31

2661 Words
His POV Mali ba ang inakala ko? May mali ba sa regalo ko? I thought she would like my idea of giving her favorite pet as a birthday present but I was wrong. Ineexpect ko pa naman na tatalon siya sa sobrang tuwa kapag ipinakita ko na sa kaniya ang tuta pero iniwan niya lang ako at nagkulong sa kwarto niya. It hurt me. It made me think that she didn't appreciate my gift. Khai told me that I should talk to her. I wondered if she knew something about this. Wala naman siyang sinasabi sa akin. Iniwan ko muna saglit ang tuta sa kaniya sa sala at mabigat ang loob na umakyat sa taas. I want to know kung bakit ganoon ang inakto ng anak ko. Hindi naman kasi siya ganito. She really do appreciate little things. Kaya nga nakakapanibago. Huminga muna ako nang malalim bago ako kumatok sa pinto ng kwarto ni Winter. I didn't hear any response from her so I knocked again. "Winter?" Inilapat ko ang tenga ko sa pinto para marinig ko ang loob ng kwarto. I tried to knock for the third time and she finally responded. "Pasok po." Binuksan ko na ang pinto saka sinilip ang loob. Nakabaluktot siya sa kama habang nakatagilid ang higa. Yakap yakap niya ang extra na unan habang ang isang binti ay nakatanday dito. Sinara ko ang pinto sa likuran ko at nagsimulang lumapit sa kama kung nasaan siya. Umupo ako sa gilid nito at pinagmasdan siya. Inabot ko ang ulo nito saka sinuklay ang buhok. "Can we talk?" It took her seconds before she decided to roll over to face me. Pansin ko ang lungkot sa mata niya nang magkatitigan kami. She nodded. Sumampa na ako sa kama. She scooted over a little so that I have space to sit next to her. Isinandal ko ang likuran ko sa headboard ng kama habang siya naman ay ginaya ang pwesto ko nang makabangon siya. Ilang minuto pa kaming tahimik. Pinapakiramdaman ko kung kailan pwede magsalita. "Did you enjoy your birthday party?" I asked. Sinilip ko siya. Nilalaro niya lamang ang daliri niya na nakapatong sa kaniyang hita. "Hmm I enjoyed it." "How's the food?" "Masarap po." Nag-isip pa ako ng pwedeng itanong kaso wala ng pumasok sa utak ko. "I can't believe na tumatanda na ang prinsesa ko." Sinilip niya ako at nakanguso siya. "Nine years old pa lang po ako. Para naman pong ang tanda tanda ko na." Natawa lamang ako nang mahina. "Oh sorry. Baby pa pala 'tong anak ko. I forgot." Sinamaan niya naman ako ng tingin. Manang mana talaga sa nanay kung makatingin e. Ginulo ko lamang ang buhok niya nang manggigil ako sa kacute-an niya. Hindi ko tuloy alam kung kailan ipapasok 'yung tungkol sa pagtanggi niya sa regalo ko. Tahimik na ulit kami. Halos marinig ko na nga ang bulungan ng hangin sa sobrang tahimik. Binasa ko pa ang nanunuyo kong labi. "T-the puppy—" Napalingon ulit ako sa anak ko nang siya na ang bumasag sa katahimikan. "S-she's cute." Matamlay akong napangiti. "Yeah. She's really cute." Dinalaw na naman kami ng katahimikan. "Winter." Tawag ko sa kaniya. "I just wanna ask, ayaw mo ba sa tuta? Or should I get you another dog?" Tinanong ko na. Mula sa pagtingin sa akin ay mabilis niyang iniwas ang kaniyang mata. Bumagsak ang atensyon niya sa kamay niya na magkahawak. I was patient to hear her response. Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi bago magsalita. "It's not that I don't like her." Mataman ko siyang tinignan. "Pwede bang ipaliwanag mo kay Daddy kung anong dahilan? Because I really thought you like dog." "I like dogs. I find them cute." Huminga siya nang malalim. "But I think I'm not capable of taking care of them." "Bakit mo naman po naisip 'yan?" Hindi siya sumagot. "Gusto ko lang maliwanagan kung bakit mo naisipan 'yan." Dugtong ko. "Because I'm still a child." Lumingon siya sa akin at napansin ko ang panunubig ng mga mata niya. "What if po pumalpak ako sa pag-aalaga sa kaniya? Sa huli, kayo rin po ang mag-aalaga." Pansin kong pinipigilan niya ang pag-iyak niya. "You're already busy at work and busy taking care of me. Ayoko pong pati pag-aalaga sa kaniya ay ipapasa ko rin po sa inyo. As much as possible, I don't want to be a burden to you." Daig ko pang tinusukan ng matalim na bagay direkta sa puso ko. Pinilit kong hindi maluha nang iiwas ko ang tingin ko sa kaniya. Ang lalim na rin ng bawat paghinga ko. Kumuha ako ng lakas para magsalita. "Winter, bakit mo naman iniisip 'yan?" Hindi ko na napigilan na may kumawalang butil ng luha sa mata ko. Ang sakit isipin na ito pala ang tumatakbo sa isip niya kaya hindi niya magawang tanggapin ang regalo ko. Bakit ba siya nag-iisip ng ganito? Pakiramdam niya pabigat siya sa akin? I don't want her to feel that. It's not my intention to make her feel that she's a burden. Kaya nga ko nagsisikap magtrabaho e, para maibigay ko ang mga bagay na gusto niya. And I really have no idea na ganito na pala ang iniisip niya. I took a deep breath before I looked at her again. "You're not a burden, okay? And you will never be a burden to me." Lumapit pa ako lalo sa kaniya saka niyakap siya. Ipinatong ko ang baba ko sa tuktok ng kaniyang ulo. Hindi na rin niya napigilan ang sarili na umiyak kaya mas lalo niyang isiniksik ang kaniyang mukha sa dibdib ko. "Huwag na huwag mong iisipin na pabigat ka sa akin 'cause you're not." Humiwalay ako ng yakap at umayos ng upo paharap sa kaniya saka hinawakan siya sa magkabilang balikat. "Ayokong mag-isip ka ng ganun, anak. Huwag mong limitahan ang sarili mo sa mga bagay na gusto mo dahil lang sa iniisip mo ang kalagayan ko. Kaya nga ko nagtatrabaho e, kasi gusto kong ibigay sa'yo lahat ng kailangan at gusto mo." Lumukot ang mukha niya nang mas lalo siyang umiyak. Basang basa na ang pisngi niya at panay na ang kaniyang hikbi. Niyakap ko ulit siya. Hinaplos ko ang kaniyang likuran para mapatahan siya. Dinudurog ang puso ko kapag nakitang umiiyak ang anak ko. "Mahal na mahal ka ni Daddy, okay. And I would do everything just to make my daughter the happiest child in the world." "Sorry po." Her voice cracked when she hugged me back. I kissed the top of her head. "Can you promise me that you'll never think of that again?" "Hmm, I promise." Naramdaman kong tumango siya kaya payak akong napangiti. "I love you, sweetie." Sumiksik pa siya sa aking dibdib. "I love you, too, Dad." All this time, ganito pala ang nararamdaman niya. I'm her father. I should have known. Ganito pala nagagawa ng kulang sa komunikasyon. If only I asked what she feel about our situation before, edi sana hindi siya nag-iisip ng mga ganito. Ang bata bata pa niya para mag-isip ng ganito. Para na rin niyang sinalo ang responsibilidad ko. Ito pala ang dahilan kung bakit hindi siya masyadong nagpapabili sa akin ng mga bagay na mamahalin o mga tipikal na pinapabili ng isang batang tulad niya. Because she thinks about me na mag-isa lang kumakayod para sa aming dalawa. She thinks about our situation. It made me also proud that for a very young age, alam niya kung paano maging responsable. Humiwalay ulit ako nang yakap at pinagmasdan ang maga ng mata ng anak ko. Gamit ang hinlalaki ko ay pinunasan ko ang basa sa kaniyang pisngi. "About the cute puppy, do you want her to stay or not?" I asked in a soothing voice. "I want her to stay," she muttered. It made me smile. Look, Autumn. Nakakaproud ang anak natin. *** "Kumusta?" Umupo ako sa tabi ni Khai sa sofa na kasalukuyang nanonood sa TV sa sala. Inihiga ko ang sarili ko saka ginawang unan ang kaniyang hita. Sinuklay niya agad ang buhok ko na siyang nagpagaan ng