29

3560 Words
Her POV "Totoo? Tayo na?" Bakit ba siya nagugulat? E may ideya naman na siya na ngayong araw ko siya sasagutin. Isang linggo lang naman ang hiningi ko sa kaniya. Nakaangat ang katawan ko sa kaniya habang nakahawak ako sa pisngi niya. Ang kaniyang kamay naman ay nasa bewang ko. Hindi ko napigilan ang sarili ko na kurutin ang pisngi niya nang manggigil ako. Pareho sila ng anak niya. Pagkacute! "Ayaw mo maniwala? Okay fine. Joke lang. Nananagini—" Natigil ako sa pagsasalita nang bigla na lang ako sunggaban ng halik ni Will. Ang bilis niya pa kumilos at napahawak na lang ako sa balikat niya nang tagumpay siyang pumaibabaw sa akin. "Wala ng bawiin. Tayo na hmm." Napatingala ako nang maglakbay ang malambot niyang labi pababa sa leeg ko. I slightly tilted my head to gave him access and he nuzzled my neck. His breath was hot against my skin. Napapikit ako nang sipsipin niya pa ang balat ko. Hindi ako nakasagot kaya napaungol lang ako. "Hmm." Jusko ang William. Maaksyon na siya. Ito na ba ang parusa ko? Napayakap agad ako sa leeg niya at nasabunot ang kaniyang buhok. Ang isang kamay niya ay nasa bewang ko. "Tapos na ang agreement diba?" Inangat niya ang kaniyang mukha para tignan ako. Mapusok at mapang-akit ang kaniyang mata. Dama ko pa ang init ng kamay niya nang maramdaman kong hinaplos niya ito pababa sa may puson ko. Nakapikit na ako nang maramdaman ang dulo ng daliri niya sa waistband ng panty ko. Jusko. Heto na nga at mapapasabak pa ata ako. "Answer me." He demanded in a stern voice. Nababaliw na ako sa init ng daliri niya nang ipasok niya ito sa loob ng pang-ibaba ko. "Hmm." Umurong na ata ang dila ko. Itinigil niya ang paglakbay ng daliri niya pababa saka inilabas ito mula sa loob ng panty ko kaya iminulat ko ang mata ko nang madismaya. "Speak, Khai." Ang demanding. "Yes, Will." A devilish smile formed on his kissable lips before he moved his face closer to my ear. "Good. Masyado mo kong pinahirapan ng isang linggo. Now I'm gonna make you repent for what you did." Nanginig ang buong sistema ko nang makiliti at mag-echo sa tenga ko ang mga sinabi niya. Nakakalasing siya, umagang umaga. Pinagdiskitan niya ang labi ko nang halikan niya ako ngunit hindi iyon nagtagal nang bumaba siya sa ilalim ng comforter. His soft kisses went to my chest and down to my belly. Inangat niya pa ang laylayan ng damit ko para dilaan ang puson ko. Sh#t. Naramdaman ko ang paninikip ng loob ng tyan ko sa ginawa niya. Kumuha ako ng lakas para iangat ang comforter at panoorin ang ginagawa niyang kababalaghan sa akin. Nakatitig siya sa shorts ko. Ang sama pa ng titig nito na animo'y malaki ang kasalanan na ginawa sa kaniya ng shorts ko. Naalala ko ang rule na sinabi niya sa akin na hindi ko naman sinunod. "Will." Himala! May boses pa ako para tawagin siya. Umangat ang tingin niya sa akin habang nakahawak sa bewang ko. "Bakit ayaw mo ko pagsuotin ng shorts?" He narrowed his eyes before he smiled a bit. "Secret." "Bakit nga?" I want to know. Tumitig siya sa suot kong shorts saka tumingin sa kaniyang baba bago niya ako inangatan ng tingin ulit. "You wearing a shorts is a temptation, Khai." Panimula niya bago niya bitawan ang bewang ko saka hinawakan ang waistband ng shorts ko. "Kapag nakikita kitang nakaganito... tinitigasan agad ako." Pag-amin niya. Daig ko pang dinaluyan ng kuryente sa buong katawan ko at bigyan ako ng mainit na sensasyon. Kinagat ko ang ibabang labi ko nang umiwas ako ng tingin sa kaniya. Mas lalo niya akong binigyan ng dahilan para magshorts. Syempre, hindi lang dapat ako ang maglaway sa kaniya. Dapat siya rin! Ibinaba niya na nga ang pambaba ko hanggang sa makarating ito sa dulo ng paa ko. He didn't toss it. Inilapag niya lamang ito sa tabi niya bago niya ibuka ang hita ko. Yumuko siya at iniharap ang kaniyang gwapong mukha sa maselan kong parte. Ay wow maselan. Hindi mo na lang sabihin na pechay. Nahiya ka pa! Dumapo sa hiyas ko ang mainit niyang paghinga. Parang hindi ko na siya kailangan gawan ng breakfast. Ako na agad ang nakahain sa umaga niya. "You're already wet for me, babe." Sambit niya at nagawa pang haplusin ng daliri ang basa ko roon. Sa pagkagitla ko ay nakuyom ko ang paa ko. Hindi na nga siya nakapaghintay nang dilaan at tikman niya ako. "Hmmm." Napahalinghing agad ako nang maramdaman ang init ng dila niya. Mahigpit pa ang hawak niya sa binti ko para hindi ito magsara. Tangina ni William. Ang akala ko mababaliw na ako ngunit nawala iyon nang biglang tumunog ang alarm ng phone ni Will na nasa bedside drawer nakapatong. I heard him moan. I thought he would stop after hearing the alarm but to my surprise, he still continued pleasuring me. "Will, 'yung alarm." Sinubukan kong abutin ng kamay ko ang phone niyang nag-iingay ngunit natatamaan lang ito ng daliri ko dahilan para mas lumayo ito. Hindi ko naman maigalaw ang katawan ko dahil panay pa rin ang pagkain sa akin ni William. "William." Tawag ko pa ulit sa kaniya dahil daig pa niyang bingi. The last thing I heard was his groan then he kissed my sensitive spot before he crawled on top of me. Napahawak ako sa balikat niya nang abutin niya ang phone niya saka pinatay ang alarm. Kung kanina ay sa shorts ko siya masamang nakatingin, ngayon naman ay sa phone niya na. Kung tao lang ang phone niya ay kanina niya pa siguro ito sinakal. Nakakainis din. That alarm on his phone ruined the moment! Masama niya akong tinignan. Agad na kumunot ang noo ko. "Bakit?" "Binitin mo ako." Pinigilan ko ang sarili na matawa sa kahibangan niya. Ayan tuloy! Pati ako nadamay. "Sisihin mo 'yang phone mo. Bakit ako pinagdidiskitahan mo?" "Dapat mas maaga kang pumasok sa kwarto. Pupunta ka kung kailan mag-aalarm na phone ko," nakasimangot niyang tugon. Napairap na lamang ako. "Ay sorry po. Kasalanan ko pa pala." Sarkastikong sagot ko. Ngumiti na lamang siya saka hinalikan ang pisngi ko. Tinulak ko siya sa kaniyang dibdib para makaalis siya sa ibabaw ko at nang makabangon na ako. "Sige na. Magluluto pa ako breakfast." Nagtungo na ako sa gilid ng kama at umupo. Dinampot ko ang hinubad niyang pambaba ko kanina at isa isa itong sinuot. Napasinghap pa ako nang bigla siyang yumakap mula sa likuran ko. "I love you," he whispered on my ear. Sa tatlong salitang iyon ay daig ko pang nakarinig ng kabigha-bighaning musika na tagos hanggang puso. Hindi na tumigil sa pagtambol itong puso ko. Agad akong napangiti saka nilingon siya. Ang ganda talaga ng ngiti niya. Hinawakan ko ang kaniyang pisngi para abutin ko ang kaniyang labi. Then I looked straight into his eyes before I said, "I love you, too." He grinned. "I can't wait to tell Winter about us." Sa mga salitang sinabi niya ay unti-unting nawala ang ngiti sa labi ko. Napaiwas agad ako ng tingin saka inasikaso na ang shorts ko. Tumayo ako para maisuot na ito nang ayos. "Sige na. Lalabas na ko." Mabilis akong nahawakan ni Will sa aking kamay saka pinaharap sa kaniya na siyang nakaupo na sa gilid ng kama. Nakatingala siya sa akin nang hawakan niya ako sa bewang. "Is there a problem?" Alalang tanong nito. Napansin niya siguro ang paglaho ng ngiti ko kanina. Hinawakan ko ang pisngi niya saka umiling. "Wala." Ngumuso siya. "Please? Tell me. Hmm?" Kinagat ko ang ibabang labi ko habang iniisip kung sasabihin ko sa kaniya. Baka kasi ayaw niya sa ideyang naglalaro sa isip ko. Niyakap niya pa lalo ang bewang ko dahilan para mapahawak ako sa kaniyang balikat. Lumipat naman ang isa kong kamay sa kaniyang itim na buhok saka sinuklay ito sa aking daliri. I should tell him. Maiintindihan niya naman siguro. Huminga muna ako nang malalim bago ibinuka ang aking nanunuyong labi. "A-ayos lang ba kung 'wag muna natin sabihin kay Winter?" Maingat kong tanong. I don't want to offend him. Bakas kasi sa mukha niya na gustong gusto niya na sabihin sa anak niya ang relasyon namin kaso hindi pa ako handa. I still need time. Baka kasi mabigla 'yung bata na 'yun kapag nalaman niya ang tungkol sa amin. "I think I'm still not ready sa magiging reaksyon niya," pag-amin ko kay Will. "Maybe we should take it slow?" Bumaba ang tingin niya sa may tyan ko, sandaling napaisip bago tumingala ulit. "Is that what you want?" I slowly nod my head. "Hmm. Ikaw ba? Ayos lang ba sa'yo?" Kinabahan ako na baka ayaw niya ngunit mabilis iyong naglaho nang ngumiti siya saka marahan na hinaplos ang pisngi ko. Hinabol pa ng pisngi ko ang init ng palad niya nang isiksik ko ito sa kaniya. "Yeah. Ayos lang sa'kin." Dahil sa tuwa ko sa pagpayag niya ay niyakap ko siya sa kaniyang leeg. Niyakap niya rin ako pabalik sa bewang ko. "Thank you." "No, Khai. Thank you. Thank you for letting me become part of your life." He replied. Those simple words made me smile. *** His POV I understand her. Wala naman akong tutol kung ganoon ang gustong mangyari ni Khai. I respect her decision. And I think it's also a right decision for us since wala rin akong ideya sa magiging reaksyon ni Winter. It might be a shocking news to her. Baka maguluhan pa siya kapag nalaman niya ang relasyon namin ng Ate Khai niya. She's still a child after all kahit na may pagkamature na mag-isip sa ibang bagay. We must take it slow. Actually, kung tutuusin, walang nabanggit sa akin si Winter tungkol sa kagustuhan niya na magkaroon ng mama. Kung tutuusin, hindi ko pa nga nagagawang makausap ang anak ko nang masinsinan tungkol sa ganitong usapan. Maybe I should make time to talk to her about this. I must know her thoughts. Inayos ko ang ang necktie sa suot kong puting dress shirt habang nakatingin sa salamin dito sa kwarto. Nang maplantsa na rin ang gusot sa damit ko ay inayos ko na rin ang buhok ko. Mukhang kailangan ko ng dumalaw sa barber shop para magpagupit. Humaba na kasi ang bangs ko. Nang makapag-spray na ng perfume ay kinuha ko na ang shoulder bag ko saka lumabas ng kwarto. Naabutan ko silang dalawa sa dining table na nakain na ng breakfast. Umupo na rin ako sa upuan para makapagsimula na rin kumain. Inabutan agad ako ni Khai ng mainit na kape. I looked at her and gave her a smile. Ngumiti lang din siya sa akin. F#ck. That smile. Nakakainlove lalo. Ang saya ko lang sa araw na 'to. Sa wakas! Girlfriend ko na si Khai. Ako na ata ang pinakamasayang lalaki sa mundo. Sa sobrang saya ko ay feeling ko kaya kong magtrabaho sa Clinic 24/7. Kidding aside, pinatay ko naman ata ang sarili ko. It was just a metaphoric description of what I feel right now. Habang nasa hapag nga kami ay hindi ko mapigilan na hindi sulyapan si Khai na tahimik lamang na nakain. Mind to explain to me how someone beautiful like her exists in this world? Ang ganda. Ang sarap ikama. Napangiwi kaagad ako nang mapaso ang dila ko sa kape na napakainit pala. Nagising tuloy ako sa kahibangan ko. Kung ano ano na tuloy pumapasok sa isip ko. Calm down, Will. Sa'yo na 'yan. Wala ng aagaw sa'yo niyan. Hinatid ko na ang anak ko sa school kasama si Khai. Tulad ng palaging nangyayari ay hinahatid ko siya sa shed dahil dadaan pa siyang palengke. Habang nagdadrive ay may naalala akong sabihin sa kaniya. "Malapit na pala birthday ni Winter." Panimula ko sa kaniya habang nagmamaneho ako. "Oo nga pala no. Anong plano mo?" Tanong niya nang makatingin sa akin. Tinapik-tapik ng daliri ko ang manubela. Ang totoo wala akong pulidong plano para sa birthday ng anak ko. May isa lang akong matagal ng pinag-isipan na maaari kong ibigay na regalo sa kaniya. "Natanong mo na ba siya kung gusto niya magka-pet?" Tanong ko. Pansin ko kasi na mahilig sa animal si Winter lalo na dati kapag nasa Clinic ko siya. She loves to look at them, especially sa mga dog. Hindi naman siguro mali ang kutob ko. I know my daughter. Malakas ang paniniwala ko na mahilig siya sa aso kahit hindi niya pa ito sabihin. "Aah. Hindi pa. Oo nga no. Sige, itanong ko mamaya." Saad niya. "But I think she likes dog. If ever na maconfirm mo, sabihan mo agad ako. Pupunta kasi ako sa animal shelter this weekend para makapag-adopt ng dog." May kakilala kasi ako roon at sinabihan ako na mayroon daw silang tuta na baka gusto ko raw ampunin. Mabilis naman daw ang process lalo na kung walang bad record ang mag-a-adopt. Ang pinakamahaba ay 6 weeks pero sabi niya sa kaso ko, mga one week ay pwede ko na raw makuha. Saktong sakto dahil after two weeks pa naman ang birthday ng anak ko. May time pa ako. "Hmm sige. Mamayang gabi itatanong ko." "Great." Naisip ko na maganda siguro kung magpaparty ako sa bahay namin. Sakto naman kasi na weekend. Dati kasi, pasukan niya nagkataon ang birthday niya. Naging tradisyon na rin kasi sa school nila na nagpapakain sa classroom so I just ordered foods for her classmates. Nagpapatulong lamang ako sa adviser ng section nila para sa pag-oorganize. Ngayon na walang pasok, maybe we could celebrate her birthday in our house. I'll just send invitations na lang sa mga parents ng kaklase ni Winter. Simulan ko na nga siguro mamayang gabi ang paggawa ng invitation at pagtawag sa magke-cater. Malaki naman ang bahay para sa mga kaibigan ni Winter. Magpapatulong na lang din ako kay Khai sa pag-asikaso. Gaya nga ng ipinangako ko sa sarili ko, pagkauwi ko ng bahay, after dinner ay nagtungo ako sa kwarto ko para buksan ang laptop ko. Sinuot ko ang specs ko para simulan ang pagkuha ng ideya sa paggawa ng invitation card sa net. Nakasandal lamang ako sa headboard ng kama habang ang unan ang ginawa kong patungan ng laptop sa hita ko. Habang nagawa ay lumipat ang atensyon ko sa pinto nang may kumatok rito. Kasunod nito ay ang pagbukas at paglitaw ng ulo ni Khai. Napangiti agad ako nang masilayan siya. "Can I come in?" Mahinang tanong niya ngunit sapat na para marinig ko. Tumango naman ako kaya hudyat niya iyon para pumasok at lumapit sa pwesto ko. Umupo siya sa tabi ko at inusisa ang ginagawa ko. "Ano ginagawa mo?" "Nagawa invitation card." Sagot ko. Her mouth formed an 'o'. "Patingin." Excited niyang saad kaya naman inusog ko ang laptop ko paharap sa kaniya para makita niya nang maayos. Mas lalong lumaki ang awang sa bibig niya nang makita ang gawa ko. Hindi ko alam bakit ganyan reaction niya. E wala pa nga akong masyadong nagagawa. "Pwede na." Komento niya na ikinatawa ko nang mahina. Niyakap ko siya sa bewang. "Hindi pa po kasi tapos. Kung makapagreact ka naman agad." Natawa lang din siya saka nilingon ako. Nang magkatitigan kami, pansin kong natulala siya sa akin. Sinuri niya ang mukha ko saka sumingkit. "Ang gwapo mo rin kapag nakasalamin ano." Puri niya. Mas lalong lumala ang pagwawala ng puso ko sa komento niya. Mula sa mga mata ay bumaba ang tingin ko sa kaniyang mapulang labi. Sa ganitong lapit namin sa isa't isa ay hindi ko mapigilan na mag-init. Sinubukan kong angkinin ang labi niya ngunit hinarang niya ang daliri niya sa mukha ko. "Nagawa ka diba?" Sabi niya sabay tulak sa mukha ko. Ngumuso ako. "Kiss lang e." Kunwari nagtatampo ako. Tumawa lamang siya nang mahina saka umiling. "Gawin mo muna 'yan." Inayos ko na ang pagkakapwesto ng laptop at hinarap na ulit sa akin. "Yes po." Sagot ko. Kinalikot ko na ulit ang touch pad ng laptop at nagsimula ng magkalikot habang siya naman ay taimtim lang na nanonood. "Bakit ka nga pala nagpunta dito?" Curious kong tanong. "Hindi ka nagpunta sa kwarto ko e." Pilyo akong ngumiti. "Bakit? Miss mo agad ako? Hirap pag LDR ano?" Sinilip ko siya. Nahuli ko pa nga ang pag-irap niya. "Anong miss? Kasama pa kitang magdinner kanina tapos miss agad. Ang confident mo naman po ata, Sir. Pa LDR LDR ka pang nalalaman e kabilang kwarto ka lang naman." Humalukipkip pa siya. "Ang taray naman. Binibiro ka lang e." Pinagkrus niya ang binti niya. Ang akala ko hindi niya na sasagot pa ngunit nagsalita siya. "Winter likes dogs." Napataas ako ng kilay nang makuha niya ulit ang atensyon ko. "Really?" So tama nga ang pagkakaalam ko. "Yup. Nakausap ko siya kanina when I read her bedtime story." "Have you asked her what's her thoughts about having a pet?" Matagal pa bago nakasagot si Khai. Mukhang malalim pa siyang napaisip hanggang sa sagutin niya ako. "She would love to have one." Napangiti ako. Yes! Kapag naclose ko ang deal sa animal shelter at ma-adopt ko 'yung tuta, panigurado matutuwa ang anak ko. *** Her POV "Have you asked her what's her thoughts about having a pet?" Nang tanungin iyon ni Will ay natigilan ako. Naalala ko ang kinuwento sa akin ni Winter kanina nang makausap ko siya. Actually, hindi ko inaasahan na malaman iyon sa kaniya. Sa nalaman ko kay Winter ay mas lalo akong namangha sa kung gaano siya kamature mag-isip para sa edad niya. "Anong gusto mong basahin natin?" Tanong ko kay Winter habang naghahanap ako sa book shelf niya. Sinabi naman niya sa akin kung ano ang gusto niyang ipabasa kaya kinuha ko iyon sa shelf saka bumalik sa kama niya. Umupo ako sa kaniyang tabi at isinandal ang aking likuran sa headboard ng kama. Inayos ko saglit ang comforter niya bago ko binuklat ang libro. Taimtim naman na nakikinig sa akin si Winter habang kinukwento ko sa kaniya ang libro. Ngunit natapos ko na lamang ito basahin, hindi pa rin siya dinadalaw ng antok. "I'm still not sleepy," sambit niya. "Ganon? Gusto mo basahan pa kita ng iba pang kwento?"  Umiling agad siya. "Hindi na po." Napaisip ako ng pwede naming gawin para makatulong sa kaniya at nang antukin siya. Pumasok sa isip ko ang pag-uusap namin kanina ni Will about sa pet. "Oh, I have a question." "Ano po 'yun?" "What's your favorite animal?" Kumunot ang kaniyang noo. "That's too random." Tumawa ako. "Curious lang. Ako favorite ko is dog." Namilog ang mata niya. "Really? Favorite ko rin po iyon!" Tumaas pa ang tono ng boses niya. Ang taas pa rin ng energy ng batang ito. "Talaga?" Mangha ko rin na tanong. So tama si Will. Paborito ng anak niya ang aso. I mean, halata naman na. Kasi noong namasyal kami dati ay tuwang tuwa siya sa aso. "Ang galing. Pareho tayo." Humagikhik naman siya. "Ano favorite mong breed?" Tanong ko naman. Ngumuso siya at napaisip. "I don't have specific breed that I like. Anything will do. They all looked cute to me." Sagot niya. "Oh! May napanood po ako dati na about sa huskies and... what's the name of it? Oh, golden retriever. They're so cute." Halos hindi na mabura ang ngiti sa labi ko habang nakikinig sa kwento ni Winter. "Yeah. Cute nila." Kinuha ko na ang pagkakataon na ito para magtanong. "Gusto mo bang mag-alaga ng dog?" Mabilis agad siyang napatango. "Opo, gusto. Matagal ko na pong gustong magka aso." "Talaga? Then you should have asked your Dad about it." Matagal na pala niyang gusto pero bakit hindi siya nagsabi sa papa niya? Hindi nagtagal ang ngiti sa labi niya. "I can't." Kumunot ang noo ko. "Bakit naman? Payag naman siguro Dad mo kung mag-alaga ka ng aso." Malalim siyang bumuntong hininga habang malungkot ang mga mata. "Yes, he might approve. Pero inisip ko po na hindi ko pa po kayang mag-alaga ng aso. Kung may aso man kami, for sure si Dad po ang mag-aasikaso sa kaniya. He's already busy with his work. Ayoko po na pati pag-aalaga ng aso ay ipapasa ko kay Dad." Hindi ko alam pero bigla na lang nag-init ang sulok ng mata ko. Iniwas ko ang tingin ko sa kaniya saka idinilat ang mga mata para pigilan ang sarili na maiyak. May kung anong kumirot sa puso ko nang marinig ang dahilan niya. Ang bata bata pa niya pero ganito na ang iniisip niya. She deserves to enjoy life but here she is, inaalala ang kalagayan ng ama niya. Nagtagumpay pang kumawala ang butil ng luha sa mata ko na madali kong pinunasan bago pa makita ni Winter. Pinili kong hindi ipaalam iyon kay Will. Ayokong sa akin manggaling ang sinabi ni Winter kaya hindi ko na iyon kinuwento sa kaniya. "Alright. I'll adopt her the cutest dog she'll ever have." Ikinatuwang sabi ni Will. Mapait akong ngumiti. Ayokong isipin ni Winter na pabigat siya sa kaniyang ama kaya nililimitahan niya ang kaniyang sarili sa mga bagay na gusto niya. Because she's not. Ramdam ko kung gaano siya kamahal ni Will at kung anong kaya nitong isakripisyo at ibigay para lamang sa kaniya. I just hope the two of them could talk para naman hindi na ganoon ang isipin ni Winter. Iniisip ko kung anong maitutulong ko para hindi na mag-isip ng ganoon ang anak niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD