Her POV
"Huh?"
It was my first time seeing a person expressed different kinds of expressions at the same time. He was surprised, flushed, and flustered when he looked back at me. Why would he show me that kind of face? May mali ba sa tanong ko? May nakita lang naman kasi akong natirang isang cookie sa platito sa may mesa kaya tinanong ko kung masarap ba.
"P-pύke?" Dagdag na niya pang tanong. Naubo ko agad 'yung nginunguya kong sandwich. Sinuntok ko pa ang dibdib ko nang mabulunan ako dahil sa sinabi niya. Sh#t tubig. Mabuti na lamang ay may bottled water sa may maliit na mesa kung nasaan kami kaya mabilis ko iyon inabot saka tinungga ang laman nito.
T#ngina ni William. Anong pύke?! Ramdam ko tuloy na biglang uminit ang pisngi ko nang marinig ang salitang iyon mula sa bibig niya. Bastos mo naman, Sir! Anong pύke pinagsasabi nito?
"Anong sabi mo?!" I asked him. Now we both have the same expression. Surprised, flushed, and flustered. And for heaven's sake, why am I even blushing? May nakakakilig ba sa sinabi niya?
Kumurap-kurap pa siya saka umiwas ng tingin. He looked embarrassed now. "A-ano ba ulit tanong mo? Sorry. Hindi ko kasi narinig nang ayos." He stuttered.
"Ang sabi ko, kung masarap ba cookie ko." Pinagsasabi nito ni Sir? Napabuga ako ng hangin then looked at him in disbelief. "Umamin ka nga? Inakala mo ba na pύke 'yung sinabi ko kahit na cookie naman 'yun?"
HIndi siya nakasagot. Ano bang nasa isip ng lalaking 'to para 'yun ang marinig niya. Ang ganda ganda naman ng pronunciation ko. Coo-kie. Coooooooo-kie. Sige nga. Paano naging P 'yan, William? Porke hindi ko lang nilagyan ng -s. Ganyan ka ba katigang ha para 'yan ang pumasok sa isip mo? Ako lang dapat ang tigang dito, Sir. Jusme, William. Nang silipin niya ako ay pabiro kong niyakap ang sarili ko para asarin siya. Ewan ko, parang trip ko lang siyang asarin. I acted as if I'm trying to protect myself from him. The moment he saw me hugging myself, umiwas siya ng tingin ulit.
"'Wag ka mag-alala, okay. Wala akong balak sa'yo. I just," humugot siya ng malalim na buntong hininga. "Sorry. I just misheard it. And I also I have no intention of harassing you. Magpapalinis na siguro ako ng tenga." Seryosong sambit niya.
Hala siya, nagseryoso naman na. "Alam ko. Binibiro ka lang. Alam ko naman na mabait ka. And yeah, you should better clean your ears para naman hindi kung ano ano ang naririnig mo."
Kita kong nabunutan siya ng tinik sa sinabi ko. Ang seryoso naman nito sa buhay. Wala kang humor, Sir?
"Again, sorry." Ulit niya pa.
Naguilty naman tuloy ako na ginatungan ko pa ang embarassment niya. "Anyway, balik sa tanong, masarap ba 'yung cookies?" I intentionally emphasized that word para naman hindi na kung ano ano ang marinig niya. Nahagip pa ng mata ko ang kaunting pagngisi ng labi niya.
"Yeah, masarap. Masarap 'yung cookies mo." Natawa ako sa loob ko nang gayahin niya ang pagdiin sa salitang 'yun. Mukhang takot na siyang magkamali.
And I took that opportunity.
"Oh okay. Gusto mo ba ulit ng cookies ko?" Pinigilan ko ang sarili na matawa at kinagat ang ibabang labi dahil sa kakaulit ng cookies cookies na 'yan. Mahina rin siyang natawa saka umiling sa kalokohan ko.
"Stop it, Khai. Oo na nagets ko na. And yes, I would love to have cookies again." Pagsuko niya.
"Oki."
Umayos na lamang ako ng upo. Kung titignan, mukhang wala naman akong dapat ikabahala. Kanina kasi talaga, noong nagising ako na nakapatong sa kaniya, grabe 'yung mura ko sa sarili ko. Anong karapatan ko na makatulog sa yakap niya habang nakapatong sa kaniya? Halos iumpog ko 'yung sarili ko sa pader. Mabuti na lang talaga ay nauna ako ng gising sa kaniya. Tingin ko wala siyang maalala sa nangyari kagabi. Kinabahan kasi ako na baka magtanong siya. Pero sa kalasingan niya kagabi, ligtas siguro ako. If ever na magtanong man siya kung anong nangyari kagabi, I'll tell him everything, but not the part where he pulled me and we slept together in an awkward position. Awkward kasi wala namang namamagitan sa amin.
Pinagmasdan ko lamang ang garden sa harap namin. In fairness, ang lago ng mga halaman niya rito sa front yard. Anong oras niya kaya dinidiligan 'to? Hindi ko naman kasi napapansin. Padilig nga rin ako, Sir! Char!
Kakagat na sana ako ng sandwich nang marinig ko ulit siyang magsalita. "May ideya ka ba kung paano ako nakauwi kagabi?"
I froze, and I couldn't determine if I froze figuratively or literally. Naiwang nakakagat sa bibig ko 'yung sandwich saka mukhang guilty na tumingin sa kaniya. Sa mga segundong iyon ay nakalimutan kong huminga. Ito na nga ba ang sinasabi ko. Jusko, Lord.
"Ha?" Calm, Khai. Tell him the truth, but not the whole truth. "Aah. Hinatid ka nung kaibigan mo ata dito sa bahay."
"Hmm sila Mark," sang-ayon niya sabay tango. "And then?"
Anong and then? Ang tinanong mo lang kung paano ka nakauwi. Malala na ba ang reading comprehension ko sa tanong niya? Why is he asking for more details?
"'Yun lang. Tapos humiga ka sa sofa." Siningkitan niya ako ng mata. Not even sure kung ganyan lang siya kasi inaalala niya ang nangyari o marahil pinagdududahan niya ang sagot ko.
"Then?"
I bit the inside of my cheek as I tried to compose and sort out the words I'm going to say. "Sumuka ka sa banyo."
Gusto ko ng umalis sa kinauupuan ko ngayon. Daig ko pang nasa hot seat. Tigil na kasi sa pagtanong, William. "Did I perhaps went to my room by myself and change my clothes on my own?" Hindi sigurado niyang tanong.
Hindi agad ako nakasagot. Should I lie? "Yeah?" I answered hesitantly. Mali, dapat sure. "I mean yeah. Yes. Nagpalit ka ng damit." I lied. I mean, hindi naman sa nagsinungaling ako. May part sa sinabi niya ang totoo. He changed his clothes on his own. And he need an assistance that night since he's drunk and I just happened to be there. It's called being helpful. Yes. Tama tama.
"I see. Pero bakit nasa sofa pa rin ako noong nagising ako kung pumunta naman pala ako ng kwarto? Hindi ba dapat natulog na lang ako sa kama? Why would I bother to go downstairs and choose to sleep in the living room if I'm already in my own room?"
BECAUSE YOU'RE DRUNK! Pwede bang iyon na lang ang isipin mo? Ang talino naman ng hayop na 'to. Mas lalo mo lang ako pinapahirapan e. William naman.
"M-malay ko. Baka naisipan mong mas presko matulog sa sofa." I awkwardly smiled.
I heard a chuckle then he kept his lips pressed to together tightly to stop him from... laughing? "I see." He cleared his throat before he continued. "Panaginip ko lang siguro na may kayakap ako kagabi na nakapatong sa'kin." He mumbled but we were close which made it possible for me to hear it.
Madiin akong napalunok saka mabilis na sinalpak sa bunganga ko ang natitirang sandwich saka tumayo na halos ikatumba ko pa. Humarap ako sa kaniya saka marahas na yumuko. "Matutulog na po ako! Inaantok na rin ako."
Hindi ko na hinintay ang sagot niya at mabilis na tumalikod, malalaki ang hakbang na nagtungo sa pinto. Bago pa ako makapasok sa loob ay narinig ko pa ang sagot niya. "Yes, ma'am, yes."
What the f#ck? What the f#ck? Pabagsak kong sinara 'yung pinto sa kwarto saka sumandal doon. Hinawakan ko ang puso ko na sobrang bilis ng t***k. Calm yourself, Khaila. Siya na ang nagsabi, he thought it was just a dream. In fact, he never mentioned na ako ang kayakap niya sa panaginip niya. It must be someone. Or maybe he thought it was his wife since 'yun naman ang lumabas sa bibig niya noong umiyak siya habang kayakap ako. Jusko. Kung hindi pa ako nakaalis doon ay baka malaman niya pa ang totoo.
At saka teka nga. Bakit parang ang laking kasalanan naman kung malaman niya ang totoo? Wala naman akong ginawang masama ah? Pasalamat pa nga siya kasi tinulungan ko siya nung nalasing siya. Kinamot ko ang ulo ko sa inis bago pabagsak na tumalon sa kama. Kailangan ko ng kalimutan iyon tutal inakala naman na niyang panaginip lang iyon.
I should definitely erase it from my mind. And permanently delete it in my memories.
***
Weeks passed by, I was relieved that he never brought it up. Thank goodness. Nakalimutan na rin niya siguro lalo na't busy din sa work. Nasa room ako ni Winter habang tinutulungan ko siya sa pagsagot ng homework niya. Iba ka talaga, Khaila. Masyado ko naman atang kinareer ang pagiging all around yaya. Ngayon ay sumasideline na akong tutor niya.
"Ganito po ba?" Tanong ni Winter saka pinabasa sa akin ang sagot niya.
"Yes, baby. Tama 'yan." Pareho kaming nakaindian sit dahil nakaupo kami sa may sahig kung saan may maliit na round table. Nilagyan lang namin ng unan ang inuupuan namin para naman hindi masakit sa pwet.
We were in the middle of the session nang mag-ingay ang phone ko. Sandali pang nadistract si Winter saka tumingin sa akin ngunit binalik din kaagad ang atensyon niya sa pagsagot nang kunin ko ang phone sa bulsa ng short ko.
It was ate Vien who's calling. "Sandali lang Winter ha. Sagutin ko lang 'to." Paalam ko sa kaniya bago ako lumabas ng kwarto. Nilapat ko sa tenga ko ang phone nang sagutin ang tawag nito. "Hello, Ate."
"Hello, bunso. Musta ka na?"
Sumandal ako sa pader, ang isang paa ay inangat at isinandal ko rin. "Ayos naman po. Kayo po, ayos lang dyan?" Tanong ko. Napaldahan ko na sila ng pera noong sumweldo ako. Awtomatiko naman kasi akong nagpapadala ng pera kahit ayaw niya dahil alam ko naman kasing ginigipit sila ng asawa niya. Tipong hindi siya binibigyan masyado ng budget sa bahay nila tapos isusugal lang ang pera.
"Ayos lang din. Salamat pala sa pinadala mo."
Mapait akong ngumiti. "Wala po iyon. Make sure na nakakakain kayo ng maayos dyan ha."
"Hmm." May kung anong lungkot sa boses niya.
"May problema ba?" Tanong ko.
"Wala ah. Gusto lang kitang kumustahin. Nakakakain ka ba ng ayos dyan?"
"Ate Vien, sabihin mo na po sa'kin. Alam kong may problema kaya sabihin mo na." Sa tagal kong nakasama siya ay kilala ko na ang bawat pagbuntong hininga niya o tono ng boses niya. Sa oras na 'to, alam kong may problema.
Humugot ulit siya ng malalim na buntong hininga. "Ayoko sanang sabihin... E kasi, nalaman ni Rowell na nagpapadala ka ng pera sa'kin." Panimula niya na siyang nagpahigpit ng hawak ko sa phone. "Hindi ko kasi pinapaalam sa kaniya pero noong nakaraan lang nalaman niyang may pera akong tinatago galing sa'yo. Ginamit niya 'yung pera na 'yun para ipang-sugal niya." Nagbaga ang ngipin ko sa nalaman ko. Gusto kong pagmumurahin ang asawa niya sa galit ko ngunit pinigilan ko ang sarili ko para marinig pa ang hinaing ng kapatid ko.
"Kakapalan ko na ang mukha ko, Khai. Ayos lang ba kung magpadala ka ulit ng pera? Kinapos kasi kami ng pera rito at hindi ko alam kung saan ako kukuha ng pera. Nalaman ko kasi na nagkautang pala si Rowell ng malaki kakasugal niya kaya imbes na gamitin 'yung pera para ibayad dito sa bahay... wala kaming nagawa kung hindi ibayad 'yun sa mga pinagkakautangan niya." Rinig ko ang paghikbi niya mula sa kabilang linya. "Pero kulang pa rin 'yung pera. Ayaw ko sanang ipaalam sa'yo pero wala na akong matakbuhan. Kailangan na naming mabayaran iyon dahil kung hindi—" Umiyak na siya. "Baka mapilitan kaming ibenta itong bahay. Hindi ko alam kung saan kami pupulutin nito." Halos manghina ako sa sinabi niya kaya napaupo na lamang ako sa sahig.
Kinagat ko ang dulo ng hinlalaki ko at pinigilan ang luha na nagbabadyang tumulo. "Magkano po ba kailangan niyo?"
"Kahit magkano. Kung ano lang kaya mo."
"Ate, hindi ko malalaman kung magkano ang ibibigay ko sa'yo kung hindi mo sasabihin."
Ilang segundo pa ang lumipas bago niya ako sagutin. "30,000."
Tila ba binagsakan ako ng malalaking bato sa balikat ko nang malaman kung gaano kalaki ang halaga na kailangan nila. T#ngina, nanggigil ako sa asawa niya at halos gilitan ko na ito sa leeg sa isip ko pero nangingibabaw ang awa ko sa kapatid ko. Nadadamay sila sa kag#guhan ng asawa niya.
Kailangan niya ng ganoong kalaking halaga sa madaling panahon. Saan naman ako kukuha noon? Ilang buwan kong pagtatrabahuan iyon para makahawak ng ganoong kalaking pera.
"Bakit ba kasi hindi na lang kayo umalis sa poder niya? Edi sana hindi kayo namomoblema ng ganyan." I snapped.
"Alam mo namang hindi pwede diba? Ayokong lumaki ang anak ko na hindi buo ang pamilya niya."
"Buo nga kayo pero sirang sira naman ang relasyon niyo. Buo nga kayo pero baon naman kayo sa utang. Anong magagawa ng buo niyong pamilya kung wala naman kwenta ang asawa mo? Kung ginugutom niya lang kayo ng anak niyo!" Galit na bato ko sa kaniya.
Hindi ko talaga maintindihan kung saan niya pinanghuhugutan ang dahilan na iyan. Ang dali lang naman na iwan 'yung asawa niya. Masyado niyang pinanghahawakan ang salitang 'pamilya' e kahit kailan naman ay hindi ko iyon naramdaman sa kanila. Kahit kailan hindi ko nakitang nagmalasakit ang asawa niya sa kaniya. Ayokong saktan ang kapatid ko pero hindi ko na napigilan ang sarili ko. Sawang sawa na akong marinig ang dahilan niya. Masyado niyang pinanghahawakan ang isang bagay na kahit kailan ay wala naman sila. Oo buo ang pamilya nila, pero aanhin mo ang isang pamilya kung sa loob nito ay wasak na.
"Hindi mo kasi naiintindihan kasi wala ka naman sa posisyon ko. Saka mo lang ako maiintindihan kapag nag-asawa ka na." Gigil na bato niya rin sa akin.
"Alam mo ate, sa sinasabi mong 'yan, mas lalo mo lang akong binigyan ng dahilan para hindi bumuo ng sarili kong pamilya. At isa pa, kung mag-aasawa man ako, hinding hindi ako magiging katulad mo. Hindi ako mag-istay sa isang tao na kahit kailan ay hindi naman ako binigyang halaga!" Pumiyok pa ako sa tindi ng pagsigaw ko.
"Alam mo, kalimutan mo na ang sinabi ko! Hindi ko kailangan ng tulong mo. Salamat na lang." Napasabunot ako sa buhok ko. Ang akala ko ay ibababa na niya ang tawag ngunit may huli pa siyang sinabi. "'Wag ka ng mag-abala pang magpadala. Kalimutan mo na rin na may kapatid ka."
Napapikit ako saka niyakap ang tuhod ko nang tuluyan na nga niyang ibaba ang tawag. Tuluyan na ngang tumulo ang luha sa mga mata ko habang nakasubsob ang mukha ko sa aking tuhod. Hinayaan ko na lamang na bumagsak ang phone ko sa sahig. Hindi ko naman kasi sinasadya na bitawan ang mga salitang iyon pero kasi... nakakainis kasi. Ano bang pinakain sa kaniya ng asawa niya para hindi niya ito iwan? Bakit ba kasi sobrang halaga sa kaniya 'yang pamilya na 'yan? Ano, magtitiis na lang siya habang buhay sa panggag#go ng asawa niya para lang masabi na buo ang pamilya nila?
This is one of the reasons why I don't commit myself to anyone. Oo lumalandi ako pero kahit kailan ay hindi ko tinali ang sarili ko sa kahit na sino. I had flings, but I never had a boyfriend. Ayaw kong pumasok sa seryosong relasyon. Ayoko ang salitang pamilya. Ayokong pumasok sa isang bagay na may posibilidad na magdala sa akin sa salitang iyon. Ayoko ng responsibilidad. Ayokong magaya sa ate ko na nakulong sa relasyong matagal ng hindi masaya.
Habang nahikbi ay may naramdaman akong malamig na dumampi sa balat sa may braso ko na nakayakap pa rin sa tuhod ko. Dahan dahan kong inangat ang tingin ko. Bumungad sa akin ang nag-aalalang mukha ni Will na pinagmamasdan ang mukha kong puno ng luha. Lumipat ang tingin ko sa bottled juice na hawak niya.
"Juice?" Alok niya.
Pinunasan ko agad ang luha ko sa mukha ko saka tumayo matapos damputin ang phone ko na nasa sahig. Sumunod din siya sa akin. Inilahad niya ang juice na hawak niya kaya kinuha ko iyon. "Thanks." Hindi ako makatingin ng diretso sa kaniya. "Iwan na kita. Tuturuan ko pa anak mo." Sininghot ko pa ang namuong tubig sa loob ng ilong ko. Aalis na sana ako ngunit hinawakan niya ang palapulsuhan ko dahilan para bumalik ang tingin ko sa kaniya.
"Go to your room and take a rest. Ako na ang bahala kay Winter."
Wala akong lakas para makipagdebate sa kaniya kaya naman sinunod ko siya at nagtungo na lamang sa kwarto ko. Sa apat na sulok na ito, dito ko tinuloy ang pag-iyak ko.
Maga ang mata na lumabas ako ng kwarto. Dinner na kaya kailangan ko ng magluto. Gusto ko sanang matulog na lang kaso may trabaho pa ako. Pagdating ko sa kusina ay napahinto ako nang mapansin si Will na nakaapron, abala sa nilulutong pagkain sa stove. Anong ginagawa niya? Ako dapat ang nariyan.
"Anong ginagawa mo?" Tanong ko.
"Nagluluto?" He answered, as a matter of fact.
"Ako na dyan. Sana tinawag mo na lang ako, hindi 'yung ikaw 'yung nagluluto rito." Aagawin ko sana sa kaniya 'yung sandok ngunit inilayo niya ito sa akin. Tinabi niya iyon saka hinawakan ako sa magkabilang balikat para paikutin.
"You stay there." Tinulak niya ako papuntang dining table at pinilit na pinaupo. "And I'll do the kitchen."
"William, ano ba?" May halos inis ang pagkakasabi ko.
"Magiging pangit daw lasa ng pagkain kapag galing sa pag-iyak 'yung magluluto." Komento niya. Nakatitig lamang ako sa kaniya. Hindi ako sigurado kung nagbibiro ba siya o ano. Nang mapansin niya na wala akong reaksyon ay napakamot siya sa batok niya. "Day off mo ngayon at bukas. Ako munang bahala sa lahat."
"Hindi ako magde-day off." May diin kong sagot.
"Winter is giving you day off."
"'Wag mong gamitin ang anak mo sa kagustuhan mo." Hindi na ako nag-isip nang isagot ko iyon. Kusa na lamang lumabas sa bibig ko. Napansin ko ang pagbabago sa ekspresyon niya. He didn't expect to hear it from me. He looked hurt. Doon ako natauhan saka umiwas ng tingin. "Sorry. Hindi ko sina— I'm sorry... Sir."
He cleared his throat para mabawasan ang tensyon sa pagitan namin. Ang awkward na tuloy. "It's okay. I'm sorry din. Hindi ko dapat idamay ang anak ko sa gusto ko. But I'm serious when I said you should take a day off tomorrow."
Pinagmasdan ko ang mga mata niya. He was so adamant about it kaya hindi na ako nakipagtalo. Maybe I needed a break. Dumating na si Winter kaya naman wala ng salitang lumabas sa amin. Ako pa sana ang maghuhugas ng pinagkainan namin ngunit bago pa ako makalapit sa lababo ay inunahan niya na ako. Wala siyang sinabi. Kinuha lang niya ang sponge at nagsimulang maghugas. Hindi na ako nakipagtalo sa kaniya kaya naman umakyat na ako sa taas para matulog... I mean, para mag-overthink.
Nakalimutan ko pa nga na patayin ang alarm ko kaya nagising ako sa ingay nito. Hindi naman na ako makabalik sa pagtulog kaya naisipan ko na lang na bumaba at gumawa ng breakfast. Wala naman sigurong masama kung magluto ako kahit pa sinabihan niya akong day off ko. At isa pa, wala naman akong ibang pupuntahan kung day off ko nga. Kaso pagdating ko ulit ng kusina ay naabutan ko si Will na nagpiprito ng itlog.
"Day off mo ngayon ah. Bakit ang aga mo magising?" Tanong niya nang masilip ako.
Pumwesto ako sa may dining table saka nangalumbaba. "I forgot to turn off my alarm."
"I see." Pinanood ko ang likuran niya.
Wala man lang akong naramdaman na inis sa boses niya. Hindi ba siya galit sa'kin sa pagpatol ko sa kaniya kagabi? Alam ko naman kasi na mali ang sinabi ko. I shouldn't have said that. Kaso nadala lamang ako ng emosyon ko.
"Sorry pala tungkol sa kagabi. Hindi ko dapat sinabi 'yun." I told him.
Sumilip siya sa akin bago ako nginitian. "Like I said, it's fine. Don't worry." He mean it, I could feel.
Kinagat ko ang ibabang labi ko habang pinag-iisipan kung itutuloy ko ba ang sasabihin ko. Pinag-isipan ko ito kagabi. Kahit naman laking galit ko sa ate ko dahil sa pananaw niya sa buhay ay hindi ko kayang isawalang bahala na lamang na nasa ganoon silang sitwasyon. Nag-aalala ako sa kaniya at sa pamangkin ko.
"Sir Will," tawag ko sa kaniya.
"Hmm?" Tanong niya nang hindi ako nililingon, abala sa pagluto ng fried rice.
Humugot ako ng lakas ng loob para humingi ng pabor. "Ayos lang po ba kung bumale ako?"
Doon siya napalingon sa akin, bahagyang nakakunot ang noo. "Magkano ba?"
I gulped. Should I say this? "Okay lang ba kung 30k?"
"F#ck." Napadaing siya nang mapaso sa niluluto niya. Nagpunta agad siya lababo, binuksan niya ang gripo saka itinapat sa tubig ang kamay niya na napaso. Dapat ata hindi ko na sinabi. Ang laki naman kasi ng halaga. Malay ba niya kung pagkakatiwalaan niya ako. Kung ako naman ang nasa posisyon niya, baka pagdudahan ko 'yung tao at isipin na itatakbo lang nito ang pera at baka hindi na magpakita pa. "Is it okay if I give you the money after work? Iwiwithdraw ko pa kasi. Kailangan mo na ba now?"
Para akong nabingi ng ilang segundo nang marinig ko ang tugon niya. Umangat ulit ang tingin ko sa kaniya, tulala. May kung anong gumuhit sa puso ko at nagbadya na naman na tumulo ang luha sa mata ko. Daig ko pang natunaw sa kinauupuan ko. I slowly nodded. "Hmm. Ayos lang kung mamaya. Don't worry. Pagtatrabahuan ko 'yan nang maayos. Hindi kita tatakasan promise."
Wala na akong pake kung ilang taon akong hindi sumweldo at maging yaya ng anak niya. Kahit habang buhay pa 'yan ay wala na akong pake. Ang tanging iniisip ko na lamang ngayon ay mapadalhan si Ate ng pera na kailangan niya.
Umikit ang ngiti sa labi niya. "I know."
"Thank you." Sambit ko. "Dahil dyan, hindi ako magdeday off."
Dinig ko ang mahina niyang pagtawa nang ilipat niya ang sinangag sa bowl. "Magday off ka, but do me a favor kung ayos lang."
"Ano muna 'yun? Sabihin mo muna bago ako pumayag. Baka kasi pakainin mo ako ng bubog. Kahit gaano pa kalaki ang utang na loob ko sa'yo, hindi ko isasaalang-alang ang lalamunan ko. Pangarap ko pa naman maging singer." I tried to joke to lighten up the mood na siyang ikinatawa at ikinailing niya.
"My friend gave me a wine. Nainom ka ba non?"
"Hindi pa po ako nakakainom non." Pag-amin ko.
"Gusto mo tikman?"
Nagdalawang isip pa ako. Nainom naman ako ng alak kaya wala naman sigurong masama kung iinom ako nun. "Sige."
"Okay. Let's drink tonight." Inilapag niya ang mga niluto niya sa mesa. "Alcohol can also be a stress reliever. Once in a while, masarap uminom kapag may problema. But we just have to remember to always drink moderately."
"Ay wow may pa-ads si Sir. Endorser ka ba ng alak?" Komento ko na siyang ikinatawa niya.
"Kain ka na. Tawagin ko lang si Winter." He said before he left me in the kitchen.
Pinagmasdan ko ang mga niluto niya. Gumaan talaga ang pakiramdam ako lalo na nang makakuha ako ng solusyon sa problema ni Ate. It felt like something heavy on my shoulder has been lifted up. At dahil iyon sa lalaking nagluto nitong scrambled egg na may nakadrawing na smiley face gamit ang ketchup. It made me smile. I'm so thankful to have him as my boss.