapaliwanag lang namin kay Winter na magjowa kami ng papa niya kaso bakit napunta na ata sa kasal?
"Aunt Madi said na sa oras na may mahanap na raw na wife si Dad, it only means na magiging mommy ko rin siya. Edi, magiging mommy po kita?" Medyo tumaas na ang tono ng boses ni Winter na halatang natuwa sa nalamang balita.
Parang gusto ko na tuloy makilala itong Aunt Madi ni Winter. Nakucurious na ako kung ano ang tinuturo nito sa pamangkin niya e.
Napangiti lamang ako nang makita na naiintindihan na nga talaga niya. Kaso bakit bigla akong naipit? Sinilip ko si William na hindi na maitago ang ngiti. Pinipikot na ba ako ng lalaking 'to? Aba matindi ang William. Mukhang kinuha na niya ang pagkakataon na ito para pikutin ako.
Tumango lamang ako. "Parang ganun na nga."
Mas lumawak ang ngiti ni Winter nang tumingin kay Will. "Magiging dalawa na mommy ko, Dad?! Aside from my mom in heaven, magiging mommy ko na po si Ate Khai. Totoo po ba?"
Lumawak ang ngiti ni Will. "Yes po."
Lumaki ang awang sa bibig ni Winter nang matuwa siya sa nalaman na balita at nanlaki rin ang mata. "You should have said that earlier na magiging mommy ko na si Ate Khai. Edi sana po naintindihan ko agad." Sermon niya sa kaniyang ama na ikinatawa lang ni Will.
"Are you happy?" Will asked.
Winter enthusiastically nodded. "Hmm. I'm very happy!" Nilingon niya ako. "Ate Khai. Ay hindi. What should I call you from now on? A-ayos lang po ba na tawagin ko kayong Mommy Khai?" She gave me a puppy look na siyang nagpatunaw ng puso ko.
"Y-yeah. From now on, you can call me... Mommy Khai."
She squealed with so much joy. "Yey! Finally, may matatawag na akong mommy!" Bumaba siya sa upuan saka niyakap si Will na siyang yumuko naman para mayakap siya nang ayos ni Winter. "Thank you, Dad." Sunod naman ay tumakbo palapit sa akin si Winter at ako naman ang niyakap. "Thank you rin po... Mommy Khai."
Mommy Khai.
She called me mommy. My heart felt warm from that word. Sa sobrang tuwa ko ay niyakap ko siya pabalik. Hindi ko inasahan na ang confession na iyon ay mauuwi sa pagtawag sa akin ni Winter bilang mama niya. Sobrang bilis ng puso ko sa sobrang galak. Di ko alam para saan pa ang kaba na naramdaman ko. Grabe. Hindi ko inexpect na ganitong pagmamahal ang matatanggap ko sa kaniya. Para akong maiiyak sa tuwa dahil sa mainit niyang pagtanggap.
Hindi na kami nagtagal dahil late na sila sa tagal ng pag-uusap namin. Tuwang tuwa pa si Winter habang hawak nito ang kamay ko. Mapupunit na nga ata ang labi niya sa abot tenga nitong ngiti.
"Mommy Khai," tawag sa akin ni Winter nang makarating na kami sa school at nasa tapat na kami ng building ng classroom niya. She called me mommy again. Ang sarap pakinggan pero hindi pa rin ako sanay. Masyado akong nasanay sa tawag niya na Ate Khai kaya hirap pang magprocess ang utak ko kapag tinatawag niya akong Mom or Mommy.
"Po?" Bumaba ako sa lebel niya.
"I love you."
Natunaw ako. Awtomatikong sumilay ang ngiti sa labi ko dahil sa tatlong salita na iyon.
"I love you, too, Winter." Niyakap niya ako sa leeg. I kissed the side of her head. "Sige na. Late ka na sa klase mo."
"Opo." Tinangala niya si Will sabay kaway. "Bye, Dad."
"Bye. I love you." Sagot ni Will ngunit tumalikod na agad si Winter saka madaling tumakbo sa loob ng classroom niya kaya nadismaya siya nang hindi iyon sagutin ng anak niya. Nang makatayo ako ay pinaningkitan niya ako ng mata. May halong tampo ang mukha. "Buti ka pa may I love you mula sa kaniya. Ang daya." May pag-nguso nitong saad.
Natawa ako na may kasamang irap. "Selos ka? Sino kaya sa atin ang biglang pinikot? Aaminin lang tayo pero mukhang nauwi pa sa kasalan."
Doon siya natawa at parang aso na ngumiti. Tuwang tuwa ang William. Hinawakan niya ako sa bewang at malalim na tinignan. "Sorry. Hindi ko na alam paano ipapaliwanag sa kaniya e. Pero doon din naman tayo papunta, diba?" Tinaas baba niya pa ang kilay niya.
Tinulak ko ang pagmumukha niya para makaalis ako sa pagkakahawak niya sa bewang ko. "Ewan ko sa'yo." Sabi ko sabay irap. Nagsimula na akong maglakad habang siya naman ay nakasunod sa akin.
"Hintayin mo ko, my wife."
"Tse!"
Pinigilan ko ang sarili na mapangiti. My wife ampota?
Tangina, 'wag ka kiligin Khaila! Pinikot ka niyan tandaan mo!