loob ko. Ako na ang nagpatulog kay Winter after ng masinsinan naming pag-uusap kanina. Gabi na rin kasi natapos ang party at nakapagdinner na rin naman kami galing doon sa pagkain sa caterer. "Ayos naman. We finally talked. Nalaman ko rin kung ano ang nararamdaman niya." Sagot ko sa tanong ni Khai. I started telling her what happened in our heart to heart talk with my daughter. It felt comfortable to talk to her about this. Walang wall sa pagitan namin. Malaya kong kinukwento sa kaniya lahat nang hindi nag-aalala sa kung anong iisipin o sasabihin niya. Pansin ko pa na mukhang hindi siya nagulat sa binunyag ko tungkol kay Winter. Mukhang ako pa nga ang nagulat sa sinabi niya. "Good thing nasabi na niya sa'yo." Nilapat niya ang isang kamay niya ibabaw ng aking dibdib. Kumunot ang noo ko habang nakatingala sa kaniya. "What do you mean? Alam mo?" Iniwas niya ang tingin sa akin at malinaw pa sa mata ko ang madiin niyang paglunok. Inabot ko ang pisngi niya para ibalik niya ang atensyon sa akin. "You knew?" She pursed her lips then nod her head. "Hmm." "How?" Kinagat niya ang kaniyang ibabang labi. "Noong nakausap ko siya about sa pet. She told me the exact same reason you said to me." Napanganga ako. "Mas nag-open pa siya sa'yo kaysa sa akin? Dapat na ba akong magselos?" Natawa siya saka marahan na pinisil ang pisngi ko. "Of course mas magiging open siya sa akin kaysa sa'yo. Mas madali magsabi sa tao sa kung anong nararamdaman mo lalo na kung di siya involve sa issue." I felt betrayed at some point. "Why didn't you tell me?" Ngumuso siya. Pinagdiskitahan niya ulit ang buhok ko at marahan itong sinuklay ng kaniyang daliri. "I think I'm not in the right position to tell you that. Hindi lang 'to basta chismis na ichichika ko sa'yo. We're talking about your daughter's feelings. Mas maganda na sa kaniya mismo manggaling at hindi sa akin." Natulala ako sa kaniya. Sa sagot niya pa lang ay mas lalo lang pinaalala sa akin kung bakit ko minahal ang babaeng ito. Kusang umukit ang ngiti sa labi ko. "I love you." My heart told her. She smiled and her heart replied. "I love you, too." *** Inunat unat ko ang katawan ko habang pababa ako sa hagdan. Linggo naman ngayon kaya wala akong pasok. Pagod din ang katawan ko kahapon dahil sa pag-aasikaso sa mga bisita. Inabot din 'yun ng gabi. As I walked down the stairs, my brows knitted together when I heard a giggle from my daughter and I think it came from the living room. Nang makababa ako at silipin kung anong nangyayari ay napatitig ako sa anak ko na nakikipagkulitan sa tuta habang siya ay nakahiga sa sahig. Tuwang tuwa na nakikipaglaro ang tuta sa anak ko. Napangiti agad ako habang pinapanood silang dalawa. Nagitla pa nga ako nang may tumusok sa tagiliran ko at sinilip si Khai na tumabi sa akin. "She really likes the dog," she mumbled. "Yeah." Napansin ni Winter ang presenya namin. "Daddy." Mabilis siyang tumayo saka tumakbo palapit sa akin. Hinabol pa nga siya ng tuta e at tangka pang kakagatin ang paa nito kaya humagikhik na naman ang anak ko. Hinawakan ko agad siya sa kaniyang bewang nang makalapit saka binuhat. Bumaba pa ang tingin niya sa tuta na nakatingala na sa amin. "Aga aga nakikipaglaro ka na." Sambit ko. "Siya po nakikipaglaro. Kinakagat kagat niya slippers ko." Depensa niya. I glanced at her slippers that she was wearing. Kaya naman pala. Furry ba naman. Talagang pagdidiskitahan ng aso 'yan. Natawa na lamang ako. "Nagustuhan mo siya?" Mabilis na tumango si Winter. "Hmm ang cute niya po. Ang kulit kulit." I smirked. "Parang ikaw. Pareho kayong makulit." Ngumuso na lang siya. "I'm glad you like her." "Thank you po." "You're welcome." I kissed her cheek. "Anything for my favorite season." Isinandal ko ang noo ko sa kaniya and she giggled when I tried to rubbed my nose on hers. *** Her POV Nakakagaan ng pakiramdam sila tignan. Sobrang saya ko na malamang nagawa rin masabi ni Winter ang saloobin niya sa kaniyang ama. Makikita kay Winter na wala na itong dinadala sa loob. "Ano na pangalan niya?" Tanong ni Will sa anak niya nang maibaba na ito. Pareho na tuloy kaming tatlo na nakatingin sa cute na tuta na kinakamot ng paa ang tenga nito. Ang cute! "Sunny." Masiglang tugon ni Winter. "Sunny?" Takang tanong ni Will. Tumango-tango si Winter. "Her name is sunny. I named her that because she's like a ball of sunshine." Pareho kaming napangiti ni Will. "I see. Hello, Sunny." Bumaba pa si Will at inilahad ang kaniyang kamay sa aso. Mabilis namang lumapit si Sunny at tuwang tuwa pa na tinanggap ang pagpet ni Will sa ulo nito. Sinilip niya saglit si Winter. "I'll buy her personalized dog collar." "Really?" Ang taas pa ng tono ng pagkakasabi ni Winter. "Yup." "Thank you!" She hugged his Dad tightly. Nagtungo na kami sa dining table para makapagsimula na ng breakfast. Sumabay na nga rin 'yung tuta sa almusal namin. Kahit nga naubos na nito ang dog food ay lumapit pa ito sa amin. Si Winter naman ay panay bigay ng tinapay sa tuta sa ilalim ng mesa. Sinaway na nga ni William ang anak niya. Baka kasi lumobo 'yung tuta! Napailing na lamang ako habang nakangiti. Day off ngayon ni Will at nasa may labas siya, nililinis ang kotse niya kaya naman naiwan kami ni Winter sa sala at nilalaro ang tuta. Ang sakit na nga ng panga ko e dahil kanina pa ako nakangiti sa kanilang dalawa. Paano ba naman? Itong tuta ay panay habol kay Winter dahil sa suot nitong tsinelas na mabalahibo. Kinakagat kagat kasi 'yun ni Sunny. Halos pareho na nga sila hingalin nang umupo si Winter sa tabi ko, kalong niya ang tuta sa kaniyang hita. "Ate Khai," tawag niya sa akin. "Hmm?" "May narinig ka po bang kakaiba kagabi?" "Huh? Na ano?" "Tunog po ng umiiyak ganon?" Tiningala niya ako. Bigla tuloy akong nakaramdam na malamig na simoy ng hangin kahit na nakasara naman ang bintana. Nagsitaasan pa ang balahibo ko sa tanong niya. Umiiyak? Ha? "W-what do you mean?" Kabadong tanong ko. Winter naman! Tinatakot ba ako nito? M-may multo ba dito? Binalik niya ang tingin sa aso na umiidlip na sa kaniyang hita. Idinampi niya ang daliri niya rito. She traced Sunny's body. "Tuwing birthday ko po kasi, palagi ko pong naririnig na may umiiyak sa kwarto ni Dad. Nakasanayan ko na po na pinapakinggan ang pinto niya sa gabi. Then the next morning, mapapansin ko na lang po na maga na mata ni Dad. Kahit hindi niya po sabihin, alam ko po na malungkot siya." I tried to process every words she said until I realized what she meant. "But today, this was the very first time I saw his face without any trace of sadness in his eyes." Dugtong ni Winter. Napatitig lamang ako sa kaniya. Kagabi, wala naman akong narinig na umiyak sa kwarto ni Will dahil ang taong tinutukoy niya ay katabi ko mismo sa kama. Kayakap ko matulog. Napaisip tuloy ako. Kung ganoon, umiiyak siya sa tuwing kaarawan ng anak niya sa kadahilanan na iyon din ang araw ng pagkawala ng asawa niya. Pero iba ang taon na ito. Tulad ng sabi ni Winter, ito ang unang beses na hindi niya narinig na umiyak ang ama niya. I don't want to make an assumption but... Is it because of me? "I have a dog and finally I didn't hear my Dad cry in the middle of night right on my birthday." Lumingon si Winter sa akin na may malawak na ngiti. Like the dog on his lap, she's like a ray of sunshine that always have a bright smile. "I think I'm the happiest girl in the world, Ate Khai! Best birthday gift ever."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD