30

4402 Words
Her POV "Ano kayang masarap na lunch ngayon?" Naglibot libot ako sa palengke habang namimili ng bibilhin ko. Nakalimutan ko naman kasi tanungin si Winter kung anong gusto niyang ulam for lunch. Tinigil ko na rin kasi ang paggawa ng packed lunch para kay Winter. Mas maganda na bagong luto ang kakainin niya kaya tuwing tanghali ay napunta ako sa school nila para dalhin 'yung lunch niya. Pork kaya? Maybe a pork adobo will do. Ang tagal na rin nang huling nakapagluto ako nun e. Nang makapagdesisyon sa bibilhin ay mga putahe na nito ang pinuntirya ko sa palengke. Sunod naman ay nagtungo ako sa stall ng mga prutas. Naisipan kong bumili ng banana. Hawak hawak ko ang bayong at palabas na ako ng palengke nang tumunog ang phone ko. I tried to reach it with my free hand. The message was from my Will. Ay wow. My Will? Kinilig naman ako sa pang-aangkin ko. But honestly, hindi pa rin talaga ako makapaniwala na bebe ko na ang boss ko. Tangina kinikilig talaga ako. Binasa ko na ang text niya. Napansin kong hindi ko pa pala nabago ang name niya sa phone ko. Should I change it? Bebe Will? My one and only Will? Honey bunch sugar plum Will? My bebe boss? Kakaisip ko ng names, I cringe. Maybe I shouldn't change. Baka sakaling makita pa ni Winter at baka mapaamin ako nang wala sa oras. Humahanap pa ako ng magandang tyempo. Feeling ko hindi pa pwede ngayon lalo na't malapit na ang birthday niya. Ayoko munang mag-isip siya ng kung ano. Boss Will: Come in my Clinic Tinitigan ko pa ang screen ng phone ko. Sa sobrang taba ng utak ko sa kalokohan ay mabilis akong nakaisip ng isasagot kay Will. Me: I can't. I can only c*m in your house I pressed my lips tight to suppress my laugh. Pero hindi ko na talaga napigilan at kumawala na nga ang pinipigilan kong tawa. Naexcite pa ako nang makareceive ulit ng reply mula kay Will at mas lalong lumala ang tawa ko nang mabasa ang text niya. Humagalpak na talaga ako ng tawa. Boss Will: Pwes basbasan mo ang Clinic ko Napahawak na ako ng tyan at may kumawala ng luha sa mata ko sa kakatawa. Bwiset na William! Nakakamangha talaga 'to minsan e. Sinasabayan din talaga ang kalokohan. Me: Rawr Boss Will: Rawr ;) Inayos ko na ulit ang sarili ko saka nagtipa sa phone. Me: Why? Now na ba? Boss Will: Hmm lunch? How about after lunch? Napaisip ako sandali. Me: How about after ko maihatid sa school ang lunch ni Winter, puntahan na kita dyan? Boss Will: Great idea Me: Gusto mo hatiran na rin kita ng lunch? Sabay na rin tayo, you want? Ihahatid ko lang naman ang lunch ni Winter dahil mga classmates naman niya ang kasabay niya kumain sa cafeteria nila. Boss Will: Another great idea. I'll wait for you ;) Kinagat ko ang ibabang labi ko after sending him a reply. Me: Yes, baby. I'm coming ugh Boss Will: HAHAHA enough Khai. I'm at work for Pete's sake! F#ck. I really love teasing him. Ngunit dahil may awa ako, tinigilan ko na ang panghaharot sa kaniya. Umuwi na ako ng bahay nang mabili ko na lahat ng kailangan. Mamaya pa naman ako magluluto kaya naman nag-asikaso muna ako sa bahay. Nanood pa ako saglit ng palabas sa television kaso dinalaw lang ako ng antok hanggang sa makaidlip ako. Mabuti na nga lang ay nagising ako sa tamang oras. Nagtungo agad ako sa kusina para magsimula ng magsaing at magluto. Nang maluto ang sinaing ay pinalamig ko muna ito nang kaunti bago ko ilipat sa tupperware. Nilipat ko na din ang masarap kong pork adobo. Nilagay ko na ang mga ito sa may lunch bag. Nagbihis na rin ako ng damit. Nakapambahay lang kasi ako kanina. Tamang jeans lang at medyo manipis na while long sleeve shirt ang sinuot ko. Isinukbit ko na ang bag sa balikat ko at lumabas na ng bahay. Pinuntahan ko muna ang school ni Winter para ihatid ang kaniyang lunch. Yumakap pa nga ito sa akin para magthank you. Sweet. Sunod naman ay bumyahe na ako papuntang Clinic. Pagpasok ko pa lang sa loob ay nginitian na agad ako nang babae sa front desk. Ito 'yung tumawa sa akin e noong nauntog ako. Kala mo hindi ko makakalimutan? "Si Doc Serrano po?" Tanong ko sa babae. "Nasa office niya po. Okay lang po ba kung maghintay kayo? May kausap pa po kasi siya sa loob." Paliwanag nito. Hindi na niya ako tinanong kung may appointment ako siguro dahil may ideya na siya na magkakilala kami ni Will. "Ahh sige. I'll just wait na lang. Salamat." Sagot ko rito. May mahabang upuan naman malapit sa front desk kaya naman doon na lang muna ako umupo habang naghihintay. Nakatitig lamang ako sa lunch bag na nakapatong sa hita ko. Halos sampung minuto na ata ang lumipas bago ako may marinig na pamilyar na boses. Nilingon ko iyon at nakita si Will na nakasuot ng white coat habang may kausap na babae. Ang isang kasama nito na babae rin ay masasabi kong yaya sapagkat nakasuot ito ng uniporme ng isang katulong. May bitbit itong alagang aso na ang ganda ng balahibo. "Buti na lang talaga, Doc, pinaliwanag niyo sa akin ang kalagayan ng baby ko. I'm so relieved." May kung anong landi ang tono ng boses ng babae. Bakas sa damit nito at alahas sa katawan na mayaman ito. Kumunot agad ang noo ko nang makita ang kamay ng babae na humawak sa braso ni Will. Napatitig pa ako lalo roon nang haplusin niya ang braso ng bebe ko. Napabuga ako ng hangin. Mukhang hindi pa pansin ni Will na nakaupo lang ako rito at pinanood sila dahil abala siya sa pagngiti sa babae. Ay William. Iba ka. Mukhang tuwang tuwa ka pa sa paghaplos ng babae sa'yo. Hinawakan niya ang kamay ng babae na nasa braso niya saka marahan itong ibinaba para maalis sa kaniya. "To make sure, after one week, better bring Yssa in here for another check up." Nilingon niya ang aso na hawak ng isang babae saka hinaplos ang ulo nito. Tahimik lang 'yung aso at mukhang gustong gusto pa ang ginawang paghaplos ni Will. "Yes, Doc, we will." Nairita pa ako sa paraan ng pagngiti niya kay Will. May pinapahiwatig ang babaita. Payak lamang siyang nginitian ni Will. "Oh, it's lunch na pala. Nag-lunch ka na ba, Doc? Baka gusto mong sumabay din sa ak—" Tumikhim ako na siyang nagpatigil sa kaniya at nagawa kong kunin ang atensyon nila na parehong nilingon ang direksyon ko. Nakatayo na ako at nakatingin sa kanila habang bitbit ko ang bag ko. Napataas pa ang kilay ni Will, gulat na makitang narito na ako. Ngunit napalitan ang gulat niya ng ngiti. "Thanks for the offer, Miss Rivera. But I have her as my lunch—" He cleared his throat. "I mean, we're going to have lunch together." Tukoy niya sa akin na pekeng nakangiti sa kanila. Sumasakit na nga ang panga ko kakangiti. "Oh, I see." Sinilip pa ako ng babae saka mapanghusga na tinignan ako mula ulo hanggang paa bago niya binalik ang atensyon kay Will. Sa pang-ilang pagkakataon ay humawak na naman ito sa braso ni Will. Umakyat ata lahat ng dugo ko sa ulo ko. Panay ang hawak deputa. "How about next time? Treat lang for helping my dog." May respeto namang inalis ni Will ang kamay ulit ng babae. "Thank you for visiting the Clinic, Ms. Rivera. See you next week for the check up." Nagbow pa si Will sa kaniya. Nagawa pang sumilip sa akin 'yung babae. Hindi ko pa nga sure kung inirapan niya ba ako o namamalik mata lamang ako. "Goodbye, Doc. Let's go na yaya." Gumewang gewang pa ang balakang nito nang lumabas sila sa Clinic. Paglapit sa akin ni Will ay humalukipkip agad ako sa kaniya. Mataray ko siyang tinignan habang nakataas ang isang kilay. Dalawang kilay naman ang tinaas niya. "What?" Inosenteng tanong niya. "What?" I mocked his voice. Pagkatapos ay pinaningkitan ko siya ng mata. "Ano 'yun ha?" "Ha? Na ano?" Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Hindi ko alam pero kinatutuwa niya pa ata ang pagtatanong ko. May saltik amputa. Hindi ako sumagot at umirap lamang. Narinig ko pa ang mahina niyang pagtawa. "Tara sa office." Sinundan ko na siya sa office niya. "Ano pala—" "Sino 'yun ha?" Tanong ko nang makapasok kami. Sinara niya ang pinto sa kaniyang likuran. Bumalik na naman ang mapang-asar niyang ngiti sa tanong ko. "Sino?" Lumapit siya sa akin. Napaatras ako hanggang sa maramdaman ng pwet ko ang kanto ng desk niya. Hindi maalis ang tingin ko sa kaniya nang kunin niya ang lunch bag sa kamay ko at ipinatong ito sa desk sa aking likuran. "'Y-yung babae." Nagpigil ako ng hininga nang iharang niya ang bisig niya sa magkabilang gilid ko at inihawak ang kamay niya sa gilid ng desk kung saan ako natrap. "Hmm?" Taas kilay niyang tanong. Nagmamaang-maangan pa ang hitsura nito. Tinapangan ko ang titig ko sa kaniya habang nakatingala dahil sa tangkad niya kahit na nanghihina na ang tuhod ko sa lapit namin sa isa't isa. Halos magdikit na nga ang katawan niya sa akin sa sobrang lapit. Kinakabahan tuloy ako na baka may pumasok sa office niya. "'Yung babae nga kanina. Halatang may gusto sa'yo. Type mo siguro 'yun ano?" Nakasingkit ang mata ko sa kaniya ngunit parang hindi man lang siya natatakot sa akin. Hindi ba nakakasindak ang tingin ko ha? At mukhang tuwang tuwa pa siya. He smirked. "No." Tanggi niya agad. "She's not my type. In fact, may iba akong type." Tinalasan ko ang tingin ko sa kaniya. "Sige nga. Sinong type mo?" Pinagmasdan niya ang mukha ko nang maigi. "Hmm hulaan mo." Hindi ako sumagot at hinintay lamang ang sasabihin niya. "Ang type kong babae ay hanggang balikat ko ang tangkad, mahaba at brown ang buhok." Bumaba ang tingin niya sa labi ko hanggang sa mapalunok siya. "Kissable lips." He looked at me in the eyes. "Sexy. Medyo sabog minsan pero masarap kasama. She knows her worth. Ano pa ba?" Napaisip siya sandali habang makatunaw kandila ang tingin. "My type's name starts with K, and her last name starts with B. Kilala mo ba?" Taas kilay niyang tanong. Siningkitan ko siya ng mata. "Kardo Balisay?" He laughed under his breath. "That's C and D, Khai." He claimed my lips. Tinulak ko siya sandali sa kaniyang dibdib at lumayo nang kaunti ang ulo saka tinignan siya sa mga mata. "Kevin Burant?" Doon na lumakas ang tawa niya. "F#ck. It's Durant, babe, not Burant." Kinagat niya pa ang ibabang labi niya para patigilin ang sarili na tumawa. "And to make it clear, my type is you." Namula na nga ang pisngi ko. May ideya naman ako sa mga descriptions na sinabi niya pero ewan ko ba, kinilig pa rin ako nang sabihin niya mismo na ako ang type niya. Napasinghap ako at nagitla nang bigla niya akong hawakan sa bewang at buhatin para paupuin sa desk. Nasanggi ko pa ang pen holder at picture frame dahilan para matumba ito. Sh#t. Don't tell me, dito talaga? Baka may makakita! Sinilip ko pa ang pinto at hindi pa ata nakalock! Tinulak ko ulit siya sa kaniyang dibdib para pigilan ang paglapit ng mukha niya sa akin. "Lunch?" Paalala ko sa kaniya. Mapang-akit siyang ngumiti. "You are my lunch." He said in a seductive voice. Napalunok ako. Ang wild ng William! "Totoo pong pagkain, Doc." Natawa siya saka hinalikan ako sa pisngi. "Alright." Hinawakan niya ako sa bewang saka inalalayan na bumaba ulit. Umikot siya sa desk niya at ang lunch bag na ang pinagdiskitahan. Nakahinga ako nang maluwag. Buti nadala siya sa pakiusap. Jusko, kahit gustong gusto ko, bawal dito. Delikado! "Ano 'to, babe?" Tanong niya saka binuksan ang bag. Babe? Pansin ko 'yun palagi niyang tawag sa'kin. Iyon na ba call sign namin? Ayaw niya ba ng honey bunny? Char! I'm fine with babe. Kahit ano naman itawag niya sa akin. As long as I can call him Daddy. Rawr. "Pork adobo." Sagot ko. "Wow. Naglalaway na tuloy ako. Gutom na rin ako e." Hinila ko ang upuan na nasa may gilid ko at ipinagitna para makatapat ko siya sa pag-upo. Hinubad niya muna saglit ang white coat niya saka isinabit sa sandalan ng swivel chair bago siya umupo rito. Excited siyang kinuha ang mga tupperware kung saan naroon ang niluto kong ulam at kanin. Inamoy niya pa ito at napapikit nang maamoy ang bango ng adobo. "Amoy pa lang masarap na." Komento niya. Pang dalawang tao naman ang natirang kanin at ulam sa bag. Siya na ang nag-asikaso noon at itinapat na sa akin ang tupperware ng kanin. Napangiti lang ako habang pinapanood siya na ihanda ang kakainin namin. Napatitig pa ako sa kaniya nang tanggalin niya ang butones sa dulo ng sleeves niya at maayos niya itong tinupi hanggang siko. Nakakaturn on tignan ang ginawa niya. "Kain na tayo," sambit niya. Nagsimula na ngang kumain. Tanging pagtama ng kutsara't tinidor lang ang ingay na umaalingawngaw sa opisina niya. Nag-isip ako ng pwedeng pag-usapan. "So sino nga 'yung babae kanina?" Hukay ko sa usapan namin kanina na hindi niya pa nasasagot ng ayos. Bumalik na naman ang mapang-asar na ngiti sa labi niya. "Amo lang ng pasyente ko." Sagot niya at sumubo ulit. "Amo ng pasyente mo? Pero kung makahaplos sa'yo parang hindi naman. Umamin ka. Dati mong babae 'yun ano?" Hinintay ko ang pagsagot niya kaya tumigil ako sa pagkain. Mula sa paglobo ng pisngi niya ay halata pa rin ang ngiti niya. Bakit ba panay ang ngiti ng mokong na 'to? Para naman siyang hindi kinakabahan sa tanong ko. Nilunok niya muna ang nginunguya niya saka uminom ng tubig sa dala kong tumbler at plastic cup. "Wala lang 'yun, babe. She's just one of those flirty owners of my animal patients." Mas lalong nanliit ang mata ko. "One of those? So you mean marami pa?" Aba William. Parang proud pa siya na marami ang gustong makipag-flirt sa kaniya. Mas lalong lumawak ang ngiti niya. Babanatin ko talaga 'yang pisngi niya e. Panay ang ngiti! Hindi ba dapat nagiging defensive na siya pero kabaliktaran naman ang ginagawa niya. Tinatawanan lang ata ako. "Tell me, are you jealous?" Taas ang kilay na tanong niya. "Hindi ah." Tanggi ko agad. "Hindi ah." He mocked me just like what I did to him earlier. "Alright. Sabi mo e. But for your information, Ms. Khai, wala ka pong dapat ipagselos. Hindi ako manok na basta na lang tutuka sa kung anong nakahain sa akin. Para ipaalala ko sa'yo, my heart is all yours. Ikaw lang ang hahanap-hanapin ng mata ko at ikaw lang ang lalandiin ko." Malaki agad ang sinubo ko sa kanin sabay salpak ng ulam sa bibig ko para lamang pigilan ang sarili na mapangiti. Tinapangan ko pa ang mukha ko para lang hindi niya mahalata na kinilig ako. Pero tangina kinikilig talaga ako! Inaasahan ko pa naman na aawayin niya ako sa pagbibintang sa kaniya but he exactly did the opposite. He reassured me that he's mine. Ang mature mo naman, Sir! "Kinilig ka?" Saad niya nang hindi ako nakapagsalita. Dalawa lang ang dahilan. Either sinunod sunod ko ang subo para maitago ang ngiti na gustong kumawala sa labi ko o dahil hindi ko alam ang sasabihin. Or both. Inirapan ko lang siya na siyang nagpatawa sa kaniya nang mahina. Nang matapos na kami ay ako na ang nagligpit sa pinagkainan namin. "Nga pala, may ipapakita ako sa'yo." Will said after I clean his desk. Itinabi ko muna sa may tapat na upuan ng desk niya ang bag bago niya ako hilain palabas ng office niya. "Ano 'yun?" Curious kong tanong. "You'll see." Pansin kong narito kami sa room kung saan narito ang kulungan ng mga pasyente niya. Tinignan ko ang mga sign at mukhang nakahiwalay ang iba't ibang pet. May kalakihan din kasi itong Vet Clinic niya. Huminto kami sa may tapat ng cage ng isang aso. Sinilip ko pa si Will dahil puno ako ng pagtataka kung anong ginagawa namin dito. Titig na titig si Will sa asong mahimbing na natutulog. Kulay puti ang balahibo nito at mukhang may maskara ito sa mukha dahil sa ito lang ang parte na may kulay brown. "This is her. My gift for Winter." Namilog ang mata ko saka mas pinagmasdan ang tuta. So ito 'yung tinutukoy niya na aampunin niya? Kaya niya ako pinapunta sa office dahil gusto niyang makita ko ang cute na tuta na ito. "Ang cute." Iyon lang ang nasambit ko lalo na nang saktong magising ito at ginalaw galaw ang ulo. Ang cute pa kasi ang liit ng tenga na siyang gumawa ng tunog pagkagalaw niya sa kaniyang ulo. Nagising na nga ito nang tuluyan saka tumingin sa amin. "Diba ang cute? She's two months old." Paliwanag ni Will. "Do you wanna hold her?" Tumango agad ako. Maingat niyang binuksan ang kulungan saka binuhat ang tuta. Inabot niya naman ito sa akin at ako na ang humawak. Hinarap ko 'yung tuta sa akin habang buhat ko. Mas lalo akong napangiti nang humikab 'yung tuta at naamoy ko 'yung amoy gatas sa bunganga nito. Ang cute! "Ang cute niya Will." Komento ko. Ang sarap pisilin. Tabachingching pa. Bakit ganoon ano? Ang bango ng bunganga nila kapag tuta? Pero kapag malaki na—'wag na lang tayo mag-talk. Dahil mukhang inaantok pa siya ay inabot ko na ito kay Will para maibalik niya na ito sa kulungan. "Good thing she's in good health kaya mabilis ko siyang nakuha." Pahayag ni Will habang pareho kaming pinapanood ang pagbalik ulit ng tuta sa tulog. "Panigurado matutuwa si Winter sa regalo mo." Nasabi naman na ni William na nahanda niya na lahat para sa darating na birthday ni Winter. Mag papacater siya sa bahay. Naabot na rin namin sa adviser 'yung invitation card para sa mga bata na siyang iaabot nila sa magulang nila. Syempre, since mga bata pa ang mga ito ay kasama ang magulang nila sa party. Dahil gusto ni Will isurprise ang anak niya, inatasan niya ako na igala muna si Winter habang nag-aayos sila sa bahay. Mukhang may ideya na rin si Winter dahil halos nakatape na sa labi niya ang ngiti habang nasa may mini park kami ng mall. Kakatapos lang din kasi namin mamasyal sa loob ng mall kanina. Panay nga siya tanong sa akin e. "Ate Khai, anong oras tayo uuwi?" Sinabihan ako ni Will na itetext niya lang ako kapag tapos na sila at nakarating na ang mga bisita. Kaya sa bawat tanong niya, paulit ulit lang din ang sagot ko. "Mamaya pa, baby." Mabuti na lang talaga ay hindi rin nagtagal si Will nang magtext siya. Naging mabilis siguro ang paghahanda nila dahil tumulong na rin ang ilan sa magulang ng classmate ni Winter. Halos patalon na nga ang lakad nito habang nakahawak ang kamay sa akin. I texted Will to inform him na kakapasok pa lang namin sa subdivision. Ako ang kinakabahan, bakit ganoon? Hindi naman ako ang may birthday! Namamawis na nga ata ang kamay ko. Nang pumasok na kami ng gate ng bahay ay doon lamang ako nagkaroon ng pagkakataon na punasan ang basa kong kamay nang bitawan iyon ni Winter. Nahagip pa ng mata ko na gumalaw ang kurtina sa bintana nang may sumilip doon. "Ate Khai, bilis!" Patakbo itong umakyat ng hagdan hanggang sa makarating siya sa terrace. Ang excited ng batang paslit! Pinanood ko siyang buksan ang front door. Inasahan ko ang magiging reaksyon niya nang mapansin na bumagsak ang balikat niya pagkapasok sa loob. There was no one in the living room. Nang tabihan ko siya at silipin ang reaksyon niya ay bakas ang pagkadismaya sa kaniya. She looked up at me and forced a smile. Naawa tuloy ako na makita ang lungkot sa mata niya. Inasahan niya siguro na mayroong magsusurprise sa kaniya dito sa sala. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko saka nagtungo sa kaniyang likuran. Tinupi ko ito para gawing blind fold kay Winter. "Close your eyes." Bulong ko sa kaniya. "Hmm?" Lilingon na sana siya sa akin ngunit mabilis kong itinali palibot sa may mata niya ang panyo. "Keep your eyes close, okay?" Sambit ko pa rito. Tumango naman siya. Kinuha ko ang kamay niya at hinawakan ito nang mahigpit. Maingat ko siyang iginaya patungo sa backyard, sa may pool area kung nasaan ang surpresa na hinihintay niya. Nakita na kami ni Will nang makarating kami. Narito ang banner kung saan nakalagay ang 'Happy Birthday Winter!' at narito na rin ang mga pagkain na hinanda ng mga caterer. Malawak kasi ang backyard nila kung saan narito rin ang pool kaya kasya ang lahat dito. Halos kalahati lang naman sa classroom nila ang nakadalo. Inaabangan din ng mga bisita ang pagdating namin. Sobrang tahimik nila, hinihintay ang hudyat ni Will na nasa unahan ng mga bisita. "Winter." Tawag ko sa kaniya. "Open your eyes." Sinunod ni Winter ang sinabi ko at binaba niya ang panyo. Nag-adjust pa ang mata niya sa liwanag at kasabay noon ay ang pagsigaw at pagbati nila kay Winter. "Happy birthday, Winter!" Sunod nilang ginawa ay pinaputok ang confetti. Naghiyawan na sila. Nagitla pa nga si Winter sa ingay na ginawa nito. Pinanood ko ang pagbabago ng reaksyon ni Winter na mula sa panlalaki ng mata ay umikit ang malawak na ngiti sa kaniyang labi. Sinilip niya pa ako sandali. "Happy birthday." Sambit ko sa kaniya. "Thank you." She replied in teary eyes. Niyakap niya muna ako saglit bago siya mabilis na tumakbo sa kaniyang Daddy at sinalubong naman agad ni Will ng yakap si Winter. Nagsitalunan na ang mga bata at pinuno ng pagbati ang classmate nilang si Winter. Napuno ng galak ang puso ko nang makita ang saya sa mukha ni Winter habang pinapasalamatan 'yung mga kaklase at magulang ng mga ito. Tumulong ako sa pag-aasikaso sa pagkain ng mga bisita. Tinatanong ko kung ayos lang ba sila o may iba silang kailangan. Tuwang tuwa pa nga si Winter lalo na sa bigayan ng regalo. Lahat ng bisita niya ay may regalo para sa kaniya. Halos mapunit na nga ata ang labi niya sa lawak ng ngiti. I could clearly see that she enjoyed the party. Kahit nga hanggang matapos ang party at magsiuwian na ang mga bisita ay ang hyper pa rin niya. Nasa sala kami habang abala siya sa pagbukas ng mga regalo na natanggap niya. Katabi niya lamang ako at masayang pinapanood siya. Manghang-mangha siya sa mga natanggap niya. "Happy ka?" Tanong ko sa batang paslit. Masayang tumango si Winter. "Hmm. I'm so happy." Niyakap niya ako ulit. "Thank you po." "'Wag ka sa'kin magthank you. Say thanks to your Dad." I told her. Sa sobrang gigil ko ay kinurot ko ang pisngi niya. "May naghahanap ba sa'kin?" Bungad ni Will nang makapasok mula sa front door. Hinatid niya kasi 'yung mga caterer sa labas ng bahay. Tumayo naman agad si Winter saka tumakbo sa kaniyang ama. Binuhat naman kaagad siya nito saka lumapit sa pwesto ko at umupo sa tabi ko. "Care to tell me ano nararamdaman mo ngayon?" Tanong niya sa kaniyang anak na pinaupo ito sa kaniyang tabi, sa pagitan namin. "I'm so very happy, Dad! Thank you so much!" Niyakap niya ang kaniyang ama. "You're welcome, sweetie." He kissed the side of her head. "Nabuksan mo na ba lahat ng regalo mo?" She happily nodded. "Hmm." "Nagustuhan mo ba lahat?" "Opo." "Kaso may hindi ka pa nabubuksan e." Kumunot ang noo ni Winter saka sumilip sa akin. "Nabuksan na po natin lahat diba po, Ate Khai." Pinigilan ko ang sarili na mapangiti. "Tingin ko may hindi ka pa nabubuksan." Mahiwaga kong tugon. Sinilip niya pa ang mga nakakalat na wrapper sa may center table. "Nabuksan na po e." "Meron pa." I told her. Tumayo si Will at nagtungo sa taas para kunin ang huling regalo ni Winter. "Close mo eyes mo dali." Sabi ko sa kaniya. Kahit gulong gulo ay tinakpan niya pa rin ang kaniyang mata. "Ano po ba 'yun, Ate Khai? Nabuksan na po natin lahat diba?" Hindi ako nagsalita. Nang bumaba si Will ay dala niya na ang cage kung saan naroon ang regalo niya para sa kaniyang anak. Maingat siyang naglakad palapit sa amin at inilapag sa sahig ang cage. "Winter anak." Tawag ni Will kay Winter habang nakaluhod ito sa kaniyang harap. "I have a gift for you. Open your eyes na." Tinanggal na ni Winter ang kamay niya na nakatakip sa kaniyang mata. Kumurap kurap pa siya kay Will hanggang sa mapansin niya ang nasa harapan niya. Binuksan ni Will ang kulungan. "Wanna take a look?" Will said. Bumaba naman si Winter at saka sinilip kung anong meron sa cage. Nang makita niya kung anong meron dito ay natulala siya. "Dad, it's a puppy." She said to her Dad. Halatang nagtataka pa siya. "Is it for me?" Tumango si Will saka maingat na nilabas ang tuta at ipinakita kay Winter. "Yeah. She's your puppy now." Ang tagal pa bago magsalita ulit ni Winter. "Dad." Mahinang sambit ni Winter. Bakas ang pangamba sa tono ng boses nito nang pagmasdan niya ang tuta. "Do you like her?" Tanong ni Will. "I-I like her." Tumingin siya sa kaniyang ama. "But I can't have her." Malungkot ang boses na dagdag nito. Ipinagtaka ni Will ang reaksyon ng anak niya dahil taliwas ito sa kaniyang inaasahan. Kung kanina ay tuwang tuwa si Winter sa mga regalong nabuksan niya kanina, ngayon naman ay ibang iba ito sa kaninang reaksyon niya. Pinanood lang namin ni Winter nang lisanin niya ang sala saka umakyat sa taas. Bumaba ang tingin ni Will sa hawak niyang tuta na walang kaalam alam sa nangyayari. Puno ng pagtatakang tumingin sa akin si Will saka binalik ang tingin sa tuta. "I thought she likes dog." He said to himself. Gumuhit ang lungkot sa boses at sa mga mata niya. Nasaktan din ako para sa kaniya. Inasahan niya kasi na matutuwa ang anak niya sa munting regalo niya pero hindi iyon ang nangyari. May ideya ako kung bakit ganoon ang naging reaksyon ni Winter ngunit hindi ko masabi kay William ang totoong dahilan. Napalunok muna ako bago basagin ang katahimikan. "You should talk to her." I told him.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD