28

3079 Words
Her POV FIFTH DAY Day off ni William. At dahil gustong gusto ko nga ang ideya na magswimming ay sinuggest ko sa kaniya na iyon ang gawin namin. Nagustuhan din naman ni Winter ang suggestion ko kaya heto kami ngayon, maglalangoy. Mabuti na lang din ay maganda ang sikat ng araw. Hindi ganoon kainit at hindi rin naman makulimlim. Umaga ay namalengke muna kaming tatlo ng kung anong lulutuin namin. Naisip ni Will na magbarbecue kaya naman baboy agad ang pinuntirya namin sa palengke. Kapit na kapit pa si Winter sa akin habang ang isang kamay naman niya ay nakahawak sa kamay ni Will. Pinigilan ko ang sarili ko na mapangiti. Ang cute lang namin tignan. Nang mabili na namin ang lahat ng kailangan ay bumalik na kami sa kotse para makauwi na. Sobra talaga 'yung excitement ni Winter lalo na nang magsimula siyang magkwento ng nakakatawang pangyayari niya sa pool kasama ang aunt Madi niya. Natawa lang din ako. Nasa may pool area na si Will at inaasikaso na ang grill para makapagsimula na siya sa pag-ihaw. Nakapagbihis na si Winter ng rash guard kaya sinamahan niya na ang Dad niya roon. Gusto ko na sanang bumaba na pero heto pa rin ako, nakakulong sa kwarto at titig na titig sa bikini na nakalagay sa ibabaw ng kama ko. I was torn choosing between one piece o two piece. Mas bet ko suotin ang two piece kaso baka magmukha namang seductive. Kaso pool naman e. Normal naman magsuot ng ganito. At saka kami kami lang naman. Confident din naman ako sa katawan ko. Ang nipis kaya ng tyan ko kahit na hindi na ako gaano nag-eexercise. Binabawi ko naman kasi sa kain. Saktong busog lang para hindi lumaki ang tyan. Kinuha ko na ang susuotin ko at sinimulan ng magbihis. Nang tignan ko ang sarili ko sa full length mirror sa cabinet ay napangiti ako. Two piece bikini really suits me lalo na't black pa. Balak ko nga magred kaso 'wag na. Nagmessy bun na lamang ako para makalangoy ako nang walang sagabal. Nagsuot na lamang muna ako ng satin robe na hinanda ni Will sa akin. Buti nga meron e. Ayoko namang rumampa pababa na nakabikini kaagad ano. Dumiretso na ako sa pool at nakitang nagpapaypay siya sa iniihaw niya. Nakasuot ito ng sando saka black shorts. Daya! Dapat gray ang shorts para maganda ang view! Tangina mo, Khaila. Ang harot. "Ate Khai," tawag sa akin ni Winter na lumangoy sa gilid ng pool. Napalingon pa sa akin si Will at tinaasan ko lamang siya ng kilay sabay ngiti. Ginaya rin naman niya ang ginawa ko. Nilapitan ko na ang batang paslit saka umupo sa may gilid ng pool, nakababad lamang ang binti ko sa tubig. "Hello." "Ligo ka na po. Join me." Aya ni Winter. Lumayo naman siya ng langoy at nagfloating pa. Aba, marunong nga talaga siyang lumangoy. Nabanggit kasi ni Will kanina habang nasa kotse kami na nagtake ng swimming class ang anak niya dati. Tapos tinuturuan niya rin kaya magaling na lumangoy. Dahil nainggit ako sa pagtatampisaw ng batang ito ay sasamahan ko na siya. Tumayo muna ako saglit para hubarin ko ang robe ko. Isinabit ko muna ito sa may reclining chair. Nahagip pa ng mata ko si Will na nakatitig sa akin. Napangiti ako sa loob ko. Hala, Sir. Huwag mo naman ipahalata na naglalaway ka sa katawan ko. Confident naman kasi ako sa dibdib ko. Malusog pa rin naman ito kahit papaano. Mapwet din naman ako. Kaya wala akong hiya na rumampa habang nakamasid siya sa akin. Sinamahan ko na nga si Winter sa pool. Pinasakay ko pa si Winter sa pool float na orca tapos tinulak ito. Hala, panay ang hagikhik ni Winter. Sa sobrang tuwa niya ay gumewang 'yung float, ayun nahulog tuloy siya. Pinagtawanan niya lang ang sarili niya. Pagkacute! "Daddy! Samahan mo po muna kami. Mamaya na 'yan!" Sigaw ni Winter sa kaniyang ama na busy sa pag-asikaso sa kakainin namin mamaya. Walang nagawa si Will kung hindi samahan kami. Kinuha niya muna 'yung mga luto na sa grill at pinalitan ng bago. Binitawan niya na nga ang tongs saka nagpunta na sa gilid ng pool. Pinanood ko siyang maghubad ng sando niya. Nakagat ko agad ang ibabang labi ko nang makita ang matipuno niyang katawan dahil nakatopless na ito. Shuta! Ang maskulado! Napalunok pa ako nang masilayan muli ang pandesal. Magtatanghali na pero bakit may pandesal pa rin? Bumaba na sa pool si Will saka lumangoy palapit sa amin na nasa gitna. Napasinghap pa ako nang bigla siyang umahon mismo sa harap ko. Nag-init agad ang mukha ko nang makitang tumulo ang tubig sa mukha niya. Inalis niya ang tubig sa kaniyang mata saka sinuklay ang buhok. Ang hot tignan. Natakot tuloy ako na baka maramdaman niya ang init ko dito sa pool. "Hi," nakangiting bati niya sa akin. "H-hi." Sumagi pa sa lalamunan ko ang salitang iyon. "Daddy, tulak mo ko." Saad ni Winter kaya naman nabaling ang atensyon ni Will sa kaniya. Si Winter panira. Kitang kinikilig pa ako rito e. Hulog kita dyang bata ka! Char. Love ko 'yan e kahit pasaway. Pinanood ko lamang silang mag-ama na maglaro. Halos mapunit na ang labi ko kakangiti. Ang cute nila. Hindi rin naman nagtagal si Will sa pool dahil baka masunog na ang iniihaw niya kaya naman umahon na siya. Umahon muna rin saglit si Winter para tumakbo papasok sa loob ng bahay dahil napo-poopoo raw ito. Naiwan tuloy kaming dalawa ni Will. Umupo muna ako sa gilid ng pool. Nagitla ako nang biglang may yumapos sa akin mula sa likod. At mukhang hinintay nga talaga ni Will na makaalis ang anak niya para makalapit sa akin at lumuhod sa aking likuran. Nakiliti ako nang dumampi ang init ng hininga niya sa leeg ko. "Bakit ka naman nagsuot ng ganyan? Pinapahirapan mo lang ako." He kissed my neck and I instantly smiled. "Anong masama sa suot ko? Swimming nga diba? Alangan magpajama ako." Sagot ko. Totoo naman! Baka gusto niyang maghoodie ako sa pool. Aba matindi. Napatingala pa ako nang biglang maglakbay ang kamay niya sa puson ko pababa sa may waist band ng panty ko kasabay ng mainit niyang halik sa leeg ko. Sh#t, Will. Maghunos dili ka. Kapag kami talaga nahuli huli ng anak niya. Naku! "You're really such a tease, Khai." He said in a husky voice. Nanghina ang katawan ko sa boses niya. Tila ba inaaya ako nito papunta sa kama. No, Khaila! Magtiis ka! No s*x diba? May tatlong araw pa. Nahirapan na ako huminga nang maramdaman na ang daliri niya sa loob ng panty ko. Sh#t. Kapag talaga nahawakan niya ako, baka bumigay na ako at yayain siya mamaya. Ang init ng daliri niya habang dahan dahan itong hinahanap ang hiyas ko. Napapikit na nga ako at mahinang napaungol. Nahawakan niya na ako! F#ck. "William," halos kapusin ako ng hininga. "Daddy, paubos na po toilet paper natin." Agad akong napamulat nang marinig ang boses ni Winter. Holy sh#t! Sa sobrang panic ko ay hindi na ako nakapag-isip at tumalon na lamang sa pool. Narinig ko pang napamura si Will, gulat din sa ginawa ko. Napasukan pa ata ako ng tubig sa ilong shuta! Pag-ahon ko ay narinig ko ang sinabi ni Winter. "Dad! Bakit mo tinulak si Ate Khai?!" Gulat na tanong ni Winter sa kaniyang ama. "Huh?" Takang tanong ni Will. "Hindi ko siya tinulak." Depensa ni Will. Lumapit si Winter at sinuri ang kalagayan ko. "Ate Khai, are you okay?" Alalang tanong ni Winter. Tinanggal ko ang tubig sa mukha ko. "Yeah. Don't worry, baby. Hindi naman ako tinul—" "Bad, Dad! Bad!" Nakapameywang pa si Winter sa kaniyang ama na animo'y matanda na umakto. Nakakunot na ang noo ni Will. "Hindi ko siya tinulak." Pumiyok pa siya nang subukan niyang depensahan pa ulit ang sarili. Nilingon niya ako, nanghihingi ng tulong. "Right? Hindi kita tinulak diba?" Pinigilan ko ang sarili na matawa kasi mukhang takot talaga siya sa anak niya. Dahil sa ginawa niya kanina, gaganti ako. Tinignan ko si Winter at nagpaawa ng mukha. "Tinulak ako ni Daddy mo." "Hala." Sambit ni Will. He felt betrayed when he looked at me. Sa kaniya nakatingin si Winter kaya malaya ko siyang dinilaan pang-asar. "You're such a bully, Dad. Sabi mo 'wag ako mambubully tapos ikaw po pala binubully si Ate Khai." Sermon ni Winter. Dahil walang kakampi si Will ay sumuko na lamang siya. He sighed. "Sorry po. Nagjojoke lang naman e. Hindi na po mauulit, hmm?" "Don't apologize to me. Say sorry to ate Khai." I kept a straight face nang tignan ko si Will. Sinubukan ko ang lahat para hindi matawa nang tignan niya rin ako. Sandali niya rin akong pinaningkitan ng mata. "Sorry po. Hindi na po kita ibubully." "Apology accepted." Sabi ko. Nanlalaki na ata ang ilong ko kakapigil ng tawa. Dapat lang sa kaniya 'yan! Pambubully din naman ang ginawa niya. Ang galing manghawak sa ganitong lugar kitang mabibitin lang ako. Naku, kung sa kwarto lang nangyari iyon ay baka iniregalo ko na ang sarili ko sa kaniya. Nagsimula na kaming kumain pero 'yung tingin ni Will para akong lalapain. Kanina pa masama tingin niya sa akin. Ano bang ginawa kong kasalanan aber? Nagdadamdam pa rin ata siya sa ginawa kong pagtatraydor kanina. Deserved! Kinagabihan, pagkatapos ko maghilamos at makapagbihis ng pantulog ay dumiretso na ako ng kwarto. Napatulog ko na rin naman na si Winter. Isasara ko na sana ang pinto nang biglang may humarang nito. Itinulak ni Will ang pinto at saka pumasok sa loob. "Anong ginagawa mo rito?" Tanong ko. "Baka nakakalimutan mo na may itutuloy tayo ngayon?" Taas kilay niyang saad. Napahalukipkip ako. "Excuse me? Pang-limang araw pa lang ngayon, Sir Will. Baka nakakalimutan mo ang agreement?" Bagsak ang balikat niya saka ngumuso. "Can we just end that agreement? Bawal ba talaga?" "Bawal." Tinapik ng daliri ko ang tungki ng ilong niya bago ko siya talikuran at nahiga sa kama. Nagtaka pa ako nang sumunod siya sa akin at makihiga rin. "William." "Sleep lang. Please?" Pagmamakaawa niya habang nakadapa habang ako ay nakatihaya. Napabuntong hininga ako. "Wednesday po. I'll let you sleep in my room sa Wednesday. Tatlong gabi na lang naman. Kaya mo 'yan." I cheered him up. Kaunting araw na lang din naman e. Tumitig muna siya sa akin bago niya ako nakawan ng halik sa labi. "Fine. Wednesday." Umupo siya sa kama, mukhang wala pa siyang balak umalis. "Oh I forgot to tell you, ang sexy mo kanina. Bagay sa'yo 'yung bikini." Komento niya na nagpalaglag ng puso ko. Jusko, William. Sige na, take me now. "Palagi naman akong sexy ah." I told him. Napangiti siya. "Yes, you are. Pero mas sumexy ka sa paningin ko nung nagbikini ka." Mapang-asar ang ngiti na umukit sa labi ko. "Kaya ba titig na titig ka kanina? May tumulo pa atang laway sa labi mo." Natawa siya. "Yeah. You're a head-turner." Binato ko siya ng unan kasi hindi ko na maitago ang kilig sa katawan ko. Baka kung saan pa kami mapunta. "Sige na labas na kung wala ka ng sasabihin." Nasalo naman niya agad iyon sa bilis ng reflexes niya. He just smiled at me. "Goodnight, Khai." "Goodnight." Sandali pa siyang lumapit sa akin para dampian ako ng halik sa aking noo. "Sweet dreams." You mean wet dreams. Lumabas na siya ng kwarto habang ako ay napahawak na lamang sa dibdib ko. Natulala ako sa kisame at napaisip. Ang sarap pala kiligin. SIXTH DAY Nothing much happened aside from nakatanggap ako ng flowers mula kay Will. Ewan ko ba sa lalaking iyon! Nasa bahay lang ako since pareho silang mag-ama na may pasok. Tamang walis walis lang ako sa sala nang marinig kong may nagdoor bell. Pagbukas ko ng gate ay bumungad sa akin ang bouquet of purple flowers. Pati ang lagayan nito ay purple din. Hala! Favorite color ko pa naman ito. Lalo na 'yung lavender. Basta mga light na purple ganoon. "Good morning po. Kayo po ba si Ms. Khaila Rachel Buena?" Tanong ng delivery rider. "Yes po." "May delivery po kayo." Inabot niya sa akin ang bulaklak. Hindi ko napigilan amuyin ito at nanuot sa loob ng ilong ko ang bango nito. Isinara ko na ang gate saka pumasok sa loob ng bahay. Napansin kong may card na nakasuksok sa mga bulaklak kaya kinuha ko iyon. Nang basahin ko iyon ay napangiti agad ako. Naalala niya ang paborito kong kulay na siyang nakwento ko sa kaniya dati. ━━━━━━━━━━━━━ Have a nice day, Ms. Head-Turner :) - From your Wednesday boyfriend - (i mean, from your Wednesday boyfriend?) ━━━━━━━━━━━━━ Kainis, William! SEVENTH DAY Napatingin ako sa phone ko nang magring ito. Kumunot pa ang noo ko nang makita na si William ang tumatawag. Hindi lang simpleng tawag kung hindi video call. Sinagot ko naman iyon. Narito ako sofa nakahiga at nanonood lamang. "Hello," bungad ni Will nang masagot ko ito. Inangat ko ang phone para makita ang buong mukha ko sa screen. "Hello. Napatawag ka?" Tanong ko. Pinagmasdan ko kung nasaan siya. Mukhang nasa loob siya ng kaniyang office at nakaupo sa swivel chair niya. Napangiti ako sa loob ko nang makita na naka white coat siya. Ang gwapo! Bagay na bagay talaga sa kaniya ang uniform niya tapos mas lalo pa siyang naging attractive lalo na at may nakasabit na stethoscope sa kaniyang leeg. Naimagine ko tuloy ang hitsura niya kapag nakascrubs. Shiyet! Ang hot tignan. Sana magkaroon ako ng pagkakataon na makita siya na iyon ang suot niya. Naku, kahit hindi ako animal, baka magpaopera ako sa kaniya. I can bark, Sir! "Wala naman." Ngumuso siya sa akin. "Miss na kita agad. Ang hirap kapag LDR." Hindi ko napigilan na matawa. "Anong LDR? Uuwi ka rin naman mamaya. Mga pakulo mo, William." Tumawa na rin siya. "Gawa mo?" "Ay sir. 'Wag ka pafall. Ano sunod mo dyan? Gawa mo? Kumain ka na ba? Kain ka na baka magutom ka." Napatakip siya ng bibig niya nang mas lalong matawa. "Ang advance mo naman. Nagtatanong lang e." "Syempre ako pa." "Masama ba magtanong?" He raised his brow. "Hindi." "And for your information, hindi ako pafall, Ms. Khaila. Baka ikaw pafall?" Hala siya. "Hindi ah." Depensa ko. Ngumiti naman siya. "Good." Ilang minuto pa kaming nag-usap bago siya magpaalam kasi tapos na raw break time nila. Pero bago ko pa maibaba ang phone ko ay nagtext pa siya sa akin. Boss Will: Okay ba ko ka-video call? Pasado na ba bilang LDR bf? Natawa na lamang ako saka nagtipa sa keyboard ng phone. Me: Pasado na. He replied again. Ang akala ko ba busy na. Bakit may gana pa 'tong magreply? Boss Will: E sa'yo? Pasado na? Napangiti ako saka nagsend ng reply sa kaniya. Me: The result will be sent tomorrow. Thank you for your patience. Bukas na. Kumalabog na naman ang puso ko. Bukas na, Will. THE DAY Tumingin ako sa salamin saka pinagmasdan ang sarili ko. Kakagising ko lang. Actually, sinadya ko talagang agahan ang gising. Tipong mas maaga pa magising sa mga tao rito sa bahay. Naexcite ako because today, the new chapter of my life will start. Inayos ko lamang ang buhok ko saka lumabas ng kwarto. Nang makatayo na ako sa tapat ng pinto ng kwarto ni Will ay huminga muna ako nang malalim. Mabuti na lamang ay hindi nakalock ang pinto ng kwarto niya kaya naman madali akong nakapasok sa loob. Ginawa ko ang lahat para hindi makagawa ng ingay. Medyo madilim dilim pa pero naaaninag ko naman na ang loob ng kwarto. Pansin kong mahimbing pa rin na natutulog si Will at balot na balot ng comforter. Dahan dahan akong naglakad sa tabi ng kama niya at umupo sa gilid nito. Pinagmasdan ko pa ang maamo nitong mukha habang nakatihaya ang higa. Ang gwapo. Gwapo na nga, mabait at sweet pa. Wala ata itong kapuna kapunang masama sa ugali nito. Noong nagpaulan siguro ng kabutihan, siya ay nalunod. I smiled. Ngayong araw na 'to, sisirain ko ang isa pang prinsipyo ko sa buhay. Kinain ko na talaga lahat ng sinabi ko kasi. Wala naman akong isang salita. Lahat ng mga pinangako ko sa sarili ko biglang tumiklop nang dumating ang lalaking ito. Simula nang dumating ang William, sinira na nito lahat ng prinsipyo ko. *** His POV "Will." May umaalog sa balikat ko kaya naman naimulat ko ang mata ko. Nang hanapin ko kung sino iyon, inadjust ko pa ang mata ko mula sa pagkakatulog bago ko maaninag na si Khai pala ang gumising sa akin. Nakaupo siya sa gilid ng kama kung saan ako nakahiga. Ang ganda agad ng umaga ko. Kung ito ba naman ang bubungad sa akin ay talagang gaganahan ako buong araw. "Hey, good morning." I said in a sleepy voice. Umusog agad ako para makahiga siya. Inangat ko naman ang comforter para makahiga siya sa tabi ko. Ito ang unang beses na pumunta siya ng kwarto ko nang ganitong oras. Madalas naman kasi ay nasa kwarto niya ako. "Good morning," bati niya nang makasiksik sa katawan ko. Sinuklay ko ang buhok niya saka dinampian ng halik ang kaniyang ulo. "What brings you here?" I asked. Dinig ko pa ang pagpapakawala niya nang malalim na paghinga bago siya tumingala sa akin. She looked at me with so much appreciation and then she smiled. "The result has been sent." Panimula niya. Napataas ang kilay ko. Hindi ko alam kung dahil ba sa kagigising ko lang kaya wala akong naintindihan sa sinabi niya. I'm so confused that I just hummed to lowkey ask what she was talking about. Marahan niyang hinawakan ang pisngi ko. "Tanggap ka na." Naningkit pa ang mata ko. What was she talking about? Tanggap na ko? Saan? "Hmm?" Tanong ko pa kasi hindi ko talaga nagets. Saan ako tangg⁠—? Agad namilog ang mata ko nang tuluyan ko ng maintindihan ang sinasabi niya. Naalala ko ang tanong ko sa kaniya dati. Ayos lang ba kung mag-apply ako bilang boyfriend mo? Napakurap-kurap ako. Ngayon ay hindi na ako makapaniwala kung tama ba ang narinig ko. It's Wednesday! 'Yung utak ko, nag-hang na ata at hindi na alam ang sasabihin. Inangat niya ang kaniyang sarili saka inilapit ang mukha niya sa akin. Naipikit ko agad ang mata ko nang halikan niya ako sa labi. Tumingin ulit siya sa akin saka matamis na ngiti ang umikit sa kaniyang magandang mukha. Nakakabighani. "Welcome to my company, Mr. Serrano."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD